Return of the Groom Chapter 16

Kabanata 14: Punch

Halos tumakbo na ako papunta sa kinaroroonan ni Mick para lang maharang siya at hindi niya makita si Elliot.

Ngunit nang makita kong napahinto si Mick at dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa upang sagutin ang isang tawag ay nakahinga ako nang maluwag. Pansamantala siyang naabala.

Gabo heard Mick's voice at agad na nakita si Mick. Mabilis niyang nilapitan si Elliot at itinago ang pamangkin.

Sinenyasan ko siya na sa kabilang exit ng boutique lumabas at doon na lang kami nagkita.

Si Apo naman ay nakasunod lang sa akin kahit naguguluhan.

"What's happening?" tanong niya sa akin.

"Nothing. I was just trying to avoid a fan." palusot ko at nagkamot ng ulo.

"Why did you suddenly kiss me?"

Dumating na si Gabo na karga-karga si Elliot. Tuluyan na akong nakahinga nang maluwag.

Shit. Sobrang lapit na nun. Mabuti na lang talaga.

Kailangan na naming umalis at baka tuluyan na kaming makita ni Mick.

"You kissed him, Papa?" si Elliot na kunot ang noo at pinagmasdan si Apo.

"We have to go, Apo. I'll just message you on Instagram." sagot ko at nagmamadaling hinigit ang aking kapatid mula roon.

"O-okay! Chat kita mamaya!" sigaw niya.

Hindi ko na siya sinagot pa. I was only thinking about getting as far as we can from there, afraid that Mick might see us.

Tuluyan kaming nakalabas ng mall at nakarating sa parking lot.

That was so close!

Sa buong byahe pauwi ay wala akong ibang naisip kundi iyon.

May driver kami since pareho kaming walang driver's license ni Gabo sa Pinas.

"Gabo, I called you many times. Hindi mo sinagot!" bahagyang tumaas ang boses ko, stressed dahil sa nangyari.

Pare-pareho kaming nasa backseat.

"My phone was on silent. Ano ka ba kuya? As if I'd let that Mick know about Elliot! I'm not gonna let that happen!"

"Good. At least we're on the same page."

Elliot is busy watching Youtube videos and is wearing earphones kaya hindi niya kami narinig.

Alas kwarto ng hapon nang makabalik kami sa penthouse.

Nagpahinga kami sa sala at nanood ng Resident Alien. Elliot is beside me eating some popcorns. Si Gabo naman ay busy sa kanyang cellphone.

I took my phone out and opened my Instagram app.

Kumuha ako ng isang selfie at pinost iyon sa aking wall.

I searched for Apo's account and it took me three minutes to find it.

mount_apogi

Walanghiyang username yan. Bahagya akong natawa nang mabasa iyon. Clinick ko iyon at napunta ako sa profile niya.

I clicked the "follow back" button. He has 10K followers but only 1 following. Nang pindutin ko ang following ay medyo nagulat ako.

"Following itsgoobmansell"

Seryoso ba to si Apo? Bakit ako lang ang finofollow niya?

Clinick ko ang "send message" button at doon ko nakita kung gaano karami ang messages niya sa akin.

Habang nagscroscroll ay may bagong mensahe akong natanggap mula sa kanya.

mount_apogi: heyy

mount_apogi: finally!

mount_apogi: nanotice ako ni idol ❤😭😂

itsgoobmansell: hahaha

mount_apogi: salamat sa followback idol 😍

itsgoobmansell: baliw ka ba?

mount_apogi: h3ndi pHou

itsgoobmansell: tsk 🙄

mount_apogi: nga pala, i heard the kid earlier call you "papa". anak mo ba iyon? 😅

Nakaramdam ako ng kaba. Sasabihin ko ba sa kanya? Paano kung kumalat?

itsgoobmansell: let's talk about it on tomorrow's lunch.

mount_apogi: okay. no problem 😊

Hindi ko na siya nireplyan.

Techno came in wearing a suit and a tie, which I guess is his usual work outfit.

Tumayo si Elliot upang magmano sa kanya.

"How are you, Elliot? Did you have a nice day outside?" tanong ni Techno.

"Yes, Tito Techno." magiliw na sagot ng bata.

"Good. I'm sure you'll enjoy staying here in the Philippines."

Elliot returned to the couch to take a seat. Ngayon ay ako naman ang tumayo.

