Kabanata 10: Wedding
Sa gabing iyon, hindi ko alam kung paano ako nakatulog. I just knew that I cried myself to sleep.
After releasing inside me, Mick immediately dressed himself and dozed off to sleep. Nakatalikod siya sa akin sa higaan.
Sobrang bigat ng aking nararamdaman na pakiramdam ko sasabog ang aking dibdib. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit.
Sakit dahil sa binanggit niyang pangalan.
How could he say that name? I was right here in front of him and he was thinking of something else. Kaya niya ba piniling takpan ang aking mga mata?
Alam ng Panginoon kung paano ko pinigilan ang sarili na humukbi sa gabing iyon. I was just there, crying silently. Nawalan ako ng lakas. Gustong-gusto ko siyang yakapin.
He was literally inches away from me. Ngunit hindi manlang nagtama ang aming mga balat. It was as if he does not want me.
And nothing can be more painful than being unwanted by the only person that you want.
Sa mga sumunod na araw, hindi na ako muling kinausap ni Mick. Hindi niya na rin ako sinaktan.
He treated me like a stranger living in his house. Hindi siya makatingin sa aking mga mata. He was so distant. Far from reach. And I couldn't do anything but accept it.
Papalapit nang papalapit ang aming kasal. Ngunit hindi ko manlang maramdaman ang excitement.
Gabo has also been distant to me these past days. Kinakausap niya lang ako kapag may kailangan. Amd Techno? Wala pa ring paramdam. Araw-araw ko siyang tinatawagan at palagi niya iyong hindi sinasagot.
Gosh, I feel so heavy. Bakit parang ayaw sa akin ng mga taong importante para sa akin? Why do I feel like no one wants me?
Sabado ng umaga ay nandito na naman si Thomas upang icheck ang mga activities ni Gabo. Mick is out with his friends again. Nang magising ako kanina ay wala na siya sa aking tabi. Nalaman ko nalang na magkakasama sila ng kaniyang mga kaibigan nang itext ako ni Bright.
Mamayang hapon ay isusukat namin ni Mick ang susuotin naming mga Amerikano sa aming kasal. Pinaalalahan ko na siya kahapon at ang sabi niya ay sabay daw kaming pupunta kasama si Gabo. Naipamahagi na rin last week ang wedding invitations. Pagkatapos magpasukat mamaya ay ang taste-testing naman ng mga putaheng ihahanda sa reception ng kasal.
Habang nagluluto ng tanghalian ay may naramdaman akong nakatingin sa akin. Nang lingunin ko ang counter ay nakaupo na pala si Thomas sa isa sa mga high-chair.
"I hope you don't mind." nahihiya niyang saad at nagkamot ng ulo.
"Okay lang. Tapos na kayo ni Gabo?" tanong ko.
"Not yet. May activity siya na hindi nafollow ang directions kaya pinapaulit ko sa kanya."
"Ahh. Dito ka nalang kumain." imbita ko.
"Wag na. Nakakahiya."
"I insist. Tsaka hindi ka naman mukhang mahiyain." asar ko.
"Sige na nga. Si crush naman ang nag-aya." hirit niya. Nagpakita ang kanyang dimples.
Pinamulahanan ako ng mukha sa sinabi niya.
Crush? Crush niya ako?
Tinaasan ko siya ng kilay at muling hinarap ang aking nilulutong caldereta. "Sorry, taken na ako."
"Ouch. Pero hindi ka pa naman siguro kasal?" nahihimigan ko ang ngiti sa kanyang boses.
"Ikakasal na."
Wow naman, Goob. Confident. Proud na proud ang peg mo?
"Seryoso?" gulat niyang saad. "Ikakasal ka na? Kailan?"
"Next week."
"May panahon ka pa para magbago ang isip mo. Harap ka nga sa akin. Hehe."
Ginawa ko ang gusto niyang mangyari at muli siyang tinaasan ng kilay.
"Bakit?"
