Return of the Groom Chapter 6

Kabanata 4: Kiss

Sa araw na iyon, hindi umuwi si Mick. As I think about his text, maybe he resent it to the model and they agreed to meet at his place?

Iniisip ko palang iyon ay naninikip na ang dibdib ko.

Nagising ako na wala pa rin si Mick sa bahay. Alas nuebe ng Sabado at nanonood ako sa sala nang pumasok siya.

Unang beses iyon na hindi siya umuwi simula noong dito na ako tumira sa bahay niya, maliban nalang pag may business trips siya sa labas ng bansa. Tuwing may business meetings naman sa loob ng Pilipinas, palagi niyang sinisigurado na makakauwi siya sa akin.

He would always come home to me. Have dinner with me and Gabo. And after that, envelope me in a hug as we both try to sleep in our comfy bed. And on Sundays? He would prepare that candlelight dinner by the poolside. Palagi niyang kasabwat si Gabo sa paghahanda noon. Naalala ko pa nga na palaging mayroong Christmas lights sa may gazebo ng bahay habang kumakain kami.

He was the sweetest. Dahil nag-eeffort siya upang iset-up iyon.

But all of those are nothing but memories now. Dahil ang pagmamahal niya ay kinakain ng galit. Galit sa isang bagay na hindi naman totoo.

Gayunpaman, hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw, babalik din kami sa buhay namin noon.

That this is all but a nightmare. A nightmare to all of us. Not just for him, but also for me.

One day, this will all come to an end. And everything will be as it was before.

Hindi lang ako sigurado kung kailan ito matatapos. Ngunit umaasa ako.

Mick went straight upstairs. He did not even give me a kiss on my cheeks which he used to do before everytime he arrives home.

Nang bumaba siya ay tapos na siyang maligo at basa ang kanyang buhok kung saan may tumutulo pang tubig mula roon.

He sat at the other end of the couch. Tahimik at seryoso ang mukha.

He is still handsome. He has always been. And he will always be. Diretso ang kanyang titig sa screen ng tv.

I was watching The Flight Attendant. Hindi ako sigurado kung gusto niya ba ang pinapanood namin ngunit hindi naman siya nagreklamo.

Noon, tuwing sabay kaming nanonood ng series sa aming kwarto, hinahayaan niya na ako palagi ang pumipili ng panonoorin. Ngunit paminsan-minsan ay nagsusuggest siya at iyon ang panonoorin namin lalo na pag may bagong labas na series.

At tuwing nanonood kami, palagi siyang nakadikit at nakayakap sa akin.

Sadly, that will not be the case today. Dahil samahan niya man ako sa panonood ngayon, alam kong galit pa rin siya sa akin.

Tuwing naiisip ko na sa kama ng iba siya natulog kagabi, nasasaktan ako. Nawawala ang atensyon ko sa pinapanood.

To think that he was up all night, pleasing someone else, pains me a lot. A lot.

If I would look at the bright side, however, at least hindi ko sila narinig. Because they did it somewhere else. Somewhere far and from somewhere I cannot hear. Hindi kagaya ng mga nagdaang araw na hanggang ngayon ay klaro pa rin sa aking isipan ang kanilang mga ungol.

But still, it is hurting me.

Nilingon ko siya upang tingnan ang reaksyon niya habang nanonood. He was just serious. Kahit may mga nakakatawang scenes ay hindi siya nagrereact. Ganoon din ako.

Dumating ang bahagi kung saan ang dalawang bida ay nagkaroon ng bed scene. Napalunok ako at napalingon sa kanyang gawi. Ganoon pa rin ang reaksyon niya.

Ngunit nang umabot kami sa scene kung saan ang bidang babae ay may hinalikang ibang lalaki, doon na siya nagalit. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at kumunot ang noo bago mabilis na tumayo sa kinauupuan. Padabog siyang umakyat papunta sa aming kwarto.

Naiwan akong tulala habang pinagmamasdan ang tv screen. I guess he remembered me when he saw that scene?

I sighed.

Ano ba ang dapat kong gawin upang maniwala siya sa akin?

Nawalan na ako ng gana sa panonood kaya pinatay ko na lamang ang tv. I was lost in the moment, blankly staring at the remote control when the doorbell rang.

Lumabas ako ng bahay upang tingnan kung sino ang naroon.

"Good morning." bati sa akin ng isang guwapo at matangkad na lalaki. May dala siyang laptop bag.

"Good morning po. Sino po sila?" tanong ko sa kanya.

"I'm Mr. Thomas Hardung, Gabriel's new teacher in charge. Miss Pantino has been transferred to another school so I will takeover all her previous works. I'm here to check Gabriel's works." He smiled at me.

Sa hula ko, mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. Maayos ang kanyang tindig at kumakapit sa kanyang muscles ang puting uniform.

"I see. Pasok ka Mr. Hardung." imbita ko.

Nginitian niya ako.

"Just call me Thomas. And you are?"

