Played By Fate (Book 1) Chapter 27

“MAGKA-AWAY ba kayong dalawa ni Jahann?” tanong sa akin ni Aly nang lumapit siya sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kakambal ko. Kasalukuyan kaming nasa SD at nagsusulat ako ng recipes na ibinigay ni Tita Cristine sa akin. Tutulong ako sa kanila sa pagbe-bake ng cakes para sa anniversary ng SD na gaganapin sa Linggo.

Marahan akong umiling bago muling ibinalik ang tingin sa notebook na nasa may lamesa. Tila nablangko ang isip ko dahil sa tanong ni Alyanna sa akin.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang gabing iyon.

Simula nang sinabi niya sa akin ang nararamdaman niya. Hindi niya alam na narinig ko iyon at nagpanggap na lang rin ako na wala akong narinig. It was better that way.

Sa tuwinang maaalala ko ang sinabi niya, parang may kutsilyong patuloy na tumutusok sa dibdib ko.

And I actually thought when I heard someone say those words to me, I’ll be the happiest.

Pero bakit ganoon?

Bakit kabaligtaran ang nararamdaman ko?

“Lagi ka na lang kasing maagang umaalis. Hindi pa kami gising, nakaalis ka na. Ikaw na ba ang nagbubukas ng school?” natatawang tanong ni Aly sa akin. Hindi ako kumibo. Sinasadya ko ring umalis ng maaga para hindi kami magpang-abot ni Jahann. Sa school naman ay ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para maiwasang magtama ang landas namin ni Jahann. Laking pasasalamat ko lang din na lagi akong sinasamahan ni Ian kaya naman lagi akong may naidadahilan sa kanila. Hangga’t maaari, ayoko na munang makasama si Jahann. Nagtatagumpay naman ako dahil Biyernes na ulit ngayon. I survived that seven days… barely.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

Hindi ko alam kung kaya ko bang makita siyang nasasaktan.

“Cherinna, baka naman gusto mong sumama sa amin nila Lean at Iris sa mall mamaya? Mamimili kami ng damit, eh. Or tomorrow, twin. Saturday naman na,” aya ni Aly sa akin. “Lagi na lang si Ian ang kasama mo, twin. Baka pwedeng mahiram ka namin sa kanya. Hindi pa naman kayo, diba?” tanong niya sa akin. Bago pa man ako makasagot ay nagsalita itong muli. “Besides, sasama lang daw kasi si Jahann kung kasama ka. Kaya please, sumama ka na? Para makumpleto naman tayo. Ayaw niya rin sumama sa amin kaya laging kami na lang nila Lean ang magkakasama…” pamimilit pa sa akin ni Aly.

Natigil ako sa pagsusulat.

Kung sasama ako, sasama siya…

Kung sasama ako, makakasama ko siya…

God, I missed him.

Pero kung sasama ako, mas lalo lamang akong mapapalapit sa mali.

Nasa iisang bahay lang kami, pero kailangan ko siyang iwasan dahil na rin iyon ang tamang gawin. I don’t want to disappoint them. I don’t want to disappoint our dad, I don’t want to hurt our mom.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “May lakad kami ni Ian mamaya, eh…” paiwas na sagot ko kay Aly. Humigpit ang hawak ko sa ballpen ko.

“Twin naman…” napasimangot si Aly sa akin. Hinawakan niya ag braso ko at hinila-hila iyon. “Sumama ka na. Para makumpleto tayo. Isama mo na lang si Ian kung gusto mo,” pangungumibinsi niya pa sa akin. “Okay lang naman sa amin na kasama mo si Ian, walang kaso sa amin ‘yun,” dagdag pang sabi ni Aly.

Hindi naman ganoon kadali ang gusto ni Aly na gawin ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula kapag kinausap ako ni Jahann. Hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula na magpaliwanag sa kanya. Hindi ko alam kung alin ang tatapusin ko.

Hapon na nang dumating sila Theon at Keij, kasama si Kol. Si Enzo naman ay nagpasabi na kaagad na hindi makakapunta kaya sila Theon na ang bahala kina Aly sa pagpunta ng mga ito sa mall.

“Hindi ka talaga sasama?” tanong ni Aly sa akin habang nakaupo kami sa labas. Hinihintay na lamang nila si Lean at Iris. Umiling akong muli. Napanguso naman ang kakambal ko at sumandal sa silya at humalukipkip. Napangiti lang ako ng tipid.

