Kabanata 11: Elliot
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman habang nakasakay ako sa taxi mula sa venue ng dapat sana ay kasal namin ni Mick patungo sa bahay ni Techno.
Sa loob ng taxi ay hindi ko napigilan ang humagulhol sa iyak. Wala akong pakialam. I cried my heart out. Dahil kung hindi ko iyon ilabas, baka ikamatay ko iyon.
Gustong sumabog ng aking puso. Halo-halo ang mga emosyon na nadarama ko.
Una ay sakit. Sakit dahil sa napakasaklap na balita na ibinahagi sa akin ni Techno. My brother just killed himself. Labis ang sakit. Parang malaking parte sa aking pagkatao ang nawala. My brother. My only brother. Is now gone. Gabo is now gone.
Ikalawa ay pagsisisi. Hindi ko alam kung matatanggap ko ba. Gabo has been very persistent in persuading me to break up with Mick. Pero hindi ko siya pinakinggan. Ang malala pa, sinabi ko sa kanya na isa siya sa mga dahilan kung bakit hindi ko puwedeng iwanan si Mick. That his medications need money. And that we need Mick for it. Siguro ay nakonsensya siya at inisip niyang pabigat siya sa akin. Kaya napagdesisyunan niyang wakasan ang kanyang buhay. Gabo sacrificed himself. To free me from Mick. He sacrificed his life so that I can be free from that miserable life. He killed himself so that I won't have any reason to endure all of that pain. Kaya ngayon ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili. If only I listened to him. This should not have happened.
Ang kaninang pagsisisi ay unti-unting napalitan ng galit. Galit ako kay Mick. He is one of the reasons why my brother killed himself. Kung hindi lamang niya ako sinaktan at trinato na parang basura, hindi sana gagawin iyon ni Gabo. If only he did not hurt me, my brother would not have felt guilty.
Ngunit mas nangibabaw ang galit ko sa aking sarili. Hindi si Mick ang dapat kong sinisisi rito. Dapat ang aking sarili. Ang akala ko, nagiging matapang ako. Nagiging matapang dahil ipinaglalaban ko ang pinaniniwalaan kong pagmamahal.
I was wrong. Hindi pala ako naging matapang. Dahil ang totoo, naging tanga ako.
Naging tanga ako dahil ipinaglaban ko ang isang bagay na hindi ko dapat ipinaglaban. Ipinaglaban ko ang taong dapat ay pinakawalan na lamang.
Hindi ko matanggap na nagpakatanga ako. At hindi lang basta tanga, sobrang tanga. With the hope of saving a failed relationship, I lost myself along the process.
It was like I was trying to find my way back into the ship after a shipwreck, but I was wrong to assume that there will still be a ship. Ang akala ko, may barko akong babalikan, ngunit nakalimutan ko na ang barko na mismo ang unang lumubog. Kaya imbes na lumangoy patungo sa pinakamalapit na dalampasigan, mas lalo akong lumangoy patungo sa barkong sira-sira. At hindi lang iyon, I ignored the ships that have come to rescue me. Dahil isa lang ang nasa isip ko, ang muling makabalik sa barko, barkong hindi na maisasalba pa.
Kaya ang ending? Heto ako ngayon at nalulunod.
At ang pinakamasaklap pa, hindi ko rin alam na ang taong inaasahan kong madadatnan ko sa barko, nasa ibang barko na pala. Masaya na at walang pakialam sa akin.
You might wonder why I used a ship as a metaphor. Pero tama naman diba? Nagpakatanga lang ako.
Isa kang malaking tanga, Goob.
Sa tingin ko nga ay hindi sapat ang salitang tanga upang idescribe ako.
Tanga? Inutil? Bobo?
These are all understatements. Dahil walang katumbas. Walang katumbas na salita ang puwedeng itawag sa akin.
Kasalanan ko rin naman. Inaamin ko. Kasalanan ko kung bakit ngayon wala ng natira sa akin.
I lost my dearest friend. I lost my younger brother. And I lost my lover.
Sa sobrang lakas ng pag-iyak ko sa loob ng taxi ay hindi na nakayanan ng driver kaya nagsuot na siya ng headset. But still, I did not care.
Gusto kong umiyak kaya iiyak ako. Gusto kong magluksa kaya magluluksa ako. Gusto kong sisihin ang sarili ko kaya sisisihin ko ang sarili ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak. Hanggang sa matulala na lamang ako habang nakaharap sa labas ng bintana. Wala ng luha na lumalabas sa aking mga mata.
Bago ako magtungo sa kasal, nagpaalam sa akin si Gabo na aalis siya.
Nagtalo pa nga kami sa una dahil pinilit ko siyang dumalo.
"Gabo, please. Can't you be there for me?"
"No, Kuya. I'm sorry."
"Please, Gabo."
"Kahit anong pilit mo pa Kuya, hindi mo mababago ang desisyon ko. Mahal kita, Kuya Goob. And it pains me a lot to see you suffering. Kung puwede lang alisin ko sayo at akuin ang sakit, ginawa ko na."