"Sure ka na ba sa mapapangasawa mo? Ayaw mo sa gwapong katulad ko?" At nagpacute pa ang loko.
Infairness, Thomas is handsome. Lalo na kapag nakangiti.
We've only met twice. Kaya hindi ako sigurado kung niloloko lang ako nito dahil walang magawa.
"Di naman gwapo." asar ko. "Di pasado sa standards ko."
"Ouch ha! First time kong mareject! Ako, hindi gwapo? Ipacheck up mo na yang mga mata mo, baka malabo na. HAHAHA."
"Turn off sa akin ang mga mayayabang."
"Oy, di ako mayabang. Honest lang. Honest tayo dito dude." Thomas winked at me. Umiling-iling ako.
"Tsk tsk. Ewan ko nga sa'yo." Ipinagpatuloy ko nalang ang pagluluto. "Bukod sa pagiging guro at mayabang, ano pa ba ang ibang pinagkakaabalahan mo?"
"I am a stage play actor. Why?"
"Wala lang. Nacurious lang."
"Ahh. Ikaw, ano naman ang pinagkakaabalahan mo?"
"I used to do modeling but I stopped for now. Because of my upcoming wedding."
Correction, pinatigil ka. Hindi ka kusang tumigil, Goob. Hays.
"I see. So magpapatuloy ka naman after the wedding?"
"Hindi pa ako sigurado."
Dahil depende pa iyon kay Mick.
Thomas seems like a nice guy. But I can't flirt with him. Ayaw kong mas lalong magalit sa akin si Mick.
Thomas indeed ate lunch with me and Gabo. He even insisted in doing the dishes. Ngunit syempre, hindi ko siya hinayaan.
Ala una nang hapon nang ihatid ko siya sa labas ng bahay dahil uuwi na siya.
Bago sumakay sa kanyang motor ay nagsalita siya. "Nga pala, next month, may play kami na Romeo amd Juliet sa Resorts World Manila. I play Romeo. Baka lang gusto mong manood. I can give you a free ticket."
"Sure. Kung hindi ako busy, why not? Text mo nalang sa akin ang details." I gave him a smile.
"Asahan ko yan ha." His voice was hopeful. Tumango lamang ako at pinaharurot na niya ang kanyang motor.
Hindi pa ako nakakapasok ng gate ay sakto naman ang pagdating ng isang pamilyar na sasakyan. The car parked outside the house.
Kasabay ng pagbukas ng pintuan ay ang pagbaba ng isang matangkad at guwapong lalaki na nakasuot pa ng sunglasses.
Apo was wearing a white fitted shirt and faded jeans paired with his brown combat boots. Dumidikit amg tela ng kanyang damit sa kanyang braso at kitang-kita ang kanyang muscles.
He removed his sunglasses when he was already in front of me. The smell of his manly perfume instantly attacked my nostrils.
"Hey. Ready na kayo? Where is your fiancé?" tanong ni Apo.
Holy shit! I almost forgot! Ngayong hapon pala namin isusukat ang mga damit!
I invited Apo inside the house.
"I'll just call Mick." saad ko habang ipinapakita sa kaniya ang cellphone na ibinigay niya ss akin. Tumango siya at hinayaan ako sa planong gawin.
I dialed Mick's number. Natagalan muna bago may sumagot.
"Hello? Mick, where are you? Kailangan naming isukat ang mga damit." saad ko nang sagutin ang tawag.
"Hey." Nanghina ang aking katawan nang malaman na hindi iyon boses ni Mick. It was Sining's voice.
Inipon ko ang aking lakas upang muling magsalita.
"C-can you give Mick his phone? I need to talk to him." pakiusap ko.
"He said he doesn't want to talk."
"Please just give him the phone."
"Bitch, ang sabi niya ayaw ka niyang makiusap. Ayan, Tinagalog ko na."
Naikuyom ko ang aking kamao at humigpit ang aking hawak sa cellphone.
"Why is Mick's phone with you, Sining? Hand it over to him!" banta ko.
