CHAPTER TEN
Cleo felt like sailing to nowhere. Maingay at nagkakasiyahan ang buong Roxy City dahil birthday ni Lourd. Isang malaking event ang ginaganap. Maraming kilalang tao ang imbitado. Isinabay kasi ang official launching ng mas pinalaking Roxy City.
Isang sexy pole dancing ang ginawa ni Cassie bilang regalo nito sa nobyo. Kahit siya ay hinangaan ang husay na ipinakita nito. She was definitely turned on. Kahit babae rin siyang tulad nito. Naiintindihan niya kung bakit hindi magkamayaw si Lourd sa pagtakip kay Cassie nang matapos nito ang routine. Tila hihimatayin ito sa pagtatago sa dalaga nang magsigawan ang lahat at humling ng isa pang pagtatanghal mula dito. Nagkatawanan sila nang kuhanin ni Lourd mula kay Eben ang mic ito ang nagsalita.
“Please, everyone. Let me have her. That one is enough I think.” Nakatawa nitong tugon ngunit seryoso sa sinabing hindi na nito papayagang magtanghal nang ganoon si Cassie.
At sa gitna ng pagkakagulo ay biglang lumuhod si Lourd sa harap ni Cassie. He proposed for marriage. Hindi mailarawan ng salita ang ligayang nakita niya mula sa kaibigan. She had been waiting long enough for the ring. Matagal na nitong minahal ang binata kaya nararapat lang na tanggapin nito ang wagas na pag-ibig ni Lourd.
It was a very fun night. Nagkakasiyahan ang lahat. Kabilang na siya. She really missed her friends and her life. Tila napakatagal niyang nawala gayon halos dalawang linggo lang siyang na-kidnap. Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti ay ang isang pangungulila. Pangungulila sa isang ala-ala.
Dalawang buwan ang mabilis na lumipas matapos ang pag-kidnap sa kanya. Tatlong araw siyang nanatili sa ospital dahil sa bugbog ng kanyang katawan dahil sa pagkakabagsak niya sa hukay. But nothing led to serious injury.
Nahuli si Darren pati ang mga kasamahan nito. Kasalukuyan na itong nakakulong. Nalantad na rin ang mga involvement nito sa iligal na gawain. Nagkaroon ng malaking raid sa malaking warehouse sa Parañaque kung saan pina-process ang mga ipinagbabawal na gamot. All that revelation led to a bigger issue. Isa pa lang mas malaking iligal na operasyon ang nasa likod ng warehouse na iyon. May mga malalaki at kilala pangalan ang nalantad na may partisipasyon sa sindikato kung saan miyembro si Darren. Kaya hanggang sa kasalukuyan ay isa pa rin national issue ang lahat at patuloy ang paglilitis.
“Okay ka lang, Ate?” ani Eeli sa kanya nang makalapit ito sa kanya.
Nagka-ayos na sila ng kapatid niya. Isang masinsinang pag-uusap ang naganap sa kanilang pamilya. Humingi ito ng tawad sa kanila at gayon din sila dito. Nangako si Eeli na unti- unti na nitong aayusin ang buhay nito at susubukang hanapin ang sarili. Without the mess of course.
“Okay lang.” tugon niya. Nasa Cat bar sila. Nasa dance floor sina Amber at Geri habang sina Cassie at Lourd ay nag-eestima ng mga guest. Nasa VIP lounge naman si Thia kasama si Kathryn na nakatakda na ring ikasal kay Jared.
“Mukha namang hindi.” Sabi nito. She winced.
“Pa’nong hindi? See? Ang engrande ng Roxy ngayon. It’s the prince’s special day. May marriage proposal pa.” Sabi niya. Tumalikod siya sa bar at itinukod ang mga siko sa ibabaw. Narinig niya ang pagpalatak ni Eeli.
“Hindi ka ba naiinggit?” “Saan?”
“Sa kanila.” Sabi nito at kunot ang noo na nilingon niya ito. “Eeli, masaya ako para sa kanila. Kaibigan ko ang mga ‘yan.”
Tumawa ito. “Ikaw kaya pinakamatanda sa ‘Xquizit.”
“Aray. Kung makapinaka ka naman.” Pagprotesta niya sa biro nito. Humarap ito sa kanya. “Bakit ba kasi hindi mo pa sagutin si Liam?”
Sandali siyang hindi tumugon. Naalala niya noong nakarating kay Gavin na boyfriend niya si Liam. Tandang-tanda pa niya kung paano lumatay ang galit at hinanakit kay Gavin nang kumprontahin siya nito. Hindi niya napigilang makaramdama ng lungkot. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong itama ang alam nito tungkol doon.
