Return of the Groom Chapter 18

Kabanata 16: Storybook

Bahagyang natigilan si Mick nang makita ako. Ako naman ay hindi nagpahalata sa aking nararamdaman.

I lifted my chin and kept my head up.

"Let's go, Techno." saad ko sa kaibigan.

Wala na akong pakialam pa. Kung dito na rin nakatira si Mick ay wala na akong pakialam.

Hindi lang ako sigurado kung bakit ako naiinis basta wala akong pakialam! Wala talaga!

Tumango lamang si Techno at sinundan na ako pabalik sa kanyang sasakyan.

Sinundan ako ng tingin ni Mick ngunit hindi ko na siya pinansin.

Ewan ko ba. Naiinis ako sa sarili ko dahil kanina lang ay tuwang-tuwa na ako dahil sa ginawa namin kay Sining pero noong nakita ko si Mick ay nag-iba ang timpla ng mood ko. Grrr.

Basta Goob, hindi ka apektado. Wala kang pakialam. Wala talaga!

Nawalan na ako ng gana na samahan si Sining sa prisinto kaya hindi na namin iyon ginawa. Dumiretso na lamang kami sa condo.

Okay na siguro iyon. At least kampante na ako na sa kulungan siya matutulog ngayong gabi.

Matapos maihatid sa condo ay agad namang umuwi si Techno.

Alas onse na ng gabi. Madilim na ang sala ng bahay. Sigurado akong natutulog na si Gabo at Elliot. I checked my brother's room and confirmed my theory. Elliot was lying on his uncle's chest. Nakayakap naman si Gabo sa kanya.

I smiled. This is my family. They are my strength. And in my darkest times, they served as my light. Gabo is like a moon to me while Elliot is like a star. Dahil nawala man sa akin ang araw at dumating ang dilim, nagsilbi silang liwanag sa akin. I only needed the moon. But I was also given a star to make the night even brighter.

Nilapitan ko sila at hinalikan ang kanilang mga noo.

"I love you Gabo. I love you Baby Elliot." bulong ko.

I went to the mini bar of this penthouse and poured myself a glass of wine. Somehow, I wanted to celebrate my victory.

I sipped on my wine as I watched the beautiful city lights from the balcony. Umihip ang malamig na hangin. Sa malayo ay ang maliwanag na buwan na napalilibutan ng maraming bituin.

I took a deep breathe before heaving out a deep sigh.

Tama ba itong ginagawa ko? Paano kung bumalik na lang kaya kami sa France? At manirahan nalang nang tahimik?

But if I let those bad people running free, they might do the same thing to others. Or they might do something worse. May dahilan kung bakit kinukulong ang mga tao at tinatanggalan ng kalayaan. Hindi lang para parusahan sila, kundi para na rin mapanatili ang kaligtasan ng ibang mamamayan. Yes. Parusa na ang ikulong sila, but the main purpose of it is so that they will no longer be harmful to society.

Tumunog ang aking cellphone at nakita kong may bagong mensahe roon si Apo.

I clicked the notification and it directed me to our conversation.

Napangiti na lamang ako nang makita ang isang larawan na sinend niya. It was his picture lying in bed. Wala siyang damit pang-itaas at kitang-kita ko ang dibdib at nipples niya. He was pouting his lips.

Sa baba ng larawan ay may nakasulat na "wish u were here. can't stop thinking about your kiss"

Pinamulahan ako ng mukha. Shet.

Bakit niya iyon sinend? Wrong send yata siya! Or is this some kind of thirst trap?

itsgoobmansell: wrong send ka yata

Pero may pagbanggit tungkol sa halik kanina! So ibig sabihin sinadya para sa akin! Pero bakit naman?

Hindi pa naglilimang segundo ay tumatawag na siya through video call. Sinagot ko agad iyon.

"Hindi iyon wrong send." bungad niya. Kagaya ng nasa picture ay wala siyang tshirt at nakahiga siya sa kama.

"Bakit mo naman sinend sa akin. At bakit ganon yung caption?"

"Totoo naman kasi." he pouted his lips and started to act cute.

"Ewan ko sa'yo. Kita na lang tayo bukas sa lunch. Send me the address."

"Okay. Baka bukas dito ka na matulog." He chuckled. "Sa tabi ko."

"Baliw! Ewan ko sa'yo, Apo! Bye!" pinatay ko na ang tawag.

Ano ba ang nangyari kay Apo at masyado na siyang maharot ngayon? Sa maliit na pagkakasama namin noon ay hindi ko matandaan na ganito siya kaharot.

Pagkatapos maubos ang wine sa aking baso ay nagtoothbrush na ako at nagpalit ng pangtulog. Afterwards, I went back to Gabo's room and transferred my son to our room.

Tinabihan ko siya pagkatapos siyang ilapag sa kama.

I kissed his forehead.

