Return of the Groom Chapter 25

Kabanata 23: Love

Elliot's question did not really leave me confused. I know the answer myself. But I would rather not say it nor deny it.

I would be a liar if I say that I have no more feelings for Mick. Because the truth is, I still have feelings for him. Pero ibig sabihin ba nito kailangan kong payabungin itong nararamdaman ko? No. I don't want to cultivate the feelings I have left for him.

Siguro ay habang lumilipas ang panahon, makakalimutan ko rin itong natitira at kakarampot na nararamdaman ko sa kanya.

Besides, I'm not even sure if it's love. Maybe it's just hate? Or longing? I'm not really certain. But one thing is for sure, I don't want to let him consume me. As much as possible, gusto kong makamove-on sa kanya, ipakita sa kanya na wala na akong pakialam.

Mick needs to learm his lesson. That there are things that we can't bring back to how they used to be. Our relationship for example.

He made his choice back then. And right now, he should stick to his choice.

Mick has a smile plastered on his face, obviously enjoying Elliot's curious questions.

"How was your first day of school, baby?" pag-iiba ko sa usapan.

Ayaw kong paasahin si Elliot na mabubuo ang pamilya niya. Some would argue that it's best for a child to have a complete family simply because they will grow up with role models. Pero paano naman kung toxic ang relasyon ng mag-asawa? Paano kung nagkakasakitan? Is it worth it to stay in a relationship where one is hurting just to keep the family afloat? Paano kung ang isang magulang ay nalulunod na dahil nabibigatan sa asawa niya? Kakapit lang ba siya para lang mapanatiling lumulutang at magkakasama ang pamilya? Hindi ba mas makabubuti kung bibitiw siya para hindi siya mahila nito pailalim at pare-pareho silang malunod?

Elliot has been doing fine without Mick. Magbago man ang set-up namin, still I don't want to get his hopes uo that someday, we will be a complete family.

"I have many new friends, Papa Goob. Everyone seems to like me." masaya ang kanyang pagkwekwento.

Elliot is so innocent that he did not notice that I tried to change the topic. Mick fell silent and continued driving.

Nang makarating sa condo building ay gusto ni Elliot na sumama si Mick. Tinanggihan ko iyon.

"No, Elliot. Daddy Mick is busy." sagot ko habang hawak ang kanyang maliit na kanang kamay. Si Mick ay nasa kabilang bahagi niya at parehong nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon ang dalawang kamay.

"But he said he's not busy. Right, Daddy Mick?" Elliot lifted his face to see his dad, waiting for his approval.

I need to draw a line. Simula kahapon ay hindi ko na tinanggihan pa si Elliot. I don't want to spoil him. Baka masanay.

"If Daddy Mick will come with us upstairs, then we won't go to his house later."

Napalitan ng simangot ang kaninang masayang mukha ni Elliot. I glanced at Mick and gave him an angry look.

Pareho silang walang nagawa dahil gusto nila na pumunta kami mamaya sa bahay ni Mick. Kaya naman ay dalawa lang kami ni Elliot sa elevator. Matampuhin si Elliot ngunit mabuti na lang ay hindi niya naramdaman na unfair iyong ginawa ko.

Alas kwatro y media nang makarating kami sa penthouse at agad kong sinabihan si Gabo tungkol sa dinner sa bahay ni Mick. And as expected, he was totally against the idea of us going to the house where we used to live. Pero ako pa rin ang magdedesisyon. Siguro ay wala namang masama kung doon kami maghahapunan.

Mamayang alas siete pa kami pupunta ni Elliot doon kaya may oras pa kami ni Techno para umalis. Alas singko y media nang itext niya ako na nasa parking lot na siya kaya agad akong bumaba. Si Gabo muna ang nagbantay kay Elliot dahil sa lakad namin ni Techno.

Techno came up with this plan while I was watching tv almost an hour ago. Hindi ako 100% comfortable sa biglaang plano niya na iba sa planong sinabi niya kanina pero pumayag ako dahil kahit paano ay nakakasabik.

