Kabanata 17: Son
Goob's Point of View
"Is everything settled?" tanong ko sa babaeng registrar pagkatapos mapirmahan ang consent form.
"Yes, Mr. Mansell. Okay na po ang lahat. Elliot can start attending his kindergarten classes tomorrow."
"Thank you, Ma'am." I slightly bowed my head as courtesy, stood, and walked out of the room.
Siguro ay dalawampung minuto ako roon sa opisina ng registrar. Mabuti na lamang at airconditioned iyon kaya hindi mainit. Nagtungo ako pabalik sa headmistress' office.
Natanaw ko si Headmistress Helen sa labas ng kanyang opisina kaya kumunot ang noo ko. Nag-alala ako kasi naiwang mag-isa si Elliot at walang nagbabantay. Bukod sa takot akong makasira ng mga gamit ang aking anak ay natatakot ako dahil baka may mangyaring masama sa kanya.
Bumilis ang lakad ko. The headmistress smiled at me as she resumed talking to someone over her phone.
Kumunot ang noo ko at lumakas ang kabog ng aking dibdib nang mapansin na wala si Elliot sa loob.
I checked the small comfort room but he was nowhere to be found. I hurriedly went out.
"Excuse me headmistress, but Elliot is not in your office. Where did he go?" puno ng pag-aalala ang aking boses. Kabadong-kabado ako.
Where did he go? I scanned the small campus, hopeful that he just went somewhere near. But he was nowhere out of sight.
I anticipated for her response as she put down her phone. Kumunot ang kanyang noo.
"What?" she asked. "He's not inside?"
"He isn't."
Tinungo niya ang loob ng kanyang opisina upang kumpirmahin ang aking sinabi.
"I left him here with Mr. Dela Merced because I went out to talk with my mom. I would have seen them if they went out. Pero baka lumabas sila noong pumunta ako sa aking sasakyan." natataranta niyang sabi. "Oh my gosh! Maybe he is a pedophile! Oh gosh!"
Mas lalong kumunot ang aking noo dahil sa aking narinig.
"D-dela Merced?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Mick Dela Merced."
Mistulang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan. Kasabay noon ay ang panghihina ng aking tuhod at panginginig ng aking labi.
Fuck! Oh my gosh! What have I done! This can't be real! Fuck!
I began to panick. Nanginginig ang aking mga daliri habang nagtitipa sa aking cellphone. I called Techno.
It took five rings before he answered his phone.
"Yes mamsh?" tanong niya.
"Mick kidnapped my son!" tumaas ang aking boses. "He fucking kidnapped my son! Oh my gosh! I don't know how to react! Oh my gosh! Fuck" Hindi ko na napigilan ang sarili.
"Where are you? Puntahan kita. Saan niya nakuha ang bata?" nagsimula na rin siyang magpanic. "Oh my god!"
"Nandito ako sa Beverly Hills Kindergarten. Iniwan ko lang siya sandali sa opisina ng headmistress dahil may binabasa siyang libro tapos pagbalik ko wala na siya! Ang sabi ng headmistress ay bumisita raw si Mick sa office niya. What should I do, Techno? I'm panicking! My hands are shaking! He took my son! My baby Elliot!"
"I am on my way. Stay calm. Mahahanap natin si Elliot." sinubukan niya akong pakalmahin. "For now, wait for me there, okay?"
"Please hurry!"
Binaba ko na ang tawag at hinarap si Headmistress Helen na ngayon ay nalilito na.
Sa sobrang pagkabalisa ay hindi ko na siya pinansin at hinintay na lamang si Techno. He arrived after fifteen minutes. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at nilapitan ang headmistress.
"Do you have CCTVs in your office?" bungad ni Techno.
Tumango ang headmistress. "Yes. Let's not jump into conclusions. Hindi naman siguro kinidnap ni Mr. Dela Merced ang bata. Baka hindi sila sabay na lumabas ng office ko. Let's check the CCTV. Nasa office ko."
Mabilis kaming pumasok at pinanood ang CCTV.
Labis na lamang ang panlulumo ko nang makita sa video ang pagpasok ni Mick sa opisina. So it's true. It was really Mick who came here.
Nang lumabas ang headmistress sa video ay siyang paglapit ni Mick sa anak ko. Labis ang panginginig ng aking kamay at nagtagpo ang aking mga kilay.
Fuck!
Kitang-kita ko kung paano nagulat si Mick nang makita ang mukha ni Elliot.
That's your son, you bastard! But you have no fucking right over him!
Sa una ay natigilan siya ngunit nang makabawi ay tinabihan niya ito sa pag-upo sa mat. After a few minutes of talking, he lifted him up and made him sit on his lap.
Halos bumaon na ang aking mga kuko sa aking nakakuyom na kamay sa sobrang galit. Bumilis na rin ang aking paghinga at sigurado akong hindi na maipinta ang aking mukha.
