Return of the Groom Chapter 26

Kabanata 24: Garden

Mabilis na itinago ni Mick ang kanyang cellphone, siguro ay natakot na mabasa ko iyon. Too late. Nabasa ko na.

I did not want to argue with Mick any longer because of what I read. Tumatawag si "Love" niya. Well, whoever that is, wala na akong pakialam. Si Sining man iyon o hindi, wala akong pakialam. Besides, it seemed like he did not want to explain at all. Not that I needed it.

Tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa elevator. Hindi na niya ako hinabol pa.

Nahimasmasan siguro. Ang kapal naman ng mukha niya sa mga sinabi niya tapos may ibang jowa pala siya. Seryoso ba siya? Sinong niloloko niya? I rolled my eyes.

Nang makarating sa unit ay nakabihis na si Elliot, handang-handa ng umalis at excited pa.

"Let's go, baby." binuhat ko siya sa aking mga braso. Gabo was busy watching on the television.

"What would you eat for dinner?" tanong ko kay Gabo.

"I ordered pizza and a bucket of chicken. Elliot, are you sure you want to go? Baka naman si Kuya Goob lang ang may gustong pumunta?" may pamimintang ang tono ng boses ng kapatid.

I glared at him. "Watch your words, Gabo. I don't like your tone and message."

"Baka naman pag-uwi mo mamaya dalawa na yang anak mo. Iiwanan talaga kita rito Kuya. Bahala ka!"

"Ewan ko sa'yo, Gabo. Bahala ka nga!" galit kong saad at tinahak na ang pinto at dumiretso sa elevator.

Anong pinagsasabi niya? As if naman papayag ako na gumawa kami ni Mick! Hell no!

Nang makarating kami ni Elliot sa parking lot ay naghihintay na si Mick na nakasandal sa kanyang sasakyan.

Seryoso lamang ang kanyang tingin sa akin bago kinuha si Elliot sa aking mga bisig at pinasakay sa backseat.

Elliot kissed his father's cheeks. "I missed you, Daddy Mick."

"I missed you too, bud. Even if we were together earlier. Let's go?"

Elliot nodded his head in excitement.

Sumakay na ako sa front seat and this time, sinigurado ko ang pagkabit sa seatbelt dahil naalala ko ang nakakahiyang pangyayari kanina.

Sa buong biyahe ay pareho kaming tahimik ni Mick na pakiramdam ko ay tinitimbang pa rin ang aking emosyon.

If he's worried that I'm angry at him because of the call, then he's wrong. Wala akong pakialam sa tawag na iyon o kung may girlfriend man siya o boyfriend na iba at hinahanap siya.

Si Elliot lamang ang maingay sa biyahe na panay kwento tungkol sa mga ginawa niya sa unang araw ng eskwela.

"Papa, our teacher asked us our favorite place earlier."

"And what was your answer, baby?" nilingon ko siya mula sa front seat.

"I told our class that my favorite place is anywhere. As long as I'm with you." He smiled. I can't help but notice that he looks so much like his dad.

Hindi ko rin napigilan ang maging emosyonal sa kanyang sagot.

My son is the sweetest.

"That's so sweet of you, baby. I love you."

"I love you too, Papa. And Daddy Mick."

I glanced at Mick who was holding the steering wheel firmly. He had a serious expression on his face as he watched the road.

"I love you, bud."

Hindi ko na naman mapigilan ang manghinayang. I can't help but blame Mick for our situation. We could have had all of these. Isang masayang pamilya. Isang masayang pamilya na aalis nang magkakasama. We would be together all the time.

But he threw it all away. Itinapon niya ang pagkakataon na maging pamilya kami. Mas pinili niyang sirain ang maaari sana naming nabuo.

Pinagmasdan ko na lamang ang mga gusali sa labas ng bintana.

Sayang, Mick. Sayang.

Nang makarating sa village kung nasaan ang bahay ni Mick ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso.

These familiar streets. I have been in and out of these streets for almost a year some time ago. Kabisado ko pa rin ang bawat kalye. Ngunit marami na ang nagbago sa mga kabahayan.

Nang makarating sa dating bahay ay nagflashback sa aking isipan ang lahat ng alaala ko sa bahay na iyon.

