Kabanata 21: Bouquets
"Shit!" malutong na mura ni Gabo na kakalabas lang ng kanyang kwarto. Karga-karga niya sa kanyang mga bisig si Elliot.
Ginamit ko ang aking buong lakas upang itulak si Mick kaya nakalayo ako mula sa kanyang pagkakayakap. Mabilis akong nagpahid ng luha
"Papa, what's wrong?" Elliot asked in his usually innocent voice.
Naglakad ako palayo roon at nilapitan ang anak. Ibinigay siya sa akin ng kanyang tito at kinarga ko siya.
"Go home, Mick." I said dismissively.
He was so hesitant but when he noticed that nothing could change my mind about wanting him to go home, he just gave me a serious nod. Mabuti naman at iginalang niya ang kagustuhan ko.
Hindi ko siya kailangan dito ngayon. I needed him years ago. He's too late for that. And besides, I don't need him to make them pay. I don't need him to fight my battles for me. Because I can do that. Like I have said before, I am my knight in shining armor.
Kung gusto niya akong ipagtanggol, dapat noon niya pa ginawa. Sining and his friends sent him a video of Louis kissing me. It was not a CCTV video. Halatang inabangan ang gagawin ni Louis.
He never gave me the benefit of the doubt. Naniwala agad siya sa kanyang mga kaibigan. Wala siyang karapatan na magalit sa kanila. Kung dapat man siyang magalit, dapat sa sarili niya.
He should have known better. Tinapon niya ang magandang relasyon namin. At hinayaan ko naman siyang alilain ako sa relasyon na iyon. I should have known better too. Sana agad ko siyang iniwan. I tried so hard to save a drowning relationship. Only to drown myself.
But then again, I had other reasons. I was also doing it for Gabo.
The important thing now is that I got out of that situation. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pagpapakulong sa kaniyang mga kaibigan. Ayaw kong mamintang. Pero may kutob ako na kasabwat din nila si Sining.
Hindi man ako pinagsamantalahan ni Louis, kahit paano ay galit pa rin ako sa kanya. He was an accessory to the crime. Tinulungan niya ang mga kaibigan ni Mick sa kanilang ginawa sa pamamagitan ng pagdala sa akin doon sa hotel room.
The last thing I remember was that Mick's friend's invited me to a bar. I trusted them dahil maayos naman ang pakikitungo nila sa akin noong maayos pa ang relasyon namin ni Mick. I didn't know that they had it in them. Hindi sila mga hayop. Mga demonyo sila.
Mabilis ang lakad ni Gabo patungo sa pintuan, nagpapahiwatig na gusto ng lumabas si Mick. Masama ang kanyang tingin habang pinagmamasdan siya. Nang tuluyang makalabas ay malakas ang pagkasara niya sa pinto.
"Fucker!"
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagmumura. I have told him never to curse when Elliot is around.
Tinalikuran ko na sila ni Techno. As much as I want to talk to Techno, hindi ko pa kaya ngayong gabi. Gusto ko ng humiga at magpahinga. Siguro ay bukas na lang kami mag-uusap.
Dinala ko si Elliot sa aming kwarto at inilapag siya sa kama. Right now, I am only comfortable with Elliot's skin touching mine.
Kung ibang tao ay nandidiri ako.
Techno might have left already. Hindi ko na inalam.
Ngayon ay pareho kaming nakahiga ni Elliot. Nakayakap siya sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang aking mukha.
"Are you okay, Papa?" mahinang tanong niya.
No baby. Papa is not okay. I am hurting deep inside because a lot of people hurt me.
But of course I would not say that. Ayaw kong mag-alala ang aking anak.
"Yes, baby. Papa is okay." sagot ko at hinalikan ang kanyang noo. Mas lalo niyang hinigpitan ang kanyang yakap sa akin.
Pinigilan ko ang sarili na umiyak. Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal. Here is my 5 year old son trying to comfort me. Marahil ay nararamdaman niyang nasasaktan ako kaya kahit sinabi ko na sa kanya na okay lang ako ay gusto niya pa ring pagaanin ang loob ko.
"Oh, Elliot. What would I do without you?" tanging nasabi ko.
"I love you, Papa. I'll always be here for you. Tito Gabo and I. We love you."
"I love you too, baby. Kayo ng Tito mo. You two are my strength." I once again kissed his forehead.
