Return of the Groom Chapter 14

Kabanata 12: Slippers

The idea of going back to the Philippines scares me. I now have a peaceful life in France. Paris to be exact. The city of love.

Ngunit hindi puwedeng habang-buhay na lamang akong mamuhay sa takot. Because in order to be stronger, one must face his fears. And to be the strongest, you have to overcome them. Hindi puwedeng harapin mo lang ang mga takot mo. Dapat talunin mo.

Elliot is a blessing to me. He may be a reminder of my dark past, but he is the light that has given me hope during the times of my struggle.

A week after fleeing to France with my brother, I found out that I was pregnant. I could not believe it at first. Dahil syempre, lalaki ako. Pati ang mga doktor at mga eksperto rito hindi rin makapaniwala. At first we thought that it was an abnormal growth in my stomach. But when I got myself checked with more experts, we found out that it was indeed a baby.

Being pregnant was never easy. Especially when you have to take care of yourself with no partner to help you. Mabuti na lamang at kasama ko ang aking kapatid. Dahil kung hindi, baka hindi ko kinaya.

Sa una, syempre nasasaktan ako. It was always my dream to have a family with Mick. Noon pa man. Ngunit dahil sa trahedya na iyon, sinayang niya ang pagkakataon. I never blamed myself as to how we ended up here. Mick had options. Una ay paniwalaan ako at ipagtanggol dahil pinagsamantalahan ako. At ikalawa, ang maniwala na nagsinungaling ako at niloko ko siya. He made his choice. And sadly, he chose the latter. Mas pinaniwalaan niya ang kanyang mga kaibigan, ang kanyang mga kaibigan na siyang nagsinungaling sa kanya.

Sa totoo lang, hindi ako pinakanasaktan dahil sa mga pisikal na ginawa ni Mick sa akin. It was the feeling of betrayal. Trinaydor niya ako. He was boyfriend! Fiancé to be precise! Ngunit imbes na ipagtanggol ako, sumali siya sa pang-aapi sa akin! He became one of my perpetrators. At iyon ang pinakamasakit.

He was supposed to be my strength, my fortress, my safe haven. But instead, he became a nightmare.

Dahil mas pinili niyang maniwala sa kanyang mga kaibigan.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung bakit nila iyon nagawa sa akin. I never wronged them. Or at least I can't remember a time when I wronged them. Kaya bakit nila nagawa iyon sa akin?

And Louis? We ended things in good terms. Maayos kaming naghiwalay kaya hindi ko rin alam kung bakit niya ginawa iyon.

Gayunpaman, hindi ako magbabalik ng Pilipinas upang alamin ang mga kasagutan sa mga bagay na hindi klaro sa akin. Magbabalik ako upang ibalik ang aking dignidad. They have tarnished my dignity. At hindi lang iyon. I will make them feel what they made me feel. An eye for an eye. A tooth for a tooth.

Noong buhay pa si Mama, she always taught me to treat people with kindness. Na kung batuhin ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. I have always adored her for trying to raise me in a good way.

But as people always say, our attitude is a reflection of the roads we have walked in our journey. They are but a product of our experiences. Ang mga bagay na ating pinagdadaanan ay hindi basta-bastang mga karanasan lamang. The true victor is not one who succeeds in his missions, but one who learns from them.

Hindi sapat na nagtagumpay ka. Dapat may natutunan ka.

My previous experiences have taught me many things. One of which is to never let your guard down. Ngunit hindi sapat na handa kang protektahan ang sarili mo. Dapat handa ka ring sumalakay. The best offense is the best defense. Ang pinakamabisang proteksyon sa sarili, ay ang unahan ang mga kalaban mo. Umatake ka sa panahong hindi nila inaasahan.

I would not really say that I am taking revenge. I only want to teach them their lessons and make them pay for what they did. Lalo na at hindi biro ang ginawa nila sa akin. Nina Louis at ng mga barkada ni Mick. And what better way to teach them a lesson than making them suffer, right?

As for Mick, hindi rin ako maghihiganti sa kanya. Ipakikita ko lang sa kanya kung ano ang pinakawalan niya. He has made me suffer in all aspects of health. Physically. Emotionally. Psychologically. And socially.

At gaya ng sabi ko, pagdudusahin ko ang dapat na pagdusahin. At kung gaano nila ako sinaktan, hindi ko lang dodoblehin. Tritriplehin ko pa.

