Return of the Groom Chapter 5

Kabanata 3: Text

Hindi iyon ang huling araw na nagdala si Mick ng ibang lalaki sa bahay. Kagabi lang ay isang modelo na minsan ko ng nakatrabaho ang nakita kong pumasok sa gate. Alas diyes ng gabi na sila dumating kaya hindi na ako nag-abala na ipaalam kay Mick na gising pa ako.

Mabuti na lamang at malayo ang kwarto ni Gabo sa kwarto namin kaya hindi niya maririnig ang mga ungol nila mula sa kabilang kwarto.

And like the previous days, I cried myself to sleep. Sobrang hirap makatulog lalo na kung sa bawat ungol na naririnig mo ay mistulang hinihiwa ang puso mo.

"Ahhhh Mick."

"Fuck! Ahhh."

"Ang sarapppp!"

Iyon ang paulit-ulit kong naririnig.

Parang hindi manlang nila sinusubukang hinaan ang mga boses nila. Parang talagang sinasadya ni Mick na marinig ko para saktan ako. At matagumpay nga siya. Dahil sa bawat halinghing na naririnig ko, tumatagos iyon at dinudurog ang aking puso.

Ngunit napuyat man kagabi, maaga naman akong nagising kinabukasan. Ayaw ko na naman kasing umaga palang ay nagagalit na siya sa akin at takot akong baka buhusan na naman ako ni Mick ng tubig o di kaya ay itulak sa kama.

Lumabas ako ng aming kwarto. Hindi natulog si Mick sa aking tabi kaya sigurado akong sa kabilang kwarto siya natulog.

Malaking parte sa akin ang gustong buksan ang pintuan ng kwarto kung saan ay kasama niya ang kanyang katalik kagabi ngunit may parte rin sa akin ang naduduwag.

Paniguradong labis akong masasaktan.

Kaya ko nga bang makita si Mick na may kasamang iba sa kama? Hearing the moans of your boyfriend while he's having sex with someone else is one thing. Seeing him naked on the bed with another person who's not you is another. At sa dalawang iyon, mas masakit ang ikalawa.

Sa huli, nanaig ang tapang. Gusto kong itodo ang sakit. Nang sa gayon ay maging manhid na rin ang aking puso.

Kaya naman gamit ang nanginginig na kamay ay pinilit ko ang sarili na buksan ang pintuan.

Malakas ang kabog ng dibdib ko at mahigpit ang hawak ko sa doorknob upang doon kumuha ng suporta sakaling manlambot at manghina ang tuhod sa maaaring makita ng aking mga mata. Malakas ang kabog ng aking puso at pinigilan ko ang aking paghinga.

Napahawak na lamang ako sa aking dibdib at nakahinga nang maluwag nang makitang wala siyang katabi sa kama at nakadamit na siya.

The model might have left early, I guess. Mabuti na lang.

Nang muling isarado ang pinto at iniwan siya roon ay natawa na lamang ako sa aking sarili. Kalaunan ay napalitan iyon ng awa.

I am so pathetic! Paano ako nakaramdam ng ginhawa nang makitang wala siyang katabi sa kama eh halos hindi na nga mabura sa isipan ko ang mga ungol nila kagabi?

Nakakaawa ka, Goob. Sobra.

Bumaba na ako at naghanda ng almusal. Nasugatan pa ako dahil sa sariling katangahan dahil habang naghihiwa ng hotdogs, lumipad ang isipan ko at inisip ang mga ginawa nila sa kabilang kwarto kagabi. Kaya imbes na ang hotdoy ay kamay ko ang nahiwa.

Agad ko naman iyong hinugasan at nilagyan ng band-aid.

I am so clumsy. Hindi pa nga gumagaling ang napaso kong balat noong nakaraang araw ay may bagong sugat naman ako.

Tsk tsk.

Nang bumaba siya ay nakabihis na siya at handa ng umalis.

"Hindi ka ba rito kakain ng agahan?" tanong ko nang makitang kukunin na niya ang susi ng kanyang sasakyan.

"No. I'm having breakfast with Laurie." masungit niyang sagot.

Kumunot ang noo ko.

"Who's Laurie? A businessman?"

Mali siguro ang assumption ko na businessman iyon dahil sino ba ang nakikipag-usap tungkol sa negosyo sa almusal? Kadalasan ay sa lunch o dinner iyon.

