HAWAK ng kanang kamay ni Jahann ang kamay ko na nakakawit sa kaliwang bisig niya habang naglalakad kaming dalawa pababa sa bakuran ng bahay ni Lola kung saan naroon ang mga bisita. Hinihintay naman kami nila Theon at Aly para sabay-sabay kaming tutungo roon.
“Relax, hawak kita. I won’t let you trip,” mahinang utas ni Jahann. Nilingon ko siya at nakita kong may munting ngiti na naglalaro sa mga labi niya.
“Easy for you to say,” sagot ko naman.
Pinisil niya ang kamay ko at nagbaba ng tingin sa akin. “Just tell me if you want to run away. I’m very much willing to go with you,” seryosong sabi nito. Napatitig ako sa mukha niya.
I missed being with him.
Ngumiti siya sa akin at tila bumara na sa lalamunan ko ang puso ko.
“You’re still creepy, Creep…”
“Guys, let’s go na!” boses ni Aly ang nagpaiwas ng tingin ko mula kay Jahann.
“Alright,” sabi naman ni Jahann bago inakay na ako papalapit kina Aly. Ngumiti si Aly sa akin bago naglakad papalabas ng bahay.
Malakas ang tibok ng puso ko, pero katulad noong debut namin noong nakaraang taon, hindi ako natatakot. Maybe because of the man beside me. Noong debut namin ni Aly, akala ko ay mahihimatay ako sa kaba dahil hindi pa man nagsisimula ay napakarami na agad na nagkikislapang flash ng camera ang nakikita ko. My mom said I should get used to it but I just can’t. Noong pinilit akong magmodel ay si Jahann pa ang naging photographer ko. Kahit pa hindi pa siya pinapayagan ni Tito Dale na gawin iyon at nag-aassisst pa lang talaga siya, wala itong nagawa dahil hindi ko talaga magawa ang gusto nila kung hindi si Jahann ang nasa likod ng camera.
Paglabas namin ay sinalubong naman kaagad kami ng mga nagkikislapang camera. Biglang gusto kong itanong kay Aly kung paano naging simple ang pagdiriwang na iyon tulad ng sinabi niya sa akin na sinimplehan niya lang ang party na iyon.
Hindi talaga ako dapat makampante kapag pinababayaan ko mag-isa si Aly. Humigpit ang hawak ko kay Jahann pero muli kong naramdaman ang pagpisil niya sa kamay ko na tila sinasabihan ako na kasama ko siya, hindi ako dapat kabahan.
Malaki ang pagkakangiti ni Aly habang nakakapit sa bisig ni Theon. Nilapitan naman kaagad kami nila Mommy at Daddy at hinalikan kami sa pisngi.
“Look at them, Love. Mana sa akin talaga,” nakangiting sabi ni Mommy na katabi si Daddy. Hawak naman ni Daddy si Mommy sa bewang nito.
“Alright, I won’t argue with you on that one, Ai…” sabi naman ni Daddy dito. “Come on, your Lola’s waiting, too,” sabi nito sa amin. Sumunod naman kaagad kami sa kanila. Dumiretso naman kami sa upuan na inassign sa amin. Katabi ko pa rin si Jahann at katabi naman ni Aly si Theon. Nasa iisang table naman sila Keij, Kol, Lean, Ate Caryl at Kuya Kiro. Kasama rin nila sa lamesa nila si Iris at si Kevyn.
Jahann was playing with my hand. He was squeezing it and massaging it. Tinignan ko siya pero nakatingin siya sa emcee na hindi naman malinaw sa akin ang mga pinagsasasabi. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hinigpitan ni Jahann ang hawak doon. Kumunot din siya ng bahagya nang ginawa ko iyon.
“What are you doing?” mahinang tanong ko sa kanya.
“What do you think I am doing?” balik na tanong niya sa akin at saka lumingon.
“Jahann…”
“Shh… listen to the emcee,” saway niya sa akin bago ngumiti. Napasimangot naman ako at ibinaling ang atensyon ko sa nagsasalita sa harap.
“Twin, where’s Ian?” kinalabit ako ni Aly. “Hindi ko pa siya nakikita, ah? I already told Dad you’ll introduce someone later,” dagdag pa nito.
