Return of the Groom Chapter 22

Kabanata 20: Sorry

Hindi ako sigurado kung paano ko natapos ang paghahanda ng mga pagkain.

Ang alam ko lang ay umiiyak ako habang ginagawa iyon. Hindi rin ako sigurado sa lasa ng pakbet. At kung hindi pa automatic ang rice cooker, marahil ay nasunog na ang kanin.

My heart hurts so much. I want to break down. Gusto kong umiyak ng pagkalakas-lakas dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

I feel so dirty. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaruming tao sa mundo.

Iniisip ko pa lang noon na pinagsamantalahan ako ni Louis ay sumusuka na ako. I can't count the exact number of times I threw up just thinking about what he did to me.

At ngayon, malalaman kong hindi lang pala isang tao ang nanamantala sa akin?

I rushed towards the to puke, unable to withstand the idea of someone taking advantage of me.

Grabe. Sobrang bigat sa puso. Nakakadiri. Nakakasuka.

Three men. Three men took advantage of me. Sana ay hindi ko na lang nalaman ang totoo.

I never forgot about my experience that night. Hindi ko man matandaan na pinagsamantalahan ako, ang alam ko lang ay nangyari iyon. I just did not know that who really did it was Mick's friends. The people whom he chose to trust no matter how hard I tried to convince him.

Buong akala ko, nakipagsabwatan lang sila kay Louis. Ang hindi ko alam, sila pala ang nanggahasa sa akin.

Nakakadiri. Nakakasuka.

Hindi pa man tuluyang napapakalma ang sarili ay pinilit kong ihanda ang mesa na aming kakainan. Ngunit parang lumilipad ang isip ko habang inaayos ang mga pinggan kaya naman ay nahulog ang isa sa mga iyon.

A loud splatter was heard. Hindi nagtagal ay nagpakit sa may dining area si Mick na nag-aalala at halatang tumakbo pa papunta rito.

Pieces of the now broken plate were scattered on the floor. At dahil lutang ako, agaran kong sinubukan pulutin iyon isa-isa. I was so distracted by the revelation, a reason for me to get cut by the sharp broken pieces of glass.

Naramdaman ko ang hapdi roon ngunit nagpatuloy ako sa aking ginawa, hindi inalintana ang sugat. Walang kaingat-ingat na pinagpupulot ko ang mga iyon. At sa bawat pagdampot ko, nararamdaman ko ang paghiwa noon sa aking kamay.

I can see the blood trickling down my hands and fingers, but I did not mind.

"What the hell?" Mick angrily stated as he hurried to where I was. "Stop it, Goob!" utos niya bago sinamahan ako sa pagluhod.

Ngunit mistulang hindi ko siya narinig at nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa. Puno na ng dugo ang aking kamay at ramdam na ramdam ko ang hapdi.

Ngunit kailanman hindi niyon mapapantayan ang hapdi na nararamdaman ko sa aking puso.

He touched my hand to stop me from what I was doing.

At dahil sa iniisip na bangungot ng nakaraan, iba ang naging reaksyon ko sa kanyang hawak.

Mabilis kong inilayo ang aking kamay mula sa kanya, waring nandidiri sa hawak ng iba.

"Don't touch me!" I said as tears began to trickle down my face.

Napaupo ako sa sahig at niyakap ang aking tuhod.

"What's wrong?" Worry filled his face.

Umiling-iling ako dahil wala ng saysay pa kung sasabihin ko sa kanya. If he would believe me if I tell him, it would still be useless.

Hindi niya mababago ang nakaraan. Hindi niya magagawang pigilan ang kanyang mga kaibigan na nanggahasa sa akin.

Sa oras na iyon si Elliot na lamang ang aking inisip. Muli ay sinubukan kong pakalmahin ang sarili.

"Nothing. Let's just eat." sagot ko habang nakayuko at nagpapahid ng aking mga luha.

Hindi ko makita ang reaksyon niya ngunit hindi na rin naman siya umangal pa. I tried my very best to stand but because my knees were to weak to do so, I almost fell back to thr floor.

Mabuti na lamang at nahawakan ni Mick ang aking bewang.

Ngunit pareho ang naging reaksyon ko kanina. Mabilis ko siyang itinulak upang makalayo sa kanya, ayaw pa rin na may ibang nakakahawak sa akin.