This was where I lived for almost a year. Napakarami kong alaala sa bahay na ito mula sa garahe hanggang sa kusina. Parehong masasakit at masasayang alaala. Ngunit ngayon ay mistulang bangungot na iyon lahat.

Mick and I made love at almost each part of the house. Sa sala. Sa kusina. Sa mga walk-in closet. Kahit sa hagdan. We all did that during our happy days. Pero ngayon, masasakit na alaala na lang iyon dahil pinili niyang itapon.

I wonder if he feels guilty of everything he did. Nagsisisi kaya siya? O gusto niya lang makipag-ayos dahil kay Elliot?

Hays. Stop thinking about it, Goob. Matagal na kayong tapos ni Mick.

Walang ibang tao sa loob ng bahay. Una kong tiningnan ang may hagdanan at bahagyang nadisappoint nang hindi ko nakita ang malaking larawan ko na nakasabit doon bago pa man magbago ang lahat. Pinalitan na iyon ng sarili niyang larawan na suot ang isang business suit at seryoso ang mukha. Sunod kong sinulyapan ang mga aparador at wala na rin akong nakitang mga larawan namin na naka picture frame sa mga iyon.

Siguro nga ay nakamove on na siya sa akin at ngayon ay si Elliot na lang ang habol. Kaya siguro sa mahigit limang taon nawala ako ay hindi niya ako hinanap at pinuntahan. It's because he was able to move on. Pero bakit pa siya sorry nang sorry sa akin? Maybe he was just guilty? Nakokonsensya lang siya na kahit nakamove on na siya, kahit paano ay nalaman niyang mali ang ginawa niya sa akin.

Halos bago na rin lahat ng mga muwebles at furnitures. Hindi ko maipaliwanang kung bakit unti-unting bumibigat ang damdamin ko.

I had so many plans for this house that I wanted to do after our wedding. I had plans of turning one of the rooms into a nursery room para kung sakaling magkaanak man kami, doon ko aalagaan. I had plans of building a playground at the garden for our kids where we can play together as a family during weekends. I had plans of turning one of the rooms into a family room where we can entertain ourselves. I had so many plans for us. Pero ang lahat ng iyon ay mananatiling plano na lamang.

Hindi ko mapigilan ang magalit kay Mick. Tears began to form around my eyes. Mabuti na lamang at pareho silang nasa dining area na ni Elliot.

Pinahid ko ang mga namuong luha. I had to check my face on my camera to make sure that I still look fine. Mabuti naman at hindi namula ang aking mga mata. Nang kumalma ang sarili ay sumunod ako sa kanila sa hapag-kainan.

Nanatili akong tahimik. Samantala ay pareho na silang maingay.

"Your house is so big, Daddy Mick. Papa Goob and I have lived in a condo unit our whole lives. We live in a condo building in Paris too." kwento ni Elliot habang nginunguya ang fried chicken. Nasa tabi siya ni Mick habang kaharap ko naman ang ama.

Mick glanced at me.

"You can live here if you want." he offered our son.

"Can I, Papa?" tanong ni Elliot sa akin, puno ng pagkasabik ang kanyang boses at halatang nag-aantay ng pagsang-agon ko.

"Yes, baby. You can sleep here during scheduled days once we finish talking about your schedule with your Daddy Mick."

"Schedule? What schedule, Papa?"

Elliot is so young that he has no idea of how messed up his situation is. Siguradong malilito siya sa una kung bakit hindi niya kami sabay na makakasama ng Daddy Mick niya.

I'm so sorry, baby. I don't want to put you in a situation like this. I never thought about this set-up. Sana pala hindi nalang tayo bumalik rito.

"Some days you will sleep here. And some days, you will sleep at our penthouse." sagot ko.

"But I want to always sleep beside you, Papa Goob."

Napalunok ako sa sinabi ng anak at napatingin kay Mick na halatang nabother din sa sinabi ni Elliot. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor.

"If that's what you want baby, then you just have to tell your daddy Mick. You can spend your day here and still sleep with me at the penthouse."

"Can't we just sleep here? The two of us and Tito Gabo? So that I can sleep with you and Daddy Mick. Or maybe Daddy Mick can sleep in our penthouse? And we can all sleep in our bed? The three of us?" sunod-sunod amg kanyang tanong. Nagkatinginan kami ni Mick, parehong hindi alam ang isasagot sa kuryosong bata.

