Kabanata 13: Mannequin
"I am so proud of you, Goob! Kulang nalang pumalakpak ako kanina!" Techno almost shrieked. Tuwang-tuwa siya habang nagmamaneho.
Samantala ay seryoso lamang ang aking mukha habang nakatingin sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan. Hindi pa rin ako nakakabawi sa nangyari kanina.
Madilim na ang paligid dahil alas siete na ng gabi.
Ako rin naman, proud sa sarili ko. Noon, akala ko tuluyan akong bibigay sa oras na makita ko ulit si Mick. Akala ko, hindi ko makokontrol ang sarili dahil baka pangunahan ako ng pangungulila. That is why the idea of meeting him after five years scared me. Mabuti at naging malakas ako.
Matagal ko ring hinanda ang sarili ko para sa araw na ito. Mabuti at nagbunga naman ang lahat.
However, it was not the first meeting I have imagined. It was not how I imagined my comeback. Pero dahil nga biglaan ang aming pagkikita, hindi na ako nakaatras pa.
Hahayaan ko na nga lang iyon at hindi na masyadong iisipin pa. At least nagmarka ang aking kamay sa kanilang mga mukha.
I am satisfied with my performance though. Mukhang aping-api si Sining kanina. I would not mind if someone posts a video of what happened earlier. Makikita naman na si Sining ang unang nagbalak na manampal. Napigilan ko nga lang. And Mick? Well, he hugged me from behind so it could be considered as a sexual assault which can justify my reaction. So I need not worry about receiving public backlash. Dahil tanga lang ang maniniwala na mapang-api ako.
Oo at mapang-api talaga ako. Pero hindi ako basta-bastang nang-aapi. Ang mga may atraso lamang sa akin. At sisiguraduhin ko na bawing-bawi ako sa pang-aapi nila sa akin.
Taas-noo kong pinagmasdan ang labas ng bintana. Hindi ko napigilan ang aking ngiti.
Naalala ko kasi ang mukha ni Mick kanina. How he looked so devastated when I told him that he disgusts me. Serves him right. Dahil totoo naman.
"Bat tahimik ka?" kunot-noong tanong niya nang mapansin ang aking katahimikan.
"Wala. May iniisip lang."
"Siguraduhin mo lang na hindi mo iniisip na makipagbalikan kay Mick dahil sasampalin talaga kita baccla!"
"What? No! Ew!"
"Chill. Pinapaala ko lang. Talagang uubusin ko ang lakas ko sa pagsampal sa'yo pag nagkataon."
"Stop talking nonsense, Techno. Kumusta na pala iyong pinaparesearch ko sa'yo? Tapos na ba?" tanong ko kay Techno.
Lumiko ang sasakyan sa basement ng condo building kung nasaan ang parking lot.
"Yes. Nasa desk ko na sa office. My paralegal handed it to me earlier. Nakalimutan ko lang dalhin."
Techno is now working as a lawyer at the Public Attorney's office. He went to law school after Gabo and I left the country. Ang sabi ay nainspire siyang mag-abogado dahil sa naging sitwasyon ko. And one day, he wants to handle my case himself. At malapit na ang araw na iyon. He passed the bar exam last year and has been practicing law for a year already.
Huminto ang sasakyan at sabay kaming nagtungo sa elevator.
I am so hungry. Naubos ang lakas ko dahil sa eksenang iyon sa mall! Ano kaya ang masarap kainin ngayon?
"Good. Ihahatid mo ba rito bukas o kukunin ko nalang sa office mo?"
"Kilala kita Goob. Patanong tanong ka pa! Alam ko namang hindi ka talaga pupunta sa office ko at hihintayin mo nalang na ibigay ko iyon sa'yo! Kaya oo na! Ihahatid ko rito bukas!"
You all may be wondering about how I will avenge myself. Ngunit saka ko na iyon sasabihin kapag makuha ko na ang tinutukoy ni Techno na mga impormasyon.
