CHAPTER ONE
Hila-hila ang stainless armless chair ay mabagal na lumakad si Cleo paikot sa stage. Nakasuot siya ng Broadway inspired custome at sa ilalim ay isang tanga. Her hair was laid down in a wild curly with ombre-ish vibe of red.
She made one sexy sway. Saka itinalikod ang upuan at naupo. She turned and moved her legs apart behind the chair. Narinig niya ang hiyawan ng mga manonood. She knew the meaning of that clamoring. Nasisiyahan ang mga ito sa ginawa niya. Bigla namang bumuhos ang silver confetti. Lalong lumakas ang sigawan. Hindi niya naiwasang mapangiti.
Most of her audiences were men. At ito ang laging reaksyon sa tuwing gagawa siya ng mga senswal na pag-ikot o paggalaw. Tila mitsa iyon sa urgency ng mga naroroon. At ito ang pumupuno sa superclub sa tuwing magtatanghal siya. Tumayo siya at muling sumayaw. She did her sexy hip hop choreography. Kasabay ng hataw niyang galaw ay ang maingay na sigawan at palakpakan ng halos lahat ng naroroon. Sumasabay din ang tagaktak ng pawis sa buo niyang katawan.
“Cleo! Over here!” narinig niyang sigaw ng isang certified bum na regular na pumupunta sa club. Tiningnan niya ito at kitang-kita niya ang pagngisi nito. She just winked at him. Muli siyang sumayaw. She continued shaking her ‘bootie’ for the sake of their entertainment.
Naghuli siyang ikot sa circular runway ng stage na nagsisilbi ring bar. At sa bawat hakbang niya ay na panay din ang abot ng mga kamay na nahahagip ang kanyang binti. But she only ignored it. Itinuloy na lamang niya ang ginagawa. What important to her was her performance.
Muli siyang umupo sa steel chair para sa end pose. At pagtungo ng kanyang ulo ay nagpatay din ng ilaw hudyat ng pagtatapos. Again, the crowd went on havoc scream. At iyon ang
sinamantala niya. Dahil nasanay na ang mga mata niya sa dilim ng stage ay mabilis siyang nakaalis at dumeretso sa artists lounge.
Sa Bulacan ipinanganak at lumaki si Cristina Leonor Rubio o Cleo. Fourteen years old pa lang siya nang maging propesyonal na dancer. Isang cultural dance group ang kumuha sa kanya na dumadayo sa iba’t-ibang bayan sa Bulacan upang magtanghal. Dahil passion niya talaga ang magsayaw, nagawa niyang pagsabayin ang hilig at pag-aaral. At sa edad na labing-pito ay isa na siyang magaling choreographer at nagsimula nang makilala.
Tinapos lamang niya ang kursong BS Fine Arts sa UP Diliman bago niya sineryeso ang sariling art. Sa kasalukuyan ay isa na siyang animator at comic writer sa isang animation studio, ang Avilar Studio. Iyon naman talaga ang passion niya at ang pagsasayaw.
Sumali din siya sa isang reality dance contest kung saan mga amateur at professional choreographer ang mga kalahok. Pinalad siyang manalo. Doon siya lalong nakilala dahil siya ang pinakabatang batang kalahok at nagawa niyang talunin kahit ang Filipino-American choreographer na si Marion Richardson na hindi matatawaran ang galing pati na ang background sa entertainment industry.
Dinumog ng offers si Cleo matapos manalo. Ngunit hindi lahat ay tinanggap niya. Tanging ang offer ni Roxanne Roswell, part-owner ng Roxy City ang tinanggap niya. Ang naturang superclub ay isang bar/club sa The Fort Bonifacio Global City sa Taguig. Itinuturing ito na pinakamalaki at pinakasikat na superclub sa bansa. Halos lahat ng malalaking event ay sa Roxy ginaganap at tinatambayan ang mga pamosong pangalan sa bansa kabilang na ang mga sikat na modelo at artista.
Katabi naman mismo ng club ay ang Lou’ Room’d. Isang two-story manor inspired hotel na pakana naman ng part-owner na si Lourd Fortes. Ito ang brain child sa sumisikat na record
label na LinkMusic Inc. Para iyon sa mga VIP members ng club na gustong magpahinga at magmay-ari ng suite. Kasama iyon sa pribelehiyo bilang member sa Roxy City.