Nakita ko kung paano siya nagulat.

"Please tell me what's wrong." He almost begged.

Huwag niya akong pakitaan ng nag-aalala niyang mukha dahil hindi ko yan kailangan. Hindi ko kailangan ng pag-aalala sa kanya.

I needed it five years ago. But instead of giving me care and comfort, he gave me pain and sorrow.

Kaya wala siyang karapatan na ipakita niya sa akin na nag-aalala siya.

"Nothing is wrong. Just stay away from me." mariin kong saad bago nilagpasan siya upang kumuha ng dustpan at walis.

"You're bleeding." aniya habang pinagmamasdan ako sa aking ginagawang pagwawalis ng mga bubog.

Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa.

Naramdaman kong gustong-gusto niyang lumapit ngunit dahil sa sinabi ko kanina ay hindi niya iyon ginawa.

"Balikan mo roon si Elliot." utos ko sa kanya nang matapos. Isinauli ko ang dustpan at walis at nang lingunin siya ay nasa parehong kinatatayuan pa rin. Sunod kong ginawa ay hugasan ang aking mga sugat sa kamay. Mahapdi iyon ngunit wala iyon kung ikukunpara sa sakit na nararamdaman.

Wala akong lakas upang makipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya. He eyed me closely, weighing my feelings.

Nagpatuloy na lamang ako sa paghahanda ng mesa habang siya ay nanonood lang sa akin, pinagmamasdan ang aking bawat galaw.

Napakabigat pa rin ng aking nararamdaman. Ngunit pinipilit ko lang talaga ang aking sarili na maging maayos dahil ayaw kong masira ang gabi ni Elliot. I badly want to go to bed and cry my heart out, but because of my willingness to maintain Elliot's pleasant evening, I continued to put my game face.

Nang matapos sa paghahanda ay tinawag ko ang aking anak.

"Elliot, dinner is ready!" sigaw ko mula sa dining area.

"Yes Papa! Coming!" sagot niya.

Hindi nagtagal ay sumulpot na siya na my malapad na ngiti sa kanyang labi. I tried my best to return the smile, but I was pretty sure that it did not reach my eyes.

"Hey baby. Take your seat." saad ko. Tumango siya at pumunta na sa kanyang pwesto. Ganoon din ang aking ginawa. I motioned Mick to sit with us. Sa tabi ko siya umupo habang si Elliot ay nasa harap namin.

Nagsimula kaming kumain. Tahimik kami pareho ni Mick samantalang hyper masyado si Elliot na walang kamalay-malay sa mabigat na hangin sa paligid.

Habang nilalantakan ang kanyang fried chicken ay nagsalita si Elliot. "What do you do for work, Daddy Mew?"

"I'm an engineer, buddy. I build buildings. Like this condo building where you live right now." Ngumit si Mick sa anak niya.

Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Elliot. "Really? That's so cool! When I grow up, I want to be an engineer too!"

"You can be whatever you want, buddy." si Mick. He reached for Elliot's head to give him a light pat. Ginawaran siya ng malapad na ngiti ng anak.

Lumingon sa akin si Mick ngunit hindi niya naman ako kinausap.

"How old are you, Daddy Mick?" muling tanong ng bata habang nginunguya ang kanyang gulay at manok.

"I'm 30 years old."

"Wow! You look young for your age. Papa Goob is 28." itinuro niya ako.

Tumango si Mick, kunwari ay naaliw sa mga pinagsasasabi ni Elliot. "How about you? How old are you?"

"I'm five years old. But I'll turn 6 next month."

I remained silent. Marami pang naging katanungan si Elliot at sinagot iyon lahat ng ama. Habang nginunguya ang manok ay muli kong naalala ang kalunos-lunos na sinaoit halos anim na taon na ang nakararaan. Mabilis akong tumayo nang maramdaman ang pag-akyat ng aking mga nakain at naduwal sa lababo.

Mick was quick to get on his feet and join me to the sink but I raised one hand, signalling him to stop from coming further.

Ngunit sa oras na iyon ay hindi na siya nagpapigil pa at tuluyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking bewang.

I instantly pushed his hand away from me, still not comfortable with someone touching me.

