Kabanata 25: Sabotage
Habang pauwi kami sa building ay tahimik lamang si Elliot sa backseat. Samantala ay panay ang sulyap ni Bright sa akin na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Ako naman ay nakasandal ang ulo sa bintana at pinagmamasdan ang aming mga nadadaanan.
Kung iniisip ni Mick na magiging malapit kami ulit sa isa't isa dahil sa anak namin ay nagkakamali siya. Hindi na niya ako pwedeng utus-utusan at susundin ko siya. Tapos na ang mga araw na iyon. I have found myself. Hindi ko hahayaan na mawala ulit ako sa aking sarili.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Kung magagalit ba ako dahil kay Mick? O magagalit kay Sining? O masasaktan? Nalilito ako. Parang gusto kong malungkot pero parang ayaw ko rin. Ewan. Naguguluhan ako.
Kumplikado ba talaga ang sitwasyon? O ako lang ang nagpapakumplikado nito?
Nang makarating kami sa parking lot ay naunang bumaba si Bright sa akin upang pagbuksan sana ako ng pinto ngunit nagawa ko na iyon bago pa siya makaikot. I opened the door to the backseat and lifted Elliot into my arms. Inaantok na siya kaya ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Thank you, Bright. Pasensya na sa abala." nahihiya kong saad.
"Anytime, Goob. Anytime. Huwag mong isiping nakakaabala ka sa akin." Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa. "I'm guessing that this is your son?" tanong niya sa akin bago tinitigan si Elliot.
"Yes."
"What's his name? He looks so much like you." He smiled.
"Elliot. His name is Elliot."
Nilapitan niya ang inaantok na si Elliot at hinarap siya. "Nice to meet you, Elliot. I'm your Tito Bright. Your Papa's friend."
Hindi siya sinagot ng bata at sa halip ay nag-iwas ng tingin at hinarap ako.
Maldito!
"Pasensya ka na. Siguro ay pagod lang." paumanhin ko. "Salamat ulit sa paghatid. Akyat na kami." Paalam ko sa kanya.
Sa sobrang pagpapasalamat ko ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na halikan ang pisngi ni Bright. Mabilis lamang iyon at dumaplis lamang ang aking labi.
Umawang ang kanyang bibig. Pinamulahanan siya ng mukha makalipas ang ilang segundo. He gave me a confused look before a smile formed on his face. Kinagat niya ang kanyang labi upang pigilan ang ngiti.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at naglakad na ako palayo roon. Habang naglalakad ay saka lamang ako dinapuan ng hiya.
Bakit ko ginawa iyon? Walanghiya!
Pero kahit paano ay may nalaman ako. Hindi na ako natatakot na dumidikit sa akin ang balat ng ibang lalaki. Hindi gaya sa mga nakaraang araw na natatakot akong mahahawakan nila. Siguro ay hindi ako kinain ng takot. But it does not mean na hindi na ako nandidiri sa ginawa sa akin ng mga kaibigan ni Sining.
Pagbabayarin ko pa sila.
Nakatulog na si Elliot sa aking balikat. Tahimik na rin ang unit at madilim na ang sala, marahil ay nasa kwarto na niya si Gabo. Alas diyes pa lamang ng gabi kaya sigurado akong hindi pa siya natutulog.
Pagkatapos bihisan si Elliot na tulog na ay tinabihan ko siya sa kama. Sa gabing iyon ay nahirapan akong matulog dahil sa rami ng pumapasok sa utak ko.
Una, hindi ko alam kung bakit paulit-ulit kong naiisip si Mick at si Sining. Nagkaroon ba talaga sila ng relasyon noong nawala ako? Ayaw kong isipin na iyon, pero hindi ko mapigilan ang sarili.
Pangalawa, hindi ko rin mapigilan ang manghinayang sa buhay na mayroon sana kami ngayon. Hays. Mick and I could be sleeping together in the same bed right now with Elliot in our middle. Pero hindi. Malabo na mangyari iyon.
At pangatlo, naisip ko rin ang ginawa kong paghalik sa pisngi ni Bright. Nakakahiya ka Goob. Why did you even do that?
I don't know. Maybe I just felt grateful. Hayaan ko na nga lang iyon. Sa pisngi lang naman. Si Apo nga sa labi ko hinalikan. Tsk.
Speaking of Apo, tinadtad niya ako ng text, humihingi ng paumanhin kung bakit hindi niya agad ako nareplyan. Aniya ay busy siya sa isa sa kanyang mga dinidisenyong bahay.
