Return of the Groom Chapter 28

Kabanata 25 Part 2

Nang makarating kami sa mall ay pinagtitinginan kamu ng mga tao. Apo and I are both so tall kumoara sa mga nakakasalubong namin. Bukod sa balat na agaw pansin ay tila iisipin mong artista ang kasama ko dahil sa kanyang kakisigan. Idagdag mo pa na sobrang bango niya!

We headed straight to the movie world. Wala pang ibang tao dahil hindi pa naman nagsisimula ang palabas.

Nagtaka lang ako dahil alas nuebe y media pa lang ng umaga ngunit bukas na ang mga sinehan dahil kadalasan ay alas dies y media pa naman ito nagbubukas. Ngunit ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.

Nasa pinakalikod na bahagi kami ng sinehan.

Nagsisimula na ang palabas ngunit napansin kong kami pa lamang ang tao.

"Bakit walang ibang tao rito?" tanong ko sa kanya na abala sa pagkain ng popcorn.

"I rented the whole cinema for us. Kaya tayo lang ang allowed na pumasok."

Ikinagulat ko iyon.

"You did what?"

He chuckled softly. "Don't be so shocked, Goob. Relax. Gusto lang kitang masolo."

"Hindi naman kailangang rentahan mo yung buong sinehan."

"Hayaan mo na. I've always wanted to rent a whole cinema for the person I like. Isn't it romantic?" aniya at nagpacute pa. Dinilaan niya ang kanyang labi at hinawi paatras ang kanyang buhok.

"Baliw!" natatawa kong saad at hinampas ang kanyang matigas na dibdib.

Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa palabas kesa rito kay Apo na maharot.

Hindi pa naglilimang minuto ay napansin ko ang kanyang pasimpleng paglagay ng kanyang isang braso sa ibabaw ng aking upuan. I eyed him closely ngunit nagkunwari siyang walang ginagawang kakaiba. He sipped on his Coke in can as he pretends to have his attention on the huge screen. Hinayaan ko lamang siya at nangiti na lang.

Sampung minuto ang nakalipas ay may lumapit na staff sa amin.

"Mga sir, pasensya na po. Pinapasara po ang sinehan ngayong araw ayon sa may-ari ng mall. Pero wag po kayong mag-alala, irerefund daw po kayo." nahihiyang saad ng babae.

Parehong kumunot ang noo namin ni Apo.

"What? I rented the entire cinema. Bakit daw ipinasasara?" nagugukuhang tanong ni Apo.

"Ewan ko po sir. Basta napag-utusan lang po, sir. Sabi ng management palabasin daw kayo. Pasensya na po talaga."

"You can't do that." reklamo ni Apo.

"Hayaan mo na Apo. Let's just do something else." saad ko at tumayo na. Hinigit ko si Apo palayo roon.

Muli ay kumunot ang noo ko nang makita si Mick na nakangisi sa may entrance ng sinehan.

Siguro ay siya ang nag-utos na ipasara iyon. Sigurado akong kaibigan niya ang may-ari ng mall. Sinamaan ko siya ng tingin nang lagpasan namin siya.

"Sa ibang lugar na lang tayo pumunta. What about the ocean park?" suggest ko. Mistulang nabadtrip na si Apo ngunit pinilit niyang pakalmahin ang sarili.

"Yeah. Let's just do that instead." sang-ayon niya.

Nagtungo kami sa Ocean Park ngunit mas lalo lamang nabanas si Apo nang hindi kami papasukin sa entrance.

"Pasensya na po, Sir Apo. Naka-ban po kayo rito. Nasa black list po kayo." paumanhin ng staff.

"How is that possible?" hindi na napigilan ni Apo ang pagtaas ng kanyang boses.

"Tumawag po kasi ang may-ari siguro five minutes ago. Ang sabi ay huwag kayong papasukin."

Ayaw ko ng mag-eskandalo pa kaya bago pa man sumabog si Apo ay hinigit ko na siya palayo roon. Nang makabalik kami sa parking lot ay natanaw ko si Mick na nakasandal sa kanyang sasakyan na may ngisi sa labi.

Gusto ko siyang lapitan at komprontahin ngunit hindi ko ginawa dahil ayaw kong sayangin ang lakas ko sa kanya.

Alas onse y media na ng umaga ngunit wala pa kaming nagagawa ni Apo sa 'date' kuno na ito.

Sigurado akong si Mick ang nananabotahe sa amin.

I was already feeling hungry with all the traveling we made so I invited Apo to eat at a restaurant. Kanina ko pa talaga napapansin na nakasunod lamang si Mick sa amin. Apo found a fine-dining restaurant.

Magjasalubong na ang kanyang kilay habang papasok kami roon. Luckily, pinapasok naman kami.

We were escorted to a two-seater table at agad na hinandugan ng wine. Afterwards, a waiter approached us to take our orders.

"We'd like to order your whole menu. Serve us everything." si Apo.

Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Bakit naman oorderin mo lahat?"

Pati ang lalaking waiter ay nagulat rin.

"So you have many to choose from." sagot ni Apo sa akin.

"Hindi na kailangan. Hindi natin mauubos yun."

"It's fine, Goob."

Iniwan na kami ng waiter upang ihanda ang aming order. Ngunit tatlong minuto ang lumipas ay nilapitan kami ng manager ng restaurant.

"I'm so sorry, Mr. Mansell. I know you're a very famous model but we have to ask your company to leave. Napag-utusan lang ng may-ari na hindi pwedeng pumasok si Mr. Apo rito sa loob."