“Bakit sinabi mo no’n kay Basty na boyfriend ko si Liam?” tanong niya.
“I’m sorry, Ate. Tuliro kasi ako no’ng time na ‘yon. Sobra ang pag-aalala ni Liam sa’yo at saka matagal mo na s’yang manliligaw. Kaya ina-assume ko na kayo na. Malay ko ba?” paliwanag nito.
Hindi na siya tumugon. Hindi na rin niya itinama ang maling akala ni Gavin. Paano niya gagawin iyon? Pangalawang araw niya sa ospital ay bigla itong nawala. Nang puntahan niya ang kwarto nito ay sinabi sa kanya na ito mismo ang humiling na magpalipat ng ospital. May ilang taong nag-asikaso dito upang makalabas ito. Tinanong niya ang kanyang mga magulang kung nasaan ito. Wala rin alam ang mga ito. Basta na lamang daw dumating si Defense Secretary Samuel Guevarra at sinabing kukuhanin nila ang binata.
Gavin was shot. Tumagos ang bala sa bituka nito kaya kinailangan itong operahan. At naging matagumpay naman iyon. Hindi naman ganoon kalalim ang sugat kaya nasiguro ng doktor na ligtas na ito.
Sinubukang daw kausapin ng kanyang papa si Samuel Guevarra. Napag-alaman nito na dati pa lang intelligence agent sina Gavin at Basty. Pamangkin ng defense secretary si Basty at si Gavin ay ampon nito. Umalis sa trabaho ang mga ito sa hindi malamang dahilan. Tinangkang
pang usisain ng kanyang ama kung paanong napunta dito si Gavin at kung sino ang mga magulang nito ngunit mailap na ang mga sagot ni Samuel. Hanggang sa umalis na rin ito.
“Hindi na ba kayo nagkakausap ni Basty?” hindi niya natiis na itanong. Umiling lamang
si Eeli.
“May dapat ba akong malaman?” tanong bigla nito. Kunot ang noo siyang lumingon dito. “Tungkol saan?” “Tungkol sa inyo ni Gavin.”
She laughed flatly. Ayaw niyang mapansin nito ang totoong reaksyon niya. “Ang tungkol sa’min.”
“Ate.”
“Leticia, ano ba talagang gusto mong sabihin?”
“Wala kang masyadong ikinikwento tungkol sa nangyari sa inyo no’ng dalhin ka ni Darren sa den house n’ya. Hindi ka rin masyadong nagkikwento tungkol kay Gavin. Magkagalit ba kayo?”
“Hindi.”
Nagbuntong-hininga ito. “Oh, come, mamom. Ate naman. Hindi lang naman ako ang nakakapansin sa’yo. Kahit sina ate Amber alam na may nagbago sa’yo. Oo, traumatic ang ginawa sa’yo ni Darren pero parang hindi ka masaya na naligtas ka eh.”
Umismid siya. “Ano ka ba, Eeli? Syempre masaya ako.” “May gusto ka kay Gavin, ‘no?”
“W-wala.” Kunwa’y nagulat niyang sabi. Muli siyang humarap sa bar. “Gin tonic,
Jacob.”
“Mahal mo s’ya.”
“Hindi.”
Narinig niya ang pagpalatak nito. “Eh kung sabihin ko na alam ko kung nasaan si Gavin.”
Natigil ang akma niyang pag-inom saka natitigilang lumingon sa kapatid. Nakita niya ang pagngisi nito.
“See? Missed mo na s’ya eh.”
Tinitigan niya ang kapatid. “Anong alam mo tungkol sa kanya? Ga’no mo na s’ya katagal kakilala? Kaibigan mo s’ya?”
Si Eeli naman ang natigilan. “Ate, nasabi ko na sa’yo. Sa race ko lang s’ya nakilala. Although, alam kong racer s’ya dahil lagi silang magkalaban ni Darren noon. Sa una pa lang ayaw na ni Darren sa kanya. Kasi tinatalo s’ya ni Gavin. Ngayon-ngayon ko na lang din sila naging kaibigan.”
“May communication ka pa rin sa kanila?” gulat at may pagkakastigo niyang tanong. Bakit wala itong nababanggit sa kanya. Ang buong akala niya at tuluyan nang lumayo si Gavin sa kanya.
“O-oo. Paminsan-minsan. Tinutulungan ako ni Basty tungkol sa kotse. Alam mo namang gusto ko talagang maging racer. At saka pangarap kong makabuo ng isang magarang race car.”
“Bakit hindi mo sinasabi sa’kin? Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanila ni Basty.