"I'm afraid that won't be the case, baby."

"But why, Papa?" sumimangot si Elliot.

"It's complicated, bud. But we will work on that. It's fine with me if you want to sleep with your Papa Goob every night. You can always go home to him after you spend your day with me."

"Okay. You promise to work on that, Daddy Mick?" now his voice sounds helpful.

"Yes, buddy. I promise."

"Pinky promise?" Elliot lifted his finger, suggesting a promise. I glared at Mick, warning him to not do it.

Bakit niya pangangakuan ang isang bata ng isang pangako na hindi siya siguradong matutupad? He's giving him false hope.

Ngunit hinayaan ko na lamang sila. Pagkatapos naming kumain ay nagsilabasan ang mga househelpers mula sa kanilang quarters upang magligpit ng aming pinagkainan.

Naalala ko tuloy iyong panahon na ayos pa kami ni Mick. We had househelpers in the house. Pero tumutulong pa rin ako sa gawaing-bahay kahit ayaw niya. But after what happened to me, pinili niyang paalisin silang lahat sa bahay upang ako ang gawin niyang alipin.

I tried to help the househelpers but they refused. Hindi na ako nakipagtalo pa. Mick was just watching my every move.

"You want ice cream, bud?" Mick asked Elliot na agad namang tinanguhan ng bata.

Tinungo niya ang freezer at kumuha ng isang tub ng ice cream. Sinamahan ko sila sa living room kung saan nanood sila ng isang cartoon show.

Tahimik ko lamang silang pinanood kahit sa kaloob-looban ko, hindi ko na naman mapigilan ang manghinayang.

Hindi ko nakayanan pa dahil napupuno ang dibdib ko ng sari-saring emosyon kaya tinungo ko ang garden upang maiwan silang dalawa sa sala. Siguro ay mabuti na rin iyon upang mabigyan sila ng oras na silang dalawa lang.

I took a moment to breathe fresh air. Ngunut kahit ang hardin ay marami ang ipinaalala sa akin. I can still remember that one time when I was watering the plants one Sunday afternoon.

Katatapos lang naming magmeryenda ni Mew sa may gazebo ng bahay kaya naisipan kong diligan ang mga halaman.

"Ayan. Siguro naman hindi na kayo mauuhaw. Nadiligan na kayo this week." kinausap ko ang mga halaman. Para akong baliw.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Mick mula sa aking likuran bago inamoy ang aking leeg.

"Akyat tayo sa taas. Ikaw naman ang diligan ko." malisyoso ang tono ng kanyang boses. Natawa ako sa sinabi niya.

"Baliw!" Hinarap ko siya at itinutok ang hose sa kanya kaya naman ay agad siyang nabasa.

"You're so mean, Goob! Stop it!" reklamo niya habang natatawa. Sinubukan niyang takpan ang kanyang katawan gamit ang kanyang mga kamay.

He ran towards me to grab the hose. Nang tuluyang maagaw ay sa akin niya naman iyon itinapat kaya ngayon ay pareho na kaming basa. Nag-agawan kami sa hose hanggang sa natumba kami. I fell on top of him. We stared at each other for a few seconds before he claimed my lips for a deep and passionate kiss.

Sa sobrang pagkabaliw namin sa halik ng isa't isa ay hindi ko na natapos ang pagdidilig dahil binuhat na ako ni Mick patungo sa aming kwarto. Sigurado akong nagkaputik ang sahig pero lilinisin naman iyon ng mga kasambahay.

Ngayon ay alaala na lamang iyon. Lahat ay alaala na lamang.

Habang tahimik na pinagmamasdan ang maliwanag na hardin ay tumunog ang door bell. Nilapitan ko iyon upang tingnan at agad na nagsalubng ang kilay ko nang makita kung sino iyon.

Si Sining.

Pareho ang naging reaksyon niya sa akin. Ngunit nang maalala ko na siya ang may pakana ng lahat ay naikuyom ko na lamang ang aking mga kamao.

"Anong ginagawa mo rito?" galit kong tanong pagkatapos buksan ang gate.

"I'm not here for you. I'm here for Mick." tinaasan niya ako ng kilay. "Pakibuksan ang gate dahil papasok ako. Tutal mukha ka namang katulong. Oops. Naging katulong ka nga pala before." He laughed evilly.