Elliot did not seem to mind. Kumportableng-kumportable siya sa pakikipag-usap kay Mick.
For years I have taught him to not talk to strangers, but what is he doing? Why is he talking to Mick?
Lumipas ang ilang minuto at sabay silang tumayo. Mas lalo akong nagalit nang kargahin ni Mick si Elliot saka sila lumabas ng opisina.
Techno immediately asked a copy of the CCTV for fuure references. Aniya ay pwedeng-pwede naming gamitin sa pagsasampa ng kaso. Pagkatapos makakuha ng kopya ay mabilis kaming umalis.
Tinungo namin ang bahay ni Mick noon kung saan ako nakatira. Gusto kong tawagan si Mick upang bawiin sa kanya ang anak ko ngunit wala akong numero niya.
My best option was to unblock him on Instagram. And so I did. Pinadalhan ko siya ng mensahe bago tawagan.
itsgoobmansell: You kidnapped Elliot you son of a bitch! I'll fucking kill you!
itsgoobmansell: where did you take him?
itsgoobmansell: give me back my son!
Ilang beses ko siyang sinubukang tawagan sa Instagram ngunit hindi niya iyon sinasagot.
We were using Techno's car. Nang makarating sa dati naming tinitirahang bahay ay mabilis akong lumabas ng sasakyan. Sunod-sunod ang pindot ko sa doorbell at pinaghahampas ang gate.
Sa sobrang galit ay malapit na akong sumabog.
A househelp appeared in front of us. Nasa kabilang bahagi siya ng gate. Sa likod niya ay apat na bodyguard.
"Si Sir Goob lang daw po ang pinapapasok." nahihiya niyang saad sa amin.
Halos umusok ang ilong ko sa narinig.
"Tell your boss to take my son out right now!" banta ko.
"Pasensya na sir. Ang utos lang po sa akin ay si Sir Goob lang ang papasukin. Kayo po ba si Sir Goob?" ngayon ay natakot na siya.
"Yes. I am Goob."
"Kung ganoon ay pumasok po kayo Sir."
"Techno is coming with me."
"Hala, pasensya na po sir. Ang bilin sa akin ay ikaw lang po. At kung magpumilit kayo na may isama ay huwag na lang daw. Umuwi na lang kayo."
Hindi ako bayolenteng tao pero sa puntong iyon ay gusto kong manakit. Pero hindi itong kasamabahay ang gusto kong saktan dahil alam ko naman na napagutusan lang siya.
Si Mick. Gusto ko siyanvg sampalin ng buo kong lakas.
Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang tumango. Hinarap ko si Techno.
"Wait here." saad ko sa kanya.
Tumango siya. "Be careful." paalala niya.
The girl slowly opened the gate and let me in. Naiwan si Techno sa labas.
Dire-diretso ang lakad ko patungo sa loob ng bahay.
I did not have time to reminisce my memories in this house because of my current situation. Ang nasa isip ko lang ngayon ay makita si Elliot at mabawi siya. Sa oras na mahawakan ko ang aking anak ay aalis agad kami rito.
When I entered the main door of the house, si Mick ang una kong nakita na halatang naghihintay sa akin.
His eyes were cold as ice. But even beyond the coldness was anger. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Bukod pa roon ay mababakas mo ang sakit at panunumbat.
He looks so dangerous. Nakaigting ang kanyang panga. At isang kalabit lang ay siguradong siya ang sasabog.
His eyes were judging. Iyong tipong manliliit ka dahil sa panghuhusga.
Halos tumindig ang mga balahibo sa aking katawan dahil sa takot.
Ngunit nanatili siyang tahimik.
This is not the time to look weak, Gulf. Show him that you are strong. Show him that you have the upperhand. And show him that you are not the underdog here.
I tried to level the intensity of the stares he was giving me.
"Where is my son?" I asked in gritted teeth.
His jaw clenched. He smirked.
"You mean, our son?" punung-puno ng galit ang bawat bigkas niya ng salita.
My lips trembled as I realized that everything I was afraid to happen is now happening.
I composed myself. Umiling-iling ako.
"Elliot is not your son. Now where is he?" tumaas ang aking boses.
Nagsimula siyang humakbang palapit sa akin. Muntik na akong umatras. Mabuti na lamang at hindi ko iyon ginawa sa pagsusumikap na ipakita sa kanya ang tapang ko.
Tears began to form on his eyes. Tumigil siya nang makaharap niya ako.
He looked me in the eye. Kung kanina ay puno ng galit ang kanyang mga mata, ngayon ay napuno naman iyon ng sakit.
His tears began to stream down his face as his lips trembled.
"How could you do this to me, Goob?" his voice broke. "Paano mo nagawang ipagkait sa akin ang anak ko?" sumbat niya.
