Kabanata 5: Unconscious
"Prepare our snacks." utos sa akin ni Mick bago iginiya ang kanyang mga barkada papasok ng bahay.
Napatango na lamang ako habang nakayuko. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang aking mga luha. Mabuti at hindi nila iyon nakita.
Nang mapansin na wala na sila ay saka ako nagtaas ng ulo. Bright was still there, watching me with sad eyes.
Nilapitan niya ako at tinapik ang aking balikat.
"Hang on in there, Goob. You'll get through it all." aniya sa isang malungkot na boses at pagkatapos ay sumunod na sa kanila papasok.
Mas lalo akong naiyak.
Hays. Sobrang sakit.
Ngunit imbes na magmukmok ay pinilit ko ang sarili na maghanda ng kanilang meryenda at kakainin para sa tanghali.
Nasa pool area na si Mick at ang kanyang mga kaibigan. Mula sa kusina ay makikita mo ang pool area.
Mick is sitting on a sun lounger. Nakakandong sa kanya si Sining.
Habang nagluluto ay bumaba si Gabo dala-dala ang kanyang portable oxygen tank mula sa kanyang kwarto.
"Kuya, bakit nakakandong kay Kuya Mick ang lalaking iyon?" galit niyang tanong.
"Hayaan mo na Gabo. Ganyan siguro silang magkakaibigan." nagkibit ako ng balikat at nagpatuloy sa pagluluto.
"Have you been crying?" mariin ang kanyang pagkakabigkas sa mga salita.
"It's the onions. Alam mo na."
"No. Namumugto na ang mga mata mo even before you started cooking. And I know that you were with Kuya Mick before that!" Ikinuyom niya ang kanyang kamao.
"Go back to your room Gabo." utos ko sa kanya. "Gawin mo nalang iyong mga assignment na pinapagawa ng Sir Thomas mo."
"I am not a child anymore, Kuya Goob. I know everything that's happening. Can we just leave this house? Can we just leave Kuya Mick?"
"Gabo, we are not discussing this. Please just go back to your room." Pinigilan ko ang pag-iyak.
Hindi natin puwedeng iwanan ang Kuya Mick mo, Gabo. We need him. I need him.
Ngunit naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Tahimik kami pareho. Hinayaan ko lamang ang aking kapatid na yakapin ako.
Pagkalipas ng sampung minuto ay kumalas din siya sa yakap at mabilis na umakyat papunta sa kanyang kwarto. Mabibigat ang kanyang mga hakbang.
"Well, well, well. If it isn't the cheater." narinig kong may nagsalita sa aking likuran. Nilingon ko ang nagsalita.
Si Sining.
"Go away, Sining. I don't have time for you." pagtataboy ko sa kanya.
Ipinagpatuloy ko ang pagluluto.
"Aba napakabastos!" galit niyang sambit. "Ikuha mo nga ako ng tubig!"
Ngunit hindi ko siya pinansin.
"Wala ka talagang kwenta! Hindi ko alam kung ano ang nakita sa'yo ni Mick at mahal na mahal ka niya noon. Mabuti at natauhan na siya ngayon! Ikuha mo nga sabi ako ng tubig!"
Humigpit ang hawak ko sa sandok habang naggigisa ng para sa kaldereta.
Ginagalit ako ng lalaking ito. Binitiwan ko ang sandok at lumapit sa counter upang kumuha ng baso. Nanginginig ang aking mga kamay habang nagsasalin ng tubig. Nang mapuno ay binigay ko iyon sa kanya.
"Ayan. Mukhang uhaw na uhaw ka. Uhaw na uhaw sa atensyon ni Mick." saad ko pagkatapos niyang tanggapin ang baso. Hawak ko sa kabilang kamay ang plastic na pitsel.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"How dare you!" sigaw niya at ibinuhos sa akin ang malamig na tubig.
Natigilan ako sa ginawa niya.
"Get the hell out of my face!" dagdag niya. Nanlaki ang mga mata ko nang duraan niya ako sa mukha.