“Cherinna, sumama ka na. Para may magsasaway sa mga ‘yan. Gagawin na naman kaming taga-bitbit niyan, eh,” sabi ni Keij sa akin. Nilingon ko lamang ito ngunit hindi ko na sinagot pa.

“Ewan ko sa’yo, Keij,” inirapan ito ng kakambal ko. “Kukuha lang ako ng maiinom sa loob,” ani Aly na nakasimangot pa rin bago padabog na tumayo at pumasok sa loob ng shop.

“Uy, ako rin. Hihingi pa akong cupcakes kay Tita Cristine, eh. Si Dad magbabayad,” tumayo rin si Keij at sumunod kay Aly. Hinila naman nito si Theon kaya naiwan kaming dalawa ni Kol na naroon.

Nakasandal lang ako at nakatingin sa lamesang naroon. Walang anumang interesante sa lamesang naroon pero hindi ko lang kasi mawari kung saan ko ba ibabaling ang atensyon ko dahil ramdam ko na nakatingin sa akin si Kol.

“What happened?”

“What happened where?” painosenteng tanong ko sa kanya.

“Cut the act, Cherinna. What happened between you and Jahann?” tanong na muli sa akin ni Kol.

Ngumiti ako bago nag-angat ng tingin sa kanya.

“Nothing happened…” mahinang sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko. Sa araw-araw na lamang na gigising ako at aalis, hindi ko alam kung ilang beses akong nagpapatong ng concealer para lamang hindi mahalata ang pamamaga ng mga mata ko. I was never a fan of make-ups, but I had to use that product everyday now.

“Cherinna…”

“I don’t want to talk about it, Kol…” ngumiti ako ng malungkot sa kanya. “You were right. Doing the right thing is the hardest…” napayuko ako bago ko pinahid ang pisngi ko. “But it’s for the best…” mahinang sabi ko. Naroon na naman ang pakiramdam na tila may tumutusok sa puso ko… na parang may pumipiga rin dito.

“Are you happy?” tanong muli ni Kol sa akin.

Tumawa ako ng pasarkastiko bago nag-angat ng tingin. Tumango ako. Kasabay ng pagtango ko ang pagpatak ng luha ko ang pagtango ko. “I am… I won’t disappoint them this way…”

Kol’s jaw tightened.

“Cherinna…”

“I’m fine, Kol…”

I’m not fine, at all.

May sasabihin pa sana si Kol pero natigilan kaming dalawa nang mapansin namin ang paparating na sasakyan ni Ian. Araw-araw ay hinahatid na rin ako ni Ian pauwi sa bahay. Isa sa mga nakakatulong na paraan para hindi kami magtagpo ni Jahann.

Lumingon ako sa pinsan ko at ngumiti ng malungkot. “Ingat kayo, ha? Mauuna na ako…” tumayo na ako at inayos ang gamit ko.

“Aren’t you going to talk to him?” tanong ni Kol sa akin. Natigilan ako. Saan ba ako magsisimula? Can someone help me with that matter? Because I seriously don’t have any idea where to start.

“I have to go, Kol…” mahinang sabi ko sa kanya bago sinamsam ang mga gamit ko at naglakad papunta kay Ian na naglalakad din papunta sa amin. Agad na napakunot ang noo ni Ian nang makita ako. “What happened? Are you okay?” hinawakan niya kaagad ang kamay ko at lumapit sa akin. Kinuha niya rin mula sa akin ang mga gamit ko. Tumango naman ako. “Medyo masama lang ang pakiramdam ko,” sagot ko sa kanya.

“Are you sure? You look pale, Sunshine…” hinawakan niya ang pisngi ko at agad naman akong nag-iwas. “Pagod lang ako. Tara na,” aya ko sa kanya. Kahit hindi kumbinsido ay tinanguan ako ni Ian at inalalayan papunta sa sasakyan nito. Napalingon ako kay Kol na nakatingin sa akin. Nilingon din ito ni Ian at tinanguan si Kol. Mahinang pagtango lamang din ang isinukli ni Kol sa binata.

I filled my lungs with air before shaking my head. Sumakay na lamang ako sa sasakyan ni Ian at isinuot ang seatbelt ko. Nakatingin pa rin sa akin si Kol.