He wanted to come over to our unit ngunit sinabi ko sa kanya na hindi na niya kailangan at matutulog na rin ako dahil sa pagod. Mabuti at hindi na rin nangulit pa.
Kinabukasan, I woke up to a lot of news. Tapos na akong maligo at magbihis, handa ng ihatid si Elliot sa kanilang eskwelahan.
Hawak ko ang aking cellphone at nalaman na nakaabot na sa international media at sa aking mga fans ang picture na inupload ni Apo sa kanyang Instagram account. Maraming media companies ang tumawag kay Kuya Dominic upang kumpirmahin kung may relasyon ba kami ni Apo.
Wala naman kaming relasyon ni Apo kaya hindi namin kailangang magsinungaling. Naging madali ang pagtanggi sa mga issue na iyon.
Maaga rin ang naging tawag sa akin ni Techno upang iparating sa akin ang magandang balita.
"Dean is now under hospital arrest for embezzlement and misappropriation of funds. Ang galing ko talaga!" halatang proud siya sa kanyang sarili nang ikwento niya iyon sa akin. "Kung hindi lang siya baldado ngayon ay malamang nasa kulungan na siya. Pasalamat siya at baldado siya!"
Techno paid Dean's assistant to transfer the funds of the company where he is working to Dean's bank accounts. Ang sabi ay sampung milyon ang inilipat na pera. Ang assistant din mismo ang nagreport sa kanilang management kaya nalaman nila ang kunwari ay ginawa ni Dean.
Hindi ko mapigilan ang mangiti. Nasisiguro kong tapos na ang kanyang career bilang accountant. Maliban sa kasong haharapin ay wala ng kukuha sa kanyang serbisyo. In the eye of the people, he is now nothing but a thief. Malaki rin ang tyansa na tanggalan siya ng lisensya sa pagiging accountant.
Bagay lang iyon sa kanya.
Ngayong nakaganti na ako kay Dean ay oras na para kay Pete at Kao. Ihuhuli ko na si Sining dahil syempre, pasabog ang ganti ko sa kanya.
Napansin ko ang iilang mensahe kay Bright na kagabi niya pa sinend.
Bright: Can't sleep.
Bright: Are you up?
Bright: Can't stop thinking about your kiss.
Bright: I really can't sleep!
Bright: What have you done to me, Goob?
Bright: Good night.
Pasado alas dose ng gabi niya na iyon sinend lahat. At kaninang alas siete ay may mensahe siyang bago.
Bright: Good morning.
Nireplyan ko naman iyon.
Ako: Good morning din. Nakatulog ka ba kagabi?
Bright: I'm so sorry about the drunk messages. I had a few shots of whisky when I got home last night. I kept thinking about the kiss. God, this is so embarassing telling you about this.
Ako: Haha. Okay lang. No need to feel sorry. Pasensya na kung bigla kitang hinalikan. I hope it was okay with you.
Bright: Are you kidding me? Okay na okay iyon sa akin!
Bright: Pwede meron ulit mamaya?
Ako: Baliw!
Bright: Joke lang HAHAHA
Hindi na sana ako magrereply ngunit may isang mensahe ang dumating mula kay Apo.
Apo: Nasa elevator na ako papunta sa unit niyo. Can I take you out on a date today? I asled your manager and he told me that you have no event today. Please :)
I really have to tell Kuya Dominic to stop telling people about my whereabouts and plans.
Hindi pa ako nakakapagtipa ng reply at tumunog na ang doorbell. Nasisiguro kong si Apo na iyon.
Ngunit nagkamali ako. Si Mick iyon na may dalang paperbag. He was wearing a sky blue shirt na may nakasulat na Oakley sa may dibdib niya. Sa pang-ibaba ay blue faded jeans at brown combat boots. Agad na nagtagpo ang aking mga kilay dahil sa galit.
"Good morning." bati niya. Naninimbang ang kanyang titig sa akin at napalunok nang makitang galit ako.
"What are you doing here?" I raised a brow.
Ginawaran niya lamang ako ng seryosong mukha bago magsalita. "I'm here to take Elliot to school. I hope you don't mind."
I crossed my arms, hindi sang-ayon sa kanyang gustong mangyari. I looled him in the eye before I spoke. "I am taking him to school. Habang wala pa tayong napagkakasunduang schedule, ako muna ang masusunod. Bring your lawyer here this afternoon nang mapagkasunduan natin ang custody agreement. For the mean time, ako ang magdadala sa kanya sa eskwelahan." mataray kong saad.
"Daddy Mick!" excited na boses ni Elliot ang umalingawngaw sa unit. Tumakbo siya papunta sa kanyang ama na agad naman siyang binuhat at hinalikan sa pisngi.
