Played By Fate (Book 1) Chapter 24

NAIWAN ako sa loob ng kwarto ko nang lumabas na si Jahann. I was still surprised… about the gift, about what he said. About what happened.

Hindi iisang beses pumasok sa isip ko ang posibilidad na iyon ang nangyayari sa aming dalawa pero pilit kong isinisiksik sa isip ko na hindi pwede ang bagay na iyon… na mali. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Masaya ako sa sinabi ni Jahann na sa akin siya. Sa akin lang siya.

It’s like, he gave me all the right to own him. He has given me the right to be selfish when it comes to him. And to be honest, iyon ang gusto ko. Ang ipagdamot si Jahann. Ang ipagdamot siya sa kahit na sino pa.

Napaupo na lamang ako sa kama ko at napayuko sa kamay ko na sinuotan niya ng singsing kani-kanina lamang. It was the ring he posted before… it was the ring that I thought he’d give to Iris. It was the ring that I secretly hoped that’d be mine.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin pa rin sa singsing na nasa daliri ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa ang init ng kamay ni Jahann na kanina lamang ay humawak sa mga kamay ko.

Damn, until now, I can still feel the softness of his lips on the back of my hand.

What are we going to do, Jahann? Anong gagawin nating dalawa sa nangyayari? This is not normal… and this is not right.

Walang tumatakbo sa isip ko maliban sa sinabi ni Jahann. Nabablangko ang isip ko. Hindi ako makapag-isip ng matino.

Hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko para tumayo na at puntahan ang mga kasama namin na naroon. Nakaupo lang ako sa kama at nakatingin sa kawalan.

Napalingon ako sa gawi ng pintuan nang may tumikhim. “Kol…” I acknowledged him. Nakatingin lamang siya sa akin habang nakasandal sa may pinto at nakapamulsa. Nakatingin lang din ako sa kanya. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.

Napangiti naman ng tipid si Kol sa akin. “Look at you, while Aly’s laughing her heart out, para kang nabagsakan ng langit at lupa diyan…” lumapit ito at umupo sa tabi ko. “You talked to him already?” tanong niya sa akin. Tumango ako at muling bumuntong-hininga.

Ginulo ni Kol ang buhok ko. “You’ll be fine,” mahinang sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at napakunot ang noo ko. “Anong alam mo?” tanong ko sa kanya. Ngumiti lang si Kol sa akin bago tumayo. “Let’s go,” inilahad nito ang kamay sa harap ko. Nakakunot pa rin ang noo ko sa kanya at masama ang tingin. “Ano munang alam mo?” muling sabi ko rito at hindi pinansin ang kamay niyang nasa harap ko.

“Whatever it is, you’ll know it soon. Now let’s go? Ayokong kausap ang mga ‘yon, napakaingay…” ipinilig niya ang ulo at muling iginalaw ang kamay na nakalahad sa harap ko. Iiling-iling na inabot ko naman iyon at tumayo na. Hinawakan niya ako sa siko habang naglakakad kami papunta sa AVR ng bahay ni Lola. Nasa labas pa lang ay naririnig ko na ang boses ni Aly dahil na rin nakabukas pa ang pinto roon.

Pagpasok namin ni Kol ay nakita ko ng naghahanap si Theon at si Keij ng mapapanuod. Si Ate Caryl naman ay nakaupo katabi si Lean habang kausap si Aly.

Where’s Iris?

And where is Jahann?

“Si Jahann?” nilingon ko si Kol. Nagkibit-balikat naman siya sa akin. Kasama kaya niya si Iris?

“Sandali pala, balikan ko lang si Iris sa room ko…” tumayo si Aly at nagpaalam sa amin. Dumiretso naman ako ng upo sa sofa na naroon at tumabi si Kol sa akin.

“Where’s Enzo?” tanong ni Kol kina Theon at Keij na kasalukuyang nagtatalo na kung ano ang papanuorin namin na movie.

“Kasama ni Kuya Kiro. Magluluto daw ng popcorn and fries,” si Lean ang sumagot dito.