"I'm Theodore Gustavo Laurence. But people call me Goob."

"Nice to meet you, Goob." He offered his hand for a handshake.

Tinanggap ko iyon. He shook my hand firmly. Nakita ko ang bahagyang pamumula ng kanyang mukha.

Mainit siguro?

Iginiya ko si Thomas papasok ng bahay at tinawag ang aking kapatid. Pagkatapos noon ay naghanda ako ng meryenda nila.

"Thanks." si Thomas nang ilapag ko sa table na nasa sala ang cheesecake. "Did you make these yourself?"

Tumango ako.

"Yes."

"Nice. Then I should really take a bite then." He winked at me.

Tss. Is he flirting with me?

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Gabo.

I gave Thomas a half-smile. "I'll leave you guys to your stuffs." Paalam ko sa kanila at umakyat na.

Naisipan kong tingnan kung ano ang ginagawa ni Mew. Dahan dahan ang pagbukas ko sa pintuan mg kwarto. I snuck my head inside the door to check and saw him on his work table.

Malaki ang bahay at mayroon siyang sariling work office ngunit may work table din siya sa kwarto dahil gusto niya noon na nakikita ako sa kama habang nagtratrabaho siya rito sa bahay.

Nang mapansin na nandoon ako ay tumigil siya. He gave me an angry look.

I gave him a weak smile and walked towards the table. Kinakabahan ako sa gagawin ko ngunit nilakasan ko ang loob ko.

I hope this works. Gusto ko lang talagang makipagbati sa kanya dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang mga darating na araw kapag magpatuloy kami sa pagiging ganito.

I looked him in the eyes. Ngunit mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Nang makalapit ako ay sinubukan ko siyang halikan.

But he was quick to push me. Malakas ang pagkakatulak niya sa akin at tumama ang likod ko sa bedside table. Nahulog ang picture frame na naglalaman ng larawan naming dalawa at nabasag ang salamin nito. Umalingawngaw sa kwarto ang tunog ng nabasag na salamin.

"Disgusting!" sigaw niya.

As I tried to maintain my balance, I accidentally stepped on a broken glass. Nasugatan ang gilid ng aking paa at dumugo iyon.

Naipikit ko ang aking mga mata dahil sa hapdi. Mahapdi ang sugat ng bubog, ngunit nasisiguro kong mas mahapdi ang binitawan niyang salita dahil talaga namang parang hiniwa ang aking puso.

Disgusting. Isang ingles na salita na amg katumbas sa wikang Filipino ay 'nakakadiri'.

Nakakadiri? Ganoon ba ako ka nakakadiri?

Galit niya akong tinitigan. Hindi ko alam kung nakita niyang nasugatan ako ngunit sigurado akong nakita niya ang sakit sa aking mukha. My lips trembled as I tried to stop myself from crying. Nangilid ang mga luha ko.

Akala ko ay lalapitan niya ako at hihingi siya ng tawad. Akala ko, aaluin niya ako. Ngunit akala ko lang iyon.

Mabilis niyang dinampot ang kanyang laptop at galit na umalis ng aming kwarto.

Doon na bumuhos ang aking mga luha. Habang pinagmamasdan ang aming larawan na napapalibutan ng mga bubog, hinayaan ko ang sarili na umiyak.

His word was like a very sharp knife that has sliced my heart. Kahit malaki ang sugat sa aking paa, halos hindi ko maramdaman ang sakit doon dahil natatakpan iyon ng sakit sa aking puso.

Napaupo na lamang ako sa kama habang umiiyak. Hanggang sa matulala ako.

Nang makabawi ay pinilit ko ang sarili na tumayo. Kalahating oras siguro ang aking pag-iyak at kalahating oras din ang aking pagkatulala. Matigas na ang dugo na nakapalibot sa sugat kaya nagpunta ako sa cr upang linisan iyon.

Mahaba ang sugat, ngunit mabuti na lamang at hindi malalim. It did not really affect the way I walked.

Napabuntong hininga ako. Mabuti at hindi mapapansin ni Gabo. Pinili kong hindi na iyon lagyan ng band-aid dahil mahahalata ang sugat.

Hinarap ko ang sarili sa salamin. Namumugto ang aking mga mata dahil sa pag-iyak.

Tanga mo Goob. Bakit ka napasobra sa iyak? Ngayon ay halata iyon sa mga mata mo.

Alas onse ng umaga nang bumaba ako upang maghanda ng tanghalian. Bago magluto ay tiningnan ko muna sina Goob at ang kanyang guro.

"Tapos na kami Goob." si Thomas nang makita ako. Kumunot ang kanyang noo nang may mapansin. "Did you cry? Your eyes are kind of swollen."

Dahil sa kanyang sinabi ay napatitig sa akin si Gabo, mistulang ineeksamin ang aking mukha.

"I did not. Napuwing lang." pagsisinungaling ko.

Jokes on me! Dahil nakita ko sa kanilang mga mukha na hindi sila naniwala sa palusot ko. Ngunit tumango na lamang si Thomas samantalang masama ang tingin sa akin ni Gabo.

