Kabanata 15: Arrest
Napatingin ang lahat ng tao sa loob ng restaurant sa aming kinaroroonan. Mick fell to the ground and the side of his lips bled. He spit some blood.
Bright stood in front of me, as if he was protecting me. Siya ang dahilan kung bakit nakadapa si Mick ngayon sa sahig. Nakakuyom pa ang kanyang kamao ngunit nang harapin ako ay huminahon naman ang kanyang hitsura.
Kumunot ang aking noo, naguguluhan kung bakit niya ginawa iyon.
I haven't seen him since I left the country. Hindi rin ako nakibalita sa kanya. He's still handsome as ever. Naaalala ko pang siya lang ang naging mabait sa akin sa mga kaibigan ni Mick.
I wonder if he's still friends with them? Hindi siya kasama noong nakita ko sila sa mall kanina.
Bright eyed me seriously, as if trying to weigh my feelings. Hindi siya nagsalita at tinitigan lamang ako. Ngunit hindi nagtagal ay tumayo si Mick at binawian siya ng suntok.
Tumama si Bright sa pader at inabot siya ng ilang segundo bago makabawi.
Gagawaran niya sana ulit ng suntok si Mick ngunit pumagitna ako sa kanila.
"Stop. He's not worth it." pigil ko kay Bright.
Bright clenched his jaw. He gave me a nod before giving Mick a challenging look.
Galit kaming tinitigan ni Mick. Tila isang pitik lang ay magkakasuntukan ulit sila.
"Let's go, Bright." utos ko.
Bahagya akong nagulat nang akbayan niya ako at tinabihan. Ngunit hinayaan ko na lamang siya at nag-umpisa kaming maglakad palayo roon sa may cr.
"Remove your filthy arms on him or I'll fucking break them." Mick's voice thundered inside the restaurant. Punung-puno iyon ng galit at pagbabanta.
"Tsk. Make me, Mick." hamon ni Bright at nilingon siya.
Naramdaman ko ang mabilis na pagkatanggal ng kamay ni Bright na nakaakbay sa balikat ko. Mick landed another punch on Bright's face. Tumilapon siya sa sahig.
The people gasped. Nag-aalinlangan ang mga staff ng restaurant na lumapit sa amin.
Mabilis kong dinaluhan si Bright at galit na tinitigan si Mick.
"Bastard!" sigaw ko sa dating kasintahan.
"He asked for it." Mick gritted his teeth.
Inalalayan ko si Bright sa pagtayo at dinala siya palayo roon.
"You're an asshole, Mick." galit na saad ko.
"I'm only an asshole because of you."
Mistulang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa narinig. Anong dahil sa akin? Kaya siya nagkakaganyan dahil sa akin?
Ano siya, bata? The last time I checked he's already a grown up capable of making his own decisions. Huwag niya akong sinisisi.
Pasalamat siya at ayaw ko na namang magtrending sa Twitter kaya hindi ko siya sasampalin ulit ngayon. Ikalawang araw ko palang sa Pinas ngunit kung gagawin ko iyon ay baka magalit na ang mga tao sa akin.
Kaya imbes na muling sayangin ang lakas sa kanya, pinili kong maglakad na lamang paalis doon habang inaalalayan si Bright.
Siguro ay ito na talaga ang gagawin kong paghihiganti.
Some say that the best revenge is to get even. But maybe it's time that the narrative should change. Kung may kasalanan man si Mick sa akin, iyon ay ang mga ginawa niyang pananakit.
The real people behind why my life almost fell apart years ago were Louis and I believe that Mick's friends were a part of it.
Ang kasalanan lang ni Mick sa parteng iyon ay hindi niya ako pinaniwalaan.
He chose to let me go by not believing in me.
Hindi ko siya puwedeng idamay sa pagkamit ko ng hustisya sa bagay na iyon. I must deal with him separately.
And I would say that the best revenge is to make him feel that I'm indifferent. Ipapakita ko sa kanya ang sinayang niya. Ipapakita ko sa kanya ang malaking pagkakamali na ginawa niya.
I'll make him jealous. I'll make him want me. And I'll show him that he will never get me again.
Kuya Dominic immediately rushed to us and helped me with Bright.
We headed out of the restaurant.
"Do you have a car? Ihahatid ko na kayo." saad ni Bright nang makarating kami sa parking lot.
He tried to touch his lips. Ngumiwi siya nang maramdaman ang sakit.
"Wala kaming sasakyan." si Kuya Dominic.