Nag-init ang aking ulo sa ginawa niya. Kaya naman ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at hinampas ko siya ng pitsel na mahigit kalahati pa ang tubig ang laman. Sinigurado kong malakas ang pagkakahampas sa kanyang mukha kaya halos matumba siya ngunit napakapit siya sa countertop.
Nabitawan niya ang babasaging baso kaya nahulog iyon at nabasag. Nagkalat sa sahig ang bubog kasama na ang tubig na kanina lamang ay nasa loob pa ng pitsel.
Pasalamat siya at sinadya kong plastik ang kunin. Because if it was the glass one, siguradong duguan ang mukha niya ngayon at sinusugod na siya sa ospital.
"Huwag mo akong sinusubukan Sining!" banta ko sa kanya.
"Fuck you!" sigaw niya at sinuntok ako.
Mahina ang kanyang suntok, marahil ay hindi pa nakakabawi sa ginawa kong paghampas sa kanya. Ngunit sapat na iyon upang bahagya akong matumba.
I found my balance. Ginatihan ko siya ng suntok kaya natumba siya. Naidiin niya ang kanyang mga kamay sa sahig na may iilang bubog.
"Fuck!" daing niya sa sakit dahil nasugatan ang kanyang mga palad.
Buti nga sa kanya!
I heard the boys running towards the house from the pool area. Nawala ang tapang ko nang makita ang galit na galit na mukha ni Mick.
Mabilis niyang dinaluhan si Sining na umiiyak sa sahig.
"I was just trying to get water but he smashed me with the pitcher." iyak niya. "Look at my hands." ipinakita niya kay Mick ang sugatan niyang kamay.
Umigting ang panga ni Mick at mabilis na tumayo. Hinawakan niya ang aking mukha gamit ang isang kamay.
Sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak na halos masugatan ang aking mukha.
Pinigilan ko ang pag-iyak. Umiling ako bago magsalita.
"He's lying. Binuhusan niya ako ng tubig at dinuraan sa mukha kaya ko siya hinampas ng pitsel." nabasag ang aking boses.
Mick's eyes were burning with anger. But I am sure that my eyes reflected the truth.
I wasn't lying. And I'm sure that he can see it in my eyes.
"Tama na yan, bro." pigil sa kanya ni Bright.
Ngunit hindi niya ako binitiwan. Mas lalo lamang siyang nagalit.
I almost cried in pain because of how tight his hands gripped my face.
"Bro, I said stop it!" muling pigil ni Bright. Ang iba niyang kaibigan na sina Pete at Kao ay dinaluhan na si Sining. Samatalang nanatiling nakatayo si Dean na nanunuod sa amin.
Binitiwan ako ni Mick sa pamamagitan ng pagtulak sa akin. Malakas ang kanyang pagkakatulak kaya tumama ang likod ko sa counter.
Napaliyad ako sa sakit ngunit hindi nila nakita iyon.
Tinalikuran ako ni Mick upang daluhan si Sining at inalalayang tumayo.
Naamoy ko na ang nasusunog kong niluluto.
"Let's bring him to the hospital." Mick's voice was filled with concern.
Bright tried to help me get up but I declined his offer. Pinipigilan ko ang aking luha habang tulalang nakatitig sa mga bubog at tubig na nagkalat sa sahig. Niyakap ko ang aking mga tuhod.
Makalipas ang dalawang minuto, tahimik na ang buong bahay. Nakaalis na sila ngunit nanatili akong nakaupo roon.
Isa-isa ang pagtulo ng aking mga luha.
Heto na naman ang sakit.
Parang pinipiga ang puso ko.
Mick chose his friend over me, his boyfriend. His fiancé.
Hindi mabura sa isipan ko ang galit na gakit niyang mukha.
Pinilit ko ang aking sarili na tumayo dahil nangangamoy na sa buong bahay ang pagkasunog. Nanginginig pa ang kamay ko nang subukan kong patayin ang stove.
Wala na si Mick at ang kanyang mga kaibigan at sigurado akong hindi na sila babalik dito upang kumain.
