POWER OF DESIRE Chapter 20

NAKITA ni James ang matinding pagkabigla sa sinabi niyang iyon. Hindi na siya nagtaka dahil iyon naman ang inaasahan niya.

"T-Tama ba ang narinig ko hijo?" ang tanong-sagot sa kanya ni Cita makalipas ang ilang sandali.

Matuwid ang pagkakatitig sa mga mata ng ginang siyang tumango. "Gusto kong protektahan si Aria sa pinakamainam na paraang alam ko. At iyon ay kung papayag siya" aniyang hindi napigilan ang mapait na ngiting pumunit sa mga labi niya.

Pinatitigan muna siya ng ina ni Aria bago ito nagsalita. "Mahal mo ba ang anak ko, James?" ang prangkang tanong nito sa karaniwang mabait paring tono.

"I'm sorry pero hindi ko po masasagot iyan" nasa tono niya ang pangalawang salita sa pangungusap niyang iyon.

Totoo naman kasi iyon, siya man ay hindi malaman kung ano na ba ang talaga ang feelings niya para kay Aria. Gusto niya itong protektahan at doon ay sigurado siya.

Tumango-tango ang ina ni Aria saka siya makahulugang nginitian. "Kung ganoon, mas mabuti siguro na sa kanya mo sabihin iyan hijo" anito. "panatag ang kalooban ko kasi alam kong ikaw ang kasama niya. Alam ko mabuti kang tao at sigurado rin ako na hindi mo siya pababayaang mapahamak" pagkasabi noon ay tumayo na ito kaya ganoon rin ang ginawa niya.

"Mauuna na ako hijo, maraming salamat sa oras mo" pagkasabi ay iniwan na siya ng matanda.

NASA biyahe na sila papunta sa mall kung saan siya ibibili ng cellphone ni James ay nakapagtatakang tahimik parin ang binata.

"Bakit ang tahimik mo James?" ang naitanong niya rito.

"H-Ha?" ang tila nagulat pa nitong tanong-sagot sa kaniya.

Natawa ng mahina si Aria sa nakitang reaksyon ng binata. "Parang wala ka sa sarili mo" aniya rito saka nakangiting umiling iling.

"Naalala ko lang iyong napag-usapan namin ng nanay mo kanina" sagot ni James na sandali siyang nilingon saka pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa daan

Nagsalubong ang mga kilay ni Aria sa narinig. "Si nanay? Tungkol naman saan?"

"Nagpunta daw ulit sa inyo si Norman, hinahanap ka" sagot ng binata.

Tumaas ang isang kilay ni Aria sa narinig. "Determinado, feeling naman niya" aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

"I know, pero ang totoo, pinakiusapan ako ni Maam Cita na protektahan ka."

"Protektahan?" ang hindi makapaniwalang naitanong ng dalaga. "kay Norman?"

"Yeah" sagot ni James.

Sandaling natahimik si Aria. "Ano na naman kaya ang pinagsasabi ng sinungaling na lalaking iyon kaya nagpa-panic ng ganoon ang nanay? Walang hiya siya ang dami na ngang iniisip ng mga magulang ko umeeksena pa siya" ang nanggagalaiti sa galit niya litanya.

Narinig ni Aria ang mahinang tawa na pinakawalan ni James. Saka pagkatapos ay nakangiti nitong ginagap ang isa niya kamay saka hinalikan. "Relax, baka makasama iyan sa baby natin" anito.

Nang lingunin niya si James ay nakita niya ang matinding amusement sa mga mata nito. Kinilig siya roon, pero nang kindatan siya ng binata ay saka naman siya pinamulahan ng husto. Bagay na parang awkward gawa ng maraming beses naring may nangyari sa kanila.

"Para naman sure siya na meron na" aniyang natatawang napalabi.

"Ipapa-check up kita bukas na bukas, para kung sakali man eh magawan ko ng paraan" anitong nilagyan pa ng malisya ang huling sinabi kasabat ng pag-angat ng sulok ng labi nito.

Lalong nagtumindi ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ni Aria dahil doon. "James ano ba!" saway niya rito.

Umangat ang makakapal na kilay ng binata. "Oh bakit?" tukso nito. "you're blushing again" puna pa nito nang mapuna ang muling pamumula ng kanyang mukha.

Inis niyang inirapan at hindi na kinausap si James pagkatapos.

"Are you hungry?" ang tanong ng binata makalipas ang ilang sandali.

Agad na nawala ang inis niya rito saka madaling napangiti. "Oo, ang totoo kanina pa" sagot niyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

"Okay, kumain muna tayo" ang binatang ngiting-ngiti.

Hindi maunawaan ni Aria pero nang mga sandaling iyon parang biglang nakaramdam siya ng kakaibang klase ng kilig na pamilyar sa kanya. Kilig na minsang naramdaman niya kay Norman, noong mga panahong nililigawan palang siya ng dating nobyo.