I shook my head, trying to convince him that he is wrong. Kahit alam kong wala ng makakakumbinsi sa kanya. Na kahit alam niya na ang totoo. Na kahit anong pagsisisinungaling ang gawin ko, hindi siya maniniwala sa akin.
He looked so certain. Siguradong-sigurado siya.
Bahagya man akong natinag sa kanyang sinabi ay hindi ko iyon ipinahalata.
"Elliot is not your son!" ulit ko. "Ibalik mo siya sa akin!"
"BULLSHIT!" Mick's voice roared inside the huge mansion where I used to live.
Wala akong ibang makitang tao.
His voice scared me. But I remained my composure. Kahit sobrang nanghihina na ang aking mga tuhod.
"That's fucking bullshit, Goob." He tried to wipe away his tears. "Please tell me. Be honest with me." pagmamakaawa niya. "I want to hear it from you."
"Like I said, Elliot is not your son! Now take him out because I will take him home with me! Stop this delusion, Mick!"
"Who is his father then?" he challenged me.
Hindi ako maisagot. Wala akong maisagot.
Humakbang pa siya palapit sa akin. Sa puntong iyon ay napaatras na ako. He continued taking small steps towards me until I felt the wall behind me.
Hindi kami bumitiw sa tingin ng isa't isa.
Napalunok na lamang ako at pinilit ang sarili na mag-isip ng isasagot.
"His father is F-french." nauutal kong sagot.
"Another bullshit!" mariin niyang sagot. "Then why does he scream so much of me? Bakit kamukhang-kamukha ko siya?"
Hindi ko na nakayanan kaya sinampal ko siya. His head slightly tilted at napaiwas siya ng tingin.
Nang ibalik niya iyon ay puno na naman iyon ng galit. Those eyes. It brings so much memories. Naalala ko iyong mga panahong sinasaktan niya ako. Ang mga panahong pinagbuhatan niya ako ng kamay.
My body trembled as I looked back on the horrors of my tragic past.
"How could you keep my son away from me? Ipinagkait mo sa akin ang limang taon ng kanyang buhay. Ipinagkait mo sa kanya ang limang taon na magkaroon ng ama!"
Muli ay sinampal ko siya.
"Ang kapal ng mukha mo!" I gave him another slap. Then another. Then another. Then another. Pinagsasampal ko siya. At hinayaan niya ako. "You lost every right over my son when you chose to let me go. You lost the rjght over Elliot the moment you decided to cheat on me!" Ngayon ay boses ko naman ang nabasag. Nag-unahan ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha. "Elliot may have come from you. But I will never let you be a father to him."
Nanghina siya dahil sa aking mga binitiwang salita.
"Papa?" Elliot's soft voice echoed from upstairs. Itinulak ko si Mick at tumakbo upang kunin ang aking anak. I lifted him up and kissed his forehead.
Dinala ko siya palabas ng bahay. Mabuti at hinayaan ako ni Mick.
"Start the car, Techno." utos ko sa kanya nang makalabas ng gate.
Mabilis na ginawa iyon ng aking kaibigan.
Nang makapasok sa kotse ay ibinaba ko si Elliot. Hindi ko siya pinagalitan. Now is not the right time. Because right now, iisa lang ang nasa isip ko.
And that is to leave the country.
Sinasabi ko na nga ba. It was a wrong move to come back here. Sana ay hindi na lang kami bumalik rito. Sana ay nanatili na lamang kami sa Paris at namuhay nang mapayapa.
"To the airport." utos ko kay Techno.
He nodded and began to drive. Tinawagan ko ang aking kapatid.
"Bring our papers and passports. Meet us at the airport. We're leaving the country."
"What? Why? What's wrong Kuya?" nalilitong tanong ng aking kapatid.
"Just do as I say, Gabo. I'll explain it to you later."
"Did Mick found out about Elliot?"
"Just hurry Gabo!"
"Fuck! I'm on my way!"
Duwag na kung duwag. But right now, I would choose to run away from my problems. Mick does not deserve Elliot. He does not deserve an inch of him.
Habang papunta sa airport ay nagbook ako ng flight para sa aming tatlo patungong Paris.
Makalipas ang tatlumpung minuto ay nakarating kamj sa airport.
Gabo was already there waiting for us.
Siguro ay sasabihan ko na lang si Kuya Dominic kapag nakalabas na kami ng bansa. Ang importante ngayon ay makalabas kaminv tatlo.
Sa pagmamadali ay hindi na ako nakapagpaalam nang maayos kay Techno.
While we were waiting to board the plane, the speakers installed around the airport began to play. An announcement was made.
"By order of Mick Dela Merced, we are putting the entire airport on lockdown. No one is to leave the airport in the next ten minutes. We apologize for the inconvenience. Thank you for your understanding. Have a good day."