“CHERINNA, ayos ka lang ba?” napalingon ako kay Kol nang magsalita ito. Last day na rin iyon ng exam at sa awa ng Diyos, natapos naman na naming lahat ng iyon. Sa susunod na linggo ay halos wala naman na kaming gagawin. Makakapagsimula na kaming tumulong at magplano para sa anniversary ng Sweet Desire.
Tumango ako rito at muling yumuko sa lamesa na naroon. Nasa loob kami ng coffee shop ni Kol. Sinabihan ko silang lahat na doon na ako didiretso dahil gusto ko talaga na magkaroon ng kape sa sistema ko. Si Kol ang unang sumunod sa akin. Sabi niya ay wala naman na siyang klase at wala ring ginagawa sa SSG kaya pinuntahan na niya ako.
“Why don’t you messaged him again?” tanong ni Kol sa akin. Nilingon ko siya pero nanatili sa lamesa ang ulo ko. Napasimangot ako. “He’s with Iris…”
Isang linggo ko na ring pinag-iisipan ang nangyayari sa amin. Wala na ba akong gagawing iba kung hindi ang mag-isip? Iniisip ko kung ano ang tama kong gawin pero wala akong mahanap na sagot—scratch that. Alam ko ang sagot. Sadyang ayoko lang sigurong gawin.
Napangiti ng bahagya si Kol sa akin. Ginulo nito ang buhok ko. Iniwas ko naman ang ulo ko sa kanya at umayos ng upo.
“You have two choices, Cherinna…” sumeryoso si Kol habang umiinom sa kape nito.
Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya.
“Listen to your heart, or listen to your mind…”
“It’s not that easy, Kol…” mahinang sabi ko. Sumandal ako at napatingin sa relo na suot ko. Iyon ang binigay ni Jahann sa akin. Sinabi niya na bawat oras na magkasama kami ay mahalaga. Bawat oras, dapat alalahanin. At hindi ako tumututol doon. Bawat oras na kasama ko siya, gusto kong mas maging makabuluhan… dahil katulad niya, hindi ko alam kung hanggang kailan kaming dalawa na ganito.
Ngumiti ng tipid si Kol sa akin bago tumaas ang isang kilay. “Choosing to do the right thing was never easy, Cherinna. I’m just here, no matter what…” hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Ngumiti ako sa kanya. “Thank you, Kol…”
Maya-maya ay napalingon na ako sa pinto ng coffee shop nang pumasok si Jahann. Luminga-linga ito na tila may hinahanap. Agad naman niya akong nakita at nakita kong bahagya siyang ngumiti pero agad ding napalis ang mga ngiting iyon nang makita niya si Kol na nasa tabi ko.
Dumiretso siya ng lakad at tinignan si Kol.
“Hands off.”
Napakunot ang noo ko. Sinundan ko ang tingin ni Jahann. He was looking at my hand. Hawak pa rin pala iyon ni Kol. Itinaas ni Kol ang kamay at natawa kay Jahann.
“Para kang gago, Jahann…” komento nito.
“Wala kang pakialam,” sagot naman ni Jahann na naupo sa tabi ko. “Kumain ka na?” tanong niya sa akin. Mas malumanay ang boses. Tumango naman ako. “Ikaw?” tanong ko rito. Hindi na kasi kami nakapagsabay-sabay na maglunch kanina dahil mas pinili kong magpasabay na lang ng bili kay Ian para makapagreview pa ako kahit papaano.
“Hindi pa,” sagot niya sa akin. Napasimangot ako. “You always remind me to eat, yet you’re the one who’s not eating,” sermon ko sa kanya.
“May ginawa pa kasi ako kanina…” sagot naman ni Jahann sa akin.
“Mas importante pa sa pagkain?” tanong ko ulit.
“Mas importante ka pa rin,” sagot nito. Natahimik naman ako. Maya-maya ay ngumiti si Jahann at inabot ang kamay ko. “Eh, di natahimik ka…” natatawang sabi nito. Inirapan ko na lang ito.
“Oorder ako. What do you want?” tanong ko sa kanya. Bago pa siya sumagot ay lumingon na ako kay Kol. “Ikaw, what do you want?”
“Same as Jahann…”
“Sa akin lang ‘yung gusto ko, Kol.”
“Gago, ‘yung pagkain kasi…” iiling-iling na sagot ni Kol dito. Napabuga na lang ako ng hangin. “Ako na lang ang bahala,” tumayo na ako. “Samahan na kita,” pagpiprisinta ni Jahann pero maagap ko siyang pinigilan. “Pakitanong na lang sila Aly kung papunta na sila. Oorder na ako para sa kanilang lahat,” sabi ko pa bago naglakad papunta sa may counter. Nararamdaman ko na sinusundan ako ni Jahann ng tingin.