Natigilan doon si Aria saka pinakiramdamang mabuti ang sarili. Hindi niya pwedeng hayaan ang sariling mahulog kay James. Alam niya sa umpisa palang na sobra siyang masasaktan at mahihirapan kung sakali kaya hindi niya pwedeng hayaang mangyari ang ganoon sa kanya.

Pero paano siya iiwas?Paano niya uutusan ang puso niyang huwag bigyan ng espesyal na damdamin ang lahat ng ginagawa nila? Dahil kung tutuusin, ang lahat ng iyon ay para lang sa mag-asawa. Para lang sa mga taong nagmamahalan talaga.

SA isang mamahaling Italian restaurant siya dinala ni James. Matapos ibigay ng binata ang order nila sa waiter ay nagpaalam ito sandali sa kanya para magbanyo. Tinanguan lang ni Aria ang binata.

Ilang sandali narin ang nakalilipas nang lapitan siya ng isang magandang babae. Naupos ito sa binakanteng silya ni James saka classy ang tono ng boses na nagsalita.

"So ikaw pala" anito sa kanya saka hinagod ng tingin ang kanyang mukha. "oo nga naman, you are very pretty. Kahit sino possible na mahulog sa inosenteng itsura mo" anang babae.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Aria. "Excuse me?" aniya. "do I know you?"

Dry ang tawang pinakawalan ng babae saka muling nagsalita ng may sarkasmo sa ang tono. "Mukhang first timer ka, ano napapaligaya mo ba siya?"

Mabilis na nag-init ang mukha ni Aria nang makuha ang ibig sabihin ng babae. Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero bago pa man iyon ay naunahan na naman siya ng babae. "You know I can satisfy his needs. Madalas pa ngang sabihin sa akin ni James na sa lahat ng babaeng nagdaan sa kanya ako ang pinaka-magaling sa" anitong ibinitin pa ang gustong sabihin saka may malisyang tumawa.

"Umalis ka rito" matalim ang pagkakatitig niyang winika sa babae.

"Oh! Let me guess?" anitong hinawi pa palikod ang mahaba nitong buhok kaya nahantad sa paningin niya ang maputi at makinis nitong braso at magandang collar bone. "siguro iniisip mo na ngayon kung ano ang mga kaya kong gawin ano? Iyong mga nagagawa ko na halos magpabaliw sa kanya ng sobra?"

"I told you to stop" mariin niyang muling winika.

"You know when it comes to sex, hindi sapat na lalaki lang ang nagdadala. Tayong mga babae kailangan maalam rin tayo, para alam mo na, hindi sila maghanap ng iba" insulto nito sa kanya.

"Bastos ka" ang galit na niyang sabi sa kabila ng matinding pagtitimpi. "kaya ka pala niya iniwan? Kasi magaling ka? Baka naman nasobrahan kana sa galing kaya naumay sa'yo. Kumbaga sa salad nasobrahan ka ng kondensada kaya nung nagsawa siya, itinapon ka nalang" si Aria na sinundan ang sinabi ng nakakalokong tawa.

Nakita niya ang mabilis na pagkapikon sa magandang mukha ng babae kaya sinamantala iyon ni Aria. "Alam ko magaling ka, halata naman sa'yo at sa pananalita mo. Baka nga kaya mong kainin si James ng buo" aniyang tinaasan ng isang kilay ang babae. "pero sorry, mukhang mas prefer niya ang mga katulad ko. Maamo, malambing at hindi masyadong palaban sa kama. Sa ganoong paraan, iyong sex na sinasabi mo nagiging iba na, familiar ka ba sa term na, making love? Baka ganoon na ang sa amin? At mas gusto ko iyon, kaysa doon sa tipo na ipinagyayabang mo" aniyang pinagtawanan ang kaharap pagkatapos.

"Huwag mong isiping panalo ka na dahil kahit kailan hindi magiging sa'yo si James" banta nito.

Napalabi roon ang dalaga. "Desperada" aniyang inismiran ang babae.

Nagtaas baba ang dibdib nito sa galit. Isinukbit sa balikat ang chain na strap ng dala nitong bag saka nagpupuyos ang mga mata sa galit na tumayo. "Hindi pa ako tapos sa'yo babae" anito.

Noon tumayo si Aria saka kaswal na iniabot ang kamay rito. "I'm Aria, ang sabi ni James maganda raw ang pangalan ko. Ikaw, care to tell me your name?"

Tiningnan muna ng babae ang kamay niya bago siya pinukulan ng matatalim na titig saka iniwan.

"Aria, hey, is that?" tamang nakalayo ang babae ay siya namang balik ni James sa mesa nila.

"Hindi nagpakilala eh" aniyang napabuntong hininga pagkatapos.

Tinitigan siya ni James nang makaupo ito. "Si Paula iyon" anito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.