Kabanata 6: Blood
Mukha ni Gabo ang una kong nakita nang magising ako. Naramdaman ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay at napatayo siya mula sa pagkakaupo nang makitang gising na ako.
Nasa isang hospital room ako at napansin kong may dextrose na nakakabit sa aking kamay.
"K-kuya!" nag-aalala ang kanyang boses.
Isang lalaki na may seryosong mukha ang nasa kanyang likuran at lumapit din sa akin.
"I'll call the doctor." paalam ni Gabo at mabilis na lumabas ng silid.
Naiwan ako kasama ng lalaki. Nanatili ang kanyang pagiging seryoso ngunit mababakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Hindi siya makatangin sa akin nang diretso, mistulang nahihiya dahil may kasalanan.
Hinintay ko siyang magsalita ngunit walang tinig na lumabas mula sa kanyang bibig.
"Mick." mahina kong sambit.
He did not react. Tiningnan niya lang ako saglit at mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
Hindi nagtagal ay pumasok si Gabo at sumunod sa kanya ang isang guwapong lalaki na nakasuot ng white coat at may stethoscope na nakasabit sa kanyang leeg.
Lumapit ang doktor sa akin kaya tumabi si Mick. Gakit siyang tinitigan ng aking kapatid.
"Hi. I'm Dr. Billkin and I'm your doctor." ngumiti ang doktor sa akin at nagpakita ang kanyang dimples sa pisngi. "How are you?"
"I'm feeling fine, doc." mahina kong sagot.
Nanghihina pa rin ang katawan ko.
"Do you feel any pain on your head? You had a concussion."
"Wala naman, dok."
Tumango siya. "Good. We've done a CT scan on your head and we found no problem. However, we've conducted a blood test and found out that you have dengue. That explains your fever. And the dextrose. You will stay here in the hospital for the next couple of days for monitoring. For the mean time, please take a rest."
"Thank you, dok."
Pagkatapos noon ay lumabas na siya ng silid at naiwan kaming tatlo. Lumapit si Gabo sa hospital bed at naupo sa aking tabi.
My body shivered because of the cold.
"Is it cold Kuya?" tanong ni Gabo.
"Yes. Puwede bang pakihinaan ang air-"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil hininaan na iyon ni Mick. "Salamat." saad ko ngunit hindi niya pa rin ako pinansin.
"Okay ka lang ba talaga Kuya? Are you hungry?"
"Wala akong ganang kumain, Gabo. Anong oras na ba? Ilang oras akong tulog?"
"You've been here since 7 AM. Alas dos na ng hapon. You need to eat lunch."
"Mamaya na lang. I feel dizzy."
"At least drink water."
Tumayo siya upang kumuha ng tubig.
"Tabi." Gabo gritted his teeth as he ordered Mick to step aside. Nakaharang kasi sa cabinet na may mga pagkain.
"Gabo, watch your tone!" saway ko sa kanya.
Mick did not seem angry at Gabo's attitude. Sumulyap siya sa akin bago tahimik siyang tumabi sa daan.
Nang bumalik si Gabo sa akin dala ang water bottle ay magkasalubong ang kanyang mga kilay.
Lumabas si Mick ng silid.
Hays. Naninikip na naman ang aking dibdib. Yun lang yun? Hindi niya manlang ako kinausap? Hindi niya manlang ako kinamusta?
The last time I was here in the hospital was when I was over fatigued because of modelling. He was so concerned back na kahit puwede namang magpahinga na lamang ako sa bahay upang makabawi, nagpumilit talaga siyang dalhin ako sa ospital upang maalagaan nang mabuti.
Nanghina ang aking katawan habang nakayakap ako sa kanya. Ngunit hindi naman ako nawalan ng malay.
"What's wrong?" punung-puno ng pag-aalala ang kanyang boses.
"I'm just tired. Maybe because of work."
"I'm taking you to the hospital."
"No need to go to the hospital, Mick. I just need rest and later on, I will be fine." kumbinsi ko sa kanya ngunit nagsalubong lamang ang kanyang mga kilay.
"No. I am taking you to the hospital." kumuha siya ng susi ng sasakyan. "I want you checked. Just to make sure."
"It won't be necessary. I'll just rest, okay?"
He cupped my face gently. His eyes were so worried.
"No, baby. You know that it will only bother me. You know how much I don't want to lose you. Kaya kahit ano pa man yan, I want a doctor to check it." He kissed my forehead.
Kaya wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya at nagpaadmit sa ospital.
Ganoon siya kaalaga noon. I was everything to him. Kaya masisisi niyo ba ako kung ayaw kong basta-basta nalang sumuko?
"Tss. Piece of shit!" bulong ni Gabo sa kanyang sarili.
"Language, Gabo." muli kong saway sa kanya.