Iniwan ko si Kol at Jahann. Paglingon ko ay nag-uusap na silang dalawa. Napabuga na lang ako ng hangin. Halata na may nalalaman si Kol sa nangyayari sa amin ni Jahann. Well, come to think of it, sa palagay ko ay alam na ni Kol noon pa man ang nararamdaman ni Jahann. Bago ko pa man malaman, alam na ni Kol ang bagay na iyon.
Paglingon kong muli ay nakatingin sa akin si Jahann, pero magkausap pa rin silang dalawa ni Kol. Kumunot ang noo nito sa sinabi ni Kol at nilingon ito. May sinabi ito kay Kol at nagkibit-balikat naman si Kol.
Ano man ang pinag-uusapan ng dalawang iyan, sigurado akong may sense. Hindi katulad ng kapag si Theon at Keij ang magkausap.
Walong frappe at cheesecakes ang inorder ko.
“Ma’am, tulungan ko na kayong magdala sa table niyo,” nakangiting sabi sa akin ng barista na naroon. Napakunot ako. Is he even allowed to leave his post?
Tumango na lang ako. Hindi ko rin naman mabubuhat ang lahat ng iyon kaya mabuti na rin na siya ang magdala ng mga iyon.
Nauna na akong maglakad pabalik sa table habang may dalang tray na may lamang cheesecakes. Tumayo naman kaagad si Jahann at sinalubong ako at kinuha ang tray mula sa akin. Nakasunod naman sa akin ang barista ng coffee shop na iyon.
“Ma’am, saan ko po ilalagay ‘to?” tanong niya sa akin.
“Pakilagay na lang sa table,” sagot ko naman. Naramdaman ko ang paghapit ni Jahann sa may bewang ko. Nilingon ko naman ito at kumunot ang noo ko. Hindi naman siya nagsasalita pero nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa barista na naroon.
“Balikan ko pa po ‘yung iba,” sabi nito sa akin. Tumango na lamang ako. Hinawakan na ni Jahann ang siko ko at iginiya ako para makaupo.
Maya-maya naman ay dumating na sila Aly. Kasama nito si Lean at Iris. Ang sabi ng mga ito ay papunta na rin si Keij at Theon samantalang hindi naman pupunta si Enzo dahil pupunta pa raw itong Blue’s Haven ngayon.
“Dito ka na, Iris,” ani Aly na iginiya si Iris para umupo sa tabi ni Jahann. Napaiwas ako ng tingin. Nakita ko si Kol na nakatingin sa akin. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa cheesecake na nasa lamesa.
Huminga na lang ako ng malalim.
“Nasaan pala si Ian, Cherinna?” tanong ni Kol sa akin na nagpalingon sa akin sa kanya. “May pupuntahan daw silang dalawa ni Kevyn ngayon, eh. Nagpaalam sa akin kanina…” sagot ko naman dito.
“Ang alam ko, out of town ang location ng show ni Kevyn, eh. Nabasa ko sa twitter niya. Baka isasama si Ian, Che?” ani naman ni Lean. Nilingon ko ito at saka nagkibit-balikat. “Hindi ko alam, eh…” sagot ko ulit. Sinasabi naman sa akin ni Ian ang mga pinupuntahan niya kahit na hindi ako nagtatanong sa kanya. Ayoko lang din na magtanong kung minsan dahil una sa lahat, hindi naman kaming dalawa.
“I am sure, sinabi niya sa’yo ‘yun. Ayaw mo lang ishare sa amin kung gaano kasweet si Ian, Twin…” natatawang sabi naman ni Aly bago uminom sa frappe nito.
Hindi naman kumikibo si Jahann na nasa tabi ko.
“Sa susunod isama mo si Ian sa mga ganito,” muling sabi ni Kol sa akin.
“Ang daldal mo, Kol. Di ka manahimik,” malamig na sabi ni Jahann dito.
“Ang sungit mo na naman, Jahann. May hindi ka ba nasagot sa exam?” pang-aasar ni Aly dito. Hindi naman ito sinagot ni Jahann.
“Aly, si Jahann pa ba? I am sure sobrang nadalian lang si Jahann sa exam, eh…” tila naman proud na proud na sabi ni Iris dito. Hindi ko mapigilang mapaikot ang mga mata. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Kol.
Siniko ko ito at tinitigan ng masama.
Nginitian lang ako ni Kol. Dumating naman si Theon at Keij kaya mas naging crowded ang paikot na upuan namin.