Muli ay naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib dahil hindi ko na naman mapigilan ang manghinayang.
"Good morning, buddy. How was your sleep?" si Mick.
"Good morning, Daddy Mick. My sleep was good. I was very tired last night that I fell asleep immediately when we got here." masaya si Elliot habang nagkwekwento.
"That's nice, bud. Are you ready for school?"
Binawi ko si Elliot mula kay Mick kaya ngayon ay ako na ang may karga sa kanya. "I am taking him to school. You can go now." I tried my best not to sound angry dahil nandito si Elliot.
"I'll take you both there. Ako na ang maghahatid sa inyo." Mick suggested.
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit bago ko ginawa iyon ay sinigurado ko munang hindi ako makikita ni Elliot. May multo na ng ngiti sa mukha ni Mick.
Apo appeared behind Mick. Masama agad ang kanyang tingin sa aking dating kasintahan.
"No need, Mick. Si Apo ang maghahatid sa amin." Nilagpasan ko siya habang dala-dala si Elliot. "Let's go, Apo." utos ko sa kanya at nilagpasan din siya upang magtungo sa elevator.
Hindi ko na nilingon pa si Mick at dire-diretso lamang ang aking lakad.
Nang makarating kami sa parking lot ay nagsalita ako.
"No need to send us to school, Apo. Sinabi ko lang iyon upang tigilan kami ni Mick. Our driver will take us there."
"Pwede namang ako na lang ang maghatid. Nandito na ba ang driver niyo?"
Tiningnan ko ang aking relo. It's still 8 in the morning at 8:30 ang napagkasunduan naming oras ng driver kaya wala pa siya. Nang makita ko si Mick na palapit sa amin ay pumayag na lamang ako sa offer ni Apo at dumiretso na sa kanyang maroon na sasakyan. Ayaw ko mg makipagtalo pa kay Mick.
Pare-pareho kaming tahimik sa byahe. Si Elliot ay mukhang malungkot.
"Are you sad, baby?" nilingon ko siya na mag-isa sa backseat.
"Why did we not use Daddy Mick's car, Papa?" nakayuko ang kanyang ulo at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.
Confirmed. Base sa tono ng kanyang boses, malungkot siya.
"Your Daddy Mick is a very busy man, baby. Let's not bother him, okay?" paliwanag ko.
Nakayuko pa rin siya. "But he said he wanted to take me to school."
Sa ginagawa ko, magmumukha akong kontrabida. Nagmumukha akong masamang tao dahil inilalayo ko sa bata ang kagustuhan niya.
"Your Daddy Mick will take you to school some other time, baby. Okay?" malambing ang aking boses, sinusubukang pagaanin ang kanyang loob.
Tumango lamang siya.
Napansin ko ang isang pamilyar na sasakyan na sinusundan kami. Of course, it was Mick's car. Ngunit hinayaan lang namin iyon at hindi nga yata napansin ni Apo na panay ang sulyap sa akin. Hanggang sa makarating kami sa eskwelahan ay nakasunod pa rin amg sasakyan ni Mick.
Pagkatapos maihatid si Elliot sa kanyang classroom at paalalahanan ng mga dapat niyang gawin ay hindi ko na hinintay pa na lapitan ako ni Mick at bumalik agad sa parking lot.
Masama ang titig niya kay Apo na nakasunod lamang sa akin.
Nang makabalik sa sasakyan ay saka lamang nagtanong si Apo.
"So Elliot is your son?" Ngumiti siya sa akin. "He looks so much like you."
"Yes." sagot ko. Pinaandar na niya ang sasakyan at nagumpisang magmaneho kung saan niya man ako dadalhin para sa date namin.
"I can tell that he's a really nice kid. Mana sayo." Ngayon ay nasa kalsada lamang ang buong atensyon ni Apo.
"Thanks. Sana nga at lumaking maayos."
"I'm sure he will. Lalo na at ikaw ang nagpalaki."
"Saan mo ba ako dadalhin sa date na ito?" pag-iiba ko sa usapan.
"Okay lang ba kung magsine tayo ngayong umaga?" tanong niya.
"Okay lang naman. As long as action film ang panonoorin natin."
"Yes. I did my research. Nabasa ko sa isa sa mga interview that you're really not into romantic films at mas gusto mo ang mga action."
"Nice. So what film will we watch then?"
"Those Who Wish Me Dead."
"I watched the trailer the other day. I think it's a good film lalo na at si Angelina Jolie ang lead."
---