“Where do you want to go?” tanong ni Ian sa akin nang pumasok na rin ito sa sasakyan niya. Nagkibit-balikat ako. Panglimang araw na rin naman na lagi akong hinahatid ni Ian papauwi. Lagi lang din kaming nagpupunta sa park para mag-usap, kumain… aayain ko siyang umuwi kapag gabi na at hindi naman na ako lumalabas pa ng kwarto ko pagpasok ko doon.

Tuwing gabi ay naririnig kong kumakatok si Jahann.

Pero laging nagpapanggap akong tulog na.

Kahit na kung minsan, nakatayo lang ako sa may tapat ng pinto ko… iyon na ang pinakamalapit na naging distansya namin simula nang gabing iyon.

“Sunshine, are you okay? Ihahatid na lang kita sa inyo,” masuyong sabi ni Ian sa akin. Nilingon ko ito.

“Ayoko pang umuwi…” mahinang bulong ko.

Natatakot ako.

Natatakot akong naroon si Jahann.

Natatakot akong kalimutan ko kung ano ang tama at piliin ko ang mali.

“But you’re not feeling well…” hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. “Is there any problem? You can share it. I’m very much willing to listen,” sinserong sabi nito sa akin. Marahan naman akong umiling bago binawi ang kamay ko.

“I’m fine. Let’s go. Gutom lang siguro ako,” pilit kong pinasigla ang boses ko. “Maybe I just need an ice cream,” ngumiti ako sa kanya. Kahit na alam kong hindi kumbinsido si Ian ay tumango na lang rin siya sa akin at ngumiti.

“Alright. Whatever you want, we’ll do it,” sabi nito bago binuhay ang sasakyan at umalis na roon. Tahimik lang ako habang nasa biyahe kaming dalawa. Nakatingin lang ako sa labas at pilit inaalis sa isip ko si Jahann.

“Are you sure you’re okay?”

Napalingon ako kay Ian nang magsalita ito. Nakahinto ang sasakyan dahil na rin sa red light. Nakatingin siya sa akin.

“I am. Sorry. Marami lang akong iniisip para sa Sunday…” pagdadahilan ko sa binata.

Ngumiti sa akin si Ian. “Don’t worry. Everything will be fine. And I’ll be there. Hindi kita iiwan,” hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ng marahan.

Ngumiti ako ng tipid. Napakabait niya sa akin. He’s always there for me, too. Kahit na hindi maganda ang unang pagkikita namin ni Ian, nakabawi na siya roon. Okay na kami ngayon. Kilala na rin siya ni Mommy at Daddy.

“Baka matunaw naman ako sa tingin mo niyan,” ngumiti si Ian sa akin at saka lumingon. Noon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa kaya. Umaandar na ring muli ang sasakyan nito.

Umayos ako ng upo at tumingin na lamang sa harap.

“Okay lang naman sa akin kung iniisip mo na napakaswerte mong may kasama kang gwapo,” narinig kong sabi ni Ian.

Tinignan koi to at tinaasan ng kilay.

“Di na rin kailangan ng aircon dito, no? Ang hangin mo, eh…” nakasimangot na sabi ko sa kanya.

He grinned at me. “I’m just trying to make you smile, Sunshine.”

“Then do it without being conceited,” sagot ko naman sa kanya.

Natawa si Ian sa akin. “I’m not being conceited, I’m being honest here. Hindi ba ako gwapo sa paningin mo?” tanong niya sa akin. Tumaas pa ang isang kilay nito.

“Hindi,” umiling ako at hindi ko napigilang mapangiti.

“Sinungaling,” ngumiti rin si Ian sa akin.

Matapos siyang bumili ng ice cream sa convenience store, nagpunta na kami sa park. Nakaupo lang ako sa may hood ng sasakyan niya katabi ito.

“Okay naman ako sa Daddy mo, diba?” tanong ni Ian sa akin. Kumunot ang noo ko. “What do you mean?” tanong ko sa kanya nang lingunin koi to habang kumakain ako.

“I was just wondering, kailan ka sasagot sa akin,” nakatukod ang dalawang kamay nito sa may sasakyan habang nakatingin sa akin.

Hindi ako nakasagot sa kanya.

Ngumiti si Ian sa akin. “Hey, I’m not rushing you. Napapaisip lang ako. I just want to call you mine, that’s why. No pressure, Sunshine. Rest assured that I’ll wait for you, okay?”