“Guys, we should start planning na for the SD’s anniversary,” sabi ni Lean sa amin. Agad namang sumang-ayon si Aly dito. “Itutuloy natin ‘yung original plan. Magta-topless ang boys…” nakangising sabi ni Aly.
“Kaya na ni Theon ‘yun,” sabi naman ni Keij. “Mabait ‘yang si Theon. Tsaka si Theon lang, sapat na…” sinundan nito iyon ng pagtawa.
“Tangina mo. Benta ka ng benta, di ikaw maghubad?” sagot naman ni Theon dito.
“Kapag naghubad kasi ako, baka wala ng pumansin sa’yo. Concerned lang ako…” hindi naman nagpapatalo si Keij.
“Pupunta ba si Kuya Cloud at Kuya Kiro?” tanong ko na lamang para manahimik si Keij at Theon. Tumango si Lean sa akin. “Yes. I heard Mom talking to Tita Stephanie. Lahat daw tayo ay present doon,” sabi nito. Napatango na lamang ako.
“Jahann, baka gusto mong magtopless?” tanong ni Aly dito.
Napalingon naman ako kay Jahann. Nilingon ako nito.
“I’m fine, Alyanna. Thank you,” sagot nito na sa akin nakatingin.
“Si Ian, baka pwedeng magtopless,” si Iris naman ang nagsalita.
“Oh my gosh, pwede rin nating iinvite si Kevyn!” excited namang sabi ni Lean. Napailing na lang ako. Nagpapasalamat na rin ako na hindi na ako ang sinabihan nila na kausapin si Ian para ayain si Kevyn. Since magkakilala naman na si Lean at Kevyn, ito na ang kakausap dito.
“Jahann, sasama muna ako kay Lean sa bahay nila, ha? Uuwi din ako before 9 pm,” paalam ni Aly kay Jahann nang magkaayaan nang umuwi nang matapos silang gumawa ng initial plan para sa aanniversary ng SD. Bukas ay pupunta kami roon at makikipag-usap kina Tita Cristine.
“Alright. Just make sure you’ll call Dad. I’ll cal Enzo, too, to take care of you. Sabihan ko na rin siya na ihatid ka mamaya,” sagot naman nito. Tumango si Aly dito. Inaya na niya ako kanina pero minabuti ko na lang din na huwag ng sumama dahil kasama nila si Iris. Sigurado naman akong malalaman ko rin ang plano nila kahit pa hindi ako sumama.
“Cherinna,” hinawakan ni Kol ang braso ko at pinigilan ako sa paglalakad papunta sa sasakyan ni Jahann. Humarap naman ako sa kanya.
Yumuko ito para magpantay ang mukha naming dalawa.
He’s doing it again.
Kumunot ang noo ko. “Ano na namang trip mo?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Nakita ko maging ang paggalaw ng Adam’s apple niya bago nagsalita. “Remember what I told you earlier?” mahinang tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Ngumiti siyang muli sa akin. “Whatever your decision will be, I’m just here…”
Tinitigan ko si Kol. It was as if he’s asking me to decide now.
“Creep.”
Napalingon ako kay Jahann nang tawagin ako nito. “Kol, umuwi ka na nga,” nakasimangot na sabi nito. Ngumiti lang si Kol ng tipid bago ginulo ang buhok ko at naglakad na papunta sa sasakyan nito. Sumunod naman na ako na naglakad papunta kay Jahann at sumakay sa sasakyan nito.
“What’s with you and Kol?” tanong kaagad niya nang maisara ko ang pinto.
Tinignan ko siya.
“What’s with you and Iris?” hindi ko napigilang magsungit. “Pinsan natin si Kol. Nababaliw ka na ba?” tanong ko rito. Huli na para maisip ko ang implikasyon ng sinabi ko. Napatingin ako sa kanya.
He smiled sarcastically. “With the way I feel for you, yes, Creep. Nababaliw na nga siguro ako.”
“Jahann…”
“Let’s go home,” iyon lamang ang sinabi nito at pinaandar na ang sasakyan nito. Hindi naman na siya kumibo habang nasa biyahe kami.
God. I know he’s having a hard time. Ako rin naman. Nahihirapan ako sa sitwasyon. Nahihirapan akong isipin sa mga hakbang na gagawin ko.
Hanggang sa patayin ni Jahann ang makina ng sasakyan nito ay hindi pa rin siya kumikibo. Nakasandal lang ako at nakayuko.
“I’m sorry… I…” huminga ako ng malalim. Nilingon ko si Jahann. “Sorry na,” mahinang sabi ko sa kanya.