“Magluluto? Ang dami pang pagkain, ah?” tanong ko naman dito. Hindi naman naubos ang mga pagkain galing sa party, bakit kailangan pa nilang magluto?

“Caryl was looking for popcorn kasi…” natatawang sabi ni Lean na siniko si Ate Caryl. “Hindi ko naman alam na magpiprisinta si Kiro na magluto,” sagot nito.

Napangiti ako. “That’s because Kiro likes you, Ate Caryl. No, scratch that. He’s in love with you…”

“Marinig ka ni Kiro, Cherinna,” saway nito sa akin.

“So, what? He’s in love with you, Caryl. Kaya okay lang ‘yun,” salo naman ni Lean sa akin. Nagngitian kaming dalawa at patuloy na inaasar si Ate Caryl.

“He’s really just my best friend, okay? Wag nga kayong malisyoso…” natatawa namang sabi ni Ate Caryl sa amin.

“It’s okay with us kung magiging kayo. At least, kilala namin ang magiging boyfriend mo,” sabi ko naman dito.

“Naku, Cherinna. Iyong forever mo nga ang dapat naming kilalanin, eh…” pag-iiba nito ng topic. Sumang-ayon naman si Lean dito.

Napasimangot ako. Biglang napunta sa akin ang topic.

“Kilala niyo naman na,” sagot ni Kol.

Lean rolled her eyes. “What we mean, Kol, is mas makilala pa namin siya. Yes, I do like Ian for Cherinna pero mas maganda pa rin na makilala natin siya ng husto…” sabi nito kay Kol.

“I’m not talking about Ian,” sagot naman ni Kol dito. Kumunot ang noo ni Lean.

“Then who?” tanong nito sa katabi ko. Siniko ko naman si Kol para manahimik ito. Nilingon ako ni Kol. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Jahann.”

Nalaglag ang panga ko nang magsalita si Kol. How could he? Paano niya nagawang sabihin iyon? Paano niya nagawang sabihin kung ano ang nagyayari?

“Kanina ka pa diyan?” muling nagsalita si Kol. Napakunot ang noo ko at lumingon sa bandang likuran ko. Nakita kong nakatayo roon si Jahann at nakatingin sa akin.

“Not really. Ikaw, kanina ka pa diyan?” tanong nito kay Kol.

“Not really…” sagot naman ni Kol dito.

Napalingon naman si Jahann nang may bumangga sa likod nito. Napatingin kaming lahat doon at nakita namin si Iris. Suot nito ang isa sa mga nightgowns ni Aly.

“Jahann…” ngumiti ito rito bago naglakad papalapit sa amin at naupo sa tabi ni Lean. Kasunod naman ni Iris si Aly.

“She’s pretty, right?” tanong ni Aly kay Jahann. Hindi naman sumagot si Jahann dito.

“Dito ka na maupo, Jahann…” alok ni Iris kay Jahann dahil bakante pa ang pwesto sa tabi nito.

“I’m fine. Thanks,” sagot naman nito bago naglakad papalapit sa akin at naupo sa may kaliwa ko nang umusog si Kol upang magbigay espasyo sa tabi ko.

Hindi ko naman maipaliwanag ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin magawang tumingin kay Jahann. Naaalala ko na naman ang mga sinabi niya kanina.

“Guys, mas maganda kung papatayin natin yung ilaw…” sabi ni Theon. Lahat kami ay napatingin sa kanya. “Horror din kasi ‘yung panunuorin natin,” sabi pa nito. Napasimangot naman ako. Sa dami naman ng palabas, bakit ba naisipan nilang horror pa?

“Sige, okay lang sa amin!” masiglang sabi ni Iris. “Mas exciting ‘yon!”

Pero mahina ang mga mata ko sa dilim.

“Mas masarap kapag madilim,” ani naman ni Keij na tumatawa. Nakipag-apir pa ito kay Theon.

“Ang pervert mo talaga,” asik naman ni Aly dito.