I did not want to give him the satisfaction of letting him win that is why I tried to maintain a straight face, kahit bahagya akong natinag sa kanyang sinabi.

"Coming from you, Sining? Really? There was a reason why I was Mick's boyfriend back then and not you."

"Ah, kaya pala niloko ka niya. Kaya pala sinaktan ka niya. Kasi mas guwapo ka sa akin? Bitch please! Kung nakuntento siya sa'yo ay sana hindi ka niya niloko!"

I wanted so bad to slap him but I chose not to. Ayaw kong sayangin ang lakas ko.

"Oo, niloko niya ako. Sinaktan niya ako. Pero bago iyon, minahal niya muna ako! Ikaw, minahal ka ba niya? O isa ka lang din sa mga ginawa niyang puta at parausan?"

Napalunok siya sa aking sinabi at natigilan. It took him a few moments before he could recover.

Nang makabawi ay sinubukan niya akong sampalin ngunit inunahan ko siya.

Hindi ko na hinintay na makabawi siya kaya sinundan ko na agad ng isa pang sampal.

Hindi nagtagal ay tumatakbo na si Mick palabas ng bahay at patungo kung saan kami naroroon.

Wow. Ang bilis naman dumating upang ipagtanggol ang jowa niya.

"Go home, Sining!" mahinahon ngunit may diin ang pagkakabigkas ng mga salita ni Mick pagkatapos itulak si Sining palayo sa akin at pumagitna siya sa amin.

Si Sining naman ay nakahawak sa kanyang pisngi at hindi pa nakakabawi. He gave me deathly glares. Pinantayan ko iyon ng mapanghamong tingin. Makalipas ang ilang segundo ay ibinaling niya ang atensyon kay Mick.

"I need to talk to you, Mick! Please!"

"I told you never to talk to me again! Now go fucking home!" sigaw niya.

Hindi ko na nakayanan ang manahimik kaya nagsalita ako.

"Hindi na niya kailangang umuwi. He can stay. Elliot and I will leave."

"Go inside, Goob." saad ni Mick na tila isang babala.

Ang kapal ng mukha niyang utusan ako!

"I don't take orders from you!"

"I said go fucking inside!" sigaw niya at hinarap ako. "Please!"

A White Montero Sports parked outside the gate. Mabilis na bumaba si Bright ng kanyang sasakyan.

Kanina habang nagdidinner ay tinext ko si Bright kung pwede niya ba kaming sunduin ni Elliot dahil hindi ko na kaya na makasama pa ulit si Mick sa byahe sa araw na ito. We've been together for too long already that I couldn't do it anymore. My driver is already off duty kaya ayaw kong makasagabal pa. Una kong tinext si Apo ngunit hindi siya agad nagreply. I tected Bright second and asked him if he can give us a ride at ang sabi ay paalis na raw siya sa kanilang bahay.

Now he's here.

Mabilis akong pumasok ng bahay upang kunin si Elliot na naguguluhan dahil sa biglaan kong pagdampot sa kanya habang nanonood siya sa TV at kumakain mg ice cream.

Karga-karga konsiya habang palabas ng bahay at ng gate. Ngunit hinarangan ako ni Mick.

"I am taking you back to your building with my car." Sa tono ng boses niya ay hindi iyon pakiusap.

"No. We are going there with Bright. So step aside." pinilit kong ikalma ang aking boses lalo na at karga ko si Elliot.

"Get in my car." mariin ang boses ni Mick. Umigting ang kanyang panga at galit akong tinitigan.

Hindi ko na siya sinagot at nilagpasan na lamang.

Bright opened the backseat door. Isinakay ko roon si Elliot at isinarado ang pintuan.

"Don't you dare get inside that car!" banta ni Mick sa akin.

"You have no authority over me, Mick. Those days are over!" sagot ko.

"For Pete's sake Goob, let me take you and our son home! I swear I'm gonna drag you out of that car the moment you step in!"

Hindi ko siya sinagot. Binuksan ko ang pintuan ng front seat at sumakay na. Nilapitan niya ang aking puwesto ngunit mabilis kong isinarado ang pintuan.

Bright boarded the driver's seat and started the engine. Pinaharurot niya ang sasakyan palayo roon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.