“What?” napakunot ang noo ko. Maging si Jahann ay nilingon si Aly.
“You’ll introduce him to them tonight, right? I just made it easier,” ngumiti itong muli sa akin. “Gusto ko lang bumawi dahil sa party sa camp na pinlano mo,” muli nitong sabi.
Napailing na lang ako at sumandal.
“Now, we’re just going to have a little throwback for Aly and Cherinna’s pictures, excited na ba kayo?” tanong ng emcee sa mga bisitang naroon. “All the pictures were prepared by their brother Jahann who’s sitting beside Cherinna…” may ilaw na tumutok bigla kay Jahann. Hihilahin ko na sanang muli ang kamay ko mula sa kanya pero hinawakan niya ako ng mas mahigpit. “ Oh, I’m pretty sure, maraming babae rin ang nagkakagusto sa’yo…” tumawa ang babaeng emcee.
“Yes, marami!”
Napalingon kami nang magsalita si Iris.
“And are you the lucky girl?” tanong ng emcee rito. Ngumiti si Iris dito at tila nahihiyang inipit ang buhok sa likod ng tainga.
“Tss…” napairap na lang ako at napatingin kay Jahann na nakatingin sa akin. Napasimangot ako at inirapan rin ito. Binawi ko ang kamay ko sa kanya pero agad niya rin akong hinawakan kaagad.
“Alright, enough with that thing…” natatawang sabi ng emcee. “As I was saying earlier, their brother prepared their pictures for us to see how adorable they are… so, let’s all watch it!”
Lahat kami ay tumingin sa may gilid namin kung saan may nakaset-up na projector at may nag-aassisst doon. Nagsimula ang compilations ng pictures kay Aly. Hindi tulad nung nakaraang taon, hindi na nagsimula sa pagkabata ang mga pictures. Karamihan doon ay latest pictures na, na laking pasasalamat naman ni Aly kay Jahann.
Everyone’s looking at the screen with a smile. Well, Aly’s really adorable. Kahit na madalas ay may pagka-brat ito, mahirap mainis dito ng matagal. And she’s my twin. Even if the world hates her, I will love her endlessly.
Maya-maya lang ay nakita ko na ang paglabas ng mukha ko doon.
“Ugh…” napayuko na lang ako. This is really something I don’t like.
“I never saw that pictures before. Nagphotoshoot ka ba, twin?” tanong ni Aly sa akin. Nag-angat ako ng tingin dito bago tumingin sa gilid namin. Napakunot din ang noo ko sa nakita ko. Hindi ko pa rin nakikita ang mga pictures na iyon.
Karamihan sa mga pictures ay hindi ako nakatingin. Tinignan ko si Jahann. Nakatingin lang ito roon at hindi nagsasalita.
“You took those?” tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya at muling ibinaling na roon ang atensyon. Pagtingin ko sa mga bisitang naroon ay nakita ko naman si Kol na nakatingin sa akin. He just smiled a little.
Pagkatapos ipakita ang mga larawan namin ni Aly ay tinawag naman ng emcee si Mommy para magbigay ng message, pero bilang si Mommy nga iyon, hinila nito si Daddy para makasama nito sa may harap.
Nakahawak si Daddy sa bewang ni Mommy habang hawak ni Mommy ang mic at nakatingin sa amin.
“Happy birthday, my loves…” nakangiting sabi niya sa amin. “Well, since pinagbubuntis ko naman kayong dalawa, alam ko na lalaki kayong mana sa akin… maganda, mabait—“
“What was that, Ai?” tanong ni Daddy dito. Tinignan naman ng masama ni Mommy si Daddy.
“Okay, continue…” sabi naman ni Daddy kay Mommy. May mga narinig na akong tumatawa sa mga bisita namin na naroon.
“As I was saying before your handsome daddy interrupted me, alam ko na day I gave birth to the both of you, alam ko na you will give us happiness, and I know you will give your brother and your Dad a hard time because I know soon, you two will have suitors already. Baka nga may nanliligaw na, diba?” tumingin sa akin si Mommy. Siniko naman ako ni Aly na tila sinasabing ako ang tinutukoy ni Mommy.
Napalingon ako kay Jahann at seryoso ang mukha nito habang nakikinig kay Mommy.