So they better prepare themselves.

"Papa, I'm hungry." reklamo ni Elliot na ngayon ay nagsawa na sa paglalaro sa kanyang Lego bricks.

Elliot may be Mick's son, but never did I blame him for his father's sins. Ang kasalanan ni Mick ay hindi kasalanan ng anak namin. At first I was nervous. Paano kung anak iyon ni Louis? I would forever be reminded of that tragedy. Ngunit kinumbinse ko ang aking sarili na kailanman ay hindi iyon magiging kasalanan ng bata. It will never be Elliots fault. But it would have been my fault if I decided to abort him. Abortion was never an option.

Anak man siya ni Mick o ni Louis, sa huli, anak ko pa rin siya.

Nakumpirma ko na lamang na si Mick ang ama nang lumaki si Elliot. He got a lot of Mick's features. Ang kanyang mga mata ay mana sa kanya. Pati ang ngiti at hugis ng mukha. Lalong-lalo na ang kulay ng balat. Ngunit hindi lang sa pisikal na aspeto kundi pati na rin sa ugali. Kagaya ni Mick, Elliot is also very smart. He is now able to read. And can speak three languages: English, French, and Filipino. He is sometimes independent and can do things on his own, especially when he turned three.

"Start putting your toys away now, Elliot." utos ko sa kanya. "We will be leaving for the airport in two hours. You should rest before we head out. What snack do you want?"

Alas tres na ng hapon at alas sais ng gabi ang aming flight. Gabo is probably already packing his things. Kagabi, sigurado akong dito natulog ang kanyang nobya. Kunwari niya pang pinauwi eh naririnig ko ang mga ungol nila sa kwarto ko. Mabuti na lamang at soundproof ang kwarto ni Elliot.

Speaking of Gabo, his condition has now become better. Hindi na niya kailangan ng oxygen treatment. Kailangan lang mag-ingat sa diet at sa mga ginagawa. Nakakailang girlfriend na rin siya at marami-rami na rin amg naipakilala sa akin.

In short, babaero ang kapatid ko. At sigurado akong hindi lang puso ang winawasak nito. Kung ano pa ang iba ay hindi ko nalang sasabihin.

He will graduate next year with a degree in theatre arts at Cours Florent, a center for excellence in the field pf arts. He has appeared in a few commercials and upon graduation, he is ready to set foot in films.

For my love life during the past five years, kailanman hindi ako nagkaboyfriend. Itinuon ko ang lahat ng pagmamahal kay Elliot at Gabo. Gabo is very much protective of me especially when it comes to my suitors. Dahil na rin syempre sa mga pinagdaanan ko kay Mick. Kaya ang ending, nauudlot lahat ng nagtatangkang manligaw sa akin. Don't get me wrong. Marami akong manliligaw.

For my sex life, however, sagana naman. Ingat-ingat lang ako dahil baka masundan si Elliot.

No one really knows abouy my son. As for my cesarean scars, my make-up artist slash stylist slash personal assistant Kuya Dominic is very good in concealing it with make-up. Kaya hindi iyon mabubulgar. Kuya Dominic was the personal assistant of the Spain-based international model Gulf. Ngunit dahil tumigil na ito sa pagmomodelo, ako ang nahanap niya.

My life in France was never easy. With only a few euros in my bank account, life was really hard. Lalo na at buntis pa ako. Sa una, maraming rejections sa pagmomodelo. Before it, I even worked as a front desk staff at an international hotel. With my looks and English skills, nakuha ko ang trabaho. Doon ko nakilala si Kuya Dominic. He once checked in with his boyfriend at the hotel where I was working and noticed my charms. Kaya ipinasok niya ako sa pagmomodelo.

Techno's support was also overwhelming. Naitawid ko ang kahirapan sa unang mga buwan dahil sa kanya.

Marami akong nautang kay Techno. Ngunit nang umusbong ang aking modelong career, nabayaran ko naman lahat. Si Techno pa ba na panay singil sa mga utang ko?

Hanggang ngayon, nanggigigil pa rin ako sa kanila ni Gabo dahil pinaniwala nila akong namatay siya. It wrecked me so much. Mabuti na lamang at hindi iyon totoo.

