CHAPTER EIGHT
Dalawang araw nang hindi nakikita ni Cleo si Darren. Hindi pa ito bumabalik. Pinagtakhan niya iyon. Hindi naman niya magawang tanungin si Gavin dahil madalas itong may kausap sa cellphone. At kung wala naman ay tahimik ito. Ni Hindi ito lumalapit sa kanya.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa mga ikinikilos ng binata. Gusto niyang magtampo. Parang wala lang dito ang nangyari sa kanila. He became so cold eventually. Tila pinagsisisihan pa nito ang nangyari sa kanila. Hantaran ang pag-iwas niro sa kanya. What was that he thought? Bored lang ito at dahil sa sila lang dalawa ang magkasama ay naakit ito sa kanya? Iyon lang iyon?
Alam niyang masyadong mabilis ang mga nangyari. Hindi siya nag-isip. Nagpadala siya sa emosyon niya. Nagpadarang. Naging mahina siya. Hindi naman niya akalain na mali ang pagkakakilala niya kay Gavin. Akala niya ay pareho sila ng nararamdaman. Na mahal din siya nito.
Mahal. The term must be overrated. Iyon kaagad ang diskripsiyon niya sa nararamdaman niya. Kailan lang niya nakilala at nakasama ang binata. Hindi niya ito lubos na kilala. Ngunit ang ginawa nila ay dapat ginagawa ng mga nagmamahalan. Ng magkasintahan. Ngunit hindi naman sila nito. Wala silang relasyon.
Kilala niya ang sarili. Alam niyang ipaliwanag ang lahat ng nararamdaman niya. She could justify her acts. At sa bawat desisyon niya ay alam niya ang konsikwesya noon. Alam niyang maaari siyang masaktan dahil sa ginawa niya. Ang pagtitiwala kaagad-agad. What can she do? Masyadong malakas ang ragasa ng pagdating ni Gavin sa buhay niya. He came in times of her vulnerability. Kung kailan kailangan niya ng magtatanggol sa kanya.
Nasa poolside siya ng rest house. Nakaupo siya sa semento at pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa tubig. She felt so alone. Lampas isang linggo na siyang nasa lugar na iyon at wala pa ring kasiguraduhan kung makakaalis pa siya doon. Gusto na niyang umuwi. Malamang na nag-aalala na ang lahat sa kanya. Alam niyang mabilis na makakarating sa kanyang mga magulang na nawawala siya dahil sa mga kaibigan niya. At nalulungkot siya. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito dahil sa kanya. Lalo na ang kanyang ina.
“Aalis tayo ngayon gabi.” Napapitlag siya nang marinig ang tinig ni Gavin. Pasimple niyang pinahid ang luha at kumilos upang harapin ito. Tumayo siya at tumabi ito sa kanya.
“S-saan tayo pupunta?” “Tatakas tayo.” Anito.
“Huh? Pa’no sina Darren?” ikinatutuwa niya ang narinig ngunit hindi pa rin niya mapigilang mag-alala. Ito na rin ang nagsabi na delikado ang grupo ni Darren kaya wala itong nagawa kundi pumayag sa gusto nito.
“Umiiyak ka ba?” bigla nitong tanong.
“H-hindi.” Sagot niya saka tumalikod. Ayaw niyang isipin nito na iniinda niya ang pagbabale-wala nito sa kanya.
Bigla siyang niyakap mula sa likuran. That alone made her shiver. Kaagad na naglambot ang mga tuhod niya. Parang gustong tumulo muli ng luha niya. “Alam kong nagtatampo ka. I’m sorry. May iniisip lang ako. May kailangan din akong asikasuhin. We have to move. Kumikilos na sina Darren. Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi sila bumabalik dito? Hindi rin niya ako tinatawagan. Malamang gugulatin na lang niya tayo. Nakauwi na kasi ang kapatid mo.”
Marahas siyang kumalas sa pagkakayakap dito at hinarap ito. Nabuhayan siya ng loob.
Makakauwi na siya kung ganoon. Alam niyang makakahingi na ng tulong ang kapatid niya.
“Hawak na ng parents mo si Eeli. I’m sure by now kumikilos na sila para mahanap ka. Hindi mo nabanggit sa’kin na magkababata pala kayo ni Darren. Anak pala s’ya ng mayor ninyo sa Bulacan. At kapatid ng boyfriend mo.” sabi nito. May diin ang huling salita nito. Na tila kinakastigo siya nito. Na parang kasalanan niya na hindi siya nagsabi ng tungkol sa sinasabi nito.
“Boyfriend?” gulat at nagtataka niyang niya tanong. “Si Liam Santiago.”