“Alam ng Daddy niyo kung gaano ko kagustong magkaanak ulit pagkatapos ni Jahann. And we’re so thankful, you two happened. And I love you both so much. We love you so much…”
“We love you, too, Mommy…” halos sabay na sabi namin ni Aly.
Ipinasa ni Mommy kay Daddy ang mic. He looked at us and smiled. “Happy birthday, Alyanna and Cherinna. I love you, both.”
Matapos magmessage sila Mommy ay may mga nagbigay pa ng messages nila tulad nila Tito Thunder, Tito Hunter, Lola, at ang mga pinsan namin at mga malalapit na kaibigan ng pamilya namin.
Nang pwede na kaming magpunta sa mga bisita ay agad akong inalalayan ni Jahann na makatayo para na rin makalapit sa mga pinsan namin. Marami ang bumabati sa amin ni Aly at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong nagpasalamat sa mga ito.
Pinatawag naman ni Daddy si Jahann kaya pansamantala niya akong iniwan. Aly was busy talking to the guests, and all I wanted to do was to go to my room and get rid of this gown. Nakatayo lang ako sa may malapit sa lamesa namin at nakatingin sa mga tao na naroon. May mga lumalapit din sa akin para kausapin ako pero hindi rin naman nagtatagal ang pag-uusap namin.
“Belated happy birthday,” biglang may nagsalita sa likod ko. Nilingon ko iyon at nakita ko si Ian na nakatayo roon. Nakangiti siya sa akin at pinagmasdan ako.
“Wow, did I just died? Because I just saw an angel just now…” nakangiting sabi niya sa akin. Natawa naman ako rito. “You’re late,” sabi ko sa kanya. Umiling ito. “Kanina pa ako nandito. I’m just watching you…” sagot naman nito sa akin. “And your escort’s your brother. Paano ba ako makakalapit?” sinundan iyon ni Ian ng pagtawa.
“Thank you for coming,” sagot ko na lamang sa kanya. “Do you want to eat?” tanong ko. Medyo nagugutom na rin kasi ako. Kumakain naman na ang mga bisitang naroon. Hindi pa lang kami makakain ni Aly dahil sa pakikipag-usap sa mga ito pero kaya naman na ni Aly ang bagay na iyon.
“I’m not really hungry but yeah, I know you are…” pang-aasar nito sa akin. Tinulungan niya ako sa gown na suot ko at saka kami pumasok sa loob ng bahay kahit na may pagkain naman sa labas. Mas payapang kumain sa loob ng bahay.
Papunta na kami sa kusina nang makasalubong namin si Mommy.
“Cherinna!” tawag niya sa akin bago tumingin kay Ian. Nakahawak ako sa braso ni Ian dahil na rin sa taas ng heels na suot ko.
“Mommy…” lumapit ako rito. “Uhm, I’m hungry and I don’t want to eat outside so—“
“He’s Ian, am I right?” putol nito sa sinasabi ko.
“Good evening, Ma’am. I’m Christian Montenegro,” lumapit si Ian kay Mommy at inilahad ang palad dito.
“Oh, hi, Christian,” tinanggap naman ni Mommy ang kamay ni Ian.
“Just Ian, Ma’am,” ngumiti si Ian dito.
“Okay, Ian, then. So you’re courting my daughter?” diretsong tanong ni Mommy. Nanlaki naman ang mga mata ko. “Mommy!” hinawakan ko ang braso nito.
“I’m just asking him, Cherinna…” ngumiti si Mommy sa akin. “I heard a lot from Alyanna…”
Napangiti naman si Ian. “I’m hoping she said nice things about me…”
Tumango naman si Mommy. “Anyway, I think my husband wants to meet you, too…” sagot ni Mommy.
“Mommy, kakain muna kami…” pigil ko rito. Natatakot kasi ako kay Daddy. Though alam kong understanding si Daddy, alam ko na kung maaari, ayaw niyang magpaligaw kami.
“Yeah, you should eat, sweetheart…” Mommy smiled at me. “Jahann!”
Napalingon ako sa pinto nang may tawagin si Mommy doon. Nakatayo si Jahann doon at nakatingin sa amin.
“Yes, Mom?” lumapit ito sa amin. Seryoso ang mukha nito.