"So ano? Naka score ka ba doon sa manager during the after party?" asar ko kay Techno.

"Syempre naman baccla! Sa ganda kong to? Malamang naiuwi ko sa bahay!" humalakhak siya.

"Ang landi mo talaga!"

"Mana sa'yo! Anyway, dala ko na ang files ng pinaresearch mo sa akin. Kumpleto na iyan, mula kay Lucas hanggang kay Sining."

I motioned him to come with me to the dining area. Ayaw kong marinig ni Elliot at Gabo ang pinag-uusapan namin.

He handed me a brown envelope na puno ng mga papeles.

"Thanks. Mamaya ko na babasahin. May dinner kasi ako with a client para sa isang project."

"Sinong client naman? Anong project ba iyan?"

"Hindi ko pa alam. Si Kuya Dominic ang may alam. It's a billboard endorsement."

"Baka naman si Mick na iyan."

"Of course not. Naibilin ko na kay Kuya Dominic na hindi tumanggap ng kahit anong proyekto na may kinalaman siya."

"Mabuti kung ganoon. Anyway, I just came here to drop the files. Bukas na lang tayo mag-usap sa kung paano natin sila iisa-isahin. I am also still in the process of obtaining a copy of the CCTV kung saan ka dinala ni Lucas sa gabi na pinagsamantalahan ka. May date kasi ako tonight kaya di ako makakapagstay dito ." nangingiti niyang saad.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't tell me ibang lalaki na naman yan!" banat ko.

"Hoy! Anong akala mo sa akin? Pokpok? Hindi noh! Si Hadrian pa rin. Iyong manager!" depensa niya.

"Nako, Techno. Siguraduhin mo lang HAHAH basta mag-iingat ka lang sa sakit."

"Gaga. I always practice safe sex no!"

"Sabi mo yan ha! Anyway, make sure na makakuha tayo ng copy ng CCTV. Sigurado ka bang may copy pa rin ang hotel? It's been five years."

"Don't worry. It was a 5-star hotel kaya sigurado akong may kopya pa rin sila."

"Kuya! You need to check your twitter! You're trending!" sigaw ni Gabo mula sa sala.

Nagkatinginan kami ni Mild at mabilis na nagtungo sa kinaroroonan ng aking kapatid.

"Why am I trending?" kunot-noong tanong ko at dinampot ang aking cellphone upang tingnan ang kanyang tinutukoy.

I opened my Twitter at nang tignan ang aking notifications ay napansin kong marami ang nagmemention sa akin.

I checked the trends list at nakitang nasa #1 spot ang aking pangalan.

#GoobMansell

"Oh gosh! Now I know why you're trending! Look!" Ipinakita sa akin ni Mild ang kanyang cellphone.

It was a tweet from @siningaesthetics

"Goob Mansell was once a gold-digger! And he is also a cheater! Why does he have a lot of fans?"

It has more than 3K likes and 500 retweets. And it was tweeted almost an hour ago.

Ano ba ang problema ni Sining?

Oh well, I remembered inagawan ko pala siya ng tsinelas kahapon.

Pero para doon lang galit na galit na siya? He's so weak. Hindi pa nga ako nagsisimula eh.

"This is libel, Goob. Pwede mo siyang sampahan ng kaso."

"Are you sure? Baka naman mabasura lang." may pagdududa ang aking boses.

Binatukan ako ni Techno.

"What the? Why did you do that? Ikaw na pala ngayon ang nambabatok?" galit kong saad.

"Kasi sino ba ang abogado rito? Hindi ba ako? I would not suggest filing a case kung mababasura lang naman. And besides, I have a better plan." Techno smiled evilly.

"And what plan is that?" My brows furrowed.

Lumapit siya sa aking tenga at ibinulong ang kanyang plano.

Nanlaki ang aking mga mata pagkatapos marinig iyon.

"We can do that?" hindi ako makapaniwala.

"Of course we can! Ako ang bahala!"

"That sounds so evil. Pero payag ako sa plano na iyan. Let's give Sining a taste of his own medicine." I grinned.

"What are you two planning?" tanong ni Gabo sa amin.

"You'll see, Gabo. You'll see." si Techno. "Alis muna ako at idradraft ko pa ang isasampa nating kaso. I'll meet you here at ten, Goob."

"Okay. See you later then." Hindi ko na naitago ang aking ngiti.