Tumayo na si Theon para patayin ang ilaw na naroon. Napasandal na lang ako. Hindi naman ganoon kadilim dahil na rin sa malaking screen na naroon pero hindi lang din talaga ako kumportable sa dilim.

Halos mapapitlag ako nang hawakan ni Jahann ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya, pagkatapos ay sa direksyon nila Aly. Abala pa rin naman ang mga ito sa pagkukwentuhan. Hindi pa sinisimulan nila Theon ang palabas dahil wala pa sila Enzo at Kuya Kiro. Ang sabi nito ay hihintayin na muna namin sila para sama-sama.

Ibinalik ko ang tingin kay Jahann. Nakasandal ito at nakapikit. Hawak lang niya ang kamay ko.

Sinubukan kong bawiin iyon pero hinigpitan niya ang kapit doon.

Huminga ako ng malalim. Muli akong tumingin sa gawi nila Aly. Nakita kong nakatingin si Iris kay Jahann kaya muli kong sinubukang kunin ang kamay ko pero hindi ako binibitawan ni Jahann.

“Don’t, Creep…” mahinang sabi ni Jahann. Bahagya akong lumingon sa kanya. Kinuha niya ang isang throw pillow at itinakip sa kamay naming dalawa.

Sumandal na lang ako at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko. He was actually playing with ring on my finger and he was smiling a little.

“Cherinna, you should’ve asked Ian to stay.”

Napalingon ako nang magsalita si Iris.

“Huh?” kumunot ang noo ko.

Ngumiti si Iris. “Sayang kasi. Sana nakasama natin siya dito,” sabi pa nito.

“If you want to be with him then invite him yourself,” ani Jahann kay Iris. Napatingin ako sa mukha ni Jahann. Nawala ang ngiting kanina lamang ay naglalaro sa mukha nito.

“It’s not like that, Jahann. Don’t be jealous. Ikaw ‘yung gusto ko…” Iris smiled sweetly.

Nilingon ni Jahann si Iris at tila may sasabihin pa ito pero pinisil ko ang kamay niya para awatin siya. Napailing na lang ito at sumandal.

Maya-maya lamang ay dumating na sila Enzo, Kuya Kiro at si Kol na pinuntahan sila. May dala-dala silang chips at juice.

“What are we going to watch?” tanong ni Enzo na naupo sa tabi ni Kol.

“Twin, why are you sitting there? Dito ka kaya sa amin para magkakatabi tayo…” sabi ni Aly sa akin.

“Uhm…” napakamot ako. Nakita kong bahagya akong sinulyapan ni Jahann. “I’m fine here. Isa pa, ang lamig kasi kaya sa dulo na lang ako pumuwesto,” sagot ko dito.

“Are you sure? Wala ka namang makakausap diyan…” tanong nitong muli sa akin. Tumango naman ako. “I’m fine, really…” ngumiti ako sa kanya.

Never akong naging fan ng mga horror movies kaya nang magsimula na ang palabas ay gusto ko na lang magtakip ng mukha para hindi mapanuod ang pinapanuod nila. It was actually a Japanese movie.

“Are you okay?” tanong ni Jahann sa akin. Umiling ako habang nakasimangot. I just hate it. The sounds, the effects, even those creepy characters. Ugh. Sana nag-Twilight na lang sila kasi.

“You’re creepier than them, bakit ka natatakot sa kanila?” tanong niya sa akin habang nakangiti. Tinitigan ko naman siya ng masama.

“I hate you,” asik ko rito bago humalukipkip sa may gilid.

“Sige, diyan ka humarap. May babae diyan…” sabi naman ni Jahann. Nilingon ko siyang muli at tinitigan ng masama.

Halos mapatalon naman ako nang magtilian sila Aly. Mabilis na sumiksik ako kay Jahann at kulang na lang ay sa likod na niya ako magtago. Sila Theon naman ay tawa nang tawa habang nanunuod.

“Ayoko na manuod…” naiiyak na sabi ko habang nasa likod ni Jahann ang ulo ko. Nararamdaman ko naman ang pagyugyog ng balikat niya. “Don’t laugh! Damn it,” asik ko rito.