“Samahan mo si Cherinna na kumain,” utos nito kay Jahann. Nilingon naman ako ni Jahann at hinawakan ang braso ko. “Let’s go…”
“Ako ang bahala sa manliligaw mo, Cherinna…” ngumiti si Mommy sa amin at hinila na ako ni Jahann.
“Jahann, si Ian—“
“Wala akong pakialam sa kanya.”
“Jahann!” hinila ko ang kamay ko sa kanya. Nasa loob na kami ng kusina at wala namang tao roon.
“Why are you so concern about him?” seryosong tanong niya sa akin. “Do you like him?” tanong niya sa akin nang humarap siya.
“What? You know that’s not the issue here,” sagot ko naman dito. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. “I’m just worried about him because Dad will talk to him,” mas kalmado kong sabi rito. Umupo ako bago tumingin kay Jahann.
“Alam mong ayaw kong nagagalit si Daddy, diba? And I’m afraid he’ll get mad at me because of Ian…”
Hindi naman sumagot si Jahann sa akin.
“Nagugutom na ako…” sabi ko na lamang. Lumingon sa akin si Jahann. He sighed. “What do you want to eat?” tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ako nginitian pabalik.
Naghintay na lang ako sa may kusina nang nagpaalan si Jahann sa akin na kukuha ng pagkain naming dalawa. I was playing with fruit on the table when Kol sat beside me.
Nilingon ko ito. “Tell Aly that next year, if she’ll organize a party like this again, hindi na ako pupunta. Ang daming tao,” nakasimangot na sabi nito. Hindi ko naman maiwasang matawa. I feel the same, actually. Pero ang mga kakambal namin, malayong-malayo sa nararamdaman namin. Si Keij ay natutuwa sa dami ng mga babaeng naroon.
“Where’s Jahann?” tanong ni Kol sa akin. “Kumuha ng pagkain,” sagot ko naman dito. Tumango ito sa akin.
Nakaupo lang si Kol sa tabi ko at hindi nagsasalita. Maya-maya ay dumating na si Jahann. Tinignan naman nito si Kol.
“I’m not doing anything, Jahann…” natawang sabi ni Kol.
“Tss. Move,” utos nito kay Kol. Tumayo naman si Kol at lumipat ng ibang upuan.
“I saw Tito Kerko talking to Ian…” ani Kol. Tinignan ko naman siya. “Narinig mo kung ano ang pinag-uusapan nila?” tanong ko rito.
“Kumain ka na nga. Ang chismosa mo,” sabi naman ni Jahann sa akin. Tinignan ko siya ng masama. Hindi naman siya kumibo sa akin kaya bumaling ako kay Kol.
Umiling ito. “Di ko narinig pero mukhang okay si Ian kay Tito Kerko. And I think that’ll be someone else’s problem now…”
Hindi naman ako kumibo. Okay si Ian kay Dad? That means, it’s okay with him that Ian’s courting me?
Huminga na lang ako ng malalim at nagsimula ng kumain. Alam kong hindi magtatagal ay hahanapin na ako sa labas.
“There you are!”
Sabay kaming napalingon ni Kol nang may magsalita mula sa pinto ng kusina. Nakita ko si Iris na nakatayo roon. “Kanina pa kita hinahanap, eh…” naglakad ito papalapit kay Jahann.
“Hi, Cherinna. Hi, Kol…” sinulyapan niya kami ng saglit lang. Tumango lang si Kol dito.
“Why are you looking for me?” tanong ni Jahann kay Iris. Umupo pa ito sa tabi ni Jahann. Nagkibit-balikat naman si Iris. “Wala naman akong masyadong kilala dito, kaya hinahanap kita. Isa pa, I heard those girls talking about how handsome you are! Nakakainis sila!” ismid ni Iris. “Parang gusto ka pa nilang agawin sa akin,” dagdag pa nito.
Pinigilan ko ang sarili kong magsalita.
“I’m not yours, Iris…” malamig na sabi ni Jahann dito.
“Yet, Jahann. You’re not mine yet,” ngumisi ito at hinawakan ang braso ni Jahann.
“Cherinna, something’s on the corner of your lips…” napalingon ako kay Kol. “Let me…” inilapit nito ang mukha sa akin.