"Kuya, I know you did not sleep in the house last night. Hindi ka ba pinapasok ni Kuya Mick kagabi?"
"No, Gabo. I slept in your Kuya Techno's house. Don't blame your Kuya Mick." I lied.
"Don't lie to me, Kuya. Kuya Techno was here and he had no idea what happened to you!"
Uminom ako sa water bottle. "Gabo, please let me rest muna. We'll take about this next time."
"Kuya, iwanan mo na si Kuya Mick, please. He's an asshole. He's hurting you."
"Don't say that, Gabo."
"Fine!"
Umalis siya sa aking tabi at naupo sa sofa malayo sa akin.
The hospital room is private kaya may sariling mga kagamitan kagaya ng sala set, refrigerator at cr.
Kaya imbes na makipagtalo sa aking kapatid, minabuti kong matulog na lamang dahil nanghihina pa ang aking katawan.
Nagising lamang ako nang marinig na nagtatalo si Techno at ang aking kapatid.
"Gabo, the doctor said that you need to go home. It's too risky for you to be here in the hospital at prone ka daw na mahawaan ng sakit." si Techno.
Nagkusot ako ng aking mga mata.
"No, Kuya Techno. I want to stay here with Kuya Goob. Kuya Mick is not even here to take care of him."
"Ako na ang bahala sa Kuya mo. Umuwi ka nalang."
Napansin ni Gabo na gising na ako.
"Kuya!"
"Ang ingay niyong dalawa." reklamo ko sa kanila. "Natutulog yung tao eh."
"Nako Goob, magkapatid talaga kayo. Parehong matigas ang mga ulo. Pagsabihan mo nga yang kapatid mo!"
"Gabo, tama si Kuya Techno mo at ang doktor. It would be best for you if you just go home. Your immune system is weak."
"No. I don't want to."
"Techno, please call him a cab. Uuwi na yan."
Inilabas ni Techno ang kanyang cellphone at tumawag ng Grab.
"I said I don't want to!" protesta ni Gabo.
"Don't make this harder for your brother than it should be, Gabo. Huwag matigas ang ulo!" Hindi na napigilan ni Techno ang pagtaas ng kanyang boses.
"Please, Gabo. Wag ng matigas ang ulo. For Kuya." pakiusap ko sa kanya. "I will be fine."
He crossed his arms. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at galit na tinitigan ang kanyang sapatos.
"I know this sounds frustrating to you, but this is for your health." dagdag ko.
"Okay, okay." pagsuko niya. "Just promise me that you will take care of yourself." Hinarap niya si Techno. "And Kuya Techno, please take care of my Kuya."
"I will, Gabo. Ihahatid na kita sa labas. Your taxi is now waiting." Techno motioned Gabo to go out with him. "Ihahatid ko lang tong kapatid mo. It won't be long."
Tumango ako. Gabo came near me to give me a kiss on my cheeks. Pagkatapos noon ay umalis na sila.
I glanced at the wall clock and noticed that it was already 7pm.
Hindi pa nag-iisang minuto ay muling bumukas ang pintuan. Akala ko si Techno na iyon ngunit mali ako.
Bright came inside the room. Bitbit niya sa kanyang mga kamay ang dalawang paperbags.
"Hi." bati niya sa akin. Agad kong napansin ang kanyang putok na labi.
Sinubukan kong maupo ngunit nahirapan ako kaya mabilis niya akong dinaluhan upang tulungan.
"S-salamat."
"How are you?" nag-aalala ang kanyang boses. "I just heard about your condition."
"I'm fine. Dengue daw sabi ng mga doktor."
Tumango lamang siya kaya nabalot ng katahimikan ang buong silid.
"You did not have to come here."
"It's nothing. I was just worried. Here." Iniangat niya ang kanyang mga dala at inilapag iyon sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain. "I brought you fruits."
"Thank you."
"Kumain ka na ba? Would you like to eat something?"
"Hindi pa. Pero wala akong gana."
"Still, you need to eat."
Muling bumukas ang pintuan at pumasok si Techno. Agaran ang pagtaas ng kanyang kilay. He crossed his arms and gave Bright an angry look.
"What are you doing here?" galit ang kanyang tinig.
"Stop it, Techno." saway ko sa kaibigan.
"Did your friend send you here instead? Well guess what, we don't need a representative. Pare-pareho kayong walang kwenta!" hindi nagpaawat si Techno.
"Techno, stop. Walang kinalaman dito si Bright."
"Wala? Eh mga kaibigan niya pa rin sila. And he hasn't even offered help."
"I don't know what you're talking about." depensa ni Bright.