Naiisip ko pa lang ang magiging reaksyon ni Sining ay gusto ko ng magtatalon.

Umalis na si Techno at muli kaming naiwang tatlo. Kuya Dominic came at around 6 pm. Handa na siya para sa aming dinner.

Katatapos ko lang magtoothbrush at handa na ring umalis.

"You're trending on twitter. Ngunit huwag mo ng pansinin iyong Sining na iyon. He's the guy you used to tell me, right? Iyong kinampihan noon ng ex-fiance mo?" si Kuya.

"Yeah. Hindi ko na siya papatulan sa Twitter dahil ayaw kong magpakacheap. Sasampahan ko naman siya ng kaso."

"Good. That's more like it, Goob. Settle things legally. That person is trying to tarnish your name and must be punished accordingly. Anyway, let's go? Baka malate tayo. Nakakahiya sa client."

Tumango ako at hinarap ang aking anak na busy pa rin sa panonood ng tv.

"Elliot, Papa will have dinner outside. Eat dinner with Tito Gabo, okay? Behave." paalala ko sa anak.

"Yes Papa." sagot niya nang hindi tinatanggal ang atensyon sa pinapanood.

"At ikaw Gabo, watch over Elliot. We won't be gone for too long. I have already prepared dinner. Kain nalang kayo pagsapit ng alas siete."

"Noted, Kuya." si Gabo na busy sa kanyang cellphone.

Kuya Dominic and I headed towards the elevator. Alas siete ng gabi nang makarating kami sa restaurant kung saan kikitain namin ang kliyente. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. I have a bad feeling about this.

"There she is." deklara ni Kuya Dominic at iginiya ako patungo sa isang table kung saan nakaupo ang isang babae.

"Hi. I'm Sarah. Representative of Quezon Home Furnitures." pakilala ng babae na siguro ay nasa mid-thirties. "Salamat sa pagpapaunlak ng request naming dinner."

Naupo kami. Hays. Mabuti na lamang at babae.

"Are we expecting someone else?" tanong ko sa kaniya.

"Yes. Our new boss. But he already told me to proceed with the contract signing. Mamaya pa iyon darating." she smiled at us. "I assume na binasa niyo na iyong Terms and Agreements na ipinadala namin sa inyo? So I guess ready na kayo to sign the contract? This will be for billboards that will be located in different cities in NCR."

"Yep. We've read it already. So far, we're fine with the terms and ready to sign the contract." Kuya Dominic replied.

"Great. Here's the contract then."" she handed me a white folder that contained the contract.

Tinanggap ko iyon at pinirmahan na. She gave us a copy of the contract na agad namang itinago ni Kuya Dominic.

We shook hands afterwards.

"Shall we order?" si Sarah pagkatapos maitabi ang mga gamit niya.

Tumango ako at nagtawag naman agad siya ng waiter.

Habang umuorder ay biglang tumayo ang kasama naming babae.

"Mr. Dela Merced, you're here." aniya.

Sabay kaming napalingon ni Kuya Dominic sa lalaking kararating lang.

Wearing a gray business suit, Mick was standing beside our table with a serious face.

Nagtagpo ang aking mga kilay at kumunot ang aking noo.

What the hell? What is he doing here?

"This is my boss, Mick Dela Merced." pakilala ni Sarah.

Natameme si Kuya Dominic at tiningnan ako. He looked apologetic. Gusto kong magalit sa kanya ngunit hindi ngayon ang panahon.

Mick eyed me, weighing my expression. I gave him an angry look.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at aalis na sana ngunit hinawakan niya ang aking palapulsuhan kaya natigil ako sa tangkang pag-alis.

I harshly pulled my wrist away from him but his grip was tight. Ngumiwi ako, halatang nasaktan dahil sa aking ginawa at sa higpit ng kanyang hawak.

Nang makita ang reaksyon ko ay pinakawalan niya ako. Kung kanina ay seryoso ang kanyang mukha, ngayon ay napalitan iyon ng pag-aalala.

Did he just trick me into working with his company? Bakit hindi nalaman ni Kuya Dominic na pagmamay-ari niya ang furniture company na iyon?

Is this one of his tricks?

And worst, I already signed the contract! The fuck!

Mabilis ang naging lakad ko patungo sa loob ng restroom. I went inside one of the cubicles.

Mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa galit. Naikuyom ko na lamang ang aking kamao at sinubukang pakalmahin ang sarili.