"Take us to our condo building. I will treat your wounds." nag-aalala ang aking boses.
Tumango si Bright at pinatunog ang kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan sa may passenger seat.
"Get in." aniya sa akin.
Ginawa ko ang gusto niya. Umikot siya at sumakay na rin.
"Bakit siya lang ang pinagbuksan ng pinto? May favoritism ha!" natatawang reklamo ni Kuya Dominic.
Bright chuckled softly. Ako naman ay nanatiling seryoso lamang.
Kuya Doninic is pure Spanish. Ngunit ngayon ay bihasa na siya sa Filipino dahil na rin sa haba ng pinagsamahan namin.
Pinaandar ni Bright ang sasakyan. Alas otso nang makarating kami sa penthouse.
"Sit." utos ko kay Bright nang marating namin ang sala.
Kuya Dominic is now in his unit. Gusto niya sanang sumama pa ngunit sabi ko ay ako na ang bahala.
Nagtungo ako sa comfort room upang kunin ang first aid kit at mabilis naman na bumalik agad sa sala upang gamutin ang kanyang sugat.
Wala si Gabo at Elliot. Marahil ay nasa kwarto sila ni Gabo.
Umupo ako sa tabi ni Bright. Kumuha ako ng bulak at nilagyan iyon ng alcohol.
Hinawakan ko ang kanyang baba at iginiya ang kanyang mukha palapit sa akin.
Nagkatitigan kami ng ilang segundo ngunit nauna siyang nag-iwas ng tingin.
(A/n: shet yung ghost ship ko lumalayag char HAHAH kinikilig ako wait)
I gently placed the cotton on the side of his lips.
Kinagat niya ang kanyang labi ngunit wala akong boses na narinig na lumabas sa kanyang bibig. Mistulang pinipigilan ang sarili na dumaing.
I can see how he's trying so hard to look strong. I find it cute.
Bahagya akong napangiti.
"Why were you at the restaurant?" tanong ko.
"I was supposed to have dinner. And then I heard you and Mick."
Hindi na siya makatingin sa akin. Naiilang siguro. Itinuon niya ang mga mata sa tv na nasa harap.
"Bakit mo naman siya sinuntok?" my brows furrowed.
"Matagal ko na siyang gustong suntukin, sa totoo lang. Noon pa mang boyfriend mo pa siya. I saw how bad he treated you. Kanina lang ako nakahanap ng pagkakataon." medyo galit ang tono ng kanyang boses.
"Hindi mo na dapat ginawa iyon."
"He was going to punch you. Kung hindi ko siya sinuntok baka ikaw ang nasuntok niya."
"Still, you should not have done that. Ikaw tuloy ang nasuntok ngayon."
"I'd rather be hurt than you."
Natigilan ako sa aking ginagawa. Nanatili sa ere ang aking kamay na may hawak na bulak kaya ibinaba niya iyon. Hinarap niya ako at muling nagtagpo ang aming mga mata.
Bright's eyes are mesmerizing. Sa sobrang lalim ay para kang nalulunod. Punung-puno iyon ng emosyon.
He is indeed handsome. Noon pa man ay nagwagwapuhan na ako sa kanya. But I had Mick back then. Mistulang siya ang pinakagwapo para sa akin noon na hindi ko napapansin ang ibang lalaki. Pero hindi niyo ako masisisi. Mick treated me right before that incident. But after that? Ewan ko nalang.
Bumaba ang kanyang tingin sa aking mga labi. And before I knew it, Bright gave me a peck on my lips. Umawang ang bibig ko.
"I'm s-sorry." aniya at mabilis na tumayo, halatang nahihiya dahil sa ginawang paghalik sa akin.
Hindi ako nakapagsalita agad.
"It's okay." tumayo na rin ako.
"I should go." deklara niya at nagtungo na palabas, nahihiya pa rin.
"Dito ka na magdinner. We have a lot of catching up to do." Sinundan ko siya.
"Maybe next time, Goob." aniya at lumabas na ng pintuan at nagmamadaling umalis.
Napahawak ako sa aking mga labi nang maisara ang pinto.
What the hell just happened?
Sa loob ng isang araw, dalawang lalaki ang nahalikan ko! Kanina si Apo! Ngayon si Bright!
I heard a knock on the door at mabilis ko iyong binuksan.
"Br-Techno!" Muntik ko pang masabi ang maling pangalan.
Techno raised an eyebrow at me and crossed his arms. Binigyan niya ako ng nang-uusisang tingin.