"Mabuti naman kung ganoon. Anyway, dito ka na magdinner. For sure Gabo made something. Mahilig kasi iyon magluto."
"No thanks. Damian invited me to the after-party of the opening. Pupunta na ako roon at siya na lang ang kakainin ko." Pagkatapos iyon sabihin ay ngumisi siya.
Kung hindi lang talaga ako nagugutom ay binatukan ko na siya. Ang harot!
Nang makarating kami sa penthouse ay naabutan ko si Gabo at Elliot na nanonood ng Cocomelon sa sofa sa sala. Elliot was lying on Gabo's chest. Tutok na tutok siya sa screen ng tv samantalang busy sa kanyang cellphone si Gabo. My son ran to me when he saw us enter the door.
Binuhat ko siya at agad niya namang hinalikan ang aking pisngi, ang nakasanayan niyang gawin tuwing umuuwi ako.
"Good evening papa." bati niya. Hinalikan ko ang kanyang noo bago siya ibinaba. Mabilis siyang tumakbo pabalik sa sofa kung saan nakaupo na ang kanyang Tito.
My son is very handsome, especially when he smiles. Kay Mick man namana ang ibang katangian, masaya naman ako na sa akin namana ang kanyang mga ngiti.
Kuya Dominic has his own unit on the floor below us. Ang sabi ko sa kanya ay okay lang naman kung dito siya sa amin but he insisted on getting his own unit dahil baka raw sumunod dito ang kanyang boyfriend. Kaya hinayaan ko na lang siya.
"Alis na ako Goob. I want to invite you but I know you are very much tired because of the travel so I'll let you rest." paalam ni Techno.
"And yet you still forced me to come with you to the mall!"
"Ano ka ba! Hayaan mo na. For sure nag-enjoy ka naman." Kinindatan niya ako.
"Oh siya! Alis ka na! Nagsasawa na agad ako sa mukha mo!" pagtataboy ko sa kanya.
"Hoy grabe ka! Akala mo naman hindi nakakumay yang mukha mo! Bahala ka na nga!" Hinarap niya sina Gabo. "Elliot, bless ka muna kay Tito Techno."
Mabilis na lumapit si Elliot sa kanya at ginawa iyon. Pagkatapos noon ay umalis na siya. Gabo prepared the table for our dinner.
Tahimik kaming dalawa ng aking kapatid habang kumakain samantalang sobrang hyper ni Elliot na kanina pa maingay. Nagkalat na ang gravy sa kanyang mukha dahil sa fried chicken.
"Papa. Can we go to the mall tomorrow?" tanong niya.
Bahagya akong nagulat sa kanyang request. It would be a public place. Maraming tao ang puwedeng makakita sa akin. Hindi naman gaanong marami ang nagpapapicture sa akin lalo na at hindi naman ako artista. Ang ikinababahala ko lang ay baka kumalat ang larawan ko kasama ang aking anak at makita ng isang partikular na tao.
Siguro ay magdidisguise na lang ako at sa isang mall sa labas ng syudad na lamang kami upang maliit ang posibilidad na makita kami ni Mick.
I just can't risk it. Dahil sa oras na makita ni Mick si Elliot, hindi ko maitatanggi na anak namin siya. Elliot just screams so much of Mick's genes. That is why I have to keep him as far away as possible.
"Sure baby. You have to take a good rest tonight so that you will have the right amount of energy for tomorrow, okay?"
"Yey! I love you Papa."
"I love you too baby."
"Si Tito Gabo, di mo love Elliot?" singit ng aking kapatid. "Ako nagluto ng fried chicken."
"Hindi naman masarap Tito Gabo." sumimangot siya sa kanyang Tito.
Nanlaki ang mga mata ni Gabo, hindi makapaniwala sa sinabi ng pamangkin.
"Ah ganun? Hindi masarap? Eh bakit halos tatlo yung naubos mo? But if you say so, then fine. Hindi na kita ulit ipagluluto ng fried chicken." kunwari ay nagtatampo siya.