Maya-maya ay narinig ko na ang kanyang mapayapang paghinga. Elliot is now sound asleep on my chest. Maingat ko siyang binuhat at inayos ang kaniyang pagkakahiga.
Pinagmasdan ko ang kanyang gwapong mukha.
Elliot looks so much like Mick. No wonder why Mick immediately knew that he is his son. Dahil kahit sino naman ang makakakita kay Elliot na nakakakilala rin kay Mick ay iyon din ang iisipin.
I don't know what lies ahead of us. I also don't know what would be the outcome with my fight against my perpetrators. But one thing is for sure. May mga tao na sasamahan ako sa aking laban. I don't need a lot. Si Elliot, Gabo, Techno, at Kuya Dominic lang ay sapat na.
Sa kaisipang iyon ay kahit paano naibsan ang bigat na aking nararamdaman at nakatulog ako nang payapa.
---
Sa sumunod na araw ay maaga ang pagdating ni Techno sa penthouse upang pag-usapan namin ang tungkol sa magiging arrangement namin ni Mick pagdating kay Elliot. Pag-uusapan din namin ang mga magiging plano kung paano makakaganti sa mga nanamantala sa akin.
"How are you feeling?" Techno asked as I looked outside the window, watching the beauty of the city. Hawak ko sa aking kanang kamay ang isang mug na naglalaman ng kape. Alas siete pa lamang ng umaga.
Tinabihan ako ni Tecgno.
"I'm feeling better now compared to yesterday. Pero hindi ako matatahimik kung hindi ako makakaganti sa kanila, Techno. I will make them pay."
"Of course we will let them pay." dagdag niya.
"Uunahin natin si Dean dahil siya ang pinakaunang pumasok sa kwarto."
Noon pa man, sinabi na sa akin ni Techno na hindi na kami puwedeng umasang maipakukulong namin si Louis. Back then, we only thought that Louis was my rapist. Sabi ni Techno, wala kaming physical evidence like DNA in my body ng gumahasa sa akin since it all happened many years ago. Kaya mahihirapan kaming patunayan na ginawa nila iyon sa akin. Plus the CCTV video of them entering my room does not prove anything.
We can't prove them guilty beyond reasonable doubt. Kaya siguro ay hindi ko na aaksayahin ang lakas ko sa pagsasampa ng kaso. Besides, it will only ruin my image as a model. Mapanghusga pa naman ang ating sosyedad. So if I pursue that lawsuit, it could cost me my career. Edi sila pa rin ang nanalo kung ganoon? Hindi ko na nga sila maipakukulong, mawawala pa sa akin ang aking career.
They fought dirty. So I will fight dirty too. Iisa-isahin ko sila. Uunahin ko si Dean. At ihuhuli ko si Sining. Kukunin ko sa kanila ang mga bagay na pinakamahalaga sa kanila. Kinuha nila ang dignidad nila sa akin, ganoon din ang kukunin ko sa kanila. Meanwhile, Mick will have to suffer for the rest of his life. Sisiguraduhin ko na habang-buhay niyang pagsisisihan na pinakawalan niya ako.
"Dean is still working as an accountant for a big firm. And I have the perfect plan on how to bring him down." si Techno.
"And what is that plan?" I raised a brow.
Lumapit siya sa aking tenga at ibinulong ang kanyang plano. Napatango-tango ako habang nakataas ang isa kong kilay habang nakikinig sa kanya.
"Perfect!" I remarked aftee hearing his plan.
"Ako pa ba?" he smirked.
"Iisa-isahin natin sila. Hindi nila mamamalayan kung ano ang nakatuklaw sa kanila. We will ruin their lives. Twice the way they ruined mine." Naikuyom ko ang aking isang kamao dahil sa panggigigil.
I sipped on my coffee using my other hand.
"About Elliot, I already drafted a parenting plan. Sa'yo siya from Thursday to Sunday at kay Mick siya from Monday to Wednesday."
"Hindi ba pwedeng isang araw lang ang sa kanya?" kunot-noo kong tanong.
"Gaga! Edi dinala niya ito sa korte! Ikaw ba papayag ka na isang araw lang sa'yo ang anak mo?"
"Syempre hindi!"
"Oh edi yan din ang magiging reaksyon niya! Hindi ka na lugi diyan kasi apat na araw sa'yo at tatlo lang sa kanya. Plus sayo pa ang weekends. Hindi pa nga sigurado kung papayag iyon dahil apat na araw sayo. Pag hindi pumayag sabihin mo dadalhin mo sa korte at konsensyahin mo na gusto niya bang maranasan iyon ng anak niya."