"Anyway, dito ka nalang kumain, Mr. Hardung." imbita ko sa kanya.

"No. Nabusog na ako sa cheesecake na masarap. Nakakahiya naman kung dito pa ako mananghalian." nagkamot siya ng ulo.

Tumango na lamang ako. Nagsimula silang magligpit ng mga gamit.

"Thank you Sir." si Gabo.

"No problem. Make sure to finish all your tasks by next week. If you have questions, you can send me message through Messenger or you can call me."

"Okay sir."

"Hatid na kita sa labas." offer ko.

Iginiya ko siya hanggang makarating kami sa gate. He spoke before I got to open it.

"What happened to your feet?"

Kumunot ang noo ko. Bakit ba ang dami-daming napapansin nitong si Thomas?

"None of your business Thomas. Bat ba ang dami mong tanong? Detective ka ba?" masungit kong saad.

"Ang sungit naman." he smiled, halatang nag-eenjoy dahil sa reaction ko. "Pasalamat ka cute ka. Pakurot nga." biro niya.

Ang landi niya! Pasalamat din siya at guwapo siya! Hmp!

"Tss. Whatever."

"By the way, puwede bang mahingi ang number mo?" tanong niya at nagkamot ng ulo.

"May boyfriend na ako. I mean fiancé." humina ang boses ko sa huling salita.

Fiancé? Wow. Goob. Big word.

"So?" nagtaas siya ng kilay.

"So don't text me and stop flirting."

"Ow. What makes you think that I'll flirt with you?" he smiled devilishly.

He's handsome, really. Pero wala. Mas guwapo pa rin para sa akin si Mew.

"Then why are you asking for my number?"

"I will inform you about updates concerning your brother's performance."

Pinamulahan ako ng mukha. Okay. Naging assuming ako about that.

"Okay fine. Give me your phone."

He handed me his phone at inilagay ko naman agad ang aking numero.

"Thanks. Alis na ako Mr. Sungit." aniya at lumabas na ng gate.

"Che!"

Nakita ko ang paglapit niya sa isang motor. Kumunot ang noo ko.

"Nakamotor ka lang?" I asked. "Ang init init kaya. Kaya pala amoy araw ka!" I laughed.

Biro ko lang iyon. He actually smell so good.

Namula ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi at sinubukang amuyin ang polo. Mas lalo akong natawa.

"Really? Hindi naman ha?" sinamaan niya ako ng tingin.

"Oo kaya. HAHAHA."

"Bahala ka na nga!" ngayon ay siya naman ang masungit.

He skillfully rode on his motorcycle and drove away. Pinagmasdan ko ang kanyang motor hanggang sa mawala iyon sa aking paningin.

Isang malakas na busina ang gumulat sa akin.

Limang pamilyar na mga sasakyan ang nasa driveway namin. Bumukas ang bintana ng nauunang sasakyan.

"Open the fucking gate, idiot!" sigaw ni Sining, isa sa mga barkada ni Mick.

Mali, ang bestfriend at pinaka close ni Mick sa kanilang barkada.

"Shut up, Sining. You don't need to be rude to Goob." si Bright at bumaba sa kanyang sasakyan upang siya na mismo ang magbukas ng gate.

"Sorry about him. He's a dick." paghingi niya ng paumanhin sa sinabi ni Sining. Tumango lamang ako.

Si Bright ang pinakamabait sa akin sa kanilang magkakaibigan. He was not with us noong gabing nangyari ang panggagahasa sa akin ni Louis.

Minsan na rin siyang umamin na may gusto sa akin.

Pagkatapos buksan ang gate ay bumalik siya sa kanyang sasakyan at isa-isa nilang ipinark ang kani-kanilang kotse sa aming malawak na garahe.

Mick's friends are here. Ang mga kaibigan niya na nakasama ko noong gabing bumago sa buhay ko.

Nang makalabas sa kanilang mga sasakyan ay saktong paglabas ni Mick sa bahay.

Nanlambot ang aking mga tuhod nang mabilis na nilapitan ni Mick si Sining at ginawaran ng isang malalim na halik sa labi.

Gustuhin ko mang ipikit ang aking mga mata, huli na ang lahat dahil nakita ko na.

Kitang kita ko ang paglabas ng kanyang dila at kung papaano iyon sinipsip ni Sining.

I almost fell to the ground. Sobra ang panghihina ng aking tuhod ngunit pinilit ko ang sarili na manatiling nakatayo.

Nakaramdam ako ng awa sa sarili. Ngunit unti-unti iyong napalitan ng sakit.

Sa akin ay nandiri siya? Samantalang laban na laban siya sa kaibigan niya? At sa harapan ko pa talaga?

Hindi ko alam kung papaano ako magrereact. Hinayaan ko lamang ang aking sarili na manatili roon. Hinayaan ko ang aking puso na mistulang pinipiga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.