Kahit hindi pa masyadong nakakabawi sa pangyayari, kinumbinsi ko ang sarili na magluto ulit para sa amin ni Gabo.
Nang matapos ay naligo ako at nagbihis ng pang-alis. Tinawag ko si Gabo upang kumain.
Ngunit hindi niya ako sinabayan dahil busog pa raw sa kinaing meryenda kasama si Thomas.
Pagkatapos kumain ay umalis ako ng bahay. Sigurado akong magagalit si Mick kapag nalaman niyang umalis ako ngunit bahala na. Hindi ko proproblemahin iyon sa ngayon. Sinadya kong iwanan ang aking cellphone upang hindi ako macontact. Binilin ko kay Gabo na kung may emergency ay si Techno ang tawagan.
I needed air. Mistulang hindi ako makahinga sa bahay lalo na at bawat bahagi noon ay unti-unting napupuno ng masasamang ala-ala.
I went to the nearest mall to watch a movie. Hindi ko masyadong sineryoso ang pagpili ng panonoorin.
"Anong movie sir at ilang ticket?" tanong sa akin ng cashier sa Movieworld.
"Kahit ano." I handed her a 500 peso bill.
Binigyan niya ako ng ticket at sukli. I proceeded to the right cinema.
Sa loob ng sinehan ay wala akong ginawa kundi ang tahimik na umiyak at yakapin ang sarili.
I embraced all the pain. Hinayaan ko ang sarili na namnamin ang lahat ng sakit.
Mabuti na lamang at madilim ang paligid at walang tao na malapit sa akin dahil hindi puno ang sinehan.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak nang may tumabi sa aking lalaki. He handed me a handkerchief.
Umiling ako at hindi iyon tinanggap.
Nagulat ako nang siya na mismo ang nagpahid sa aking mga luha.
"I hope you don't mind." his voice was sad. "I know that it's heartbreak but I don't know how much pain you're feeling right now. But I want you to know that you don't need to be alone." He smiled weakly.
Malapit ang kanyang mukha sa akin. Madilim man sa loob ng sinehan, I can still say that he is handsome.
Wrong. He is super handsome. Kagaya ni Mick ay singkit ang kanyang mga mata at malaki ang pangangatawan.
Sa sobrang lapit niya sa akin ay naaamoy ko na ang kanyang pabango. He smells so good.
"I'm Apo by the way." aniya.
"Goob." maikli kong sagot. Kinuha ko sa kanya ang handkerchief.
"Stop crying. Cute ka pa naman."
"Tss. Just leave me be. I came here to cry."
"Are you for real? Ang ganda kaya ng palabas. Tama na ang pag-iyak at samahan mo nalang ako manood. I have snacks." Ipinakita niya sa akin ang isang bucket ng Chickenjoy at dalawang malalaking milktea.
"Why do you have two milkteas?" tanong ko sa kanya habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.
"My date ditched me. Pero okay lang. Puwede bang ikaw nalang ang date ko? Hehe." nahihiya niyang tanong. "Tutal mukhang wala ka rin namang date at parang kagagaling mo lang sa heartbreak."
"Tss. Pahingi nga ng Chickenjoy mo. Kakaiba ka rin noh? Chickenjoy ang baon sa sinehan."
"Favorite ko kasi." aniya at ibinigay sa akin ang bucket.
"Puwede bang akin nalang ang mga balat?" tanong ko sa kanya.
"What? Wait. Let me think about it." Umarte siyang nag-iisip. "Fine. Dahil heartbroken ka naman, papayag ako. Bit note that I don't, I mean never, as in never ko pang ibinigay ang balat nf Chickenjoy ko. Kaya maswerte ka."
"Salamat."
He also handed me the other milktea.
Kahit papaano, kumalma na ang aking puso. Thanks to this stranger.
Somehow, I have forgotten about my problems. I have forgotten about my pain. I have forgotten about Mick.
Maganda naman pala ang palabas. It was Love and Monsters. Free seating iyon, meaning puwede kang tumambay sa loob ng sinehan kahit ilang oras mo pa gusto.
