Kabanata 22: Backseat
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pati si Kuya Dominic ay natataranta na rin at ang mga staffs ng commercial shoot ay sumubok na rin sa pag-awat.
Ngunit dahil malalaki silang mga tao, pare-pareho kaming nahirapan. Nagpalitan sila ng suntok, si Bright at Apo ang magkakampi habang mag-isa lang si Mick. At dahil doon, halatang dehado si Mick.
Buti nga sa kanya. Gayunpaman, nakakahiya pa rin ang ginawa nila. Lalo na si Mick na siyang nagpasimuno ng suntukan.
Pare-parehong duguan ang kanilang mga labi. Natigil lamang sila nang magkaroon ako ng pagkakataon na pumagitna.
Galit na galit ako dahil sa eskandalong ginawa nila.
Nakakahiya! Wala ba silang mga hiya? Ang lalaki na nila at nagsuntukan pa rito!
"Tama na!" sigaw ko. "Kung gusto niyong magsuntukan, doon kayo sa labas! Sa parking lot! Huwag dito!"
Mick tried to harshly wipe away the blood on the side of his lips. Dumudugo rin ang kanyang cheek bone. Samantala ay pareho namang nakahawak si Apo at Bright sa kanilang mga labi na duguan din.
Nagbulung-bulungan ang mga staff na nasa labas ng dressing room.
Nanatiling tahimik sa loob at tanging malalalim na paghinga lamang ang naririnig.
"Labas!" utos ko sa kanilang tatlo. Ngunit hindi sila gumalaw at pinanatili ang galit na tingin sa isa't isa.
Naagaw ang atensyon ko nang may isang lalaki ang pumasok na may dalang bouquet ng lilacs. It was Thomas.
(Pic ni Papi Thomas 😍)
(Pic ni Papi Thomas 😍)
"Labas!" pag-uulit ko. Napatingin silang lahat sa akin. Nang makitang seryoso ako ay wala silang nagawa kundi sundin ang utos ko. They all left the room without removing their deadly glares from each other.
At dahil badtrip ako ay pati si Thomas natarayan ko. Nagkamot siya ng ulo bago napilitang lumabas din ng set. Naiwan kaming dalawa ni Kuya Dominic na ngayon ay pinapaypayan ang sarili.
"Oh my! If I wasn't taken, I would definitely date them all! Ang popogi! Ang yuyummy! Ang haba ng hair mo!" hindi siya makapaniwala.
"Can you redo my make-up. Nastress ako doon." sagot ko at muling umupo sa highchair.
Kuya Dominic did as I asked. Lumipas ang sampung minuto at tinawag na ako ng isang staff upang sabibin na magsisimula na ang shoot.
I had to apologize to the director and everyone else on the set for the commotion earlier. The director was so kind that he even asked me if I want to move the shoot to another date but I told him that I was fine.
The shoot took a few hours. Alas tres nang matapos kami. The exact time that Elliot will be done from his kindergarten class.
Ang sabi ni Kuya Dominic ay may lakad siya kaya mag-isa ako sa kotse kasama ang driver habang papunta sa school ni Elliot. Katabi ko ang mga bulaklak na ibinigay nina Apo at Bright. I think I'll put them in a vase sa penthouse. Samantala ay itinapon ko naman ang bouquet na galing kay Mick.
While inside the car, I received an Instagram notification that Apo tagged me in a post.
He posted our picture earlier at tanging "my 🥀". Nakapatong ang kanyang kamay sa aking balikat at pareho kaming nakangiti.
I double-tapped on the photo and immediately exited from the app. Dahil kay Apo ay naalala ko tuloy ang suntukan nila kanina sa loob ng dressing room. Sa sobrang inis ay nakalimutan ko ng pare-pareho pala silang may sugat.
I wonder how they'll treat their wounds. Siguro ay nagpunta sila sa ospital. Bahala nga sila. Kung kaya nilang makipagsapakan, siguro ay kaya naman nilang gamutin ang mga sugat nila.
Bakit ba kasi pumunta pa sila roon? Atat lang na makita ako? Siguro ay dapat ko ng pagbigyan iyong mga imbitasyon nila na kumain sa labas kung ayaw kong maulit ang kaguluhan kanina.
I don't understand boys. Ganon ba ako ka nakakabaliw?