“Ano?” lalong siyang naguluhan. Paano nito nalaman ang lahat ng tungkol sa kanya? At bakit ganoon pa ang nakarating dito?
“Si Basty ang nagreport sa’kin. I’m sorry pero kailangan kong mag-imbestiga para makapagplano kami ni Basty.” Tugon nito.
“Hindi ko boyfriend si Liam.” Pagtanggi niya.
“Si Eeli mismo ang nagsabi. Ilang araw nang nasa bahay n’yo ang lalaking ‘yon. Nagpalagay siya ng security. May surveillance team na rin sa inyo dahil sa pagdating ni Eeli. At wala kang sinasabi tungkol sa kanya.”
“Dahil wala naman akong sasabihin!” mataas ang tinig niyang saad. “Hindi ko boyfriend si Liam. Fine! Nililigawan n’ya ‘ko. Iyon lang ‘yon.”
“Kung alam ko lang-”
“Ano?” putol niya dito. “Gagawin mong excuse na hindi mo alam na may boyfriend ako kaya tinira mo ‘ko-”
“Be careful with your words, Cleo.”
“Bakit?! Totoo naman di’ba? Hindi mo pa aminin. Pinagsisisihan mo ang nangyari sa’tin. Anong sasabihin mo? Hindi mo sinasadya? Pasensya na. Nadala lang ka lang. Gano’n? Gano’n ba gusto mong mangyari?”
“Oo! Damn it!” nagalit na rin ito. He uttered explicit words. Ngunit tila ang sarili ang minumura nito. Noon lang niya ulit nakita itong ganoon. The last time was with Darren.
“Dapat sinabi mo. Dapat pinigilan mo ‘ko. Alam kong pareho nating ginusto ‘yon at hindi ko sana pagsisisihan ‘yon kung…kung…tang’na! May sabit ka, Cleo! At pa’no gusto mong tanggapin ko ‘yon? Hindi ako nanunulot. Gago ako. Sira-ulo, oo, pero hindi ako manloloko-”
“Hindi kita niloko!” sigaw niya matapos dumapo ng palad niya sa pisngi nito. “Wala kaming relasyon ni Liam. Buong puso kong ibinigay ang sarili ko sa’yo dahil gusto kita. Dahil mahal kita!”
“Mahal? Crap.” he almost disgust the word. “Komplikasyon ‘ka mo.”
Suminghal siya kahit sa loob niya ay nasasaktan siya. Ayaw siya nitong paniwalaan. Isang kagagahan ang ginawa niyang pag-amin dito. Parang gusto na niyang maniwalang gago nga ito at sira-ulo.
“Ayusin mo na sarili mo. Aalis na tayo.” Sabi nito at tumalikod.
“Kung sisihin mo ‘ko tungkol kay Liam ay parang naging totoo ka sa’kin.” Aniya upang pigilan ito. Muli itong humarap sa kanya. “Meron din bang ‘Liam’ sa buhay mo na dapat kong malaman?”
“Wala. Wala akong karelasyon kung ‘yan ang gusto mong malaman.” Tugon nito. “Sino ka ba talaga?” tanong niya.
“Gavin.” Anito ngunit inilingan niya ito.
“Si Gabriel ang gusto kong makilala.” Sabi niya at lakas-loob siyang lumapit dito. Akala niya ay iiwas ito ngunit ni hindi ito gumalaw nang tangkain niyang hawakan ang dibdib nito.
“Artist ako. At bawat guhit na nakikita ko ay alam kong may storya sa likod nito.” Sabi pa niya saka tiningala ito. Tiim itong nakatingin din sa kanya. “Anong storya sa likod ng pangalan mo?”
“Basura.” Walang emosyon nitong sagot. “Iniukit ko sa katawan ko ang pangalan ko para ipaalala sa’kin kung sino ako. Kung gaano kawalang kwenta ang pangalang ‘to. Na kahit anong gawin ko hindi ko pwedeng ipagmalaki. Ni wala akong maangking apelyido. All I know is that I am Gabriel Vincent. Has dark past. No identity. Pwede akong mabuhay. Pero hindi ako pwedeng makilala. Ang gandang storya di’ba?”
Pagkasabi noon ay mabilis itong tumalikod at iniwan siya. Puno ng galit at hinanakit ang bawat salita nito. Nanlulumo siyang sumunod dito.
Pagpasok sa loob ng bahay ay nakita niyang hinihintay na siya nito. May bitbit itong bag.
Nasa gitna ito ng sala ngunit hindi tumitingin sa kanya.