"You see, Goob, Mick trusts me with his things. Sa akin niya ipinahawak ang kanyang cellphone. And you know, marami pa siyang ipinapahawak sa akin." His voice sounded malicious.
Tangina!
Wala akong ibang nagawa kundi ang ibaba ang tawag. I wanted so bad to cry. Ngunit dahil nandito si Apo kasama ko sa living room, minabuti kong pigilan ang sarili na umiyak.
Why is Mick doing this? Mas importante ba ang ginagawa niya ngayon kaysa sa kasal namin?
Nahihiya kong hinarap si Apo. Nangilid ang aking mga luha.
"M-Mick won't make it. Kami lang siguro ni Gabo. Maybe he'll make another appointment with the tailor."
Kitang-kita ko ang lungkot at awa sa mga mata ni Apo. Ngunit pinilit niyang ngumiti sa akin. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.
"Tawagin ko lang si Gabo." paalam ko at dumiretso na sa kwarto ng aking kapatid.
"Bakit hindi ka pa nagbibihis? Get changed and we have to go to the tailor."
"Hindi ako sasama Kuya. I won't be attending your wedding. So it's no use." aniya ng hindi tinatanggal ang tingin sa screen ng kanyang computer. Suot-suot niya ang kanyang headphones.
"Gabo, please don't make this harder than it already is. Magbihis ka na at naghihintay na ang wedding planner sa baba." pakiusap ko.
"No, Kuya. I won't go."
Sobrang bigat na ng aking nararamdaman. Why is he not cooperating?
"Gabo, please!"
"Fuck it, Kuya! Shut up! I said I won't go!"
"Don't you know that I am also doing this for you? For your medication!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses.
He removed his headphones and stood up. He gave me an angry look.
"I never asked you to do this! What I'm asking you is to leave Kuya Mick! He's a fucking demon! So don't make this about me!" He spat. "Stop making my condition an excuse for your poor decisions, Kuya!"
"I am doing this for you, Gabo. To provide for your treatments."
"Fuck it! Get out, Kuya!"
He pushed me out of his room kaya wala akong nagawa. He even locked the door.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lamang. Napaupo ako sa sahig sa labas ng kwarto ni Gabo. Siguro ay sampung minuto akong umiyak doon. Pinilit ko ang sarili na bumaba upang nagpatuloy sa gagawin ngayong hapon.
It seems like I have no choice but to fit my outfit with Apo. Siguro ay siya na rin ang kasama ko mamaya sa taste-testing?
Natulala ako sa salamin habang tinitingnan ang sarili na suot ang damit para sa kasal. It's a white suit because Mick ia supposed to wear black. Hindi ko napigilan ang sarili na umiyak.
Ang akala ko, ilang araw bago ang aking kasal, wala akong ibang mararamdaman kundi excitement. Akala ko, ilang araw bago ang kasal, labis akong kakabahan dahil sa saya.
A wedding is an event to signify the union of two persons. A union that will not only last a few days. Bit a union that will last forever.
Ngunit bakit hindi ko maramdaman ang excitement? Bakit sakit lamang ang aking nararamdaman? At bakit labis na sakit?
Apo pulled me close to him and enveloped me in a hug. Mas lalo akong naiyak.
"Hush now, Goob. Everything will be fine." bulong niya.
Umiyak lamang ako sa kanyang dibdib, nagbabaksakaling gumaan ang aking pakiramdam kung hahayaan ko ang sarili na ilabas ang aking nararamdaman.
Sa araw bago ang aming kasal, hindi ko nakita si Micl sa bahay. Wala na siya nang magising ako. Kaya naman pagsapit ng gabi na hindi ko pa nakikita ay nagtext ako kay Bright upang tanungin siya kung nasaan si Mick.
Ang sabi ni Bright ay nasa isang bar daw ang kaniyang mga kaibigan at hindi siya sumama. I asked for the address of the bar upang puntahan si Mick. Agad niyang sinabi iyon sa akin.