“Sorry na…” narinig kong sabi niya. “Baka gusto mo pang sa loob ng t-shirt ko magtago?” natatawa pa rin niyang tanong sa akin.

Naririnig ko pa rin ang pagkagulat kina Aly at pagtili ng mga ito kasabay ng malakas na tunog ng palabas na naanggagaling sa speakers.

“I’m serious, ayoko na talaga,” sabi ko ulit sa kanya.

“Alright, let’s go then…” sagot naman niya sa akin. “Saan tayo pupunta?” tanong ko habang nagtatago pa rin.

“Come on…” tumayo si Jahann at hinila ako papalabas. Akala ko ay may makakapansin na aalis kami pero lahat sila ay tutok sa pinanunuod nila kaya naman nakalabas kami ng AVR ng matiwasay.

Paglabas ay agad akong huminga ng malalim. “Never kong papanuorin ulit ‘yun,” nakasimangot kong sabi kay Jahann.

“Hindi mo naman talaga pinanuod, eh…” sagot naman niya sa akin.

“Tungkol saan ba ‘yung movie?” tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat naman siya sa akin bago ipinamulsa ang mga kamay. “I was busy watching you,” sagot niya sa akin.

Hindi naman ako nakapagsalita.

“Creep, about earlier—“

“Nagugutom ako…” putol ko kaagad sa sinasabi niya. “Uhm, tignan natin kung may pagkain pa…” dagdag ko pa bago nagsimulang maglakad papunta sa kusina. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

As much as possible, gusto ko munang iwasan ang topic na iyon. Ayokong ungkatin na muna sa ngayon dahil magulo pa ang isip ko.

“Alright, we’ll look for something to eat, then…” narinig kong sabi niya at sumunod na rin sa akin. Pagpunta namin sa kusina ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko mula sa likuran at iginiya ako na maupo na lamang.

“Why?” kunot-noong tanong ko kay Jahann.

“What do you want to eat?” tanong niya sa akin nang naglakad siya papunta sa fridge at binuksan iyon. Nakatingin lang ako sa likod niya. Nilingon niya ako kaya naman nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Napayuko ako.

“Creep…”

“Sorry…” I cleared my throat. “Uhm, I’ll just go outside,” tumayo ako mula sa kinauupuan ko. “Anything will do, sa labas lang ako…” sabi ko bago naglakad papalabas sa kusina. Hindi ko na rin hinintay pa ang sagot niya. Lumabas na lang ako at naupo sa bench na naroon.

Mom used to sit here before. Noong dito pa nakatira si Lola at dumadalaw kami, nagkukwento siya sa amin. Sabi niya, doon daw siya pumupwesto kapag nag-iisip siya, kapag iniisip niya ‘yung tungkol sa kanila ni Dad.

Ngayong nandito ako, iisipin ko rin ba ang tungkol sa amin ni Jahann?

Sumandal ako at tumingin sa mga halaman na naroon.

Sino ba ang niloloko ko? Kahit saan naman ako maupo o magpunta, iisipin ko pa rin ang sa amin ni Jahann.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakaupo roon nang naramdaman ko ang paglapit ni Jahann. Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at inilapag ang tray na dala nito. May laman iyong dalawang mug ng hot chocolate at may mga cookies.

Hindi ko naman mapigilang matawa.

“Don’t laugh. I was actually planning to cook something but you’re out here all alone. And you said anything will do…” sabi niya sa akin. Nilingon ko siya bago ngumiti ulit. “Thank you…”

Lumingon din siya sa akin at sinalubong ang tingin ko. “You’re always welcome…”

Matapos ‘non ay wala ng nagsalita sa aming dalawa. Nakaupo lang kami. Nakatingin lang ako sa langit. Nararamdaman kong gusto niyang pag-usapan namin ang tungkol sa sinabi niya pero marahil ay nararamdaman din ni Jahann na hindi pa ako handing pag-usapan iyon.

Kumuha na lang ako sa cookies na naroon at isinawsaw iyon sa hot chocolate.

