ROXY CITY BOOK 4 (STRANGERS AND LOVERS) Chapter 10

CHAPTER NINE

Napainda si Cleo nang itulak siya ni Darren at tumama ang tagiliran niya sa kung anong bakal na hanggang baywang niya. Naka-blind fold pa rin siya at may busal pa ang bibig. Muli siyang napaiyak. Masakit na ang kamay niya dahil sa higpit ng pagkakapulupot ng duct tape. Nasakop na noon ang buong kamay niya kaya kahit mga daliri niya ay hindi niya maigalaw.

“Tanggalin mo ang blind fold.” Anang tinig ni Darren at biglang natanggal ang piring

niya.

Kaagad na umikot ang mga mata niya sa paligid. Alam niyang nasa Maynila na sila. Si Darren mismo ang nagbanggit niyon.

It was dark. Tila isang lumang warehouse ang kinaroroonan nila. Nilingon niya si Darren. May kausap na naman ito sa cellphone. Lumipad ang tingin niya sa kasama nito. Narinig niya kanina habang bumabyahe sila na tinawag ito ni Darren na Dante. Nakatingin lang ito sa kanya at nang akmang kikilos siya ay kaaagad nito nahawakan ang braso niya. Pinisil nito iyon. Napangiwi siya sa sakit.

“Hoy!” Ani Darren at lumapit sa kanila. Tapos na itong makipag-usap. Binitiwan siya ng lalaki. “Do’n ka nga sa likod. Tawagin mo ‘ko kapag okay na.”

Napapakamot sa ulo itong sumuod saka tahimik na lumayo. Nilingon naman siya ni Darren.

“Maglalaro tayo.” Nakangisi nitong sabi saka nagtangkang lumapit sa kanya. Umatras siya at iniiwas ang sarili. Nanginginig siya. Halos wala siyang makita dahil sa dilim. Kung hindi pa dahil sa butas-butas na ang ilang bahagi ng warehouse ay hindi pa ito tatamaan ng ilaw mula sa labas.

Naisip niya si Gavin. Napuno ang puso niya ng pag-aalala. Nakita pa niya itong sinasaktan ng mga kasamahan ni Darren habang papalayo ang sasakyan nila. Nahiling niya na wala naman sanang nangyaring masama dito.

Sinubukan niyang kausapin sa pamamagitan ng pag-ungol ngunit tila naitirita ito sa ingay

niya.

“Putsa! Ang ingay mo.” galit nitong bulas at pagkagilas niya ay bigla siya nitong tinutukan ng baril. Natuliro siya dahilan upang mapatili siya. Ang buong akala niya ay ipuputok nito ang baril ngunit bigla rin naman nitong binawi iyon. Darren was really scaring her.

Nagpabalik-balik si Darren sa harap niya. Tila bigla itong nabalisa. Ikinukos nito ang hawak na baril sa sentido nito at bumulung-bulong. Pinanood niya ito. Kung tama ang hinala niya ay malamang na high na naman ito sa ipinagbabawal na gamot. Tila pawisan rin ito dahil nangingintab ito sa tuwing tatamaan ng liwanag. Lalo siyang natakot. She felt so helpless. Hindi niya malaman ang gagawin. Wala kasi si Gavin. Naninikip ang dibdib niya. Hindi siya mapakali sa kaiisip sa binata. Inaalala niya ang kalagayan nito.

Noon bumalik si Dante. Napansin niya ang dala nitong pala. Napapitlag siya nang ihagis nito iyon at kamuntikan nang tumama sa kanya. Mabuti na lang at nailagan niya kahit madilim.

“Tonto ka. ‘Wag kang maingay.” Galit na saad ni Darren. Muli itong lumapit sa kanya.

Saka siya hinawakan sa braso at hinila. Muli siyang nangamba.

Mabilis nilang narating ang likod na bahagi ng warehouse. Bakante iyon at may mga nakatambak na sira-sira gamit. May mga bakal pa na nakasalansan sa hindi kalayuan. Nagpalakad pa sila hanggang sa marating nila ang isang hukay. Binitawan siya ni Darren. Saka tinanggal ang busal sa bibig niya. Kahit paano ay nakahinga nang mas maayos. Taas-baba ang dibdib niya sa paghinga.

“N-nasaan ang kapatid ko?” kaagad niyang tanong nang makabawi sa paghinga. “Ang sabi mo may usapan kayo.”

Nanlilisik ang mga matang tumingin ito sa kanya. “Naniwala ka naman.”

Namuo ang muhi kay Cleo. Isang kasinungalingan na naman ang ginawa nito. Kahit kalian talaga ay hindi ito magpakakatiwalaan.