"Yeah, sure. Wala kang alam." Techno's voice was sarcastic. "Pero pwede bang umalis ka na rito? You are not needed here. Doon ka sa mga kaibigan mo! Nasaan ba iyong kaibigan mong dapat na nandito at ikaw ang ipinadala niya?"
"Look, Techno. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa'yo. But I came here on my own will because I'm worried about Goob. Mick is out with our other friends drinking."
"Walang kwentang Mick! Imbes na nandito siya, nakikipag-inuman pa talaga sa mga kaibigan? And you're telling me Goob that you still want to marry that man?"
Natahimik ako sa sinabi ni Techno.
"Oh my god!" Techno rushed towards me. "Your nose is bleeding!"
Bright immediately went to the table and handed me a tissue.
"Please call the doctor." pakiusap ni Techno kay Bright na agad niya namang sinunod.
Kumaripas siya ng takbo at hindi nagtagal ay nandito na ulit ang doktor ko kasama ang isang nurse.
"Your platelet count may have dropped even more. That is because of your dengue. The nurse will take some of your blood for another blood test. You might also experience rashes which is very common to dengue patients. We'll inform you if the result of the tests come out. We might need platelet For the mean time, please continue resting."
Kinuhanan ako ng dugo ng nurse sa pamamagitan ng pagtusok sa akin ng matulis na bagay sa aking daliri at pinuno ng dugo ang isang maliit na tube.
"Will he be okay Doc?" tanong ni Techno sa doktor.
"He will be. Have you eaten dinner? It's best if you eat." advise ni Dr. Billkin.
"Hindi pa Dok, but I'll eat after this."
"Okay. I'll go for now." paalam niya at lumabas na.
Sinubukang paypayan ni Techno ang kanyang sarili gamit ang kanyang palad.
"My gosh, Goob. What is happening to you? And the fuck! Your boyfriend is not even here!"
Lumapit siya sa table at kumuha ng makakain.
"Wala akong gana, Techno."
"Kasasabi mo palang sa doktor na kakain ka pagkatapos niyong mag-usap! Hindi ka pa kumakain ngayong araw kaya wag mo akong artehan baka ako makapatay sa'yo."
Kaya naman ay wala akong nagawa kundi ang kumain kahit hindi ko nalalasahan ang pagkain. Mainit pa rin ang aking katawan dahil sa lagnat at nanghihina pa rin ako.
Why is Mick not here? I need him here. I want him beside me.
Nang matapos ay nagsalita ako.
"Thank you guys for being here."
"No problem." si Techno.
Bright only gave me a weak smile.
"Sige magpahinga ka na." Inayos ni Techno ang aking kumot.
---
Third Person Point of View
Sa sumunod na araw, hindi pa rin bumuti ang kalagayan ni Goob.
Mas lalong tumaas ang kanyang lagnat at nagkaroon siya ng mga rashes.
Alas syete ng umaga nang pumasok ang doktor sa kwarto ni Goob.
Mick is still nowhere to be found. Ang tanging bantay lamang ay si Techno at Bright.
"His platelet count is too low. We need platelet transfusion by whole blood." ang doktor. "However, we have a problem."
"What is it Dok?" tanong ni Techno.
Tulog pa rin si Goob.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Mick. Lasing ngunit maayos naman ang tayo.
"How is Goob?" tanong niya sa mga tao sa silid.
The smell of rum filled the air. Napatayo si Techno at Bright.
"My goodness, Mick! Ang kapal ng mukha mong magpakita rito! Tapos lasing pa! You fucking reek of alcohol!"
Hindi siya pinansin ni Mick. Hinarap niya ang doktor.
"How is my fiancé?" Hinawakan niya ang mga balikat ng doktor. "Tell me, how is my fiancé?"
"Woah. Calm down Mr. Dela Merced." Inalis ni Dr. Billkin ang kanyang mga kamay. "Your fiancé needs blood transfusion. Sadly, our blood bank is low on supply. We need blood donors."
"Take my blood. I'm O negative." Mick offered. "Take all my blood. Give it all to Goob."
"Mr. Dela Merced, you're drunk. You are probably dehydrated so you are ineligible to donate."
"No. I'm not drunk. Please. Save my fiancé." Mick is on the edge of crying. "Take my blood."
Nanghihina siya dahil sa kalagayan ni Goob.
Hindi na iyon nakayanan ni Techno kaya itinulak niya si Mick. Dahil sa panghihina ay napalayo si Mick.
"Pathetic! Get out of here!" si Techno.
"Please do everything to save Goob." pagmamakaawa niya sa doktor. Hindi na niya nakayanan. He burst into tears. Napaupo siya sa sahig.
Dala ng kanyang pagiging lasing ay hindi na niya nakayanang kontrolin ang kanyang mga emosyon.
"I'm also O negative, Dok. Universal blood donor di ba ang O negative? Take my blood." Bright offered.