"My fuckbuddy." He said coldly.

It was as if a sword pieced through my heart. Natigilan ako sa aking narinig.

Fuck!

I nodded slowly as I bowed my head. Nag-unahan ang aking mga luha sa aking mga mata ngunit mabilis ang aking pagyuko kaya marahil ay hindi niya iyon nakita. Nanginig ang aking mga labi at pagkatapos noon ay tinalikuran ko siya.

"Huwag kang aalis. Dito ka lang sa bahay." paalala niya.

Tumango lamang ako at tiningnan ang band-aid sa aking kamay.

I put effort to prepare him breakfast. Gumising ako nang maaga kahit puyat ako maipagluto lamang siya. Nasugatan pa ako at nahiwa ang kamay.

It hurts that he told me that he will have breakfast with his fuckbuddy. Sinabi niya iyon na parang wala lang. Na parang hindi ako maaapektuhan. Na parang hindi ako masasaktan.

Hanggang kailan ko kayang magtiis?

Nang makaalis si Mick ay agad kong tinext si Techno.

To Techno: Can you visit today? I need someone to talk to.

From Techno: Okay sige. Mag sick leave nalang ako today. Puntahan kita.

Alas dose ng tanghali nang dumating siya sa bahay. Dito na siya kumain at sabay-sabay kami nina Gabo.

"How are you Gabriel?" tanong ni Techno sa kapatid ko.

"I'm fine, Kuya Techno."

"How's your studies?"

"Okay lang po. Bukas po ulit pupunta rito yung teachee ko upang icheck ang modules at written assignments ko."

Gabo is currently a modular student. I asked his school kung puwede iyon dahil na rin sa kanyang health condition. Pumayag naman sila at kada lingo ay may ipinapadala silang guro upang icheckbat irecord ang kanyang activities. While some of his assignments are submitted online, there are some that are not.

"That's good. Aral ng mabuti ha. At magpalakas ng katawan."

"Opo Kuya Techno."

Pagkatapos kumain ay agaran ang pag-akyat ni Gabo pabalik sa kanyang kwarto. He usually spends his day answering his assignments. At kung tapos na ay maglalaro ng computer games.

Palagi niyang dala-dala ang kanyang portable oxygen tank dahil nahihirapan siyang huminga.

Ngayong kaming dalawa na lamang ni Techno sa hapag-kainan ay nagsimula na naman siya sa kanyang mga pangaral at paalala.

"What happened to your hand?" turo niya sa band-aid.

"Katangahan ko. Naghihiwa ako ng hotdog pero kamay ko yung nahiwa."

"Nako, siguraduhin mo lang ha! Pag yan si Mick ang may kasalanan nako! Makikita niya talaga!" nanggigigil ang kanyang boses.

"Hindi. Talagang ako lang ang may gawa nito." Nagsimula akong magligpit ng mga pinagkainan.

"Ewan ko ba sa'yo Gulf. Our other friends are religiously sending me photos of Mick with other guys and they always ask me if kayo pa ba. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hiwalayan mo na nga yan!"

"Alam mo namang hindi ko pwedeng gawin yan Techno." malungkot kong saad. "Gabo's medications are just so expensive."

"Sus. Puwede ka namang mangutang sa amin. Hayaan mo at magloloan ako at ipapautang ko sa'yo. Just break up with him already."

"I still want to fight for our love. Hindi lang para kay Gabo kung bakit ko ginagawa ito. I'm still hoping that the old Mick who loved me so much will return."

"Ako Goob, totohanan lang ha. Hindi ko naman maitatanggi na talagang kitang-kita ko noon kung gaano ka kamahal ni Mick. He was the sweetest, I give him that. Pero ngayon nagdududa ako kung mahal ka nga ba niya talaga noon, to think na nagagawa niya ang mga pangbababoy sa'yo ngayon!" tumaas ang kanyang boses.

"Hayaan mo na. Kaya ko pa naman." mahina kong saad.

"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Utang na loob, Goob!"

"I have to set aside my self pity. Mayroon akong ipinaglalaban."

"Wow! Hayaan mo at bibigyan kita ng award sa pagiging martir mo!" sarkastiko ngunit dismayado ang kanyang boses. "But really, Goob. Fight for yourself. Ayaw mo bang kasuhan iyong si Louis?"

