A week has passed already.
I’m trying my best to act normal. Sinusubukan kong maging si Cherinna bago ako nakaramdam ng ganito. Bago ko naramdaman ang nararamdaman ko ngayon para kay Jahann.
Pero hindi ko naman yata magagawang maging normal pa dahil sa nangyayari sa akin.
“Hey, are you okay?” iwinagayway ni Ian ang kamay sa harap ko. Nasa may garden kami ng school at kasalukuyang nagrereview para sa exam namin sa susunod na Linggo. Nagpaalam siya sa akin na bibili ng pagkain at hindi ko namalayan na nandito na pala siya.
Hindi kasi mawala sa isip ko ang sinabi ni Iris sa akin kanina. Ang sabi niya sa akin ay magdidinner sila ni Jahann. Wala namang nabanggit si Jahann sa akin na lalabas sila ni Iris?
And why the fuck he’ll tell it to you, Cherinna Anderson? Kapatid ka lang naman ni Jahann.
“Oh, fuck.”
“Are you okay, Sunshine? Parang kanina ka pa wala sa mood,” tanong ni Ian sa akin. Hinawakan pa nito ang noo ko. “Are you sick?” bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Umiling ako. “Uhm, nafrufrustrate lang ako sa numbers…” pagdadahilan ko na lamang.
“You have to eat first. Ganyan ka kapag gutom, eh…” natatawang sabi ni Ian bago inabot sa akin ang sandwich at pinagbuksan ako ng bottled water. Nagpasalamat na lang ako rito pero nakita ko si Jahann na nakatingin sa akin nang nag-angat ako ng tingin.
Walang reaksyon ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.
“What’s wrong?” tanong ni Ian sa akin. Agad akong umiling. Mabilis na binuksan ko na lamang ang isang libro ko sa Fundamentals of Mathematics para magtanong sa kanya. Palihim kong sinulyapan ang kinatatayuan ni Jahann kanina pero wala na siyia roon.
What, he’s mad that I’m with Ian?
May date kaya sila ni Iris. Tapos siya ang magagalit? Ayos din naman pala.
Napabuga na lang ako ng hangin at pinilit na magconcentrate sa pag-aaral.
Malapit na ang exams naming lahat kaya halos hindi na kami naglalalabas. Kung lalabas man kami ay sa SD na lamang kami nagpupunta, libre na ang pagkain, may wifi pa, gaya nga ng sabi ni Aly. Hindi rin nagpupunta sa Ai’s ngayon sila Jahann, Aly at Iris dahil sa exam week. Isa iyon sa patakaran ng Ai’s sa mga students na nagpapart-time sa Ai’s.
Naglalakad kaming dalawa ni Ian para magpunta sa room namin para sa last subject namin nang makasalubong namin si Iris. Dala nito ang libro nito at malawak ang pagkakangiti.
Bakit ba kinakabahan ako sa ngiting ganyan ni Iris? Parang may nangyari na pabor na pabor dito. At hindi ko maiwasang mainis sa lahat ng ginagawa ni Iris, kahit na kung minsan ay wala naman itong ginagawa.
“Hi, Ian! Hi, Cherinna!” masiglang bati sa amin ni Iris.
“Hi. Ang saya mo ata?” tanong ni Ian dito. Mas lumawak naman ang pagkakangiti ni Iris. “Jahann actually asked me to go to SD later with you, guys…”
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. “What? Kasama ka mamaya?” I thought that’s only for us? Kami-kami lang? Bakit kailangan niyang iinvite si Iris? Bakit hindi man lang siya nagtanong muna sa amin kung gusto ba namin? Kunsabagay, ako lang naman yata ang tatanggi. Okay lang sa lahat iyon. Okay lang na sakanila na dikit ng dikit si Iris kay Jahann.
Nakakairita kaya iyon.
“May problema ba ‘dun, Cherinna?” tanong sa akin ni Iris.
Agad akong umiling. “I just remember you told me you’ll have dinner with him later…” malamig kong sabi rito. Tumango si Iris. “Yeah, after sa SD, magdidinner kaming dalawa…” tugon naman niya sa akin. Muli siyang ngumisi sa akin.
Aba, magaling.
Why do I have to feel this? Bakit kailangan ko bang pagdaananan ito? Bakit kailangang gumulo ng ganito ang isip ko?
“Ah, sige…” iyon lamang ang nasabi ko. Nauna na rin akong magpunta sa classroom namin at naupo. Kinakausap ako ni Ian pero hindi ko ito pinapansin at hindi na lang din ako kumibo. Marahil ay inisip nito na wala talaga ako sa mood kaya hindi na rin niya ako kinulit pa. Nakakunot ang noo ko habang nakikinig sa Professor namin. To be honest, wala akong naiintindihan sa sinasabi niya sa harapan. Kahit pa ang mga mata ko ay nakatingin sa kanya, nasa labas ng apat na sulok ng kwartong iyon. Nasa kabilang building. Nasa SSG. Nasa may 2nd year representative’s chair.