"I'm just kidding, Tito. It's actually tasty. The best I've ever had. I love you Tito. Thank you for the food." bawi ni Elliot bago nginitian si Gabo at nagbeautiful eyes.
"You're welcome. I love you too baby Elliot. Eat more."
Pagkatapos ng hapunan ay diretso agad si Gabo sa kanyang sariling kwarto. This unit has two large bedrooms and one masters bedroom. Elliot is still so small to have his own room that is why he will be sleeping with me in the masters bedroom. Bakante pa ang isang kwarto.
The rooftop that is directly above our floor is the building's swimming pool. Ngunit may pool at gym din naman sa gitnang floor ng building.
At dahil pagod sa biyahe, maagang nakatulog si Elliot. Me on the other hand stayed awake until eleven pm thinking about what happened earlier.
Bakit nga pala nandoon din si Mick sa event? Magkasama ba sila ni Sining? Did they come together?
Pinilit ko ang sarili na huwag na iyong isipin.
Ano naman ngayon kung magkasama sila? Wala akong pakialam! At kung magkasama man sila o hindi, ayaw ko ng malaman pa!
Hindi ako nagbalik rito upang makipagbalikan kay Mick. Nagbalik ako para sa aking dignidad.
Kinabukasan ay iyon nga aming ginawa. I chose a mall far from the city.
Kasama namin si Gabo sa pamamasyal.
As my disguise, I am currently wearing a hoodie jacket and sunglasses. Sa ilalim ng jacket ay puting tshirt lamang. Itim ang pantalon ko na pinaresan ng Converse Chuck Taylors. Ayaw kong magsuot ng masyadong magarang damit dahil baka mapansin ako ng mga tao. Meanwhile, my brother who looks so handsome in his light blue polo shirt tucked inside his faded jeans paired with his Nike Air max is really attracting so much attention. Sinabihan ko siya kanina na magpalit ng mas simpleng damit ngunit aniya ay iyon na ang pinakasimpleng dala niya. Hays. Agaw pansin pa rin tuloy kaming tatlo!
Elliot wanted to watch 'Soul', Disney's newest animated film kaya iyon ang ginawa namin. Pagkatapos ay nagtungo kami sa Tom's World kung saan naglaro sila ng kanyang Tito ng basketball at kung at kung ano-ano pang arcade.
Nang magsawa ay nag-aya naman si Gabo na magshopping dahil kulang daw ang dala niyang pambahay dito sa bansa.
Pumasok si Gabo sa boutique ng H & M kasama si Elliot. I cannot be seen inside other boutiques lalo na at ambassador ako ng isang clothing brand kaya minabuti kong tumambay sa labas ng tindahan.
Habang naghihintay sa kanila ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Kuya Dominic.
"Hello?" sagot ko.
"Goob, the client for your billboard photoshoot wants to meet you tonight at dinner. Biglaan ang meeting dahil aalis daw ng bansa bukas. Puwede ka ba mamaya?" tanong niya sa kabilang linya.
Naisip kong wala naman akong lakad mamayang gabi kaya walang problema.
"Yeah sure. What time?"
"I'll text you the details. Where are you anyway?"
"I'm at a mall."
"Sige sige. Kita nalang tayo mamaya."
The call ended. Ibabalik ko na sana sa aking bulsa ang aking cellphone ngunit nahulog iyon nang may lalaking bumangga sa akin.
"I'm so sorry." paghingi niya ng tawad.
Sinubukan kong pulutin iyon at ganoon din ang kanyang ginawa. Kaya ang ending ay nahawakan niya ang aking kamay.
I lifted my gaze and saw a familiar and handsome face.
Pareho kaming nagulat nang makilala ang isa't isa.
"Goob? Is that you?" hindi makapaniwalang tanong ng lalaki.
Unlike me, wala siyang suot na sunglasses at isang simpleng puting tshirt at maong lamang ang suot.