"Gabo." pigil ko sa kanya.
"I can't be there because I know that I will only be hurt. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa. Mahal kita, Kuya. Pero hindi ako sang-ayon sa desisyon mong pakasalan si Kuya Mick."
Hindi ko alam na iyon na ang huling beses na makakausap ko siya. Sana sinabi niya. Sana sinabi niya ang plano niya. Dahil sigurado akong hindi ako sisipot sa kasal.
Why, Gabo? Why?
Why did you have to do this? Paano ngayon aahon si Kuya?
Paano ako babangon ngayong wala na ang taong kinakapitan ko at pinaghuhugutan ko ng lakas? Paano na at mistulang nawalan ako ng saysay mabuhay?
Pero hayaan mo, bunso. Kahit mahirap, kakayanin ni Kuya. Your death will not be put to shame.
Because I will redeem myself. Ipaghihiganti ko ang aking sarili. Nang sa gayon, hindi mawalan ng saysay ang iyong sakripisyo.
Muki kong bubuuin ang sarili ko. At babalikan ko silang lahat. Silang lahat na dumurog sa akin.
Si Louis. Si Sining. At lalong-lalo na si Mick.
Lintik lang ang walang ganti. Pagbabayarin ko sila sa mga kasalanan nila sa akin. Hindi ko lang dodoblehin ang sakit. Ipararanas ko sa kanila ang impyerno habang buhay pa sila hanggang sa punto na hihilingin nilang sana hindi nalang sila nabuhay.
Isang linggo na ang nakalilipas mula noong kasal dapat namin ni Mick.
Techno and I reconciled. Pinatawad niya ako sa aking pagkakamali kaya nagkaayos kami.
Sa bahay niya na rin ako nakatira simula nung araw na iyon.
Mick has been consistently coming to Techno's house, demanding for me to come out and go home with him.
Araw-araw, nagwawala siya sa labas ng bahay. Umiiyak at nagsisisigaw. Ngunit hindi siya hinahayaan na makapasok sa loob ng bahay.
"Tangina, Techno! Ilabas mo si Goob!" galit na sigaw niya habang umiiyak mula sa labas.
Naikuyom ko ang aking kamao. Nandito ako ngayon sa second floor ng bahay nina Techno at pinagmamasdan siya mula sa bintana.
"Goob! Please, Goob! Come out! Let's go home!" pagmamakaawa niya.
Halata sa kaniya na lasing siya. Pulang-pula ang kanyang mukha.
He banged on the metal gate.
"Goob! Please! Forgive me please! I'm so fucking down right now!"
"Putangina Techno! Ilabas mo si Goob! Alam kong nandiyan siya!"
Linggo ngayon kaya day-off ni Techno. Hindi na niya nakayanan kaya lumabas na siya ng bahay upang harapin si Mick na ngayon ay nakasandal na sa gate.
"Goob!" He cried. "Uwi na tayo please. Come home with me. I'll be better now. Just please come home with me. I miss you so much."
Napaayos siya ng tayo nang makitang lumabas si Techno sa gate.
He grabbed Techno's collar.
"Ilabas mo si Goob, Techno! Nakikiusap ako sa'yo!"
Techno pushed him away. At dahil lasing siya, natumba siya kalsada.
"Gago! I don't want to waste my energy to some loser like you, Mick! Kaya umalis ka na! Wala kang kwenta!" sigaw ni Techno.
Mick tried to get up. Tumakbo siya at sinubukang pumasok sa gate ngunit hinarang siya ni Techno.
"I said, get the hell away from here! Goob doesn't want to see you!"
"Please Techno, I need to see him. Goob! Baby! Please come out! Please!"
Mas lalo kong naikuyom ang aking mga kamao. Magkasalubong na ang aking mga kilay dahil sa galit.
No, Mick! I would not come out. I don't want to see you. The least I want right now is to be near you.
Pinigilan ko ang sarili na umiyak. Hindi ako makapaniwalang hinayaan ko ang sarili kong magpakatanga noon sa kanya. Tiniis ko ang lahat. Kahit labis akong nasasaktan at nahihirapan. Tiniis ko.
Para saan? Para masaktan lang ako sa huli! Ako lang din ang natalo!
I endured it all. Lahat. As in lahat. Iyong pananakit niya sa akin both physically and mentally. Ang hindi niya pagkampi sa akin. He was supposed to save me because of what happened to me! I was raped for Pete's sake! Ngunit ano ang ginawa niya? Mas lalo niya akong nilugmok!
Pati ang pagtataksil niya sa akin tiniis ko! Harap-harapan niya akong ginago! Nagdala pa siya ng mga lalaki sa bahay. Hindi lang isang beses, kundi maraming beses. Ngunit hinayaan ko siya at nagbulag-bulagan ako!
Pati ang mga pagkampi niya kay Sining tinanggap ko. Lahat nilunok ko. Pikit mata kong tinanggap lahat! Puta! Kahit noong pagkatapos niyang iungol ang pangalan ni Sining hinayaan ko siya! Hinayaan ko siyang kantutin ako!