“Hayup ka, talaga.” Nagngingit niyang sambit dito.

Malakas ang naging tawa nito saka nanlilisik ang mga matang tumingin sa kanya. “Matagal na.”

Noon siya napaluha. Nahiling niya n asana ay maghimala at may dumating na tulong para sa kanya.

“Pasensya na.” hindi naman taos nitong sabi. “Ang kapatid mo ang nagsimula nito. S’ya ang sisihin mo. Tarantado din kasi ‘yon.”

“Mas tarantado ka.” Aniya. “Darren, tigilan mo ‘to. Buhay mo lang sinisira mo sa ginagawa mo.”

“Alam mo.” agap nito at lumapit sa kanya. Umatras naman siya palayo dito. “Matagal nang sira ang buhay ko, Cristina. At dahil ‘yon sa magaling kong ama. Bakit? Hindi kasi ako kasing talino ni Kuya Liam. Hindi ako mabait. Pasaway ako. Eh si Kuya accelerated. Ideal son. Ano nga naman ang laban ko ‘don, eh, bobo ako.”

“Darren…”

“Oo. Totoo ‘yon. Papa said I’m a disappointment. Galit s’ya sa’kin. Ako kasi ang sinisisi niya sa pagkawala ni Mama. ‘Tapos ang hirap ko pang alagaan kasi may ADHD ako. Kaya naging ganito ako. Naiintindihan mo ‘ko di’ba? Dahil ‘yan din ang problema n’yo kay Eeli. Dahil bobo ang tingin n’yo sa’min.”

“Hindi totoo ‘yan!” Palahaw niya. “Mahal ko ang kapatid ko. Kung anuman ang problema n’yo ni Liam labas na kami do’n. ‘Wag mong igaya sa’yo si Eeli.”

Pumalatak ito. At ganoon na lang naninigas niya nang idikit nito ang baril sa dibdib niya.

Hindi siya nakakilos.

“Kailangan kitang patahimikin dahil masyado nang malayo ang narating mo. Marami ka nang alam.”

Pati yata kaluluwa ni Cleo ay nanginig nang maintindihan ang sinabi ni Darren. Wala sa lood na napalingon siya sa hukay. Halos manlambot ang tuhod niya sa isang katotohanang nabubuo sa kanya. Darren was going to kill her!

“Hindi ka naman mag-iisa.” Patuloy nito. Marahas siyang napalingon dito. “Gusto mong isama natin si Gavin?”

Nagliyab ang damdamin niya sa galit kaya sinugod niya ito. Kahit na naka-tape ang mga kamay ay nagawa niya itong pagsusuntukin. “You asshole! Walanghiya ka talaga! Pakawalan mo ‘ko! Hayup ka!”

“Tumigi ka nga!” anito at itinulak siya. Bumagsak siya sa lupa. Nagtangka siyang tumayo ngunit pinigilan siya nito. He stepped into her left shoulder. Napasigaw siya sa sakit.

“Sige lang. Lakasan mo pa.” Anito na diniinan pa ang pagtapak sa balikat niya. She continued screaming then she started to cry again.

“D-Darren…please…” buong lakas at pagsusumamo nia dito. Ngunit tila wala itong narinig mula sa kanya. He was just staring at her devilishly. It feared her more.

“Darren!” anang galit na tinig. Sabay nilang hinanap ni Darren iyon.

Mabilis ang mga hakbang ay si Gavin. May hawak itong baril at nakatutok ay Darren.

Matalim ang mga mata nito habang nakatingin dito.

“Get off her, asshole. Kung ayaw mong pagpiyestahan ng mga langgam ang utak mo.” nanginginig sa galit na sabi ni Gavin.

Nabuhayan siya nang loob. Nasiguro niyang ligtas ito. Ngunit nanlumo naman siya nang makita ang hitsura nito. Parang nadurog ang puso niya. Gavin was bruised. May pasa ang pisngi nito at namamaga ang kaliwang mata. Marumi rin ang damit nito.

“Ayoko nga!” sabi ni Darren at idiniin ang pag-apak nito sa kanya. Her scream surrounded them.

“Hayup ka! Darren!” sigaw ni Gavin at pinaputukan nito ito. But Gavin missed. Biglang kasing sumulpot mula sa kung saan si Dante at dinamba si Gavin. Nagbuno ang mga ito. Noon nagkaroon ng pagkakataon si Darren at hinila siya patayo. He grabbed her hair.