Umiling-iling ako. "Gustuhin ko man, Techno, sadly wala akong resources. Mick would not support me."

"Hindi ko talaga maintindihan yan si Mick! Nanggigil ako diyan tangina! Ikaw yung boyfriend so he was supposed to believe you. Pero siya pa ang naunang manghusga!"

"Hayaan mo na."

"No. Hahanap ako ng abogado na mapagkakatiwalaan natin at siguradong maipapanalo ang kaso mo."

"Techno, listen to me. Hindi natin puwede gawin iyon. Louis is so filthy rich. Hindi natin sila kaya."

"Bwisit din kasi itong justice system natin sa bansa eh. Palaging sa mayayaman pumapabor."

"Alam ko. Kaya nga wala tayong laban. Believe me, gusto kong lumaban. Ngunit alam naman nating pareho na siguradong talo tayo." saad ko.

"Can't you at least just leave Mick and find another way to sustain Gabo's medications? Pauutangin kita at puwede mong bayaran sa mga susunod na taon na lang. Magloloan ako."

"Like I said, Techno, hindi puwede."

"Ewan ko sa'yo Goob. Ang sarap mong kurutin. Naiistress ako sa'yo!" sinubukan niyang paypayan ang sarili gamit ang kanyang mga kamay.

"Magbihis ka at ipapasyal kita. Mag-iisang linggo ka na rito sa loob ng bahay. Malapit ka ng magmukhang losyang!"

"Tss. Bawal akong umalis."

"Ugh! Pag ako hindi nakapagpigil Goob ako mismo ang sasakal sa'yo."

"Let's just stay here and watch a series. Ayaw kong dagdagan ang galit ni Mick."

"Don't you really want to just leave him and cancel the wedding?"

"Tapos na tayo sa usapan na ito, Techno." I said dismissively.

"Fine!" padabog siyang tumayo at nagtungo sa sala ng bahay. Narinig ko ang pagbukas niya sa tv.

Minabuti kong hugasan na muna ang mga pinagkainan. Pagkatapos ay sinamahan ko siya sa panonood.

Alas tre ng hapon at nasa kalagitnaan kami ng panonood nang tumunog ang cellphone niya.

"Fucker!" mura niya nang tingnan ang phone. "Tingnan mo yang boyfriend mo. Imbes na nasa office ay may kadate sa isang mall. Naka akbay pa talaga!" ipinakita niya sa akin ang screen.

It was a picture sent to him by Eloise, isa sa mga barkada namin. Kita sa picture na nakaakbay si Mick sa isang lalaki. Hindi iyon ang modelo na kasama niya kagabi. The picture was stolen at halatang patago ang pagkuha.

"Baka katrabaho lang." sagot ko kahit halata namang intimate sila sa isa't isa.

Naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib.

You are so funny Goob. Anong katrabaho lang?

"Hindi ko alam Goob kung saan ka ipinaglihi ng mama mo at nuknukan ka ng pagkainutil at pagtanga! Ewan ko nga sa'yo!"

"Alam mo namang masasaktan ako ipinakita at sinabi mo pa." reklamo ko sa kanya.

"Dapat lang ipakita at sabihin ko sa'yo nang masagad yang sakit at magising ka naman! Pag ako talaga hindi nakapagpigil iuuntog ko yang ulo mo sa pader nang sa gayon ay magising ka!"

"Tss." tanging nasabi ko.

Techno left the house at around 5 pm. Kahit alam kong okay lang naman kay Mick na dumadalaw si Techno ay ayaw ko namang magpang-abot ang dalawa dahil baka kung ano ang gawin ni Techno lalo na at galit na galit siya kay Mick.

Nagluluto ako ng hapunan nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone.

Mabilis ang pagkuha ko noon upang mabasa ang mensahe.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang galing iyon kay Mew. Hindi pa siya nakakauwi.

From Mick: Your place or mine tonight? Nabitin ako kagabi 😉😋

Nanginig ang aking mga kamay dahil sa nabasa kaya nabitawan ko ang aking cellphone. Tumunog ang pagbagsak noon sa sahig.

Sigurado akong wrong send ang mensaheng iyon.

Napansandal na lamang ako sa counter dahil sa sobrang panghihina.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.