At higit sa lahat, it became an eye-opener. Natauhan ako. So here I am now. At the top of the industry. Rich and very famous. The most in-demand model in France. Na palaging last exposure at highlight sa Paris Fashion Week.

And now that I am a very successful model, marami na akong pera. Kaya babalik ako sa Pilipinas upang pagbayarin ang mga dapat na magbayad. Naalipusta nila ako noon dahil wala akong pera. Pwes, magkakaubusan kami ngayon.

In this battle, I have learned that I don't need a knight in shining armor. Because I have to be my own knight. Sarili ko lang din ang magtatanggol sa akin.

Using a private plane owned by one of my clients, nakarating kami ng Pilipinas. Aside from my plan in avenging myself, I have actual projects here.

Noon, hindi ako tumatanggap ng mga proyekto dito sa Pinas. I have travelled around the world for international projects. Ngunit kailanman, hindi ako tumanggap ng proyekto mula sa Pilipinas. Ngayon pa lamang. Para na rin may ibang dahilan ako rito.

Alas singko ng hapon dito sa Pilipinas nang makarating kami sa NAIA. Karga ang aking anak ay bumaba kami ng eroplano. Nasa likuran ko sina Gabo at Kuya Dominic na dala-dala ang aming mga gamit. Walang nakakaalam ng eksaktong pagdating namin dahil ayaw ko ng media. Being a popular model entails being watched by the media 24/7. Kaya minabuti naming isekreto iyon.

As usual, busy ang airport at maraming tao. I am in a disguise lalo na at karga ko ang aking anak.

Ang desisyon kong isekreto ang aking anak ay hindi dahil nahihiya ako. I am very proud of my son. Even prouder than my success in modeling. I am keeping him a secret because I don't want his father to know about him.

Malakas ang kabog ng aking puso. I was away for five years. Naninibago ako ngayon. Polluted pa rin naman ang hangin. At dense pa rin ang populasyon. But I have never felt home.

We will not stay here for long. Siguro mga isang taon lang. Only enough to make them pay for what they did. Kaya pinili kong isang penthouse nalang ng isanh condo building ang bilhin imbes na bahay at lupa.

"Omygosh! Bacclaaaa!" tili ni Techno nang makita kami sa labas ng airport. Kanina pa siguro siya naghihintay rito.

He opened his arms for a hug. Sinalubong ko iyon. Pagkatapos ng yakap ay kinuha niya sa akin si Elliot.

"Hmm. Ang bango bango ni Baby Elliot. How was your flight?" tanong niya.

"Okay naman. Same usual boring flights. Nakakapagod nga lang." sagot ko.

"Nako, Gabo. Binatang-binata ka na. Siguradong nag-eenjoy ka doon sa Paris kakasaksak ng mga babae noh? The last time I visited was two years ago. Malaki na ang pinagbago mo."

Nagkamot ng ulo ang aking kapatid. "Syempre naman, Kuya Techno."

Binati rin ni Techno si Kuya Dominic.

Pagkatapos ng kamustahan ay dumiretso kami sa penthouse na bagong titirahan namin dito.

Pagod ako dahil sa biyahe ngunit itong si Techno talaga kanina pa ako pinipilit na samahan siya sa opening ng isang branch ng sikat na designer brand sa MOA, ang kauna-unahang branch dito sa Pilipinas.l

Aniya ay naimbitahan siya ng crush niya na manager ng branch.

"Hoy baccla, minsan lang akong humingi ng pabor sa'yo! Nakalimutan mo na ba yung mga tulong ko?" sumbat niya.

Walanghiya tong si Techno! Nangongonsensya! Paano ako makakatanggi?

Kaya ang ending ay wala akong nagawa kundi samahan siya.

Marami ang tao sa event dahil opening. Ngunit napansin ko nakaramihan ay mayayaman at mga artista. That makes sense because it is one of the most expensive brands in the world. At nasabi ko na ba na brand ambassador nila ako sa France?

Tumaas ang kilay ko nang may mamukhaang tao sa loob ng boutique.

What an unusual surprise! Ang galing naman talaga ng tadhana! It was Sining!