Tinawagan ko si Mick upang tanungin siya kung nasaan siya dahil gusto kong kahit papaano ay manggaling iyon sa kanya.
"Where are you, Mick?" tanong ko nang sagutin niya ang tawag.
"Nasa office ako. Overtime."
Bahagya akong kumalma dahil sa sagot niya. Baka hindi niya kasama ang mga kaibigan niya? Maybe he is really at his office?
Agad niyang binaba ang tawag bago pa man ako makapagtanong pa.
There was a part of me saying that I should believe him. And trust him. That he would not lie to me. Na kahit nasaktan niya man ako noon at napagbuhatan ng kamay, hindi siya magsisinungaling sa akin.
Ngunit may parte rin sa akin na nagsasabing puntahan pa rin ang bar na sinasabi ni Bright. Just to check. Kung wala man siya roon, edi mabuti.
Hindi lang ako sigurado kung kakayanin ko ba kung sakaling malaman na nandoon siya at nagsinungaling siya sa akin.
Sa huli, pinili ko pa ring magpunta sa bar uoanv makasigurado. Nang makarating sa tinutukoy na bar, agad sinuyod ng aking mga mata ang paligid, hinahanap ang aking mapapangasawa.
And there he was, kissing another man.
Agaran ang paninikip ng aking dibdib. Mistulang hinihiwa ang aking puso. At tila hindi pa nakuntento at pinagsasaksak pa ito.
Ang sakit. Sobra.
I watched him skillfully use his tongue while kissing the man. He was drunk.
Bukas na ang aming kasal at ganito ang ginagawa niya?
Tangina!
Umuwi akong luhaan sa gabing iyon. Ewan ko ba. Sa sobrang dalas ng aking pag-iyak, nasanay na akong umiyak gabi-gabi. Sobrang sakit lang talaga. Sobrang sakit ng aking nararamdaman.
Kinabukasan, araw na ng aming kasal. Sa totoo lang hindi ako nakatulog sa gabing iyon. Dahil hindi ako nakatulog sa kakaisip kay Mick at sa nasaksihan ko kagabi.
I always thought that my wedding day will be one of the happiest days of my life. Na sa araw na ito, wala akong ibang mararamdaman kundi saya.
Ngunit mali na naman ako. Dahil sa araw na ito, wala akong ibang maramdaman kundi sakit.
Techno still have not reached out to me. Kaya sigurado akong hindi siya dadalo. Pati ang aking kapatid, hindi rin.
Kaninang umaga, nagtungo si Louis sa bahay ay hindi ko alam kung bakit. Nagulat na lamang ako nang makita ko siya pagkatapos kong buksan ang gate. At sa sobrang malas ko, dumating ang sasakyan ni Mick at nakita niyang nag-uusap kami ni Louis. Binugbog niya si Louis na halos hindi ko na makilala ang mukha niya. At pagkatapos noon, muli siyang umalis. At hindi na bumalik pa sa bahay.
Namumugto ang aking mga mata nang makarating ako sa venue ng aming kasal.
It's a beach sunset wedding. Ang dalampasigan ay pinalamutian ng mga bulaklak at mga puting tela. Puti ang lahat ng upuan at sa harap ay isang altar.
Puno ang dalampasigan ng mga bisita na kinabibilangan ng mga kaibigan namin ni Mick. Nandito rin ang kanyang mga magulang.
Samantalang ako, wala manlang kapamilya. Gabo is not here. And so is Techno whom I already consider my family.
Kanina pa dapat nagsimula ang seremonya ngunit hindi pa dumadating si Mick.
Kanina pa durog na durog ang aking puso. Naiinip at nagbubulung-bulungan na rin ang mga bisita.
Sa malayo ay matatanaw ang maganda at papalubog na haring araw. Maririnig mo rin ang hampas ng mahihinang alon. The color of the sea reflected that of the orange hue of the sky. It was truly a majestic view. Just as how I imagined. It looked perfect.