Crap.
Nang sabihin sa amin ng Professors ang pointers to review ay nagdismiss na rin ito. Maaga lang ng kaunti sa orihinal na oras ng tapos ng klase namin.
“Sabay-sabay na tayong magpunta sa parking,” ani Iris na sumabay ng lakad sa akin. Hindi naman ako kumibo. Si Ian naman ay katabi ko at dala ang libro ko.
“Hey, are you sure you are okay?” hinawakan nito ang braso ko at pinaharap ako sa kanya. “I’m worried, Sunshine,” sabi niya pa sa akin.
“I’m fine. Nahihilo lang ako sa dami ng kailangan nating ireview…” sabi ko sa kanya para hindi na siya mag-alala. Hindi kumbinsido si Ian pero tumango siya sa akin. “Alright, just take it easy, okay?” ngumiti siya sa akin. Tumango naman ako.
Naglakad na lang kami ulit papunta sa parking para magpunta na sa SD. Naabutan namin na naroon na sila Kol, Keij, Theon at Aly.
“Papunta na si Lean. May ipinasa pa raw sa Prof niya, eh,” sabi sa akin ni Aly nang makalapit ako sa kanila. Tumango lamang ako rito.
“Aly, ano palang masarap sa SD?” tanong ni Iris sa kakambal ko.
“You’re coming with us?” tila nagulat naman na tanong ni Aly dito. Tumango si Iris habang nakangiti.
“Jahann invited her,” matabang na sabi ko. Umupo ako sa tabi ni Kol. Si Theon at Keij ay abala naman sa pag-uusap sa may gilid. Wala na atang makakapaghiwalay sa dalawang iyan. Mas daig pa nila ang kambal kaysa kay Kol at Keij. Kunsabagay, bata pa lang naman ay malapit na talaga si Keij at Theon. Maraming bagay ang dalawang iyan na napagkakasunduan. Higit lalo sa babae.
“Masarap naman ang lahat ‘dun sa SD. Sila Tita Steph kasi mismo ang gumawa ng mga recipe doon,” sagot ni Aly kay Iris.
“Uhm, let me guess. Red velvet ang laging inoorder ni Jahann?” tanong ulit ni Iris. Hindi ko mapigilang mapaismid.
Naiinis na talaga ako.
Pero mas naiinis ako sa sarili ko na ganito ang nararamdaman ko.
Patuloy lamang ang pag-uusap nila Ian, Iris at Aly hanggang sa dumating na si Enzo at Lean. Sabi ni Ian ay aalis ito kapag nakaalis na kami. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin si Jahann. Tinignan niya ako pero hindi ko talaga napigilang irapan ito.
Date pala, ha?
“Let’s go?” aya ni Enzo sa amin. Nagtanguan naman ang lahat. Gaya ng nakagawian, magkakasama sa sasakyan si Kol, Theon at Keij. Si Lean at si Enzo naman ang sa sasakyan ni Enzo. Kami ni Aly ay sa sasakyan ni Jahann sasakay pero mukhang makakasama pa namin si Iris doon.
“I’ll just see you tomorrow, Ian,” sabi ko rito habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ni Jahann. Ibinigay naman niya sa akin ang libro ko.
“Ian, why don’t you come with us?”
Napalingon ako nang magsalita si Kol. Maging si Jahann ay tinignan ito. Napakunot ang noo ko sa pinsan ko. All of a sudden, iiinvite nito si Ian para makasama namin. Napakaweird ng utak ni Kol.
“Is that okay? I mean, you set that for you to bond and—“
“It’s fine. Right, Jahann?” tanong ni Kol kay Jahann. Hindi naman sumagot si Jahann at dumiretso lang sa sasakyan nito at pabagsak na isinara ang pinto nito.
“Yeah, you should come with us!” sabi naman ni Aly dito. Tumingin sa akin si Ian na tila nagtatanong sa akin kung ayos lamang ba iyon. Napatingin ako sa sasakyan ni Jahann. Kahit pa tinted ang sasakyan nito, may pakiramdam akong nakatingin siya sa akin.
Tumango ako. “Sumama ka na sa amin…” sagot ko rito. Ngumiti naman si Ian sa akin. Hindi naman ako pinilit ni Aly na sumakay sa sasakyan ni Ian. Dumiretso na ako sa sasakyan ni Jahann at naupo sa harap, katabi si Jahann.