Marahan lang akong tumango sa kanya at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

“Babagay rin naman sa’yo ang Montenegro, diba?” biglang sabi ni Ian. Nilingon ko naman itong muli. “Akala ko ba, hindi ka nagmamadali?” tanong ko sa kanya.

Ngumisi si Ian sa akin. “Nagbabaka-sakali lang naman,” sinundan nito iyon ng pagtawa.

Halos alas-diyes na ng gabi nang sabihin ko kay Ian na ihatid na ako. Kahit na nagpupumilit siya na ihatid na ako ng bandang alas-otso ay ako na mismo ang tumatanggi rito. Laging late ako umuuwi para na rin hindi kami magkita ni Jahann.

Mahirap pero kailangan.

“I’ll see you tomorrow?” tanong ni Ian sa akin nang nasa may labas na kami ng gate ng bahay namin. Tumango naman ako sa binata. “Nasa SD lang naman ako bukas. Punta ka na lang, dun…” sagot ko sa kanya. Tumango naman si Ian sa akin.

“Salamat sa paghatid,” sagot ko habang naglalakad.

“It’s my job to make sure you’ll be home safe,” ani Ian.

“Sige na, umuwi ka na. I’ll see you tomorrow,” ngumiti ako sa binata. “Goodnight,” dagdag ko pa.

Hinawakan naman ni Ian ang kamay ko kaya natigilan ako at tinignan siya. Nagbaba siya ng mukha at naramdaman ko na lamang ang labi niya sa may pisngi ko.

“Goodnight,” masuyong bulong niya sa akin.

Hindi naman na ako kumibo. Pumasok na lang ako sa bahay namin at tahimik na naglakad papunta sa kwarto ko. It’s almost 11:30.

Matapos akong maglinis ng katawan ay natigilan ako nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

“Creep…”

Nakatayo lamang ako at nakatingin sa kwarto ko.

“Creep, I know you’re still up…” narinig kong sabi ni Jahann mula sa labas.

Tila gustong kumawala ng puso ko mula sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok niyon. Nag-iinit ang mga mata ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto.

“Creep, it’s been a week already. May problema ba?”

Dama ko mula sa boses ni Jahann ang frustration niya.

Gusto kong buksan ang pinto pero kapag ginawa ko iyon, para ko na ring binuksan ang pinto ng pagkakamali.

“I miss you, Cherinna…”

Tuluyan ng bumagsak ang luha mula sa mga mata ko.

Namimiss na rin kita, Jahann.

“Just tell me what’s wrong and I’ll try to fix it…”

What’s wrong? Iyong nararamdaman natin ‘yung mali… iyon, Jahann. Naupo ako at sumandal sa pinto. Pigil na pigil kong gumawa ng ingay.

“I miss you so much, Creep…” narinig kong muli niyang sinabi. Niyakap ko na lamang ang tuhod ko at patuloy na umiyak.

Sorry, Jahann.

Sorry kasi nasasaktan kita.

Buong magdamag ay nakaupo lamang ako roon. Hanggang sa magliwanag ay nakaupo lamang ako.

“Twin, are you still there?” napapitlag ako nang kumatok si Aly sa pinto ng kwarto ko. Hindi ako sumagot. “Baka maagang umalis na naman, Jahann. Let’s go na?” narinig ko pang sabi ni Aly.

Nasa labas si Jahann?

“Hindi pa siya umaalis…” sagot naman ni Jahann kay Aly.

“Maybe she’s still sleeping. Susunduin naman siya ni Ian, eh. Sa SD na natiin siya puntahan mamaya,” sagot ni Aly dito.

Napayuko na lamang ako.

“Magkaaway ba kayong dalawa?” tanong ni Aly kay Jahann.

Hinintay kong sumagot siya.

“Hindi ko rin alam…” malamig na sagot ni Jahann. “Tara na. Susunduin naman pala siya ng manliligaw niya,” dagdag pa ni Jahann bago ko narinig ang sagot ni Aly sa papalayong tinig.

Namimigat ang buong katawan ko, marahil ay dahil na rin sa puyat. Napagdesisyunan ko na lamang na huwag umalis ng bahay. Sinabihan ko naman kaagad si Ian na masama ang pakiramdam ko. Pinipilit nya akong pumayag na magpunta siya sa bahay pero sinabi ko na gusto ko na lamang magpahinga. Sabi ko’y sa Linggo na lamang kami magkita at pumayag naman si Ian. Binilinan niya na lang ako na kumain at uminom ng gamot.