“Dapat kasi gatas na lang dinala mo. ‘Yun naman ang partner ng cookies…” pinili kong magpaka-normal na lamang upang mawala ang pagkailang na bumabalot sa aming dalawa.

“You’re not a milk drinker, Creep…”

Napatungo ako. “Yeah. Naalala ko ‘non, galit na galit na si Mommy kasi laging halos walang bawas ‘yung gatas ko kapag papasok tayo sa school. Kaya nung nakita mong umiyak na ako ‘non, kapag tatalikod si Mommy, iinuman mo na agad yung baso ko para konti na lang ‘yung iinumin ko. Hindi na ako pagagalitan…”

Napangiti si Jahann. “And I asked Aly to shut her mouth.”

“Yeah,” hindi ko mapigilang matawa. “Pero duda naman ako kung naaalala pa ni Aly ‘yon.”

Hindi naman na sumagot sa akin si Jahann. Paglingon ko sa kanya ay nakita ko siyang nakasandal at nakapikit na. Marahil ay pagod na rin ito.

Ipiniig ko ang ulo at pinagmasdan lang ang natutulog na si Jahann. Ang angelic ng mukha niya. Kahit na mukha talaga siyang masungit, hindi maipagkakaila na napakagwapo ni Jahann. Kaya hindi na ako magtataka kung ang dami ring nagkakagusto sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya.

Laging siya ang humahawak sa akin.

It’s always him.

Iginalaw ko ang kamay ko para hawakan ang kamay ni Jahann pero agad din akong natigilan nang narinig ko ang boses ni Iris.

“Jahann?”

Napalingon ako sa pinagmumulan ng boses nito. Papalabas ito ng bahay.

“Jahann?” muling tawag ni Iris.

Maya-maya lamang ay nakita niya na ako at lumapit sa amin.

“Cherinna, have you seen—“ natigilan ito nang makita si Jahann na nakaupo sa tabi ko at natutulog. “Nag-CR kasi ako. Napansin ko na wala kayo kaya hinanap ko kayo…” paliwanag ni Iris.

Si Jahann lang naman ang hinahanap mo, dinamay mo pa ako.

“Hindi kasi ako mahilig sa horror kaya sinamahan ako ni Jahann dito,” sagot ko na lamang kay Iris.

“Patapos na ‘yung movie. Ang sabi nila Aly, hindi na horror ang papanuorin,” ani Iris sa akin.

Napatango ako bago tumingin kay Jahann. “Ah, sige. Babalik na ako doon,” tumayo ako na mabigat ang loob at naglakad ng hindi nilingon si Jahann.

Damn.

Pagbalik ko sa AVR ay tinanong nila ako kung saan ako galing kaya sinabi ko na nagpahangin ako. Naupo na ako sa tabi ni Aly.

Hindi na rin horror ang pinanuod namin pero halos wala rin akong naiintindihan sa palabas. Nakatingin lang ako sa may pinto. I was waiting for that door to open.

Natapos na lang ang isang buong palabas ay hindi bumukas ang pinto na iyon. Halos alas-tres na din ng madaling araw kaya naman nagpaalam na ako sa kanila na matutulog na ako. Si Kol at si Enzo ay nakatulog na lang rin sa sofa na naroon.

Maybe they’re talking… kaya hindi na sila bumalik.

Ibinagsak ko na lamang ang sarili sa kama ko at pinilit ang sarili na makatulog na. Hindi rin naman ako nahirapan dahil sa pagod na nararamdaman ko.

Tanghali na kaming lahat nagising.

“Konti lang ininom natin, ba’t ang sakit ng ulo ko?” tanong ni Theon sa amin. Kung tutuusin ay tatlo lamang sila nila Keij at Kuya Kiro ang umiinom kagabi at hindi iilang beses na dinaya ni Keij si Theon.

“Okay lang ‘yan, pre. Paggising talaga masakit sa ulo…” ngumisi si Keij. “Lalo na kapag malamig…”

“Keij…” saway ni Jahann dito.

Ngumisi lang si Kein bago nagsimulang kumain ng tanghalian. Wala namang nakapag-almusal sa amin.