He was talking to the sales lady assigned at the highlight of the opening. Sa harap nila ay ang limited edition na tsinelas. Nasa loob iyon ng isang glass box at may ilaw pa sa itaas. Halatang mamahalin at agaw-atensyon. Bukod tangi iyon sa lahat ng bagay rito dahil na rin nasa sentro ng boutique. Nagkakahalaga lang naman ng halos 300,000 pesos. All for a pair of slippers.

"I am buying that." ani Sining sa saleslady.

Si Techno ay busy na ngayon sa pakikipag-usap sa crush niyang lalaking manager ng boutique. Infairness kay Techno, may taste naman pala siya dahil guwapo ang lalaki at matipuno. Hindi lang ako sure kung bakla rin.

Nilapitan ko si Sining upang maumpisahan ang aking mga binabalak.

"Well, well, well. I'm surprised to see you here." panimula ko.

Nagulat siya dahil sa sinabi ko. Hinarap niya ako at bahagyang nagulat nang makilala ako. Ngunit napalitan din agad ang mukha niya ng isang mapaghamong tingin.

"Oh. Ikaw pala, Goob. Kumusta? Okay ka na ba?" He smirked.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"I'm fine. Kaya lang, naliligaw ka yata, Sining. I never thought that I'd see you in a place like this. Hindi ka kasi bagay rito." I smiled at him. "Halatang ikaw lang ang mumurahin. You look so cheap."

Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. He crossed his arms.

"Oh really? Well, I am here to buy the most expensive slipper. Na sigurado akong hindi mo kayang bilhin!" He fired back.

Ngunit hindi ako nagpatinag.

"Really?" I arched a brow before facing the saleslady. "Miss, I will be buying that." turo ko sa tsinelas. Muli kong hinarap si Sining.

"Well I'm sorry, Goob. Dahil ako ang nauna. And besides, kaya mo ba ang presyo? Hindi ba ay minsan mo na ring iniasa sa ibang tao ang pagpapagamot sa kapatid mo?"

I gritted my teeth with his statement. My hands trembled and I am so close to slapping him. Pinigilan ko lang ang aking sarili.

I tried my best to calm down. Siniguro kong hindi mawala sa aking mukha ang ngiti.

"Ikaw ang nauna? Masyado ka namang takot maagawan. Sabagay. Hindi mo pa alam ang pakiramdam. Dahil noon pa man, ikaw naman talaga ang mang-aagaw."

Natinag siya sa aking sinabi. Napalunok na lamang siya. Mas lalong lumapad ang ngiti sa aking mukha.

"How dare you!" tanging nasabi niya.

"What? It's true, right? Mabuti nga ngayon hindi ka nakikipagsiksikan. Hindi ba ay sanay ka ng sumiksik? Sabagay. Ganyan talaga ang mga daga. Kahit maliit ang butas, kapag desperada, papasukin at papasukin pa rin."

It was my time to cross my arms.

"Take that back!" tumaas ang kanyang boses kaya napalingon ang iilang tao na nasa loob ng boutique sa amin.

"Why would I take back something that's true? Hindi ako sinungaling, Sining. Unlike you."

Nanginig ang kanyang labi at hindi na siya makapagsalita. Muli ay nagtaas ako ng kilay bago magsalita.

"Can you please wrap the slippers, miss?" tukoy ko sa saleslady. Hindi ko tinanggal ang aking mapanghamong tingin kay Sining. "I'm buying it." nginitian ko siya.

"No way! I waited for three hours outside! Hindi mo pwedeng ibigay sa kanya ang item! Ako ang dapat na bumili!" He was almost hysterical.

Mas lalo akong napangiti dahil sa narinig. Three hours? Well. I'm sorry, but I am getting that pair of slippers.

Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at tinawagan ang brand manager sa France.

"I am trying to buy a pair of slippers here in your newly opened branch in the Philippines. The limited edition Crocodile Slipper. Could you call the branch manager here?" tanong ko sa aking kausap.

"Oui." (Yes.)

Maya't maya pa ay lumapit na sa amin ang manager ng branch.

"Mr. Goob. It really is you! What an honor to have you here!" bati niya sa akin. "Mr. Dimitri called me and informed me that you wanted to buy this slippers? Well, we'd be happy to sell it to you. Pakibalot please para kay Sir. Goob." ang manager.

Nginitian ko si Sining na ngayon ay pulang pula na sa galit.

Sinubukan niya akong sampalin ngunit nakita ko ang plano niya kaya napigilan ko siya.