"Goob, sana mapatawad mo ako! Ang Diyos nga nagpapatawad!" sigaw ni Mick mula sa labas ng gate, umiiyak at halos hindi na makatayo. Nakayuko siya.
Tama nga siya. Ang Diyos nagpapatawad.
Ngunit hindi ako ang Diyos, Mick. Kaya hindi kita mapapatawad.
Tumawag si Techno ng mga pulis kaya walang nagawa si Mick kundi umalis. Ngunit pilit siyang bumabalik sa mga sumunod na araw. Pati ang mga kapitbahay nina Techno sa subdivision ay nagrereklamo na.
Mick's car and plate number have been banned from the subdivision. Ngunit dahil mayaman siya, ilang beses siyang nagpapalit-palit ng sasakyan upang makapasok lamang sa subdivision.
I really don't get him. Bakit niya ginagawa ito? Bakit niya ipinapakitang takot na takot siyang mawala ako? Bakit ngayon pa? Ngayon pa pagkatapos ng mga panggagago niya?
Kung ayaw niya akong mawala, sana hindi niya ako ginago! Sana naging mabuti siya sa akin! Sana kinampihan niya ako!
He never really loved me! He only cared about his bruised ego!
At ngayong natauhan ako, gusto niyang bumalik ako? Bakit? Alam niya na ba ang katotohanan? Ang katotohanan na pinagsamantalahan ako? Na mali siya ng pinaniwalaan?
Pasensya na, Mick. Pero hindi ganoon kadali ang lahat. I don't need you to fight my battles for me. Because I will fight them myself.
Techno thought that I should leave the country and start a new life. Dahil maaaring naitataboy namin siya ngayon, darating ang araw na gagamitin ni Mick ang kanyang kapangyarihan upang makalapit sa akin.
Kaya iyon ang ginawa ko. I left the country a month later to start a new life. Nagtungo ako sa Paris, France at namuhay nang payapa.
For five years, I lived a peaceful life. Sa una ay hindi naging madali. Ngunit nakayanan ko.
I resumed my passion in being a model. Ginawa ko ang bagay kung saan ako magaling.
I started as nobody. Naaalala ko pa kung gaano ako nahirapan humanap ng mga projects at gigs. Ngunit kalaunan, unti-unting umangat at nakilala.
In the span of five years, I became one of the most in-demand model not only in France, but in the whole world. Lahat iyon nagawa ko dahil sa pagsasakripisyo.
Tiniis ko lahat, dahil mayroon akong mga bagay na minimithing gawin.
Babalik ako sa Pilipinas. Babalikan ko sila. At ipatitikim ko sa kanila ang batas ng isang api.
I will avenge myself. I will take back what has been stolen from me. I will take back my dignity.
Marami akong pagsubok na pinagdaanan, ngunit nakaya kong malampasan lahat.
"Life has many battles. Often we get scared because we don't know the full extent of our capabilities. But I tell you, the technique is always to try. I always tell myself that I would rather fight my battles in the mud, rather than lose them by default." basa ko sa huling bahagi ng interview ko sa "Check" ang pinakasikat na Fashion magazine sa France. Nasa pinakahuling pahina iyon. Sa harap ng magazine ay picture ko.
Yes. Bilang isa sa pinakatanyag na modelo sa buong mundo, ako lang naman ang cover sa magazine para sa buwan na iyon. At hindi iyon ang unang beses. Siguro ay pang limang beses ko ng maging cover para sa magazine na iyon.
"Kuya, my girlfriend will be sleeping here tonight."
Natigil ako sa pagbabasa nang marinig ang boses ng aking kapatid.
Kumunot ang aking noo dahil sa narinig.
"What? No, Gabo. You may be twenty-one now but I will not allow sleep overs. You can invite your girlfriend for dinner but she will not be sleeping here."
"Kuya naman eh." padabog niyang saad. "You are so strict! Ikaw nga minsan kang nagdadala ng boys mo rito!"
Yes, you read it right. Gabo is alive. Techno and Gabo conspired just to make sure that I will not marry Mick. Nagsabwatan sila. They faked his death. Palabas lang pala ang lahat.
"Papa!" magiliw na sigaw ni Elliot, ang aking apat na taong gulang na anak.
He is a spitting image of Mick. Kamukhang-kamukha niya. Halatang manang-mana sa tatay.
For four years, I have kept my son a secret. At balak kong ipagpatuloy iyon. Even the media does not know about him. Tanging si Techno lamang at ang iilang piling kaibigan na mapagkakatiwalaan.
Mick will never know about our son.
Sa susunod na linggo, babalik kami ng Pilipinas. Ngunit hindi ko hahayaan na malaman niga ang tungkol kay Elliot.
I will only return to the Philippines to avenge myself.
This runaway groom will return. Ipakukulong ko ang dapat na makulong. At pagdudusahin ko ang dapat na magdusa. Makikita nila.