“Tara. Bago pa tayo maabutan dito.” Sabi nito at nagsimulang lumakad palapit sa pinto. Akma siyang susunod dito nang biglang bumukas ang pinto. Pareho silang nagulat ni Gavin nang lumantad si Darren.
“Saan kayo pupunta?” tanong nito. Kaagad niyang naramdaman ang tensyon sa klase ng pagtatanong nito. Seryoso ito at hindi maitatago ang pagtitimpi.
“Susundan ka na sana namin. Ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam.” Mahinahon na tugon ni Gavin. Lumakad si Darren na sinabayan ni Gavin ng paatras na lakad. Lumapit si Gavin sa kanya. Kaagad siyang hinawakan nito patungo sa likuran nito. Kinakabahan siyang kumapit sa mga braso nito.
“Nagbago ng plano.” Ani Darren. Napansin nilang wala itong kasama. “Iiuwi na natin si Cristina. Nagpakita na si Eeli. May deal na kami. Iaabot n’ya sa’kin ang pera kapalit ni Cristina. Isasama namin s’ya.”
Tumalikod na ito at nagkatinginan sila. Bahagyang umiling si Gavin. Nakuha niya ito. Hindi ito naniniwala kay Darren. Marahil walang nabanggit si Basty tungkol sa planong sinabi nito.
Hinawakan ni Gavin ang kamay niya at sabay silang lumabas. Pagdating sa may kalsada ay naroon ang mga kasamahan ni Darren. Napansin nila na may hawak nang baril ito. Lalong nadagdagan ang kaba niya. May dalawang sasakyang nakaabang. Binuksan ni Darren ang itim na Toyota Hillux.
“Sakay, Cristina.” Anito at akmang sasakay kasunod si Gavin nang pigilan ni Darren ang binata. “Sa kabila ka.”
Hindi na nakaprotesta si Gavin dahil mula sa kung saan ay sumulpot ang kasama ni Darren at ipinukpok sa batok ni Gavin. Kaagad na nabuwal ito hawak ang batok.
“Gavin!” hindi na niya nadaluhan ito dahil kaagad siyang hinawakan ni Darren. Padarang siyang isinakay. “Gavin! Darren, ano ‘to? Gavin!”
Mabilis ang mga pangyayari. Nagawang maisara ni Darren ang pinto nang makapasok siya. Kaagad siyang hinawakan ng kung sinong nasa loob na. Si Darren naman ay sumakay sa tabi ng driver’s seat. Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit nakatakbo na sila.
“Gavin!” natataranta niyang sigaw. Nagpumiglas siya ngunit kinuha ng lalaki ang dalawa niyang braso at itinali iyon patalikod. Binalot na kaba ang kalooban niya. Hindi niya alam ang gagawin. Wala si Gavin. Baka kung mapaano ito at kung anong gawin ng mga kasamahan ni Darren na naiwan doon.
“Patahimikan mo nga ‘yan!” galit na utos ni Darren. Nilagyan ng nakatuping panyo ang bibig niya. Kasunod ay blind fold. Hindi na niya napigilang lumuha. Takot na takot na siya. Saan siya dadalhin ng mga ito?
Bubog-sarado na si Gavin nang lubayan siya ng mga kasamahan ni Darren. Masakit ang buo niyang katawan. Pinilit niyang lumaban ngunit sadyang mas marami ang mga ito. Pagapang siyang lumapit sa nalaglag niyang bag. Hirap at nanginginig ang mga kamay niyang binuksan iyon upang kuhanin ang cellphone niya. Kailangan niyang masundan sina Darren.
“H-hello, Basty. Nakuha nila si Cleo. Sa’n sila pupunta?” aniya nang sagutin nito ang tawag niya. Pinilit niyang tumayo. Pumasok siya muli sa bahay. Nasa likod ang sasakyan nila ni Basty.
Napamura si Basty sa kabilang linya. “Hindi ko alam. Kasama ko ngayon sina Eeli. May kasama kaming pulis. Papunta kami d’yan.”
“Tulungan mo ‘ko, Basty. Delikado si Cleo. Ang sabi ni Darren kanina may deal na sila ni Eeli. Duda ako. Tapos iniwan nila ako dito. Basty, try to trace them. Kayo na ang humabol sa kanila. Tumatakbo na kayo.” May pagmamadali niyang saysay. Nakasakay na siya ng kotse noon. Ayaw niyang indahin ang sakit ng bugbog sa kanya. He knew any minute that his bruise will show up. Pero kailangan niyang iligtas si Cleo. Hindi niya mapapatawad si Darren kapag may ginawa itong hindi maganda sa dalaga.