Kitang-kita niya kung paano nagsuntukan sina Gavin at Dante. Dante was bigger than him. Kaya lamang na si Dante. But Gavin really knew what to do. Parang propesyonal kung makipaglaban. He seemed trained on combat. Ngunit dahil sa mas malaki si Dante ay natatalo nito si Gavin.

“Gavin!” napasigaw siya nang makitang namilipit ito nang tila babaliin ni Dante ang braso ni Gavin. He was wincing when he turned at her.

“Ano? Gavin? Titigil ka o ang ulo nito ang pasasabugin ko?” Ani Darren at hinila ang buhok niya patalikod. His gun was aiming at her head. “Hindi ako marunong mag-joke. Remember?”

Walang nagawa si Gavin kundi tumigil pagpupumiglas mula kay Dante. His face was bleeding. Pinaluhod ito habang hawak pa rin ni Dante ang mga braso nito. Isang maling galaw nito at mababalian ito.

“Pa’no nakapasok ang gagong ‘yan? Nasaan sila?” Ani Darren kay Dante.

“Boss, hindi ko alam eh. Nagulat na lang ako nang upakan ako nito sa loob.” Tugon nito. “You’re trap, Darren Santiago.” Si Gavin sa hirap na tinig. “Arestado na ang mga kasama

mo. Puno na ng mga pulis ang labas ng warehouse na ‘to. Hinihintay ka na nila.”

“Put…Dante! Anong sinasabi n’yan?” biglang natarantang anito sa kasama. Lalo humigpit ang hawak nito sa buhok niya. Impit siyang napadaing.

“B-Boss, parang nasundan tayo eh.” Pag-amin bigla ni Dante. “Fuck! Pa’nong nangyari ‘yon?” nagpupuyos na si Darren.

“Sumuko ka na Darren. Naka-report na sa PDEA ang involvement mo sa drug syndicate. Nag-confess na si Eeli. Inamin na niya na pinatay mo ang drug dealer na si Jon Castello. Hindi totoong may itinakbong pera si Eeli kaya s’ya nagtago. Tinakot mo s’ya na papatayin kapag nag- ingay. Tama di’ba? Ginamit mo rin s’ya sa race para makaganti sa’kin. S’ya ang ipinadala mo no’n tapos pina-raid mo ang laban namin. At ang nadatnan namin noon ni Basty sa may casino…tauhan ni Jon ang bumubugbog sa’yo. At itinuro mo si Eeli na pumatay kay Jon. Kaya ipingako mo sa big boss nila ang buhay ni Eeli.”

“Hindi! Sinungaling ‘yang si Eeli!” pagtanggi ni Darren.

Nanlumo si Cleo sa narinig. Naibaba niya ang kamay na pumipigil sa kamay ni Darren na nasa buhok niya. Parang hihimatayin siya nang oras na iyon. Hindi niya akalain na ganoon ang pinagdaanan ng kapatid niya. Na nanganib pala ang buhay nito. Naniwala siyang may kasalaanan ito. Na tulad ni Darren ay sira na rin ang buhay nito. Parang gusto niyang parusahan ang sarili sa nagawang pagdududa sa kapatid. Tama si Gavin. Wala siyang alam sa kung anumang pinagdadaanan ni Eeli. Kung sana ay alam lamang niya ang totoo.

“Cleo…” tawag ni Gavin. Luhaan siyang tumingin dito. Hinang-hina na siya. “Be strong.”

Muli nitong tiningnan si Darren. “Sumuko na kayo. Wala na kayong kawala ngayon.” “Nek-nek mo!” Ani Darren at malakas ang naging tawa. “Mamatay na lang tayong lahat

kaysa sumuko ako. At ano? Kayo masaya habang ako nakakulong? Sira-ulo ka ba, ha, Gavin? Dante!”

“Ahhg!” daing ni Gavin nang tuhurin ni Dante ang likod nito.

“Huwag!” sigaw niya ngunit tinakpan ni Darren ang bibig niya. Halos madurog ang panga niya sa higpit nang hawak nito.

Hanggang sa nakarinig sila ng putok. Bumagsak si Dante. Sumulpot naman si Basty. “Drop your gun, Santiago!” pasigaw na utos ni Basty at lalapit sana sa kanila nang pinigil

ito ni Gavin. Kumilos si Gavin at akmang tatakbo palapit sa kanila nang umatras si Darren hila- hila siya. Nakatutok pa rin sa kanya ang baril nito. Natigilan ang binata.

“Don’t be fool, Darren. Subukan mong saktan pa si Cleo. Papatayin talaga kita.” Puno ng pagbabantang saad ni Gavin.

“Hawak ko ngayon ang buhay niya.” Ani Darren. Umiiyak pa rin siya.