Buong maghapon ay nasa kwarto lamang ako. Lumabas lang ako para kumain ng tanghalian at maging ng hapunan.

Kinagabihan, ay pinilit ko rin na matulog ng maaga.

Nakahiga lang ako at yakap ang stuffed toy ko. I had the whole day to think about what I should do. Para matapos na maging paghihirap ni Jahann.

Nang gabing iyon, walang pagkatok galing kay Jahann. Walang kahit na ano.

Kahit na kulang sa tulog ay maaga akong nagising para na rin makapaghanda sa pagpunta sa SD. Mabilis akong naligo at kinuha ang gamit ko. Nang makalabas ako ng kwarto ko ay natigilan ako nang makita ko si Jahann na nakasandal sa labas ng kwarto ko. It was as if he’s waiting for me.

Tila nakalimutan kong huminga habang nakatingin sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakayuko si Jahann at nakapikit. Mukhang nakatulog na ito.

Huminga ako ng malalim at tahimik na isinara ang pinto ng kwarto ko.

Naglakad na ako palayo pero agad din akong natigilan nang tawagin niya ako.

Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa akin at nangangalumata pa ang mga mata.

“Di-diyan ka ba natulog?” tanong ko sa kanya. Iniiwas ko ang tingin.

“I was waiting for you…” sagot niya naman sa akin.

Hindi ako makahanap ng isasagot sa sinabi niya.

“Baliw ka talaga,” pinilit kong pasiglahin ang tinig ko kahit na nag-iinit na naman ang mga mata ko. Ang lapit ko sa kanya. “Paano kung nakita ka nila Daddy?” tanong ko sa kanya.

Humakbang papalapit si Jahann sa akin. Napaatras ako.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Napayuko ako.

“May problema ba?” tanong niya sa akin. Umiling naman ako. “Wala…” inalis ko ang bara sa lalamunan ko at nag-angat muli ng tingin. “Uhm, kailangan ko ng magpunta sa SD. Kita na lang tayo dun,” paalam ko sa kanya bago mabilis na tumalikod dahil na rin hindi ko na mapigil ang luha ko.

“Cherinna…”

Narinig ko ang pagtawag niya pero binilisan ko na lamang ang paglalakad at pagbaba ng hagdan. Nagpahatid na lamang ako papuntang SD since sabay si Mommy at Daddy sa pagpunta roon mamaya. Si Aly ay malamang na isasabay naman ni Jahann.

Pagdating ko naman ay naroon na kaagad si Tita Steph at Tita Cristine. Naabutan ko rin na naroon na si Kuya Kiro at Ate Caryl.

“Cherinna? Ang aga mo naman,” puna ni Kuya Kiro sa akin. Ngumiti ako, “Maaga ka rin naman, Kuya…” sagot ko sa kanya. “Minsan lang kasi available si Caryl…” huminga ito ng malalim. “Laging kasama niya si Kevyn dahil naka-aassign siya sa pagsusulat ng script sa palabas nun,” dagdag pa nito.

Tumango na lamang ako. Hindi ko na rin sinabi na magkasamang nagpunta si Ate Caryl at Kevyn sa camp noon dahil na rin ayokong masaktan si Kuya Kiro.

“Nasaan pala si Jahann?” tanong nito sa akin. Natigilan naman ako. “Himala, wala sa tabi mo ‘yon, ah?” natatawang sabi nito. “Nauna na ako dito,” tipid na sagot ko.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtulong sa pagbebake ng cake. Nakapagsimula naman na kahapon sila Tita Stephanie kaya nabawasan na ang mga gagawin namin.

Unti-unti na ring nagdadatingan ang mga pinsan ko at sila Lean.

“Cherinna, lumabas ka na muna para makakain ka…” nakangiting sabi ni Tita Cristine sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

Alam kong kasama na nila si Jahann dahil ito ang naka-assign sa pagkuha ng pictures sa event na iyon. Sabi nga ni Tita Steph, kung si Daddy ang gumagawa ng bagay na iyon noon, it’s Jahann’s turn now.