Kaya ang ending, tatlong beses naming pinanood ang palabas.
Apo was fun to be with. Palagi niyang ibinabahagi sa akin ang kanyang reaksyon. Minsan natatawa ako.
He's probably just doing this to make me happy.
"Bakit mo pala ako nilapitan?" tanong ko habang nasa kalagitnaan kami ng ikatlong panonood.
"I was just sad that someone was crying. Sa una akala ko umiiyak ka dahil sa palabas. But when I noticed that you were still crying in happy scenes, I knew you had a problem."
"Salamat."
"No problem."
"Anong oras na pala?" tanong ko sa kanya at itinuro ang kanyang relo.
"It's almost 9 pm. Last full show na ito."
What the hell?
"Holy shit! Alas nuebe na?"
Patay ako nito! Siguradong nakauwi na si Mick! How could I miss the time?
Mabilis akong napatayo sa pagkakaupo.
"Thank you for everything Apo. Til next time." paalam ko sa kanya.
"Glad to help. San umayos ang pakiramdam mo." aniya.
Mabilis akong tumakbo palabas ng sinehan at ng mall at nagtawag ng taxi.
Kinakabahan ako. Sana hindi pa nakakauwi si Mick.
Ang tanga tanga mo Goob! Bakit mo nakalimutan ang oras?
Kahit gabi na ay malubha pa rin ang daloy ng trapiko. Ang isang oras na biyahe ay inabot ng dalawang oras. Kaya ang ending ay alas onse na nang makarating ako sa bahay base sa oras na nasa taxi.
Nanginginig ang aking kamay nang subukan kong buksan ang pintuan ng bahay.
Nakapatay na ang mga ilaw kaya hula ko ay natutulog na sila.
Ngunit nang ipihit ko ang door knob, nakalock iyon.
Sinubukan kong magtungo sa may pintuan sa may pool area ngunit sarado rin ang pinto.
I wanted to knock so bad. Ngunit natatakot ako na baka magising ko si Gabo.
I am sure that he did not lock the door. Marahil ay si Mick iyon. Tama. Mick locked the doors.
Maybe to stop me from getting in?
Nanikip ang dibdib ko. Saan ako matutulog nito? Rito sa labas?
Pero marami ang lamok!
Ayaw kong pumunta sa bahay nila Mild dahil ayaw kong makaistorbo.
Puwede naman akong maghotel! But when I checked my wallet, wala na akong cash.
Why did Mick lock the door? Gusto niya ba talagang dito ako matulog sa labas?
It seems like I have no choice. Kaya naman ay sa malamig na sahig ako natulog.
Sa una ay nahirapan ako dahil matigas iyon at marami ang lamok na dumadapi sa aking katawan.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing iyon.
Basta nagising ako kinabukasan na nilalagnat at nanghihina ang aking katawan. Sinubukan kong buksan ang pintuan ngunit sarado pa rin iyon.
Sa sobrang hina ng aking katawan ay natumba ako at tumama ang aking ulo sa sahig.
Hirap na hirap akong imulat ang aking mata. My body feels so weak.
Nang sinubukan kong imulat ang aking mga mata ay napansin ko ang dugo sa sahig. Naramdaman ko ang pagkabasa ng aking ulo at mukha.
"Goob! Wake up!" nag-aalalang boses iyon ni Mick.
Masakit ang aking ulo at nahihirapan akong imulat ang mata. Nilalamig din ang nanghihina kong katawan.
"Fuck. Don't close your eyes, Goob. Stay conscious. Stay with me."
Naramdaman ko ang pagbuhat ni Mick sa aking katawan.
"Gabo, open the damn gates! Fuck! Stay with me Goob. Don't close your eyes."
Nang muli kong sinubukang buksan ang aking mga mata, napansin ko sa mukha ni Mick ang labis na pag-aalala.
Naramdaman ko ang maingat na paglapag ni Mick sa akin sa kanyang sasakyan.
Ang takot sa kanyang mukha ang huli kong nakita bago ako tuluyang nawalan ng malay.