“Tahan na, Cristina. Ililibing na kita.” Sabi ni Darren sa kanya at hindi na siya nakapalag nang bigla siya nitong itulak. Nahulog siya sa hukay.

“Cleo! No!” Iyon lang ang narinig niya kasabay ng isang putok nang bumagsak siya.

Then she saw darkness.

Hindi alam ni Cleo kung paano siya nakarating sa lugar na iyon. Nakita na lamang niya ang sarili na napapalibutan siya ng maraming tao. Hindi naman niya nakikita ang mukha ng bawat naroon. Dahil sa bawat pagtangka niyang tingnan ang mga ito ay laging may puting usok.

Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan. Iniisip pa rin niya kung paano siya napunta doon at kung anong ginagawa niya sa lugar na iyon. Ang huli niyang natatandaan ay may tumulak sa kanya at nahulog siya.

Hanggang sa paglingon niya ay may nakita siyang pigura. Nakatalikod ito ngunit nangibabaw ito sa lahat ng naroon dahil kapareho ito ng kulay ng suot niya. Hindi niya alam ngunit bigla siyang nakaramdam ng saya. It felt like he was the answer to her long waiting.

Lakad takbo niya itong nilapitan. Umaasang makakausap niya ito at matatanong kung anong lugar ang kanilang kinaroroonan. At pakiramdaman niya ay kilala niya ang nakatayong lalaki.

Huminga siya nang malalim nang makalapit dito. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Hanggang sa kumilos ito paharap sa kanya. Tila hindi siya makahinga sa sobrang antisipasyon. Ngunit bago pa man niya makita ang mukha nito at bigla nang mabilis na kumalat ang puting usok at tila itinutulak siya palayo sa pigura. Kinabahan siya. Sinubukan niyang sumigaw ngunit walang tinig na lumabas mula sa bibig niya. Hanggang sa magsalita ito.

“You’re safe, Cleo. Narito lang ako. Hindi kita iiwan. Mahal kita. Mahal na mahal.” Anito. His voice was familiar. Narinig na niya iyon at tila nagdulot iyon ng ginhawa sa kanya. Sinubukan niyang lumapit dito ngunit ito ang lumalayo. Muli siyang humakbang. Gustung-gusto niyang abutin ito.

“Sandali!” pigil niya dito. Naninikip ang dibdib niya sa nakikitang paglayo nito. “Saan ka pupunta? Hintayin mo ‘ko. Kausapin mo ‘ko.”

Napaiyak siya. Tila ayaw pumayag ng puso niya na malayo dito. Who was that stranger? At bakit tila sabik na sabik siyang mamasdan ang mukha nito? Bakit ganoon ang nararamdaman niya?

Lalo siyang napapalayo sa kinatatayuan ng lalaki. Muli siyang nagsisigaw ngunit wala namang nakakarinig sa kanya. At sumigaw siya nang sumigaw at tila may humihila sa kanya.

“Cristina.” Anang isang tinig ngunit hindi niya iyon pinansin. Gusto niyang makalapit muli sa lalaki. Tila ito lamang ang makakatulong sa kanya.

“Cristina.” Sabi muli ng tinig. “Cristina, anak.”

Noon siya lumingon hanggang lamunin nang usok ang paningin niya. Hanggang sa lumantad ang mukha ng kanyang ama…

“G-Gavin…” bulas ng kanyang tinig nang magmulat siya ng mga mata kahit na ang kanyang papa ang nakatungo sa kanya. Noon niya napagtanto na nakahiga siya at hirap siyang kumilos.

“Anak, ligtas ka na. Ligtas na din siya. Nasa kabilang kwarto s’ya.” Sabi nito. Pinilit niyang pagmasdan ang paligid. Marahil nasa hospital siya.

Noon unti-unting bumalik ang ala-ala sa kanya. Ang nangyari sa kanya. Ang pag-kidnap sa kanya. Ang tungkol sa kapatid niya.

Si Gavin!

Gusto niyang kumilos. Gusto niyang inangat ang kamay niya tila kay bigat noon.

Nahihilo rin siya. Muli niyang nilingon ang kanyang ama.

“Pa…” tawag niya. Gusto niyang makita si Gavin. Nasaan ito? Bakit nasa kabilang kwarto ito? Bakit wala ito sa tabi niya?

“Magpahinga ka pa.” anang kanyang papa. Hinaplos nito ang kanyang buhok niya. “P-pa…si G-Gavin…Gavin…”

May sinabi ang kanyang ama subalit muling pumikit ang kanyang mga mata. Hindi na niya ito narinig.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.