"Baby, I hope someday you understand my decision. Sana hindi ka magalit sa akin kung bakit kita isinisekreto sa mundo. Lalo na sa tatay mo. I am doing this to protect you. To protect you from this harsh and cruel world." bulong ko. Hinawi ko ang buhok na nasa kanyang noo. "I love you, Baby Elliot. I will never allow anyone to take you away from me."

---

Sa sumunod na araw ay maaga akong nagising. Pagkatapos maghanda ng pagkain ay naligo ako at nagbihis.

Elliot and Gabo are still asleep. Sinadya kong gumising nang maaga dahil gusto kong nasa prisinto ako sa pagpyansa ni Sining. Gusto ko siyang kumustahin tungkol sa ecperience niya sa pagtulog sa kulungan.

I left a note on the refrigerator asking Gabo to take care of Elliot.

'Paliguan mo si Elliot. I will take him to a kindergarten later and enrol him. I already cooked breakfast.

-love, Kuya Goob.

I have decided to enrol him in a preschool para na rin malibang siya habang nandito kami sa Pilipinas. Baka mabagot kasi kung dito lang siya sa bahay. Maarte pa naman ang batang iyon. Halatang nagmana sa akin.

The driver took me to the precint. Alas otso na ng umaga. The courts will open at 8 am too so I guess Sining's lawyer will arrive at nine after processing his bail.

Dumiretso ako sa kanyang selda.

Naabutan ko siyang nakaupo sa isang maliit na upuan.

"Hi." bati ko sa kanya na may ngiti sa labi. "How was your stay here? Did you have a good sleep? Did you enjoy the night? Baka gusto mong magpaextend." I chuckled.

Napatayo siya at naikuyom niya ang kanyang kamao.

"Walanghiya ka talaga, Goob. Pagbabayaran mo to. Gaganti ako!" galit ang kanyang boses.

Tinarayan ko siya. I crossed my arms as I give him a smirk.

"Gumanti ka kung kaya mo, Sining. I am ready. At siguraduhin mo ring handa ka kapag ako ang umatake. For now, just enjoy being in that smelly cell where you obviously belong. Bagay ka lang diyan. Kaya sanayin mo na ang sarili mo."

"Ipakukulong kita!"

"Ang problema sa'yo Sining, puro ka banta. Noon pa man. Ipapaalala ko lang sa'yo, walang epekto yan sa akin ang mga banta mo. Maglevel up ka naman. Pati yang mukha mo hindi pa nagiimprove. Ang pangit mo pa rin. Tsk. Kaya bagay na bagay ka riyan sa kulungan eh." binigyan ko siya ng isang malapad na ngiti. Hays. Panalo na naman ako.

Dumating ang kanyang mga abogado dala dala ang dokumento na nagpapatunay na nakapagpyansa na siya.

Habang pinoproseso ang pagpapalaya sa kanya ay nasa malapit lang ako at nakangiti.

Nang buksan ang kanyang selda ay sinugod niya ako ngunit pinigilan siya ng kanyang mga abogado.

I crossed my arms.

"Sige! Attack me! Para makasuhan naman kita ng physical assault at maibalik ka riyan sa kulungan!" saad ko. Ipinakita kong hindi ako natakot sa gusto niyang gawin. "Sige, bitawan niyo siya. Hindi naman talaga yan nag-iisip. Palibhasa walang utak. Pangit na nga, hindi pa nag-iisip. Tsk tsk. Poor you, Sining."

"Makikita mo talaga, Gulf! Humanda ka!" banta niya.

"Here we are again with your threats. Ang boring mong komprontahin. Nakakawalang gana. Walang thrill. Bobita ka talaga. See you in the court trials. Siguraduhin mong magagaling yang abogado mo. Dahil kung hindi, baka tuluyan ka ng makulong."

Umalis na ako roon na may ngiti sa aking mga labi. Nasaan na ba iyon si Techno at magrerequest ako sa kanya na bigyan niya ako ng korona. HAHAHA

Pagkatapos ng maiksing eksena na iyon ay umuwi agad ako sa condo. Nakabihis na ang aking guwapong anak at handa ng umalis.

Sa sasakyan ay katabi ko siya habang pinagmamasdan niya ang paligid. Manghang-mangha siya sa kanyang nakikitang mga jeep dahil bago iyon sa kanyang paningin. There are no jeepneys in France. Madalas ay sariling sasakyan ko ang aming ginagamit o di kaya ay taxi.

Gabo did not come with us. Maarte rin kasi iyon at tinatamad umalis ngayong araw. I did not mind because I can take Elliot alone.

"Baby, Papa will eat lunch with a friend. Will you be fine with staying home with your Tito Gabo at home?"

Hinarap niya ako tumango.

"Yes Papa. J'irai bien." (I'll be fine.)