"Fine! Pero hindi kasi ako sanay na hindi kasama si Elliot matulog eh."
"Nako, Goob ha! Baka naman palusot mo lang yan at ilang araw ngayon tatlo na kayong natutulog sa kama? Kakalbuhin talaga kitang baccla ka! Sinasabi ko sayo!"
"Alam mo Mild minsan talaga walang kwenta ang mga lumalabas diyan sa bibig mo!"
"Pinapaalalahanan lang kita. Syempre inuunahan ko na!"
"Ewan ko sa'yo! Umalis ka na nga."
"Che! O siya. Alis na ako. Magschedule na lang kayong dalawa ng meeting kasama ang abogado ni Mick para sa pirmahan."
"Sige."
"Baklang to! Hindi manlang ako inalok na breakfast! O kahit kape manlang! Pahigop-higop ka na diyan ako hindi pa nagbrebreakfast! Alis na nga ako!"
Natawa ako sa sinabi niya. "Bye!"
---
Pagsapit ng hapon ay sabay kaming pumunta ni Kuya Dominic sa isang studio kung saan gaganapin ang unang project ko rito sa Pilipinas. Hindi pa ito ang project kung saan nilinlang ako ni Mick. This is for a Youtube ad by a beverage company.
Hindi pa rin ako kumportable na may ibang humahawak sa akin pero sanay naman na ako kay Kuya Dominic kaya hindi iyon naging problema. Alam ko rin naman na parang nakababatang kapatid na ang turing sa akin ni Kuya.
Habang minemake-upan ay may naalala ako. I was seated on a high-chair in front of a huge mirror inside my small dressing room. Limang minuto pa bago magsimula ang video shoot.
"I heard you've been giving away my number." Tinaasan ko siya ng kilay. Like I said, he is like an older brother. Kaya close kami sa isa't isa. "How dare you!"
He chuckled lightly. "Oh! I'm sorry. They were so handsome that I couldn't deny them of what they were asking for. Bright at Thomas were their names. Have they contacted you? Besides, they told me that they were your old friends."
"Yeah. They called me yesterday. And yes, they are my old friends. But next time, stop giving my number to anyone. Ask me first."
"Fine. Ang taray mo today!"
This Spanish guy, really.
"Oh by the way." aniya nang may maalala. "I might have told Bright about your schedule today. And someone else too. Was his name Apa? Or Papo? Something like that. Ang pipilit kasi! Tapos through video call pa kaya hindi ako nakatanggi!" medyo tumili siya, nakakaramdam ng kilig.
Sa tagal ng pagsasama namin ay natuto na rin siyang magTagalog.
"Ang landi mo talaga! Pag sila pumunta rito ikaw ang mag-entertain Kuya!"
A slight knock was heard on the door. Mabilis namin iyong nilingon ni Kuya Dominic. Akala ko ay isang staff na iyon ngunit nagkamali ako. I saw Apo on the reflection slowly walk inside the dressing room, carrying a bouquet of fresh white roses.
"Hi." nahihiya niyang saad bago magkamot ng ulo. "I hope you don't mind me visiting you at work. I couldn't wait for our lunch kaya pinuntahan na kita rito."
Napakagat ng labi si Kuya Dominic bago bumulong sa akin. "Mas masarap pala sa personal! Patikim ako niyan kahit minsan!"
Apo was wearing a white polo and faded jeans. Kumakapit sa kanyang braso ang hem kaya nadedepina ang kanyang mga muscles doon.
Imbes na repleksyon sa salamin siya tingnan ay hinarap ko siya. "It's okay. I don't mind. Pasensya na pala sa nacancel nating lunch." ngayon ay ako naman ang nahihiya.
Ngumiti siya sanhi ng pagkawala ng kanyang mga mata. Nagpakita ang kanyang malalalim na dimples.
Ang pogi!
"Don't bother. I understand that you are busy." Lumapit siya sa akin at ibinigay ang bouquet. Tinanggap ko iyon agad.
Sa kanyang paglapit ay naamoy ko ang kanyang panlalaking pabango.
"Can I take a photo of you? Post ko lang sa IG ko." paalam ni Apo sa akin.
"Nakakahiya sa followers mo!"