“You should rest, Creep. Pupunta pa tayo sa SD bukas,” sagot naman niya sa akin. Nauna na siyang bumaba ng sasakyan. Napabuga na lamang ako ng hangin. Lumabas na rin ako ng sasakyan at pumasok sa loob. Naabutan ko si Mommy na naghahain ng hapunan namin.
“Cherinna, you should clean up, too. Kakain na tayo maya-maya,” sabi nito sa akin. Matapos kong humalik sa pisngi nito at nagpaalam na akong maliligo na muna. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at mabilis na naglinis ng katawan. Habang naglalakad ako pababa ay saktong bumukas naman ang pinto sa kwarto ni Jahann nang mapatapat ako roon.
Tinignan niya ako ngunit hindi siya nagsalita. Nauna pa siyang naglakad sa akin.
“Jahann,” tawag ko sa kanya. Hindi naman niya ako nilingon.
“Jahann!” napasimangot ako. Hindi ko naman kasi sinasadya na sabihin na pinsan namin si Kol… at maipamukha sa kanya na magkapatid kami.
Pero iyon naman ang totoo.
Magkapatid kaming dalawa.
Nakasimangot na dumulog na lang ako sa hapag at naupo sa tabi ni Jahann. Naroon na si Mommy at Daddy.
“Love, sa Sunday pala, sa SD tayo, ha?” sabi ni Mommy kay Daddy habang nilalagyan ng pagkain ang plato nito.
“For the SD’s anniversary?” tanong naman nito. Tumango si Mommy.
“Tita Cristine asked us to help them Dad,” sabi ko rin dito. Tumango ito sa akin. “That’s okay since exam week is over. Just make sure hindi kayo babagsak, walang magiging problema sa mga pag-alis alis niyo,” sagot naman niya sa akin.
“And make sure Ian won’t be a distraction to you, too,” ani Mommy sa akin.
Napatuwid ako ng upo. “Mom, hindi ko naman po pinababayaan ‘yung pag-aaral ko,” mabilis na sabi ko.
“I’d allow you to have a boyfriend, just make sure you won’t disappoint me, Cherinna…” seryosong sabi ni Daddy sa akin. “I know your mom and I raised you well. So I’m trusting you. Don’t disappoint me.”
Hindi ako nakapagsalita.
“Love, magboboyfriend pa lang ang mga anak natin. Calm down, alright? Besides, Cherinna’s old enough to know what’s right and wrong. Mas matanda pa nga si Jahann, si Jahann ang payuhan mo sa panliligaw…”
Nilingon ni Daddy si Mommy.
“Hindi ka nga pala nanligaw,” sinimangutan ni Mommy si Daddy. Ngumiti naman ito bago bumaling sa akin at naging seryosong muli ang ekspresyon ng mukha.
“I hope you get my point, Cherinna…”
Tumango na lang ako ng marahan at kumain ng tahimik.
Pagtapos kumain ay dumiretso na lang ako ulit sa kwarto ko at nanuod ng kung ano-ano. Wala rin naman akong maintindihan sa pinapanuod ko. Nakasandal ako sa may headboard ng kama ko at yakap-yakap ang bagong stuffed toy na binigay ni Jahann sa akin.
Kinuha ko ang phone ko at nagcheck na lang ng accounts.
Napabuga na lamang ako ng hangin nang makita ko ang post ni Jahann. Bihira lamang siya magpost kaya alam ko na laging may laman ang pinopost nito.
You’re everything I’ve ever wanted.
Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko ang sinabi ni Daddy. Paulit-ulit tumatakbo sa isipan ko ang kaseryosohan ni Daddy nang sabihin niya iyon.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim bago inexit na lamang ang accounts ko at nahiga. Muli akong napatingin sa stuffed toy na bigay ni Jahann. It’s almost 11 pm. Gising pa kaya siya?
Ngumiti ako ng malungkot.
Maybe it’s time…
Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Dahan-dahan lang ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa pinto ng kwarto ni Jahann.
Kumatok ako ngunit wala akong narinig na paggalaw man lang sa loob.
Muli, kumatok ako.
Ngunit wala pa rin.
Napasandal na lang ang noo ko sa pinto ng kwarto niya.
“Jahann, open up…” sabi ko bago muling kumatok. “It’s me. Cherinna…” dagdag ko pa. Ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang pagbukas ng pinto. Napahakbang ako paatras at nag-angat ng tingin.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin.
Huminga ako ng malalim at saka ngumiti.
“May ginagawa ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Wala. Bakit?” malamig na tanong niya sa akin.