Nang makita ang kanyang sasakyan sa parking lot sumakay ako agad sa passengers seat. Pinaandar niya naman iyon agad.

"Are you sure you want to do this? We can still cancel." nag-aalala ang tanong niya. "It's okay if you're not comfortable seeing Dean after what he did to you." Palipat-lioat ang tingin niya mula sa kalsada at sa akin.

"Honestly, I'm not sure. Pero may tiwala naman ako sa'yo."

"Don't worry. I'll do all the dirty work. At sisiguraduhin kong lalabas ka nang nakangiti. HAHAHA."

Tumango na lang ako at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.

Nang makarating sa ospital kung saan nakaconfine si Dean na barkada ni Mick ay lumakas ang kabog ng puso ko. Kahit wala akong maalala sa gabing iyon ay tuwing naiisip ko ang CCTV ay namumuhi ako.

When we reached the right floor and the right room, I was hesitant to go inside.

Pero tinapangan ko ang aking sarili. Naunang pumasok si Techno at sumunod ako.

Ang sabi ni Techno sa akin, Dean's family is busy kaya ang tanging nagbabantay sa kanya rito sa ospital ay ang kanyang dalawang lalaking pinsan. Pinakiusapan ni Techno ang isa sa mga nurses na naging kliyente niya raw noon na sabihin sa mga pinsan ni Dean na kailangan nilang lumabas ng kwarto dahil sa isang tesg na gagawin. At itong mga pinsan naman, mga uto-uto.

Kaya naman ay si Dean lang ang tao sa loob ng silid. I was expecting a Dean with an elbow brace. At tama nga ang expectation ko. However, my expectation turned out wrong. Because Dean was lying on his bed with elbow braces on both arms. Ang kanyang mukha ay namamaga rin, halatang binugbog hanggang sa magsawa.

Sa kanyang ginawa sa akin ay hindi ko nagawang maawa.

Nagulat siya nang makita kami ni Techno.

"G-goob, what are you doing here?" nauutal ang kanyang pagsasalita at nahihirapan siya.

Hindi ko siya magawang sagutin dahil kinakain na akk ng galit. Pinilit ko ang sarili na kumalma sa pamamagitan ng paghinga nang malalim.

Ginawaran ko siya ng galit na titig. Nanatili akong nakatayo sa may pinto.

"We came here to warn you." si Techno at nilapitan si Dean na baldado. "To warn you that we are coming after you. We already know what you did to Goob years ago. Mga hayop kayo!"

Techno grabbed Dean's elbows and squeezed it a little.

"Ahhhhhh!" napasigaw si Dean sa sakit. "Stop it! I broke my elbows!"

Si Techno naman ay napangiti na lamang, halatang nag-eenjoy sa kanyang ginagawa.

"Kaya ko nga pinipisil eh! Nang tuluyang mabali!" Inalog-alog iyon ni Techno at iginalaw-galaw. Pinisil-pisil niya iyon at sinubukang ituwid.

Napapikit at napangiwi si Dean dahil sa sakit. "Ouch! Fuck! Stop it, Techno! You're fucking crazy!"

Ngunit tila hindi iyon narinig ng aking kaibigan at mas lalo iyong pinisil. Pulang-pula na ang mukha ni Dean dahil sa sakit at halos maiyak na.

"Nurse! Help! Nurse! Ahhhhhh!"

"The nurses won't hear you. Abala sila sa pagkain na pinadeliver ko sa kanila." Techno answered. Binitiwan niya ang kanang braso at ang kaliwang braso naman ang pinagdiskitahan.

He squeezed and twisted Dean's elbow. Mas lalong lumakas ang sigaw ni Dean. Nasisiguro kong sobrang sakit noon dahil hindi na maipinta ang mukha ni Dean at umiiyak na.

Hindi pa rin ako makaramdam ng awa at mas lalo lamang magalit.

I know that what we're doing is wrong. But for this time, I don't want Techno to stop.