Naalala ko na naman ang ginawa sa akin ng mga kaibigan ni Mick. Ang kaninang inis ay unti-unting napalitan ng galit. I really hope that Techno's plan works.
Ilang araw pa lang ako rito at napakarami na agad ang nangyari.
Tumunog ang aking cellphone. Techno just sent me a text message.
From Techno: Baccs! Nasa ospital daw sina Dean, Kao at Pete dahil napagtripan daw ng ilang kalalakihan sa isang bar kagabi. Dean broke his elbow while Pete and Kao both have neck braces. Nakarma yata ang tatlo.
Napataas ang isa kong kilay dahil sa nabasa at unti-unting napangiti.
Looks like my guardian angel finally came to my rescue. Mabuti nga sa kanila. Kahit paano ay naibsan ang galit ko. Sino ba ang mga kalalakihan na iyon nang mapasalamatan ko?
Nang maipark ni Kuya Marc ang sasakyan ay bumaba agad ako ng sasakyan at tinungo ang classroom nina Elliot.
Nagtaka ako nang may makitang magician sa loob habang pinapanood ng mga bata. Nagkukumpulan sila sa harap habang busy ang guro ni Elliot sa pagliligpit ng mga paper boxes na pinaglagyan ng spaghetti at fried chicken ng isang sikat na fastfood restaurant. May mga ice cream cups din doon at burgers.
Siguro ay may nagbibirthday sa mga kaklase ni Elliot?
The kids were so amazed by the display of magic in front of them. I scanned the crowd to look for my son. But he wasn't there.
Nang makapasok sa loob ng classroom ay saka ko lang siya nakita na karga ni Mick sa kanyang mga bisig. Nasa likod sila na bahagi at kagaya ng mga bata ay nanonood din sa magician.
Napapalakpak si Elliot nang hilahin ng magician ang isang puting daga mula sa sombrero nito. Nang mapansin ako ay agad niya akong tinawag.
"Papa Goob!" kasabay noon ay ang paglingon ni Mick sa aking direksyon. Nilapitan ko silang dalawa.
Elliot raised his arms, suggesting that I carry him. Agad naman siyang ibinigay sa akin ni Mick na seryoso ang tingin sa akin. He's still wearing the business suit he was wearing earlier. I glared at him.
"Hi baby." I kissed Elliot's forehead. "How was your day?"
"Fine/Fine." sabay na sagot nina Elliot at Mick.
Muli ay sinamaan ko ng tingin si Mick bago muling ibinaling ang atensyon kay Elliot.
"Is it someone's birthday?" magiliw kong tanong sa anak.
"Daddy Mick brought all these foods here and told everyone that it's my welcome party." malapad ang kanyang ngiti habang ikinukwento iyon sa akin.
Seriously? A welcome party?
I glanced at Mick who was just seriously watching us. Kapansin-pansin ang sugat sa gilid ng kanyang labi at sa kanyang cheekbone.
"I love Daddy Mick already, Papa Goob. He told me that we should eat dinner at his house later. Can we do it, Papa?"
Sobrang excited siya kaya kagaya kahapon ay hindi ko na naman siya natanggihan. Nakita ko si Mick na nagpipigil ng ngiti.
Asshole!
I can see what he's doing! He is trying to win Elliot's heart. Nang sa gayon ay maagaw niya ang aming anak sa akin. Nagpa welcome party pa talaga siya upang utuin ang bata! Pathetic!
Well I'm sorry, Mick. Because I won't let you.
Nang matapos ang magic show ay oras na upang umuwi. Karga-karga ko pa rin si Elliot sa aking mga bisig habang naglalakad papunta sa parking lot. Nakasunod lamang sa amin ang kanyang ama.
"Papa, can we ride at Daddy Mick's car? I want to see his car." Elliot pouted his lips. His arms were around my neck.
"Baby, we have our own car." paliwanag ko. "Besides, your Daddy Mick is a very busy person. He has other places to go."
"I'm not busy." singit ni Mick mula sa likod namin. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. He just raised his brow and gave me a smirk.
"See, Papa. Please. Let's ride on Daddy's car."
Wala na akong nagawa pa. Kaya labag man sa aking kalooban ay pumayag ako na sasakyan ni Mick ang sakyan namin pauwi. Ang sasakyan na gamit niya ay halatang bago at hindi niya pa pag-aari noong kami pa.