Habang nasa biyahe kaming dalawa ay hindi kami nagkikibuan. Ilang beses ko na ring napapansin ang pagtingin niya sa kamay ko. Alam niyang tinanggal ko ang singsing ko dahil natatakot ako kapag nagtanong sila Daddy sa akin kung sino ang nagregalo noon. Isa pa ay baka maalala nila Aly ang ipinost ni Jahann na picture ng singsing na iyon. Wala akong maapuhap na sagot sa bagay na iyon.
“Jahann, ano palang mas prefer mo para mamaya? Italian, Japanese, Korean?” tanong ni Iris na nakaupo sa may likuran ni Jahann. Napaismid naman ako.
Naalala ko na naman na may date nga pala sila mamayang gabi.
“Anything’s fine,” sabi naman ni Jahann.
Sumandal na lang ako at tumingin sa labas. Hindi ko rin mapigilang mapasimangot. Bakit ba dito ako naupo? Mas okay yatang sa likod ako, nakakahiya naman sa dalawang ‘to.
Nang makarating kami sa Sweet Desire ay kaagad akong lumabas ng sasakyan nang maipark na iyon ni Jahann sa tabi ng sasakyan ni Kol.
Naupo naman kaagad sina Kol sa may labas ng SD kung saan maaliwalas at presko. Umupo ako sa tabi nito.
“Naligaw na si Ian?” tanong ni Kol sa akin. I rolled my eyes. “You tell me, ikaw ang nag-invite, eh…” pabalang na sagot ko rito. Hindi ko makontrol ang inis ko.
“I actually invited him to be fair for you…” inilapit ni Kol ang mukha sa akin. “Aren’t youo going to say thank you?” ngumiti siya ng tipid sa akin. Napairap naman ako at sumandal. Sumunod na sila sa amin at nagsiupo na rin. Ibinakante ni Aly ang upuan sa tabi ko dahil para raw iyon kay Ian na nagtext sa akin na magpapagas lang daw muna. Alam naman niya ang direksyon ng SD kaya alam kong hindi siya maliligaw.
Dumiretso si Jahann ng lakad papunta sa amin at naupo sa tabi ko.
“Jahannn, that’s Ian’s chair!” asik ni Aly dito.
“Marami pang upuan,” sagot naman ni Jahann kay Aly.
“Paano magkakalovelife si Twin kung todo bantay ka kasi?” tanong ni Aly dito.
“Huwag siyang magboyfriend kung ganoon,” sabing muli ni Jahann bago inalis ang kamay ni Kol na nasa likod ng upuan ko.
Napailing na lang si Aly at inaya si Iris na samahan siyang umorder. Maging si Lean ay sumama rito.
“Sama na ako,” sabi ko rito. Kahit pa gusto akong pigilan ni Jahann ay hindi naman na ito nagsalita pa dahil tumayo na rin ako at sumama kina Aly para umorder doon.
“Hi, girls!” bati naman kaagad sa amin ni Tita Cristine. “Tamang-tama, I was about to tell Kiro to call one of you because we will be needing your help next month…” sabi nito sa amin.
Kumunot ang noo ni Aly. “Tulong saan, Tita?” tanong nito.
“Is this about the SD’s anniversary, Tita?” tanong ko rin dito. Tumango naman sa akin si Tita Cristine.
“Back then, your Tito PJ, Tito Blue, Tito Cupid, Tito Thunder, Tito Hunter used to help us. And of course, ang Daddy niyo never namin napilit ni Steph na sumali sa pagseserve o kung ano-ano pa. In short, hindi marunong makipagflirt ang Daddy niyo, compared sa limang… alam niyo na…” tumawa si Tita Cristine.
Alam naman na namin ang bagay na iyon. Isang tao lang ang minahal ng sobra ni Daddy. Si Mommy iyon. Si Mommy ang great love ni Daddy.
“Of course, Tita. We will help you. Next week naman na ang exams namin, makakatulong kami dito,” sagot naman ni Lean. Sumang-ayon kami. Maging si Iris ay nagsabi na tutulong siya.
“Kaya lang, Tita. I doubt kung maglalabas ng abs ang mga boys. Well, we have Theon naman. He’s enough, I guess?” natatawang sabi ko. Alam kong hindi magpapakita ng katawan si Keij, Enzo at Kol. At hindi naman ako papayag na gawin iyon ni Jahann.
Napangisi naman si Tita Cristine sa amin. “Okay. Focus on your exams muna and we’ll talk after that. Anong gusto niyong kainin? Ipapahatid ko na lang sa labas…” sabi pa nito sa amin.
Nagkanya-kanya naman kami ng pili. Ako na rin ang pumili ng kay Theon, Keij at Kol. Maging si Ian ay pumili na rin ako. Si Iris ang namili ng kay Jahann.
Pagbalik namin sa labas ay naroon na si Ian. Katabi ito ni Enzo. Nagkatinginan kami at agad siyang ngumiti sa akin. Ngumiti ako pabalik dito. Paglingon ko ay nakatingin naman sa akin si Jahann. Hindi ko siya pinansin at naupo na sa tabi niya.