“Pwede mo akong samahan?” tanong ko ulit sa kanya. Kumunot ang noo niya. “Gusto ko kasi ng ice cream. Wala namang stock sa ref kaya lalabas ako…”
Hindi siyia nagsalita. Maybe he’s still pissed.
Pero, Jahann…
“Alright. I guess you’re busy,” ngumiti ako. “Sige, sorry…” tumalikod na ako para bumalik na lamang sa kwarto ko nang tawagin niya ako.
“I’ll come with you,” sabi nito. Huminto ako sa paglalakad at napangiti.
Pagbaba namin ni Jahann ay may suot itong jacket. Dumiretso na kami kaagad sa sasakyan niya at naghanap ng convenient store na malapit lamang sa amin.
“Where do you want to eat? Dito o sa bahay?” tanong niya sa akin.
“Dito na lang…” sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. Nakabukas ang pinto ng sasakyan niya at nakaupo ako na nakaharap sa labas habang kumakain ng ice cream. Nakasandal naman si Jahann sa pinto nito sa likod habang nakatingin sa akin.
“You always ignore me when there’s a food in front of you,” sabi nito sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“What?” tanong ko.
Umiling si Jahann. “Just eat, Creep…”
Huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang pagkain.
Patuloy pa rin ang pag-e-echo ng boses ni Daddy sa isip ko.
Damn it.
Kinagat ko ang labi ko at muling yumuko sa ice cream tub na hawak ko.
Nanginginig ang mga kamay ko.
Kol was right. Choosing to do the right thing was never easy.
“I’m sorry about earlier. Nainis lang ako…” mahinang sabi ni Jahann. Hindi ako nagsalita. Nakayuko lang ako at laking pasasalamat ko na lang rin na nakalugay ang buhok ko.
“You’re really going to ignore me just because you’re eating?” narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Mas yumuko naman ako. Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko.
“I know it’s you who’s knocking earlier. I was actually thinking of ignoring you and just pretend that I’m already sleeping. But I can’t let you wait, Creep…”
Nanginginig ang kamay ko. Gusto kong magsalita pero tila nakabara na sa lalamunan ko ang lahat ng mga sasabihin ko.
How can I hurt someone like Jahann?
Paano ko magagawang saktan ang taong walang ibang ginawa kung hindi alagaan ako?
Mabilis na pinunasan ko ang luha ko at nagpanggap na may sipon. Agad namang lumapit sa akin si Jahann. “Are you okay?” bakas sa boses niya ang pag-aalala. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata.
“Sinipon lang bigla…” sagot ko sa kanya na tila pinapanormal ang boses.
“Tss. Anong oras na kasi, ice cream pa. Ang lamig-lamig pa sa labas…”
Naramdaman ko na lamang ang pagpatong ng jacket niya sa akin. “Wear that,” marahang utos niya sa akin. “I’ll just go check kung may gamot sila doon,” sabi niya sa akin bago muling bumalik sa store na pinanggalingan naming kanina na hindi naman kalayuan.
Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko habang nakatingin kay Jahann na naglalakad papalayo.
God knows how much I want to say what I feel, Jahann.
But I can’t.
Kol was right. It’s really hard to choose the right thing to do.
Every time with you is worth remembering, Jahann. Napatingin ako sa orasan na nasa may kamay ko.
If I could just stop the time and be with you, Jahann, gagawin ko.
Patuloy lamang ang pagpatak ng luha ko.
But the fact that we’re siblings remains.
This is wrong.
Sumandal ako at hinawakan ang singsing na isinabit ko sa may kwintas ko. Napangiti ako.
“Mine…”
Muling pumatak ang mga luha ko.
You’re no longer mine…
Nakita ko ang pagbalik ni Jahann kaya agad akong umayos ng upo at sumandal. Ipinalig ko rin sa may bintana ang mukha ko.
“Creep…” untag niya sa akin. “Wala silang gamot, maybe we should go home, or we can buy your meds somewhere…” narinig kong sabi niya. Pinipigilan kong mapahikbi.
“Creep…” hinawakan niya ang braso ko. Umungol lang ako ng mahina para isipin niya na nakatulog na ako. Nakapikit ang mga mata ko habang patuloy lamang ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko.
“Aayain mo ako, tapos tutulugan mo ako…” hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. “Alright, just sleep then…” mahinang sabi niya sa akin.
Jahann…
Naramdaman ko ang paglapit niya at maging ang pagdampi ng labi niya sa gilid ng noo ko. Mahina siyang bumulong.
“I love you, Creep.”
Mas ipinikit ko pa ang mga mata ko at patuloy na umiyak ng tahimik.
I’m sorry, Jahann. I’m sorry.