"Don't worry, Dean. I'm just making sure that you won't be using your arms in the next twelve months. And by the way, this is only part one of what we will do to you. So watch out!" paalala ni Techno.

"Ahhhh! Ang sakit na Techno!" umiiyak na si Dean ngunit mas lalo lamang nilakasan ni Techno ang pagtorture sa lalaki.

"I can't hear you, Dean."

"Tama na! I'm so sorry, Goob. I'm sorry!" pagmamakaawa niya.

"Sino ang may pakana noon?" galit kong tanong.

"It was Sining's idea. Nagawa ko lang iyon dahil matagal na kitang gusto. I'm sorry."

Sining. Hindi na ako nagulat pa. I knew that he had something to do with what happened to me.

Sigurado akong ginawa niya iyon upang mapasakanya si Mick.

Humanda ka talaga Sining! Lintik lang ang walang ganti!

Ngayon ay pinagsabay ni Techno ang pagpisil sa dalawang siko ni Dean. Ngunit walang ibang magawa si Dean kundi ang sumigaw sa sakit.

Hinimatay si Dean siguro ay sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Ni hindi kami nagpanic ni Techno at kalmado lamang kaming lumabas ng silid.

I don't feel any kind of remorse with what we did. No doubt it was cruel. Pero nasisiguro ko namang mas malala ang ginawa nilang pananamantala sa akin.

That was only part one of what we're planning with Dean. May part two pa.

"Hayop talaga ang Sining na yon. Sampalin ko talaga ulit sa susunod na makita ko!" nanggigigil na saad ni Techno. "Laban lang, Goob. Iisa-isahin natin sila." humigpit ang kanyang hawak sa manibela habang pauwi kami sa condo.

Nanatili akong tahimik at ninamnam ang halo-halong emosyon na nararamdaman.

Alas sais y media nang makabalik kami sa condo building. Agad kong napansin ang sasakyan ni Mick na nakapark, marahil ay upang sunduin kami ni Elliot.

Hindi na bumaba pa si Techno at umalis naman kaagad pagkatapos akong paalalahanan na mag-ingat sa dinner.

Nilagpasan ko ang sasakyan ni Mick at didiretso na sana sa elevator nang hawakan niya ang aking palapulsuhan.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng libu-libong kuryente sa aking katawan, taliwas kahapon na pandidiri ang aking naramdaman nang hawakan niya ako.

Hindi ko maitindihan ang sarili ko.

I harshly pulled my hand away from him.

"What the hell?" reklamo ko.

He was wearing a mint green polo shirt and a black maong pants.

"Can we talk first?" puno ng pag-asa ang kanyang mga mata.

"Depende sa gusto mong pag-usapan. What do you want to talk about?" mataray kong tanong.

"I want to apologize again. This time, the right way. Can we talk privately? Please, Goob." he begged.

Nagtagpo ang aking mga kilay at kumunot ang aking noo.

Here we are again. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na wala na kaming dapat pag-usapan tungkol doon.

"Tumigil ka na, Mick. The only reason why I'm letting you be near me again is because of Elliot. Tama na ang paghingi ng tawad. Like I said, I don't need it."

"Gusto kong itama ang lahat ng pagkakamali ko, Goob. Please. I'm begging you. Can we not do it for Elliot?" his voice was tired, but it was full of hope.

"Ang pagkakamali, hindi na pwedeng itama, Mick. Because the mistakes we make are stuck in the past. Alam mo ba ang ginagawa sa mga pagkakamali? Ginagawang aral, hindi itinatama. Bumalik ka nalang kay Sining tutal pareho naman kayong walang pakinabang." I said dismissively.

Tatalikuran ko na sana siya ngunit hinawakan niya ang aking kamay.

"Ano ba?" tumaas ang aking boses at muling marahas na binawi ang aking kamay.

Tumunog ang kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang bulsa dahil sa isang tawag at inilabas niya iyon.

Love calling...

Iyon ang nakalagay na pangalan ng tumatawag.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.