Ngunit kung gaano kaganda at perpekto ng tanawin, ganoon naman kabigat ng aking nararamdaman.
Nanginginig na ang aking mga kamay at nanlalambot na ang aking mga tuhod.
Nabuhayan ako ng loob nang matanaw si Mick na papalapit sa aming kinaroroonan. Lahat ng bisita ay napalingon sa kanya.
My heart sank when I noticed that he was drunk. He was so drunk that he almost could not walk properly. Suot suot niya ang kanyang itim na Americano.
When he reached my position, he couldn't bear to look at me. Diretso lamang ang kanyang tingin sa harap kung nasaan ang judge na magsasagawa ng seremonya. Agad kong naamoy ang alak.
Hindi ko maatim na lasing siya sa araw ng aming kasal. He is fucking drunk! On our wedding day! Can you imagine how painful this is to me?
Tumugtog ang isang wedding song at nagsimulang umawit ang aming kinuhang singer.
*now playing A Thousand Years by Christina Perri*
Nauna siyang maglakad papunta sa harap kasama ang kanyang mga magulang. When they reached the end, I noticed that his eyes were bloodshot and his face was emotionless.
My lips trembled. My heart is in pain.
How did I ever come to this?
But I forced myself to start walking. Hawak-hawak ang isang bouquet ng bulaklak ay binaybay ko ang red carpet na nakalatag sa gitna ng venue.
Bawat hakbang ay pilit. Tuwing nakikita ko ang mukha ni Mick ay mas lalo akong nasasaktan at nanghihina. Hindi ako sigurado kung mararating ko ba ang dulo.
Nadaanan ko si Apo na malungkot ang mga mata.
Ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad.
My happiest memories with Mick started to flash inside my mind. Ngunit imbes na sumaya, ay mas lalo akong nalugmok sa kalungkutan.
I love Mick. I always have. But how did we ever come to this? How did all of these happen?
One second we were so happy. But in the blink of an eye, everything just collapsed.
The happiness that has overwhelmed me before was suddenly gone. The loving Mick who would never hurt me was gone in a snap.
Hindi ko na nakayanan pa at nag-unahan na ang aking mga luha. Wala na akong pakialam kung iisipin nilang umiiyak ako dahil sa tuwa. Dahil alam ko sa aking sarili na umiiyak ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.
Should I say that at the night I was raped, my soul died? Because honestly, after that night, I felt nothing but pain.
Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay tumunog ang aking cellphone na nasa aking bulsa.
Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba iyon o hindi. But my instinct told me that I should. Kumunot ang noo ng mga tao nang isinilid ko ang aking kamay sa aking bulsa at sinagot ko ang tawag.
Lumakas ang kabog ng aking dibdib nang makitang si Techno iyon. Dinala ko ang cellphone sa aking tenga.
"Hello?"
Techno was crying on the other line.
"Goob, si Gabo. Gabo killed himself. He committed suicide." He cried.
Nabitawan ko ang aking cellphone at bulaklak na hawak hawak ko.
Napanganga ako sa aking narinig, sinusubukang iproseso ang ibinalita sa akin ng kaibigan.
I glanced at Mick. His expression changed. Kung kanina ay walang emosyon ang kanyang mukha, ngayon ay mababakas na ang takot at pag-aalala.
Labis ang pagkadurog ng aking puso nang maproseso ang balita.
Tinalikuran ko silang lahat.
I ran. And ran. And ran.
Dahil sa panghihina ng aking tuhod, ilang beses akong nadapa. Ngunit sa bawat pagkadapa, pinilit ko ang sarili na tumayo.
I ran away. Crying. With my heart crushed into pieces. I never looked back. Kahit na naririnig ko mula sa aking likuran ang sigaw ni Mick.
"Goob, come back! Don't run away!" sigaw ni Mick.
Tumakbo ako papalayo roon. Walang ibang inisip kundi ang aking kapatid.