Nang lingunin ko si Elliot ay labis ang aking pagsisisi nang malaman na nakita niya iyon dahin nakatingin siya sa aming direksyon. But he was just silent as he watched us from afar.

Tumunog ang doorbell ng aming unit kaya tinungo ko iyon imbes na magpaliwanag may Elliot. Nang buksan ang pinto ay bumungad si Techno na may pag-aalala sa kanyang mukha.

"I know that you are not okay right now, but you know I'll always be here for you." aniya at sinubukan akkng yakapin ngunit pinigilan ko siya.

Nag-umpisa akong umiyak at umiling-iling.

"Hindi ko kaya, Techno. I can't stand someone touching me. Naiisip ko iyong ginawa nila sa akin." I cried.

Empathy filled his face. He wanted so bad to comfort me with a hug but he understood what I was feeling kaya hindi na siya sumubok na yakapin akong muli. "I'm so sorry, Goob." His words were all he could offer.

"What's wrong with him?" boses iyon ni Mick na hula ko ay nasa likod ko. Mabilis akong nagpahid ng luha, takot na muling makita niyang umiiyak.

"What's wrong with him? Tanuning mo iyong mga kaibigan mo kung ano ang ginawa nila kay Goob nang malaman mo! Mga hayop!" galit na sigaw ni Techno.

I hurried to the dining room to get Elliot and took him to his uncle's room.

Nang makabalik sa living room ay magkaharap na si Techno at si Mick. Galit na galit ang mukha ni Techno samantalang binalot ng pagkalito ang mukha ni Mick.

"What are you talking about?" Mick frowned.

Techno took out his phone and scrolled somewhere.

"Don't, Techno! You don't have to show it to him!" pigil ko sa kanya dahil sigurado akong balak niyang ipakita ang CCTV video

"No, Goob! This asshole needs to know about it! Kailangan niyang makita para malaman niya ang kagaguhan niya! Para malaman niya ang pagkakamali niya na magtiwala sa mga kaibigan niya! Para naman makonsensya siya! Makonsensya siya dahil malalaman niyang mali siya ng pinaniwalaan! Nang sa gayon ay bugbugin niya ang mga hayop niyang kaibigan at bugbugin niya rin ang sarili niya!"

"I don't understand." naguguluhan pa rin si Mick.

Techno was very determined so I could not do anything to stop him.

Iniabot niya kay Mick ang kanyang cellphone kung saan nakaplay ang CCTV video.

Hindi ko kayang panoorin ang video dahil parang pinupunit ang puso ko.

Habang pinagmamasdan si Mick na nanonood sa video ay hindi ko napigilan ang pag-iyak.

Sobrang sakit ng puso ko. Dahil sa gabing iyon ay hindi ako tinuring na tao.

I was just crying as I wait for Mick to realize everything.

Ang kaninang naguguluhan na mukha ay unti-unting napalitan ng galit, awa, at pagsisisi.

Makalipas ang ilang minuto ay hinanap ako ng kanyang mga mata. Nabitiwan niya ang cellphone at nanginig ang kanyang mga labi.

Tears also began to stream down his eyes as he tried to approach me.

Umiling-iling ako, hindi sang-ayon sa plano niyang paglapit.

"I'm so sorry, Goob." aniya sa isang boses na punong-puno ng pagsisisi.

Nagpatuloy ako sa pag-iling at nagsimulang umatras. Mick ran towards me and enveloped me in a hug.

I tried my best to push him away, not wanting to be touched. But his hug was just so tight. Hinampas-hampas ko ang kanyang dibdib, ayaw pa rin sa kanyang yakap. Napahagulgol na ako sa iyak.

Galit at sakit. Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Galit at sakit dahil sa ginawa ng kanyang mga kaibigan. Galit at sakit dahil ngayon lang siya nakumbinsi na noon pa man ay nagsasabi na ako ng totoo.

"Im so sorry, baby." naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo habang hinahaplos ang aking likod.

"Let me go!" iyak ko habang sinusubukan pa rin na makawala sa kanyang yakap. Nagpatuloy ako sa paghampas sa kanyang dibdib na kalaunan ay unti-unting humina.

I continued to cry.

"Shhh. I'm so sorry, baby. I'm here now. I'm so sorry." nabasag ang kanyang boses. Ginawaran niya ako ng isa pang halik sa aking ulo. "I will make them pay. I promise."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.