Nahawakan ko ang kamay niya bago pa man iyon makadapo sa aking pisngi. Sa halip ay siya ang sinampal ko gamit ang buong lakas ng kabila kong kamay.

Sa sobrang lakas ay umalingawngaw iyon sa loob ng boutique. Mas lalong maraming tao ang napalingon sa amin.

"Ooohh." The people gasped.

Mas lalong pumula ang pisngi ni Sining. Kung kanina ay dahil sa galit, ngayon ay dahil naman sa sampal ko. Napahawak na lamang siya sa pisnging nasampal.

Hindi pa ako nakuntento at sinampal ko ang kabila. Nahawi ang kanyang mukha at nagmarka sa kaniyang pisngi ang aking kamay.

Muli ay nagulat ang mga tao. Sa sobrang lakas ng sampal ko ay naramdaman ko ang sakit sa aking kamay.

Ang kapal talaga ng mukha niya.

"Sa sobrang kapal ng mukha mo Sining, kamay ko pa ang nasaktan. Men are begging to touch my hand. Be thankful that I have blessed you with my touch." saad ko.

Kitang-kita ko ang pamumuo ng galit sa kanyang mukha.

I have never felt so satisfied. Matagal ko na siyang gustong sampalin. Kahit noong nasa ospital ako. Kaya ngayong nagawa ko na iyon, nag-uumapaw sa kaligayahan ang aking puso.

Ngunit huwag siyang mag-alala. Nagsisimula pa lang ako. At iisa-isahin ko sila.

Bago pa man siya makaganti ng sampal ay pumagitna sa amin ang isang lalaki.

Si Mick.

Nanlambot ang aking mga tuhod at nanginig ang aking mga labi. Bumilis ang tibok ng aking puso.

Sa nakalipas na limang taon, hindi ako nakibalita sa mga nangyari sa buhay niya. Kaya wala akong ideya kung ano man ang mayroon sa buhay niya ngayon. After all, we were never married. Dahil hindi natuloy ang aming kasal.

Galit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Our eyes locked. Pinantayan ko ang intensidad ng kanyang titig.

His facial features have changed. He matured a bit. Ngunit guwapo pa rin.

Muli kong naalala ang mga panahon na inlove na inlove ako sa kanya. Kung paano kami naging masaya.

Ngunit binalot ng galit ang puso ko nang maalala kung paano niya iyon itinapon na parang wala lang.

I composed myself and remained calm. The best thing I should do right now is to let him know that he doesn't affect me anymore.

Na wala na akong pakialam sa kanya. Na nakalimutan ko na siya. Na hindi ko na siya mahal.

I wanted so bad to slap him too. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili.

Pinili kong talikuran na lamang sila at umalis na roon. Doon ko nalaman na lahat ng tao sa loob ng boutique ay nakatingin sa amin.

Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran.

Naestatwa ako.

"I miss you. I miss you so damn much." bulong ni Mick.

Naikuyom ko ang aking mga kamao.

Anong karapatan niyang sabihin iyon sa akin?

Gamit ang buong lakas ay tinaggal ko ang kanyangg mga braso na nakapalupot sa akin.

Hinarap ko siya at ginawaran ng isang malakas na sampal.

Taliwas kanina na galit ang kanyang ekspresyon, ngayon ay punung-puno ng lungkot ang kanyang mukha.

Bahagya akong natigilan dahil sa emosyong kanyang pinakita ngunit linakasan ko ang aking loob.

Sinubukan niya akong yakaping muli ngunit muli ko siyang sinampal. Kagaya ng kay Sining ay nagmarka rin sa kanyang magkabilaang pisngi ang mga sampal ko.

Ngunit hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Malungkot pa rin.

"I deserved that." mahina niyang sambit. He smiled weakly. Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mukha. "Kahit sampal Goob, okay lang sa akin. Maramdaman ko lang ulit ang iyong hawak."

Mas lalo akong nagalit.

"My hands are too precious to even touch a man like you, Mick. You disgust me!" I said in gritted teeth.

Kinuha ko ang paperbag mula sa saleslady.

"I'll transfer the money later." saad ko sa manager at tuluyan ng naglakad papalayo roon. Nakasunod lamang sa akin si Techno. Naramdaman ko ang pamamanhid ng aking mga kamay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.