“Alright. Tatanungin ko si Eeli.” Anito at sandali itong nawala sa linya. Tila nag-usap ito at si Eeli. “P’re, alam ko na. Pupunta na kami do’n. Pa’no ka?”
“Okay lang ako. Just get there fast, please. Iligtas mo s’ya, Basty. Oras na para pagbayaran ni Darren ang patung-patong n’yang atraso sa’kin.” Sabi niya.
“Sa’n ka pupunta?”
Ini-start niya ang sasakyan. “Kakausapin ko si Dad.”
Wala na siyang narinig mula dito. Nagpaalam na lang siya at nakipag-karera na kay Kamatayan marating lang ang Malacañang.
Nagulantang ang buong presidential security nang paharurot na pinasok ni Gavin ang gate one ng Palasyo. Kaagad siyang sinugod ng mga security team nang makababa siya ng kotse. “Wag kang kikilos ng masama!” sigaw ng isang presidential gurad habang kaagad siya
isinubsob sa hood ng kotse niya. Hindi magkamayaw ang alarm sa lugar na iyon.
“Gusto kong makausap si Secretary Samuel Guevarra. Ako si Gabriel Vincent.” Pilit niyang salita kahit na hawak ng isang pulis ang gilid ng mukha niya. Nakaposas na rin kaagad siya.
“Pa’no mo nalamang narito ang defense secretary? Anong kailangan mo sa kanya?”
“Just tell him my name. Haharapin n’ya ‘ko.” Pagpupumilit niya. Iniangat siya ng may hawak sa kanya. At hinila sa guard house.
“Itawag mo sa loob.” Narinig niyang utos ng isa. Nanatili siyang hawak ng mga ito.
Maya-maya ay bumalik ang inutusan.
“Papasukin s’ya.” Sabi nito at nakita niyang nagkatingnan ang mga ito. Walang kumilos sa mga ito. Sinamantala niya iyon at nagpumiglas. Hindi na niya hinintay ang mga ito at dere- deretso siyang pumasok sa loob.
He doesn’t need an escort. At hindi rin niya kailangang maging staff sa Palasyo para malaman kung saan puputanhan ang pakay. He was running out of time. Buhay ni Cleo ang nakasalalay.
Nasa Entrance Hall pa lang siya nang makasalubong ang humahangos na secretary. Gulat itong tumingin sa kanya.
“Gavin?!” kaagad na bulas ng tiyo Samuel niya. Gulat na gulat ito nang makita siya. Marahil napansin nito ang mukha niya. “What the hell happened to you? My God! Call for medic!”
Kaagad na kumilos ang mga staff na naroon.
“Where is he? I need your help. Kakausapin ko s’ya.”
“He’s in the middle of a meeting. There was an emergency-”
“I am an emergency. Kailangan ko s’yang makausap.” Agap niya at nilampasan na ito.
Wala itong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Nang marating ang State Dining room ay kaagad niyang itinulak ang pinto. Kaagad na hinanap ng kanyang mga mata ang isang pigura. Wala siyang pakialam kung hindi inaasahan ang pagdating niya.
Natahimik ang lahat ng opisyal na naroon. Lahat ay nakatingin sa kanya. Sa gitna ay naroon ang pigura ng Presidente. Kalmanteng nakatingin sa kanya.
“Mr. President.” Si Samuel na nasan likuran niya. Tila nag-usap ang mga mata ng mga ito. Huminga nang malalim ang Pangulo.
“I think I need to excuse myself, ladies and gentlemen. Mr. Guiamson, continue reading. Ituloy n’yo lang ang discussion.” Ma-awtoridad ang tinig nito at lumapit sa kanila. Nilampasan siya nito at naunang lumabas. Sumunod sila ni tiyo Samuel.
Narating nila ang Presidential study. Mataktikang isinara ni Samuel ang pinto.
“Anong nangyari sa’yo? Samuel, tumawag ka ng gagamot sa kanya.” May bahid tarantang bungad nito. “What happened?”
“I’m sorry if I came unexpected. Alam kong nakagulo ako. It’s-” “It’s okay.” Putol nito
“Kailangan ko ang tulong n’yo. Nasa panganib ang buhay ng…ni Cleo.” “Sino si Cleo?” tanong nito.
“She’s…she’s…the woman I love.” pag-amin niya. Nagkatinginan ito at si tiyo Samuel. “I really need your help. At sa tingin ko, makakatulong din sa gobyerno ang sasabihin ko.”
Nagbuntong-hininga ang kanyang ama. “Halika. I don’t have all the time.” “Yeah. Me too.”