"What? Are you kidding me?" hinampas ni Apo ang lamesa kaya tumunog ang mga utensils.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili nang makita si Mick na muling nakasandal sa kanyang sasakyan sa labas. Nangingiti siya habang pinagmamasdan kami.

"Stay here, Apo. I'll deal with Mick." saad ko at tumayo na upang magtungo sa labas. Nilapitan ko amg sasakyan ni Mick.

"What do you want, Mick?" galit kong tanong nang makaharap siya.

"You. I want you." seryoso niyang saad. Umigting ang panga ko dahil sa sobrang galit bago tumango-tango.

Umikot ako upang marating ang passenger seat ng kanyang sasakyan.

"Open the car!" galit kong utos sa kanya. Naguluhan siya sa una ngunit sinunod din naman ang gusto kong mangyari.

Mabilis akong sumakay ng kanyang sasakyan at ganoon din ang kanyang ginawa.

"Drive. Doon sa bahay mo." utos ko.

"Why?" he asked, confused by my action.

"Just fucking drive, goddamnit!" sigaw ko sa loob ng sasakyan.

He did as I asked. Pulang-pula ang mukha ko dahil sa galit at gustong-gusto ko ng sumabog.

Punung-puno na ako sa mga pinaggagagawa niya sa akin. He can't fucking leave me alone? Fine! I'll give him what he want.

He parked his car outside the gate. Mabilis akong bumaba ng kanyang sasakyan at nagtungo sa dati naming kwarto.

Naguguluhan man siya ay sumunod pa rin sa akin. When we got to our old room, hinarap ko siya pagkatapos isarado ang pintuan.

"You want me? Fine! Here!" sigaw ko.

Marahas kong tinanggal ang aking tshirt at itinapon iyon sa kung saan. Hinubad ko rin ang aking sapatos at pantalon kasama na ang aking boxers. Ngayon ay hubad na ako sa kanyang harapan ngunit nagngingitngit pa rin sa galit.

I opened my arms, offering myself. I clenched my jaw. "YOU FUCKING WANT ME? HERE! HAVE ME!" sigaw ko.

Kung kanina ay naguguluhan siya, ngayon ay unti-unti iyong napalitan ng galit.

Mas lalo lamang akong nagalit nang hindi siya kumibo. I could see the pain and anger in his eyes.

Nilapitan ko siya at marahas na pinunit ang kanyang damit. "TANGINA MO GUSTO MO AKO? HETO! ANO PANG HINIHINTAY MO?" I screamed.

"Stop it, Goob!" pigil niya sa akin ngunit hindi ako nagpaawat.

I harshly umbuckled his belt and unbuttoned his pants. Ibinaba ko ang kanyang pantalon.

"Stop!" he tried to push me away but I did not stop.

I shoved him to my chest. "This, you fucking want this? Fine! You can have what you fucking want!" mas lalo kong inginudngod ang kanyang ulo sa aking dibdib.

Tuluyan na akong kinain ng galit. Sinabunutan ko siya habang pilit na idinidikit siya sa aking dibdib. "What the fuck are you waiting for?!" sigaw ko. "Ibinibigay ko na nga ang gusto mo eh, di ba? Ano pa ba ang gusto mo tangina mo!"

Itinulak ko siya nang malakas kaya napunta siya sa higaan. I opened my arms for the second time. "What? Hindi ba ito ang gusto mo? Gago ano pang hinihintay mo? Gusto mo akong kantutin? Here! Tangina mo!"

Mistulang ibang Goob ang sumakop sa katawan ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman.

I am just trying to live a life pero heto siya at pilit akong ginugulo. Ngayong ibinibigay ko sa kanya ang gusto niya ay ayaw niya naman.

"Ano ayaw mo? Eh gago ka pala eh!"

Hindi ko na nakontrol ang aking sarili. Gulat na gulat siya dahil sa ipinakita kong galit kaya hindi siya makapagsalita.

Nang mainip ay isa-isa kong pinulot ang aking mga damit at nagbihis.

"Tigilan mo na ako, Mick. Utang na loob! Hayaan mo na lang akong maipaghiganti ang sarili ko sa mga taong nang-api sa akin!" nanggigigil kong saad habang nagbibihis. Nakatalikod ako sa kanya habang isinusuot ang aking pantalon. "I need you the most years ago but you weren't there for me. I needed you the most during my darkest of time, but you were there for someone else. You left me in the dark. At ngayong unti-unti akong nakakahanap ng liwanag, gusto mo itong patayin. Tigilan mo na ako. Bumalik ako upang maningil, hindi upang makipagbalikan sa'yo at ayusin ang relasyon natin."

Naramdaman ko ang kanyang mahigpit na pagyakap mula sa aking likod. "I'm so sorry, Goob." nabasag ang kanyang boses at narinig ko ang kanyang paghikbi. "I'm so sorry."

Hindi ko inasahan ang ganoong reaksyon sa kanya. He cried so hard like he was in so much pain. Sobrang higpit ng kanyang pagkakahayakap sa akin at ang pagkakahawak niya sa aking damit.

Sinubukan ko siyang itulak ngunit malakas siya kaya hindi ako nakakawala. "I'm so sorry." nagpatuloy siya sa pag-iyak. "I wasn't mentally stable back then. I was traumatized by my experiences in the past. I'm so sorry, Goob. I'm sorry. I'm so sorry if I hurt you." Hindi siya halos makapagsalita dahil sa paghagulgol.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.