"Good. I'm taking you to a kindergarten to enrol you. That sounds good to you?"

"Really, Papa?" excited ang kanyang boses.

"Yes, baby." I pinched his nose. Ang gwapo talaga ng anak ko.

"Does that mean I'll have new friends?"

"Yes, baby. You'll meet a lot of new friends."

"Yeyyy! I'm so excited!" he said as he lifted his hands into the air, celebrating in joy.

"Would you like to give Papa a kiss on the cheeck?" turo ko sa aking pisngi.

Tumango siya at mabilis akong hinalikan doon.

I smiled. Elliot brings so much joy to me. And I'm so blessed to have him.

Dumiretso kami sa opisina ng headmistress nang makarating sa Beverly Hills Kindergarten.

The school is not that huge but its facilities are very suprising. Airconditioned ang classroom at maganda ang paligid.

Hawak-hawak ko ang kamay ng aking anak habang papasok kami sa opisina ng headmistress.

"Hi, Mr. Mansell. It's nice to have you here." ang babaeng headmistress sabay ngiti sa akin. "Please sit."

She's in his early thirties. Maganda siya at propesyunal tingnan sa kanyang itim na pencil-cut skirt and white blouse.

Ginawa ko ang gusto niya at naupo sa isa sa mga upuan sa harap ng table niya. Meanwhile, Elliot approached a cabinet filled with storybooks and began reading.

"I'm here to enrol my son. Do you accept late enrollees?"

"Of course, Mr. Mansell. We accept children anytime of the school year. After all, this is still kindergarten."

"I see. So shall we head to the registrar?"

"I'll call the registrar and tell them you'll be heading there. Para maihanda ang mga papeles na ififill out mo."

"Thank you Headmistress Pedrosa. I really appreciate it."

"My pleasure, Mr. Mansell." aniya at ngumiti ulit sa akin.

She stood up from her chair and offered me a handshake. Mabilis ko iyong tinanggap.

"The registrar is in the next next room. I can't take you there since I have an appointment five minutes from now. But I'll call the registrar right now."

Tumango ako at muling nagpasalamat.

"Let's go, Elliot." tawag ko sa aking anak na busy sa pagbabasa. Nakaupo na siya sa mat na nakalatag sa reading nook sa opisina ng headmistress.

"Papa, can I stay here and finish reading this? Just come back later for me." sagot ni Elliot.

"Nakakahiya kay Headmistress Pedrosa, baby." nahihiya kong saad. "I'll buy you a copy of that book. What is it that you're reading?"

"No. He can stay. Elliot seems to be a well-behaved boy. I'm sure my next visitor won't mind." ang headmistress. "And please, just call me Helen."

I nodded my head. "I'll be quick, Helen. Ieenrol ko lang siya." paalam ko. Nilapitan ko ang aking anak na busy sa pagbabasa ng "Monsters vs. Aliens".

"Behave, baby. Okay?" I kissed his cheek.

"Oui, Papa."

I left him there at the headmistress' office and proceeded to the registrar.

---

Third Person Point of View

Pagkapasok ni Goob sa loob ng opisina ng registrar ay siyang pagdating ng susunod na bisita ng headmistress.

From his shadow black Ford Mustang, bumaba si Mick at nagtungo sa opisina ng headmistress.

He's there to handover his company's donations for the school. Napili ng kompanya na ang Beverly Hills Kindergarten ang maging beneficiary ng high-end school bus para sa mga bata.

Pagkabukas ng pinto ay napatayo ang headmistress upang batiin siya.

"Mr. Dela Merced. Please come in and have a seat." imbita ng headmistress.

Tumango ang binata at naupo sa harapan niya.

Si Elliot ay busy at tahimik pa rin sa kanyang binabasang children's book. Hindi siya napansin ni Mick.

Hindi pa nakapagsisimula sa pag-uusap ay nagring ang cellphone ng headmistress. Nanay niya iyong tumatawag.

"Please excuse me, Mr. Dela Merced. It's my mother. I'm sorry." paghingi niya ng paumahin.

"It's okay. Go ahead. It might be an emergency." sagot ni Mick.

"Thank you." ani headmistress at dumiretso na sa labas upang masagot ang tawag.

Naiwan si Mick kasama ang batang si Elliot na abala sa pagbabasa.

Mick took out his phone and opened his Instagram app. He visited Goob's profile. May ibang account siya na iba ang pangalan upang hindi maiblock ni Goob.

Ilang beses na niyang tinitigan ang mga larawan ngunit hindi pa rin siya nagsasawa.

Elliot sneezed while he was reading. At dahil sa hatching ay nakuha niya ang atensyon ni Mick.

Elliot wiped his nose using his shirt.

Hindi pa nakikita ni Mick ang kanyang mukha dahil nakayuko ang bata. Naisipan niyang lapitan ito.

At habang papalapit ay naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.