Breathe in, breathe out, Goob.

Hindi mo pwedeng ipakitang apektado ka pa rin sa kanya!

But what the hell? I just walked out on him! Ano ngayon ang iisipin niya?

Nang lumabas ako ng cubicle ay naestatwa ako nang makitang nakaharang siya sa pinto mg comfort room.

Mas lalo lamang akong nagalit.

Sinubukan kong lumabas ngunit hinarangan niya ako.

Our eyes locked. Ginawaran ko siya ng galit na titig ngunit pinantayan niya lamang iyon.

"Step out of my way." I said in gritted teeth.

"Make me." hamon niya sa akin.

I tried to push him but he did not budge. His jaw clenched.

"Step away from the fucking door or I'll fucking scream!" banta ko.

"Try me, Goob. Try me." He smirked. Ngunit hindi nawala ang galit at panghahamon sa kaniyang mukha.

"What do you want, Mick?" galit ang boses ko.

"You. I want you." seryoso ang kanyang boses nang sabihin niya iyon. Muli ay umigting ang kanyang panga.

Naramdaman ko ang panghihina ng aking mga tuhod at ang panginginig ng aking mga daliri sa kamay. Ngunit pinanatili ko ang galit na ekspresyon.

Mas lalo kong ikinuyom ang aking mga kamao.

Anong kalokohan itong pinagsasasabi niya?

Unbelievable!

"Stop talking nonsense, Mew. Pareho nating alam na si Sining ang gusto mo."

Ang kapal ng mukha niyang sabihin na gusto niya ako. Pagkatapos ng mga ginawa niya noon! Gago ba siya?

Doon siya kay Sining! Pareho silang basura.

Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ko. Bahagyang nag-iba ang kanyang ekspresyon.

"Ikaw ang gusto ko."

"Puwede ba tumahimik ka?" tumaas ang aking boses. "Get out of my way!" ulit ko at muling sinubukang dumaan.

Hindi pa rin siya nagpatinag at nanatiling nakatayo sa may pinto, pinipigilan akong makalabas.

Gustong-gusto kong magwala. Nakakabwisit.

"Gusto mo ako? Gusto mo ako? Bakit anong gagawin mo sa akin, Mick? Gagawin mo na naman sa akin ang mga ginawa mo noon?" I tried to push him again, and this time, napaatras siya halatang naapektuhan sa sinabi ko.

Tinulak-tulak ko siya. At sa bawat tulak, napapa-atras siya.

"Gusto mo akong saktan? Sige, subukan mo! Subukan mo!" I saw him clench his fist.

Napansin kong pinipigilan niya ang kanyang sarili.

"Don't try to stop yourself!" I pushed him. "Hindi ka ng nahirapang saktan ako noon eh! Huwag mong sabihing nagdadalawang isip ka ngayon!" Ioinagpatuloy ko ang pagtutulak sa kanya. Ngayon ay nakalabas na kami ng cr.

Our eyes were locked on each other. Punung-puno ng galit ang kanyang mata. I continued provoking him.

"Gusto mo akong suntukin? Sige. Suntukin mo ako! What's stopping you? This won't be your first time! Go on! Punch me!" sigaw ko sa kanya.

Nakalimutan kong nasa restaurant pala kami. Ngunit wala akong pakialam.

Anger has consumed me too.

For the nth time, he clenched his jaw.

"Stop it, Goob." aniya sa isang seryosong tono.

"No! Punch me! Come on! I know you want to punch me! So what are you waiting for?"

"Stop it!"

"Naduduwag ka na ngayon? Hindi ka naman naduwag noon ha? Hindi ka naman nagdalawang isip! Sige na! Wag ka ng mahiya! Suntukin mo na ako!"

"I. Said. Stop. It."

"You're a coward! Come on! Punch me!" nagpatuloy ako sa pagtulak-tulak sa kaniya.

Pulang-pula na ang kanyang mukha dahil sa galit at pagpipigil.

Mas lalo lamang akong naging determinado sa pag-uudyok sa kanya.

"What's taking you so long? Come on. Punch me! Fucking punch me!" I screamed on his face.

Nasisiguro kong pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Don't test me, Goob."

Sa huling pagkakataon ay sinubukan kong itulak ang kanyang dibdib.

"Punch me Mick, Punch me!"

*boooogsh*

Umalingawngaw sa loob ng restaurant ang isang malakas na suntok.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.