Napaatras naman ako. “Ako na…” kinuha ko ‘yung tissue na nasa may lamesa at pinunasan ang gilid ng labi ko. “Wala naman, ah?” sabi ko kay Kol.
Nagkibit-balikat si Kol. “Must be because of the light.”
“Baliw,” sabi ko na lang bago kumain. Pinilit kong wag na lumingon sa kanan ko para hindi ko na makita si Jahann at Iris.
What’s my birthday wish?
Masama ba kung sasabihin kong gusto ko ng buhay na walang Iris?
Pagkatapos namin kumain ay hindi na nilubayan ni Iris si Jahann kaya naman lumayo na lang ako at naupo kasama nila Lean pero kausap naman nito si Kevyn doon. Si Keij naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga babae kasama ni Theon. Si Aly ay kasama ang mga kaklase nito. Si Ate Caryl ay kausap ni Kuya Kiro. Si Enzo ay kasama naman ni Kol. Maging si Kuya Cloud ay naroon din. Kanina ay binati niya kami at sinabihan na sponsored niya ang magiging trip to anywhere namin ni Aly.
Can he treat Iris, too? Pero one way lang.
Hindi ko mapigilang matawa sa naisip ko.
“And why are you laughing?”
Napapitlag ako nang magsalita si Ian na nakaupo na pala sa may harap ko. Nakatingin siya sa akin. Nakatingin din sa akin si Kevyn at Lean.
“Okay ka lang, Che?” tanong ni Lean sa akin.
Napahawak ako sa batok ko at saka natawa. “Yeah, I’m sorry. May naisip lang kasi ako…” sabi ko sa kanila.
“Kung si Ian ang naisip mo, nakakatawa nga ‘yan,” ani Kevyn sa akin.
“Gago,” asik naman ni Ian dito. Lumipat ng upuan si Ian at tumabi sa akin.
“What happened? You talked to my parents already?” tanong ko rito. Tumango naman siya sa akin.
“And?” tanong ko. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa pag-uusap nila.
“You’re nosy, Sunshine…” pinisil nito ang ilong ko. Sinimangutan ko naman siya. “I’m serious. Anong sabi ni Daddy?” tanong ko ulit kay Ian.
“He just told me to make sure I am serious about you,” seryosong sabi nito. “And I told him I am…” ngumiti siya sa akin.
“Guys, let’s dance?” aya ni Lean sa amin. Napatingin naman ako sa kanya. May mga nagsasayaw nga sa may gitna. Hindi ko naman malaman kung sinong nagpasimuno ng slow dance na iyon pero nang makita ko si Iris, ay nagka-ideya ako kung sino.
Inaya ni Kevyn si Lean na sumayaw kaya nauna na silang umalis mula sa lamesang kinaroroonan namin.
Nilingon ako ni Ian. “So… can I have this dance?” tanong ni Ian sa akin. Umiling ako. Natawa naman si Ian. “Come on,” hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. “Hindi ka pa ba nadadala? The last time we danced, ilang beses kitang natapakan. Naka-heels pa ako ngayon!” sabi ko sa kanya.
“It’s okay,” sabi niya sa akin. Inakay niya ako papunta sa karamihan at hinawakan ang bewang ko.
“Ian, I really can’t—“ nahigit ko ang hininga ko nang bigla niya akong hinapit papalapit sa kanya. Ngumiti siya sa akin.
Nakita ko sa bandang likod ni Ian si Jahann na nakatayo at nakatingin sa akin.
Jahann…
Nag-iwas ito ng tingin at saka naglakad papaalis.
Hindi ko napigilang magpakawala ng malalim na buntong-hininga.
Matapos ng halos dalawang kanta ay inaya ko na si Ian na maupo. Hindi naman siya tumanggi sa akin. Nagpunta kami sa lamesa kung nasaan naroon ang mga pinsan ko.
“Have you seen Jahann?” tanong ni Iris sa amin. “Hinahanap ko siya pero hindi ko makita, eh…”
“Give Jahann a breather, Iris…” ani Kol dito.
“Nandyan lang ‘yun, Iris. Baka kausap ni Daddy,” sabi naman ni Aly dito. Naupo na lang si Iris.
Napalingon din ako sa paligid. Hindi ko na nga nakita si Jahann simula nang nagsayaw kaming dalawa ni Ian.