Dala ko ang cupcakes na lumapit sa lamesa ng mga ito. As usual, napakingay nila sa table nila. Naroon na ang lahat. Si Kuya Cloud ay kausap si Enzo. Si Keij at Theon naman ay nag-aasaran pa rin sa paghuhubad ni Theon para mamaya. Maging si Iris ay naroon na rin.

“Hey, dinidibdib mo ba ang pagbebake?” tanong ni Kol sa akin nang maupo ako sa tabi niya. Kumunot ang noo ko. Kinuha ni Kol ang tissue sa lamesa at pinunasan ang pisngi ko.

“Sa aga ba naman umalis niyan ni Cherinna, malamang nga dinidibdib niya…” natatawang sabi ni Aly sa akin.

“Meron, Che?” tanong naman ni Keij sa akin. Tinitigan ko siya ng masama. Ngumisi lang sa akin ang pinsan ko.

Nakatingin lang sa akin si Jahann na nakaupo sa tabi ni Iris. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya. It was almost 10 am when Ian arrived. Kasama nito si Kevyn kaya naman halos hindi na makakalma si Lean.

“Theon, hubad na. Magsisimula na…” pang-aasar ni Keij dito. Hindi naman naming napigilan ang pagtawa. Walang nagmumura sa mga ito dahil na rin naroon na ang mga magulang namin.

“How are you feeling now?” tanong sa akin ni Ian nang makalapit siya sa akin. Ngumiti naman ako. “I’m fine…”

“Nag-alala ako sa’yo…” hinawakan ni Ian ang dalawang kamay ko. Nakita ko naman sa bandang likod ni Ian si Jahann na nakatingin sa amin.

“Just help me with these…” sabi ko kay Ian matapos kong bawiin ng marahan ang mga kamay ko. Tumango naman siya sa akin.

Gaya ng inaasahan namin, napakaraming nagpunta sa SD para bumili ng cakes at iba pang tinda roon. Bukod kasi sa may discount ang lahat ng tinda roon, may libre pang mga souvenirs, at bonus pa na marami silang nakikitang gwapo, kabilang na ang mga tatay namin.

Nagpunta ako sa kusina para kumuha pa ng mga cupcakes. Halos mapatalon ako nang makita ko si Jahann na sinundan ako.

“What are you doing here?” tanong ko sa kanya.

“Let’s talk…”

“Jahann, may ginagawa ako. May ginagawa ka rin,” sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang tray na may lamang cupcakes at naglakad na pero hinarang ako ni Jahann.

“Let’s talk, please…”

Huminga ako ng malalim.

“Jahann, please…”

“What’s the problem?” tanong niya sa akin.

Umiling ako. “Jahann, please. We’re working here…” pilit akong umiiwas.

“Cherinna, just tell me what the fuck is the problem,” anas ni Jahann sa akin. “Kayo na nung Montenegro na ‘yun, ganon ba?” hinawakan niya ang braso ko. Inilapag ko ang hawak kong tray.

“Jahann, nasasaktan ako…” pilit kong binabawi ang braso ko.

“Just tell me. Kayo na ba?” his jaw tightened as he looked at me.

“Hindi pa…” iniwas ko ang tingin sa kanya. “But I’ll say yes to him later…”

“What?” naramdaman ko ang pagluwag ng hawak ni Jahann sa akin.

Fuck, Cherinna. Don’t cry. Kailangan mong gawin ‘to. Kailangan. Ito ‘yung tama mong gawin.

“You heard it right, Jahann. Sasagutin ko na si Ian…” basag ang boses na sabi ko. “So, please just let me go. May trabaho pa akong ginagawa…”

Naramdaman ko ang pagbitiw niya sa braso ko. Tuluyan nang nalaglag ang mga luha ko. Naglakad na ako papalabas pero natigilan ako nang yakapin ako ni Jahann mula sa likuran.

“Don’t say yes to him, Creep. Please, don’t…” tila hirap na hirap na sabi ni Jahann sa akin.

Jahann…

“Please, Jahann… just let me go…” mahinang sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at inalis iyon mula sa pagkakayakap sa akin.

“Cherinna…”

“I’m sorry…”

Mabilis akong lumabas at iniwan si Jahann.

It’s for you, too, Jahann. And I’m really really sorry.

Before that day ended, I said yes to Ian… and I lost Jahann.

And it fucking hurts.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.