Katabi ni Jahann si Iris.

Huminga na lang ako ng malalim at kumuha ng kanin. Naalala ko na naman na hindi siya bumalik kagabi. Nagising kaya siya noong umalis ako at nag-usap sila ni Iris?

Ano namang pinag-usapan nila?

“Cherinna, magtira ka naman,” tanong ni Kol sa akin.

Napalingon ako sa kanya. “Huh?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Look at your plate,” sabi nito. Bumaba naman ang tingin ko sa plato ko at nanlaki ang mga mata ko. Halos naubos ko na pala ‘yung kanin na naroon sa kakalagay sa plato ko.

“Gutom na gutom ka, Cherinna?” natatawang tanong ni Keij sa akin.

“Sorry…” napayuko ako bago ibinalik ang ibang kanin na nasa plato ko.

“Ano bang iniisip mo?” tanong ni Kol sa akin. Tinignan ko naman siya ulit bago umiling. “Wa-wala…”

“Twin, wag mo masyadong isipin si Ian. Mahal ka ‘non,” pang-aasar naman ni Aly. Sinundan din iyon ni Lean.

“I wasn’t thinking about him,” tanggi ko. Napalingon ako kay Jahann. Hindi siya nakatingin sa akin. His face was so serious.

“Kakain na lang kayo, ang ingay niyo pa…” sabi naman ni Enzo sa kanila.

“Ang KJ mo talaga,” ismid naman na sabi ni Lean dito.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi pa kami nakakapag-usap ni Jahann. Hindi rin siya lumalapit sa akin. Si Kol lang ang kausap nito. Naghanda na lang kaming lahat sa pag-uwi namin. Pumasok lang si Aly sa kwarto ko at may sinabi sa akin at lumabas na rin.

“Jahann, hatid mo na si Iris para hindi na siya susunduin…” ani Aly kay Jahann habang nakaupo kami sa may living room. “Ihahatid naman ni Kuya Kiro si Caryl, eh. Sabay si Enzo at Lean. Si Kol na lang ang maghahatid sa amin ni Kambal…” dagdag pa nito.

Tumingin sa akin si Jahann. “Is that okay with you?”

“Ha?”

“I’m asking you. Is that okay with you?”

“Of course, that’s okay with Cherinna. Diba, twin?” ngumiti siya sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin.

“Yeah, it’s okay,” ngumiti ako ng peke. “Kukuha lang ako ng juice. Wala pa naman sila…” paalam ko sa kanila at tumayo na para pumunta sa kusina.

“Is it really okay with you?”

Halos mapatalon ako nang magsalita si Jahann sa likod ko. Hindi ako nakapagsalita kaagad. Nag-iwas na lang ako ng tingin at huminga ng malalim.

“Yeah, it is.”

“Gusto mong ihatid ko si Iris pauwi sa kanila?” tanong nitong muli sa akin.

“Jahann…”

“Just yes or no, Creep.”

“Wala siyang kasabay. Hindi rin siya pwedeng ihatid nila Theon. Kailangan mo siyang ihatid,” sagot kong muli rito.

“I’ll ask you again. Gusto mo ba?” seryoso ang mukha ni Jahann habang nakatingin sa akin. Tila gusto nitong alamin ang tumatakbo sa isip ko.

Napasandal na lang ako sa pinto ng fridge at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Ayoko.”

Ayokong ihatid niya si Iris. Ayokong malapit siya kay Iris.

Crap, ni ayokong may ibang malapit kay Jahann!

Hinawakan ni Jahann ang kamay kong may suot na singsing. Napatingin ako sa mukha niya. Ngumiti siya sa akin.

“Don’t smile at me. Ihatid mo na si Iris…” iniwas ko ang tingin sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jahann. “Wag ka ng magalit. Sa’yo lang naman ako.”

Ibinalik ko ang tingin sa kanya.

“And you’re my Creep. Always remember that.”

Hindi na ako nakasagot nang maramdaman ko ang labi ni Jahann na dumampi sa noo ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.