Kahit sina Papa hindi man lang sila nakausap.”
Ngumiti ito. “Okay lang ‘yon sa kanila. Nagpasalamat na ‘ko. Basta ang mahalaga lang naman daw eh, ligtas na tayo. Ligtas ka na. Teka nga. Sila ba ang gusto mong makita o…s’ya lang.”
“Eeli.”
“Fine.” Anito saka tumayo. “Tara. Pupuntahan natin s’ya. Magpasalamat ka na.”
“H-huh?” biglang binundol ng kaba ang dibdib niya sa narinig mula kay Eeli. She was surprised. Hindi niya napaghandaan ang muli nilang pagkikitang iyon.
“Let’s go.” Anito saka siya hinila palabas ng Roxy.
‘God! Pa’no ko sisimulan?’ Anang kinakabahan niyang puso.
Natawa si Gavin nang muli na namang sablay ang tira Basty. Kitang-kita niya ang pagngiwi nito habang hinahabol ang bola.
Gabi na ngunit buhay na buhay pa rin silang magkaibigan. Nakahiligan na nila ang maglaro ng basketball nang gabi. They were both half naked with only their pants on. Pawisan na at humihingal. Halos dalawang oras na kasi silang naglalaro.
“Tambak ka na. Sabi ko sa’yo eh. Hindi mo ‘ko kayang talunin.” Aniya nang tanggapin mula dito ang bola at nagsimulang mag-dribol.
“Ulol. Kaya kita.” Sabi nito habang nasa harap niya. Nakabuka ang mga binti at nakalahad ang mga braso. Ready in full to stop him.
“Let’s see.” Sabi niya at nagsimulang kumilos habang dinidribol ang bola. He ran some steps para makahanap ng butas. Mahigpit siyang binabantayan ni Basty upang hindi makatira. But he made a fast move. Nakalampas siya kay Basty kaya tuluy-tuloy siya hanggang sa ring. Parang bulak lang na inihulog niya ang bola at pumasok iyon.
Malakas ang naging tawa niya nang makita niya ang masamang tingin nito sa kanya. Kaagad niya itong nilapitan at inakbayan. Ngunit napangiwi siya nang biglang kumirot ang tagiliran niya.
“O, okay ka lang?” nag-aalalang tanong nito. “Okay lang.”
“Sabi na kasi sa’yo eh. Saka na lang tayo maglaro.” Paninita ni Basty sa kanya. He only laughed.
Panabay silang naupo sa bench. Hinimas-himas niya ang kanyang tagiliran. May benda pa rin iyon ngunit pahilom naman na ang sugat. Mabuti na lang at daplis lang iyon sa kanyang bituka kaya naging mabilis ang recovery niya.
Inabot ni Basty ang kanyang Gatorade. Ininom niya iyon.
“Tumawag si tiyo Samuela kanina. Pinapatawag tayo. Kakausapin daw tayo ng Presidente.” Sabi nito.
“Ikaw na lang.” Tugon niya. Wala siyang balak kausapin ang Pangulo. Ayaw na niyang maulit ang kapangahasang ginawa niya at kinausap ito. Hangga’t maaari ay ayaw niyang magkaroon ng koneksyon dito.
“Para naman ‘to do’n sa information na ibinigay natin. Malaki daw kasi ang babaguhin no’n sa problema sa drugs dito sa Pilipinas. Eh, mapuntirya ba naman natin ‘yong Chinese Mafia na ‘yan. Gusto lang daw personal na magpasalamat.”
“Okay na ‘yon. Baka mag-offer na naman ‘yon ng posisyon kung saan-saan. At saka aksidente lang naman ‘yong nakuha natin. May koneksyon lang naman ‘yon kay Darren. Hindi naman ‘yon ang purpose natin.” Agap niya.
“Ayaw mo no’n. Baka mamaya i-appoint ka n’ya na Chief Justice.” Anito sabay tawa. “Sira.” He only said.
“Basty! Gavin!” sigaw na isang tinig at sabay silag lumingon ng kaibigan. Nakita nilang papalapit si Eeli. Nakangiti ito. Ngunit wala naman dito ang atensyon niya.
Right beside Eeli was the woman who had been haunting him for nights. Ang tanging babaing gumulo sa buhay niya nang ganoon na halos sirain na iyon. Ngunit ito rin ang tanging paraan para lamang muling mabuo.
“Eeli.” Si Basty. “Cleo, kumusta?” “H-hi.” Anito sa malumanay na tinig.
‘Damn! I missed you so much.’ Gustong isigaw ni Gavin iyon ngunit pinigil niya ang
sarili.