Sa sobrang lapit ng mga mukha namin ay naamoy ko na ang kanyang mabangong hininga.
"Apo." sambit ko.
Mabilis akong tumayo. Ganoon din ang kanyang ginawa. Saka niya lamang binitiwan ang aking kamay na may hawak sa cellphone nang tingnan ko iyon.
"Sorry." aniya. "How are you? It's been a long time!"
"Okay lang. Nabusy lang sa career. Ikaw?"
He gave me a smile which reached his eyes.
Apo's facial features have matured a bit. Ngunit guwapo pa rin. Lalong lalo na ngayong nakangiti siya na halos mawala ang mga mata niya samantalang nagpapakita ang dimples niya.
Napansin ko rin na mas lalong lumaki ang kanyang katawan.
"I'm fine. Busy with work too. I've been sending you messages in social media but you never responded. But I understand, siguro natabunan ang messages ko dahil sa dami ng nagchachat sa'yo."
Kailanman ay hindi ko nakita ang mga messages niya. Siguro nga ay natabunan dahil sa dami ng nagchachat. Noong nandito pa ako sa Pinas bago umalis patungong Pransya, nakatanggap ako ng mga mensahe sa kanya araw-araw. Ngunit dahil sa aking mga pinagdadaanan, hindi ko iyon nareplyan.
At noong nasa France na ako, I don't usually check my dms. Bukod kasi sa sobrang dami, natakot rin ako na baka magmessage sa akin si Mick at maging mahina ako at replyan siya. Ayaw kong mangyari iyon kaya malimit akong magbasa ng mga mensahe lalo na mula sa message requests.
Kahit nakablock naman si Mick. But who knows? Anyone can just create new accounts these days. Ang iba pa nga ay gumagamit ng sariling pangalan.
"Pasensya ka na. Nabusy lang talaga. But we should catch up though. Kung gusto mo."
"Sure. I was planning to ask you that. Naunahan mo lang ako." nagkamot siya ng kanyang ulo. "How about lunch tomorrow?"
"Sounds good. Wala pa naman akong projects bukas."
"Cool. It's a date then." kinindatan niya ako bago ngumiti. "Sino pala ang kasama mo ngayon?"
"My brother. And umm."
Sasabihin ko ba sa kanya?
Natigil ako sa pag-iisip nang makita sa likuran ni Apo ang isa pang pamilyar na lalaki.
Halos tumindig ang aking mga balahibo sa katawaan nang mamukhaan si Mick.
He was standing at least five meters away from us. Kasama niya ang kanyang mga kabarakdang sina Pete, Kao, Dean, at syempre, si Sining.
Mukha siyang problemado at malalim ang iniisip. Sumeryoso ang kanyang mukha nang mahagip ako ng paningin niya.
Shit! He can't approach me! Anytime soon, baka lumabas na si Gabo at Elliot. Baka makita niya ang anak namin! That cannot happen!
Apo snapped his fingers in front of me.
"Hey!"
Nabalik ako sa aking huwisyo. Bago pa man ako tuluyang mamukhaan ni Mick ay hinigit ko si Apo palapit sa akin at inangkin ang kanyang mga labi.
Nakita kong nagpatuloy sila sa paglalakad at lumagpas sa amin. Saka lamang ako bumitiw sa halik.
"Woah. That was unexpected." si Apo na ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa aking ginawa.
But I had no time to worry about him.
Nang lumingon ako sa aking likod ay hindi ko nakita sila Mick. I looked inside H & M at halos mamuti ang aking mukha dahil sa kaba nang makita sila sa loob.
What the fuck!
I immediately opened my phone and dialed Gabo's number. But damn, he wasn't answering his phone.
Tuluyan akong nanlumo nang makita ang aking anak na nakatalikod at pinagmamasdan ang isang mannequin sa loob ng malawak na boutique. Mick was walking towards his direction and somehow busy with his phone.
Fucking hell!