"Bakit galing sa unit mo si Bright?" aniya at nillagpasan ako para makapasok.
Naupo siya sa couch.
"We met at the restaurant. Guess what, nagkita na naman kami ni Mick. He was the client. We got into a heated argument that is why Bright came to my rescue. Nagkasuntukan sila. Kaya dinala ko rito si Bright para gamutin ang sugat niya."
"Ang haba ng hair mo teh! May tagapagligtas ka pala!"
"Shut up, Techno."
"Che! Bakit naman namumula ang pisngi nun nang makita ko sa lobby? Hindi ako naniniwalang ginamot mo lang ang sugat! Umamin ka! Hindi mo naman siguro niluhuran yon no?"
"Pag ikaw narinig ni Elliot, Techno papatayin talaga kita. Kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig mo." banta ko.
"Char lang. Ikaw naman di mabiro. Anyway, bakit naman kayo nagkasagutan ni Mick?"
"Hindi naman talaga sana ako makikipag-usap sa kanya. Kaso sinundan ako sa cr kaya ganun."
"Sa cr? May nangyari sa inyo?" gulat niyang tanong.
"I know what you're thinking about. And you're wrong. Walang nangyari sa amin. Kaya nga kami nag-away. He wanted to talk to me but I did not want to talk to him."
"Mabuti naman at naging matapang ka ulit baccla. Nako, sinasabi ko sa'yo, kinakabahan pa rin ako dahil baka bigla ka ulit bumigay diyan kay Mick! Nako! Sasabunutan talaga kita hanggang sa matanggal yang anit mo!"
"Ano siya, swerte? At anong wari mo sa akin? Marupok? Hoy, Techno. Sa dami ng lalaking naghahabol sa akin, hindi na ako madadala niyang kapogian ni Mick. Sawa na ako dun."
Nagmamadali niyang inilabas ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at may kung anong pinindot.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo. Hindi ko narecord." natatawa niyang saad.
"Ewan ko sa'yo, Techno." naiinis na ako rito sa kanya. "Bakit nga ba nandito ka na? Akala ko alas dyes pa?"
"Nacancel yung date ko. Makikikain sana ako rito. Sakto hindi ka pa rin kumakain. Ipagluto mo na rin ako baccla."
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Dito ka pa talaga nakikain!"
"Nasaan ba iyong si Elliot?" pag-iiba niya sa usapan.
"Baka nasa kwarto ng tito niya."
"Ahh. Tapos ko na pala maisubmit iyong defamation case against Sining. Paniguradong aabot sa tenga ang ngiti mo mamaya at makakatulog ka nang mahimbing." Hindi niya maitago ang ngiti sa kanyang labi.
I raised an eyebrow.
"Talaga! Dahil kapag naging matagumpay tayo sa sinasabi mong plano, magcecelebrate tayo bukas."
"Siya, ang dami mong sinasabi. Magluto ka na at nagugutom na ako!"
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Pasalamat ka abogado kita!"
"Dapat lang noh! Now go and prepare my food!"
Sinamaan ko siya ng tingin at nagtungo na sa kusina upang maghanda ng pagkain.
Alas otso y media ng gabi nang matapos kami. Noodles lang iyong niluto ko kaya mabilis naluto.
Elliot is already asleep in Gabo's room. Ayaw ko muna siyang buhatin at dalhin sa aming kwarto dahil aalis pa kami ni Techno.
"Bantayan mo muna si Elliot, Gabo. I will be back immediately. May aasikasuhin lang."
"Don't worry, Kuya. Elliot is safe with me."
Lumabas na ako ng kwarto at hinarap si Techno na naghihintay sa sala.
"The court just called. Ready na daw ang arrest warrant kay Sining. Let's go." excited niyang saad.
Pati ako ay hindi na rin maitago ang ngiti.
I can't wait to see Sining's reaction later. Humanda siya!
We headed to the elevator and to the parking lot. Sasakyan ni Techno ang aming ginamit at nagtungo kami sa subdivision kung saan nakatira si Sining.
Nandoon na ang mga pulis at naghihintay sa amin.
"We're here to watch." deklara ni Techno.
Tumango ang leader na magsasagawa ng pag-aresto at nagdoor bell na sa bahay nila.
A househelp answered the gate.
Nakatayo lamang kami ni Techno sa likod ng mga pulis.
"Sino po ang pakay ninyo mga Sir?" halatang nagulat ang babae nang mapansin na mga pulis ang nasa harapan niya.