Pagkatapos mailapag si Elliot sa backseat at maikabit ang kanyang seatbelt ay sinarado ko ang pinto. Nasa labas pa rin si Mick. I grabbed the opportunity to talk to him. Ngunit matalino siya. Alam niyang pagagalitan ko siya kaya mabilis siyang sumakay sa driver's seat.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Nang makasakay sa passenger's seat ay napansin ko ang pagpipigil niya ng ngiti habang ako naman ay nakabusangot ang mukha.
He's enjoying this, huh? Nakakainis!
Nagtaka ako nang ilang segundo na ang nakalilipas at hindi niya pa pinapaandar ang makina.
I gave him a confused look.
Nagulat ako nang lapitan niya ako. Ang akala ko ay hahalikan niya ako kaya naipikit ko ang aking mata. Ngunit ilang segundo ang dumaan at hindi ko naramdaman ang pagdampi ng kanyang labi. I smelled his familiar perfume, the same perfume he's been using ever since I've known him.
I heard the seatbelt click at tangina! Halos ayaw ko ng ibukas ang aking mga mata nang marinig ko ang mahina niyang tawa.
Shit! Pwede bang magkunwari na matutulog ako? Omygosh! Pwede bang kainin na lang ako ng upuan?
Pagkatapos ng nakakahiyang eksena na iyon ay pinaandar na niya ang sasakyan.
Habang pauwi ay tahimik lamang ako, nahihiya pa rin sa ginawang pagpikit kanina at pag-aakalang hahalikan niya ako. Tahimik din si Mick pero halatang may multo ng ngiti sa kanyang labi.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay nagsalita si Elliot.
"Papa Goob, do you think I'm handsome?"
"Of course baby. No other boy is as handsome as you." sagot ko habang tinitingnan siya sa rearview mirror. Nasa gitna siya at cute na cute tingnan lalo na at may seatbelt na nakapalupot sa kanya.
"Daddy Mick and I look alike so much. So you think Daddy Mick is handsome too?" inosente ang kanyang tanong.
Kumunot ang noo ko. Ano ba namang tanong yan anak?
Nakita kong napangiti si Mick habang hawak-hawak ang manibela.
Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko iyon.
"Y-yes, baby." sagot ko.
I glanced at Mick. At ang loko, mas lalong lumapad ang ngiti.
Bakit pakiramdam ko na inutusan niya si Elliot na itanong iyon sa akin? Grrr! I rolled my eyes, halatang naiinis.
I crossed my arms and stared outside the window.
"Papa Goob." muling tawag sa akin ni Elliot. Nilingon ko siya.
"Yes baby?"
"Do you think I'm cute?"
Oh my gosh! Here we go again!
"Yes baby. You're the cutest."
"So if I'm cute, and I look so much like Daddy Mick, does that mean you also find Daddy Mick cute?"
"Y-yes, baby."
Muli ay napangiti si Mick, halatang nag-eenjoy sa nangyayari. Hindi ko napigilan ang sarili at inabot ko ang kanyang hita upang kurutin iyon.
"Ouch!" reklamo niya habang natatawa. Ako naman ay inis na inis na!
Malayo pa ba kami? Dahil gusto ko ng lumabas ng sasakyan na ito!
"What's wrong, Daddy Mick?" nag-aalalang tanong ni Elliot.
"Nothing, bud." Mick tried to sound serious.
"Papa Goob." muling tawag ni Elliot sa akin.
Ngayon ay kinakabahan na ako sa magiging tanong niya. Baby please. Stop embarassing Papa.
"Do you love me, Papa Goob?"
Oh my gosh! Sinasabi ko na talaga!
Muli ay sinamaan ko ng tingin si Mick. Inabot ko ang kanyang hita upang kurutin iyon sa ikalawang pagkakataon. Ngunit kahit linakasan ko ang pagkakurot ay hindi siya umimik at ngumiwi lamang at pumikit dahil sa sakit
"Of course, baby. I always tell you that I love you."
Tumahimik ka na Elliot at baka ikaw ang makurot ko mamaya! Joke lang. Baka ma-DSWD ako.
"So if you love me and I look so much like Daddy Mick, then does it mean you love him too?"