“Guys, Tita Cristine asked us to help them here. Para sa anniversary ng SD…” masayang sabi ni Aly. “Napagkasunduan na rin namin na maghuhubad si Theon,” sinundan nito iyon ng malakas na tawa.
Kumunot naman ang noo ni Theon. “Binenta niyo na naman ako,” nakasimangot na sabi nito.
“Para namang lugi ka pa, brod…” natatawang asar ni Keij dito. “Dami ring chicks ‘non. Gym ka na,” dagdag pa nito.
“Iris will help us, too…” sabi pa ni Aly.
Hindi naman ako kumibo. Inilabas ko na lamang ang mga gamit ko para makapagsimula akong magreview.
“Ian should help us, too…” sabi naman ni Kol. Nag-angat ako ng tingin dito. Bakit pa kanina pa panay ang kaka-Ian nitong si Kol?
“Oo nga, no? Mas marami kayo, mas bebenta at mas maraming costumers…” sang-ayon naman ni Aly. Kilala naman na ang Sweet Desire. Ang alam nga namin ay maraming costumers na rin ng SD ang nagkakilala dito at nagkatuluyan. Marami ring costumers na hanggang ngayon, bumabalik-balik pa para silayan sila Tito Thunder.
“Sayang lang wala si Duke. Dagdag gwapo din ‘yon,” ani Keij.
“Madaya naman ‘yon. Sabi niya pag-uwi na lang nila nina Tito Daniel ‘yung regalo namin ni Cherinna. Lagi na lang pag-uwi, di naman umuuwi…” nakasimangot na sabi ni Aly.
Napangiti na lang ako. Duke’s Tito Daniel’s son. Sa America sila nakatira at minsan lang kung umuwi dito. Kaedad lamang ito halos ni Jahann.
“So, kasama na si Ian at Iris. After exam, paplanuhin na natin ang gagawin,” sabi naman ni Lean sa amin.
“Magreview kaya kayo,” masungit na sabi naman ni Enzo. Si Jahann ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ko. Nakasandal ito at hawak ang isang notebook at may isinusulat doon. Hinayaan ko na lang siya at hindi ko kinausap.
Nang dumating ang order namin ay nagkanya-kanya na muna kami ng kain. Lumipat din ako ng lamesa para naman mas makapagbasa ako dahil habang nagrereview ay biglang nasisingit sa usapan ni Aly ang tungkol sa make-up.
Solo ko lamang ang isang lamesa hanggang sa may naupo roon at tumabi sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatingin sa akin si Jahann. Agad kong ibinaba ang tingin ko sa notes ko at pilit binabasa at inaaral ang mga nakasulat doon.
God, Jahann, will you please stop staring at me?
Mas yumuko pa ako para hindi ko siya makita.
“Creep.”
Wala akong naririnig.
Inilipat ko pa ang pahina ng notebook ko para basahin ang kasunod na lesson kahit pa hindi ko nga naintindihan iyong nauna.
“Don’t ignore me, Creep.”
Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya. Seryosong nakatingin sa akin si Jahann.
“You have no idea how happy I am that you’re jealous, Creep,” mahinang sabi niya sa akin.
“Jahann!” saway ko rito. Napatingin ako sa mga kasama namin. Medyo malayo naman ang pinuwestuhan ko pero paano kung may nakarinig sa kanya?
“Cause that means you don’t want me to be with anyone else. And that feeling is mutual,” muling sabi pa nito.
“Stop it,” muli kong saway sa kanya. Nakita ko mula sa likod ni Jahann na nakatingin sa amin si Kol. Mahinang tango lang ang ginawa nito bago umayos ng upo.
May kinuha si Jahann sa loob ng bag nito na pahabang box na may purple na ribbon. Napakunot ang noo ko. “What is that?” tanong ko sa kanya.
“I know you’re scared that they will ask you why I came here. So, might as well give this to you now so you don’t have to lie…” inusog nito ang box papalapit sa akin.
Nanginginig ang kamay na kinuha koi yon at binuksan.
I saw watch inside.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya.
“I don’t know how much time I have to be with you like this, Creep. Every moment with you is important. They should be remembered, always…”
Hindi ako nakapagsalita.
Pakiramdam ko ay bumara na sa lalamunan ko ang puso ko. How can he do this? Be like that when everyone’s just around?
Ganoon ba katapang si Jahann para gawin ito?
He smiled at me.
“Nagseselos na rin ako sa manliligaw mo. Lumayo ka naman ng konti. Nasasaktan na kasi ako…” iyon lamang at tumayo na siya at bumalik sa tabi ni Kol.
Napatingin ako rito.
Ano bang gagawin nating dalawa, Jahann? Nasasaktan na rin ako…