“Are you thirsty?” tanong ni Ian sa akin. Umiling naman ako rito.
Nagtagal pa ng halos dalawang oras ang party na iyon. Nangawit na rin ang panga ko kakangiti sa mga taong hindi ko naman kilala kung sino.
“Hindi ko na talaga nakita si Jahann,” nakasimangot na sabi ni Iris sa amin. Kahit ako, di ko na siya nakita…
Nagsimula na ring mag-alisan ang mga bisita. Maging sila Tito PJ, Tita Stephanie, Tito Cupid, Tita Cristine, Tito Blue, Tita Cyan, Tito Thunder, Tita Rain, Tito Hunter, Tita Zyline, Lola at ang mga magulang namin ay nagpaalam na uuwi na matapos kaming bilinan lahat na magbehave. Akala namin ay makakasama namin si Kuya Cloud sa overnight pero kailangan pa raw nitong magpunta sa Davao bukas kaya hindi pwede.
Si Ian naman ay hindi rin maaaring magstay ng overnight.
Hinihintay ko si Iris na umuwi, actually. Pero hindi siya umuwi.
“Magbibihis lang ako…” paalam ko sa kanila. May kani-kaniyang kwarto kaming magpipinsan dito sa bahay ni Lola kaya naman dumiretso ako sa kwarto ko. Maging si Aly ay nagsabing magpapalit na siya ng damit.
Napagdesiyunan ko na ring maligo para mawala ang lagkit sa katawan ko, maging ang make-up ko. Simpleng blouse na itim at shorts na lang ang suot ko nang lumabas ako ng banyo. Pinupunasan ko ang buhok ko.
“What the fu—“ halos mapatalon ako nang makita ko si Jahann na nakaupo sa may kama na naroon. “What are you doing here? Kanina ka pa hinahanap ni Iris…” sabi ko sa kanya.
Huminga ng malalim si Jahann bago nag-angat ng tingin sa akin. Puting polo na lang ang suot nito at ang pants nito.
“Are you okay?” tanong ko rito.
Kinuha nito ang phone niya at may kung anong pinindot bago inilagay sa mesa sa gilid ng kama.
Napakunot ang noo ko nang may tumunog mula roon.
“Jahann…”
Tumayo si Jahann at lumapit sa akin.
A dangerous plan, just this time… A stranger’s hand, clutched in mine. I’ll take this chance, so call me blind. I’ve been waiting all my life. Please don’t scar this young heart. Just take my hand…
“Can I have this dance, Creep?” tanong ni Jahann sa akin.
“What? Nababaliw ka na ba? Kanina pa tapos ‘yung party at—“ huminto ako. “Hindi ka ba natatakot na maapakan ko? You said it yourself, masakit maapakan ko…” sinundan ko iyon ng pagtawa.
Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.
Inilahad ni Jahann ang kamay sa akin.
Tinignan ko ang mukha niya at saka inabot iyon.
“Jahann…”
Hinapit niya ako papalapit sa kanya kaya naman nakapatong ang mga paa ko sa mga paa niya.
Hold me close, through the night. Don’t let me go, we’ll be alright. Touch my soul and hold it tight. I’ve been waiting all my life. I won’t scar your young heart. Just take my hand…
Nakatingin lang ako sa mukha ni Jahann. Pakiramdam ko ay nararamdaman niya rin kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko.
Jahann…
‘Cause I was made for loving you. Even though we may be hopeless hearts just passing through. Every bone screaming I don’t know we should do. All I know is, darling, I was made for loving you…
He smiled at me.
Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pisngi ko. Kung bakit pakiramdam ko ay tutulo ang luha ko anumang sandali.
Mali, Cherinna. Mali ‘to…
Niyakap ako ni Jahann matapos ang pagtugtog sa phone nito. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko.
Bakit nangyayari ‘to?
“Belated happy birthday, Creep,” mahinang bulong niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at may isinuot doon.
Napatingin ako sa mukha niya.
Isinuot niya iyon sa gitnang daliri ko pero hinawakan niya ang palasingsingan ko.
“Jahann…”
Ngumiti siya ng tipid sa akin.
“Yours,” mahinang sabi niya sa akin.
Napatitig ako sa kanya.
“Yes, Creep. I’m yours. Only yours.”