"Nah. It's my account so I can do whatever I want. Besides, they should be thankful that I am blessing their timeline with your beauty, Goob."
Pinamulahanan ako ng mukha.
"Jojowain!" sigaw ni Kuya Dominic bago tumili. Natawa na lang kami pareho ni Apo.
"So can I?" ulit niya sa request niya.
Tumango na lamang ako. Tutal ay tapos na rin ang pagmemake-up sa akin.
Umayos ako sa pagkakaupo at inayos ko ang paghawak sa mga bulaklak.
He clicked for a shot. "There. Thanks." aniya at itatago na sana ang cellphone ngunit nagsalita si Kuya Dominic.
"Picture kayo together. Give me your phone." suhestyon niya.
Apo pouted his lips and glanced at me, asking me if ut was a good idea. Nahihiya akong tumango.
Itong si Kuya Dominic talaga! Maraming alam. Apo handed him his phone before he stood beside me.
Pareho kaming ngumiti para sa picture.
"Ay. Yan na yung posing niyo? Put your arms on Goob's shoulders. Para sweet."
Nagdalawang isip ako kung papayag ba ako sa gudtong mangyari ni Kuya Dominic. He doesn't know yet about what I just found out yesterday. Hindi ko pa nasasabi sa kanya.
Apo once again looked at me, waiting for my permission. Tumango ako kahit hindi ako sigurado sa aking magiging reaksyon.
Maingat ang pag-agbay ni Apo sa akin. At sa puntong iyon, hindi ako nakaramdam ng pandidiri. It was as if my body was comfortable with his touch.
"I feel nervous, Goob. Nakakakaba ang mahawakan ka." bulong niya.
Muli ay naramdaman ko ang pag-init ng mukha sa kanyang sinabi.
"Okay, smile. One, two, three." si Kuya Dominic.
He then clicked for the photo.
"Isa pa. Bakit ka namumula Goob?" may pang-aasar ang boses ni Kuya. "Lapit ka pa, Apo."
Sinunod iyon ni Apo kaya nagdikit ang aming mga katawan. Mistula akong kinukuryente sa simpleng pagdikit ng aming mga kutis.
"Get the fuck away from Goob!" an angry voice thundered inside the small room as a man stood right outside the door.
Mabilis ang lakad niya palapit sa amin ni Apo at pinaghiwalay kami.
Who else could it be? It was Mick. Dala-dala niya ang isang bouquet ng sunflowers.
Mabilis ang pagbabago ng aking mood.
"What the hell?" galit na saad ni Apo at hinarap si Mick.
Nagpalitan sila ng mapanghamong tingin. Magkasalubong ang kanilang mga kilay at mistulang handang magsuntukan dahil nakakuyom ang kanilang mga kamao.
Mabilis akong tumayo at inilapag ang bouquet ng puting rosas.
"What are you doing here, Mick? Please get out!" utos ko sa kanya.
Mick only gritted his teeth, refusing to follow my order.
"I am not leaving you here with this guy!" his voice sounded like no one can change his mind.
"I said, get out Mick! Hindi kita kailangan dito!" ulit ko.
"You heard him, man. Get out." mahinahon ngunit mariin ang boses ni Apo.
Nanatili si Kuya Dominic na nakatayo sa aming gilid, hindi alam kung ano ang gagawin.
"Yeah, you heard him, Mick. Now get out before I fucking drag you!" sabay-sabay kaming napalingon sa boses ng kararating lang na lalaki na may dalang bouquet ng pulang rosas.
Tinabihan ni Bright si Apo at hinarap si Mick bago bigyan ito ng mapanghamong tingin.
Ngayon ay nasa likod na ako ni Apo at Bright. At sa harap nila ay si Mick na mistulang galit na galit at malapit ng sumabog.
But Apo and Bright acted like a wall between Mick and me.
Kaming dalawa ni Kuya Dominic ay hindi na alam kung ano ang susunod na gagawin. Mas lalong naging tensyonado ang paligid.
Umigting ang panga ni Mick bago mabilis na ginawaran ng malakas na suntok si Apo na natumba patungo sa mesa kung nasaan ang make-up kit ni Kuya Dominic. Ngunit hindi nagpahuli si Bright at sinuntok naman si Mick na natumba sa sahig.
Everything happened so quickly. Sinubukan ko silang pigilan dahil nagsimula na silang magsuntukan.