"We have an arrest warrant for Sining Nepomuceno." ipinakita ng pulis ang warrant.
"Who's that Manang?" boses iyon ni Sining.
"Sir, warrant of arrest daw po para sa inyo." ang babae.
"What? What do you mean warrant of arrest?" Lumabas si Sining ng kanilang gate upang harapin ang mga pulis.
"Mr. Sining Nepomuceno, you are under arrest for committing libel under Article 353, 354 and 355 of the Revised Penal Code and pursuant to the Cybercrime Prevention Act of 2012. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you."
"What? You can't do this! I will call my attorney!" nagpumiglas siya habang sinusubukan siyang suotan ng handcuffs. "You can't arrest me! I'm rich! Wala akong alam sa binibintang niyo!"
"Sa prisinto ka na lang po magpaliwanag."
Halos maiyak na si Sining at ako naman ay gustong-gusto ng tumawa.
Nagpakita kami ni Techno. Sa sobrang excitement ay hindi na napigilan ni Techno ang pumalakpak.
"Well, well, well, Sining. Looks like you will finally have a taste of your own medicine." deklara ko.
"Goob! I knew that this was your idea! Sinasabi ko na nga ba! Bitiwan niyo ako!" reklamo niya sa mga pulis. Sinubukan nilang dalhin siya sa police car. "Siya ang hulihin niyo! Yang Goob na yan!"
"I am so sorry, Sining. But it seems like you will have to spend the night at the cold precint. Kahit isang gabi lang, mararanasan mong matulog sa kulungan. Sa susunod kasi, mag-iingat ka sa mga sinasabi mo lalo na sa social media. Kasalanan mo rin yan." si Techno.
"Anong pinagsasasabi mong ako ang hulihin nila? Eh wala naman akong kasalanan sa batas! Ikaw ang sisiguraduhin kong makukulong."
"No! I will immediately post bail. Magpyapyansa ako! I want to call my lawyer."
"Oh yes, Sining. Call your lawyer." sabi ko. "Call as any lawyers as you want. Kahit bente pa ang ihire mo. But ooops. Sarado na ang lahat ng korte. There won't be an open court until 8 am tomorrow. Kaya hindi ka pa rin makakapagpyansa. Sa kulungan ka matutulog."
Yes. Iyon ang plinano namin ni Techno. We made sure that the arrest will be done during the night. With a few friends in higher places, Techno was able to pull this off.
At dahil wala ng bukas na korte, hindi siya makakapagpyansa ngayong gabi.
I don't care if he will be able to get out the following day. Ang sa akin lang ay at least, sa kulungan siya matutulog ngayong gabi. That's enough for now.
"No! This cannot be! I have connections! I can't spend the night inside a cell! I will call my lawyers!"
"Kahit ilang abogado pa ang tawagan mo, Sining. Wala silang magagawa. Kahit ang presidente pa ng Pilipinas ang tawagan mo. There is just nothing you can do but spend the night in a cell. But don't worry. Sasamahan ka namin papunta roon para masiguradong doon ka matutulog sa presinto. Pipicturan pa kita para maupdate naman sa Twitter kung saan mo ako siniraan. Nang sa gayon ay ikaw naman ang magtrending. HAHAHAH" humalkhak ako.
"Pagbabayaran mo ito, Goob! Tandaan mo ito!" mangiyak-ngiyak niyang saad.
"Nyenyenye. Shut up, Sining. Nakakairita ang boses mo!" reklamo ni Techno.
"Don't worry, Sining. Hindi pa ako nagsisimula. Kung bakit ka makukulong ngayon, dahil palang iyan sa ginawa mo kanina. Alam kong may kinalaman ka sa ginawa ni Louis sa akin."
"You will pay for this, Goob! Makikita mo!"
"I'm ready. Ikaw? Handa ka bang pagbayaran lahat ng kasalanang ginawa mo sa akin? Dahil maniningil ako."
"What's happening here?" isang pamilyar na boses ang aking narinig. It was coming from inside the house.
The low register of the voice quickly let me know who it was. Sino pa nga ba?
"Mick! Do something! They are taking me away!" Sining cried from inside the police car.
Lumabas ng gate si Mick na suot lamang ang isang puting sando at itim na shorts. Halatang nakapambahay lang dahil sa tsinelas na suot.
Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking dibdib. Nagulat si Mick nang makita ako.
Wow! So ano to? Naglilive-in na sila? Wow!