“K-Kumusta?” nauutal na sabi ni Cleo nang magkasarilinan sila ni Gavin. Sina Basty at Eeli kasi ay nagkayayaang maglaro ng basketball. Na ang totoo ay binigyan lamang sila ng pagkakataong mag-usap.
“Okay lang.” tugon nito. Hindi niya alam kung lamig nga ang naramdaman niya sa sagot nito. Nakasuot na ito ng damit ngunit kanina nang dumating sila ay hubad ito dahilan upang makita niya ang sugat sa tigiliran nito. Hindi niya mapigilang makaramdaman ng guilt. Siya ang dahilan kung bakit kinailangan itong operahan.
“Iyang sugat mo sumasakit pa ba?” tanong niya upang makapag-umpisa ng usapan. “Okay naman na. For check up na lang naman.” Sagot nito.
She sighed. Hindi niya mahanap ang tamang aura nito. He was so blank. Ni hindi ito tumitingin sa kanya. Abala ang mga mata nito sa panonood kina Eeli. Hindi niya maiwasang masaktan. Balewala na marahil dito ang namagitan sa kanila.
“Gavin…” “Ikaw….”
Noon sila nagkatinginan ngunit siya ang unang nag-iwas. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. Tila kaya siyang tunawin ng tingin nito. Lalo tuloy naging abnormal ang tibok ng puso niya. At sobrang kaba ay parang gusto tumulo ng luha niya.
“Ikaw? Kumusta na?” tanong nito. Nag-ipon siya ng lakas at muli itong tiningnan.
Mula sa malamlam na ilaw ng court at ng street light ay nakita niya ang tenderness sa mga mata nito. Puno pa ng sinseridad ang tinig nito. Tila mahika ang presensya nito dahil nagawa niyong pagaanin ang bigat ng kalooban niya.
“Okay na ‘ko.” Aniya. “Salamat. Salamat sa lahat-lahat. Sa pagliligtas mo sa’min ng kapatid ko. Utang ko sa’yo ang buhay ko.”
Ngumiti ito. And that smile alone can make her day. Kay tagal niyang hinintay na muling masilayan ang ngiti nito.
“Walang problema. Kahit anong oras basta kinailangan mo ‘ko ‘andito lang ako.” Tugon
nito.
‘Pa’no kung kailangan kita sa buhay ko forever?’
“Hindi ako sanay ng may utang na loob. Pa’no ako makabawi sa’yo?” sabi niya. “Just take care of yourself. At lagi ka lang masaya. Bawi ka na sa’kin.” Sagot nito.
Napalunok siya. Hanggang sa huli talaga ay kapakanan niya ang iniisip nito. How noble?
Ngunit hindi niyon nasasagot ang mga tanong niya.
“Marami nang nangayari sa’tin, Gavin. Pero parang estranghero ka pa rin sa’kin. Hindi ko pa rin alam kung bakit at paano mo nagawa ang lahat ng ‘to.”
“Okay nang gano’n. Ipagpalagay na lang natin na…naroon ako, kami noong nanganib ang buhay mo.”
She sighed. “Alam mong hindi ‘yon ang ibig kong sabihin.”
“Cleo-”
“Gavin, pa’no ka napunta kay secretary Guevarra? At saka pa’nong nagawa n’yo ang lahat ng ‘to? Ang sabi ni Papa nabanggit ni secretary na intelligence agent ka.”
“Dati kong trabaho ‘yon.” Agap nito.
“Ang sabi mo wala kang pagkatao. Hindi ako naniniwala. Alam kong sinasabi mo lang ‘yon dahil ayaw mo sa pagkatao mo. Gavin, sabihin mo naman. Pleae, gusto kitang tulungan.” Saad niya.
Nag-iwas ito ng tingin. She knew it. Mahihirapan siyang pasukin ang pagkatao nito. Alam niyang isiniksik na nito iyon sa kaloob-looban nito. Na kung maaari lang buharin ay gagawin nito. Alam niyang malungkot ito. Na may kulang sa buhay nito. She wanted to help him. Dahil alam niyang iyon ang makakapagpasaya sa kanya. Ang maging masaya din ito.
“Hayaan mo na lang na hindi mo kilala ang taong naglitas sa’yo. Anyway, wala naman na s’yang ibang silbi sa buhay mo. You’re safe now.” Hindi tumitingin sa kanyang sabi nito.
“Ayoko.”
“Bakit?” tila nalilito nitong tanong. She knew he was just trying to shield himself.
“Dahil minahal ko na ang taong ‘yon. Hindi ko na kayang wala s’ya sa buhay ko.” Sabi niya at ganoon na lang ang gulat nito sa sinabi niya.