Gabi-gabing puno ng partygoers ang club. Kung minsan nga ay pinagtatakhan na nila kung saan nanggagaling ang mga ito. Natawa na lang sila nang sagutin ni Roxanne ang tanong. Dahil daw iyon sa ‘Xquizit at sa mga artists ang LinkMusic. Siya ang official choreographer ng grupo. Siya na rin ang itinuturing na leader ng grupo dahil sa siya ang pinakamatanda sa grupo sa edad na bente-singko.
Nasa loob na siya ng lounge nang pumasok si Roxanne. Kararating lang nito galing Italy. Hindi pa dapat ito uuwi dahil sa may sakit nitong dating asawa. Matagal na itong hiwalay kay Dymitri ngunit marahil pinahahalagahan pa nito iyon kaya pinuntahan pa rin nito. Bukod pa sa ito ang ama ng nag-iisa nitong anak na si Euan.
Umuwi si Roxanne dahil sa nangyaring aksidente ni Cassie at kasalukuyang comatose ito. Lubhang iyong nagpapaalala sa kanila. Mahal nila si Cassie. Ilang linggo na ring walang performance ang ‘Xquizit dahil sa kulang sila. Kaya pinakiusapan siya ni Roxanne na kahit siya lamang mag-isa ay magtanghal muna para sa mga naghahanap sa kanila.
May bitbit itong isang bouquet ng bulaklak nang pumasok. Iniabot nito iyon sa kanya.
Tiningnan niya ito.
“Huwag kang mag-alala. Hindi ako pumayag na ilabas ka ng nagbigay n’yan.” Sabi nito.
Flowers were the most common token of those men who want to hook her. Na hindi niya maintindihan kung bakit dahil sa lahat ng member ng grupo ay siya ang maaaring sabihing hindi kagandahan. She had an ordinary face. Maputi mang maituturing ngunit hindi naman niya taglay ang matangos na ilong. Simple lang ang hugis at maliit. Ordinaryo lang din naman ang hugis labi niya at may dalawang pares ng mga mapupungay na tama.
“Kailangan ko nang umuwi. Baka nilayasan na naman ako ni Eeli.” Nagmamadali niyang sagot. Noon ay sinisimulan na niyang alisin ang make-up niya.
“Ala-una na ng madaling-araw. Malamang na tulog na tulog na ‘yon.” Sabi nito na nakaupo na sa leather sofa.
Nagbuntong-hininga siya. “Sana nga.”
“O, siya. Magbihis ka na. Mag-ingat sa pagmamaneho.”sagot nito. Lumapit ito sa kanya at humalik sa pisngi niya.
“Thanks. See you.” Sagot niya.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ang paglabas nito. Nang maiwan ay nagsimula na siyang ayusin ang sarili. Pinalitan niya ng jeans at tank top ang suot niya. Ipinusod lang niya ang mahaba niyang buhok.
Dala ang bag niya ay lumabas na siya ng dressing room. Doon siya dumaan sa makipot na hallway na diretso sa likod ng club. Nagsuot siya ng camo cap.
Nang marating ang pinagparadahan ng kotse na kabebenta pa lang sa kanya ng mayaman niyang kaibigan at member din ng ‘Xquizit na si Amber ay kaagad niyang pinindot ang alarm noon. Nang mabuksan ang sasakyan ay inalis niya ang suot na cap.
Kailangan na niyang makauwi dahil malakas ang pakiramdam niyang wala na naman sa apartment nila si Eeli. Bukod pa sa kailangan niyang makatulog kahit saglit dahil dadalaw silang magkakaibigan kay Cassie. Sila kasi ang nakatoka na magbantay dahil wala si Lourd. May biglaan kasi itong meeting sa Singapore sa para sa merging nito sa international label.
Si Aura Leticia o mas gusto nitong tawaging Eeli na hindi niya maintindihan kung bakit ay ang nakababata niyang kapatid na babae. Dise-nueve anyos na ito ngunit daig pa niya ang nag-aalaga ang hyper na toddler sa karamihan ng kalokohan nito.
Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit ganoon ang kapatid niya. Hindi naman nagkulang ang kanilang mga magulang na parehong may magandang reputasyon sa Bulacan sa pagpapalaki sa kanila. Kasalukuyang vice-mayor sa bayan nila ang kanyang ina at DepEd director ng Bulacan `chapter`` ang kanyang ama. Madalas ay kaaway nito ang kanilang ama dahil na rin sa katigasan ng ulo nito. Ayaw kasi nitong maging isang guro na ipinipilit naman ng kanyang ama.
Hindi rin niya ginustong maging guro o pumasok sa pulitika. Alam iyon ng mga magulang niya. At maluwag naman iyong tinanggap ng mga ito. Ngunit kay Eeli ay mahigpit ang kanyang ama. Marahil dahil hindi pa rin alam ni Eeli kung ano talaga ang gusto nito sa buhay. Hindi ito mahilig mag-aral. Tamad gumawa ng mga homeworks. Ayaw magbasa dahil slow reader daw ito ayon na rin dito. Dalawang beses kasi itong nag-ulit ng grade one dahil sa hindi nito ma-master ang reading subjects nito. To cut the story short, Eeli believes she is stupid. ‘Bobo’ kung sa mas negatibong tema.
Hindi siya naniniwalang ganoon ang kapatid niya. Alam niyang matalino ito. Hindi nga lamang ito katulad niyang nakikita sa academics ang talino. Palibhasa’y consistent achiever siya simula pa elementarya. Laging nangunguna sa klase. Kung hindi first honor ay second naman. Hindi siya bumaba sa top five sa klase kahit kailan. Gru-ma-duate siyang cumlaude sa UP.
Pati sa extracurricular activities siya rin ang pambato ng school sa mga programs. Dahil naman iyon sa galing niya sa pagsasayaw. Bata pa lang ay nagawa na niyang mag-organize ng isang production number para sa ekwelahan.
Kahit sa sports. Naging varsity siya sa volleyball team hanggang high school. Hindi siya katangkaran. setter o libero madalas ang position niya. Natigil lamang siya sa paglalaro nang mag-college dahil mas gusto niyang sundin ang totoong passion, ang dancing at drawing.
Naisip na niyang marahil ang pagiging achiever niya ang naging dahilan kung bakit naging ganoon ang kapatid niya. Noon pa man ay nararamdaman na niya na hindi nito ikinatutuwa kapag nag-uuwi siya ng mga medals niya. Parang iniisip nito na nagmagaling na naman siya. Na ‘epal’ siya sa lahat ng bagay. Na laging gusto niya ay siya ang nangunguna. Kung sana ay alam nitong hindi naman siya perpekto. Marami na rin naman siyang nagawang pagkakamali. Marami pa rin naman siyang hindi alam. At iyon ay ang mga bagay alam niyang magaling ang kapatid niya. Kailangan lamang nitong alamin iyon at sikaping pag-igihin.
Ginagawa naman niya ang lahat upang mapalapit dito. Lagi niya itong inaalok ng tulong. Ngunit parang kinamuhian nito ang pagiging ‘perfect daughter’ niya. Hindi naman niya sinadya iyon. Hindi naman niya pinlano ang lahat. Hindi naman niya siguro kasalanan na magaan para sa kanyang gawin ang maraming bagay. Hindi rin naman niya gustong sapawan ito. Mahal na mahal niya ang kapatid niya. Ito lang naman ang tila masama ang tingin sa kanya.
May hangganan din ang pagpapasensya at pag-intindi niya kay Eeli. Dahil sa ugali nito ay hindi na sila nagkakasundo. Kahit na magkasama sila sa iisang bahay dahil ‘ipinatapon’ na ito ng kanyang mga magulang dahil sa katigasan ng ulo nito ay madalang naman silang magkita. Nag-aaral nga ito ng college pero hindi naman niya alam kung saan nagpupupunta ito. Araw- araw lang silang nag-aaway. Madalas siyang takasan nito. Madalas pagsinungalingan. Napapagod na rin siya. Hindi naman niya masabi sa mga magulang niya iyon dahil ayaw niyang mag-aalala pa ang mga ito. Responsilidad niya ang kapatid niya.
“Cleo?” napalingon siya nang marinig iyon. Sinipat niya sa may di kalayuan ang tumawag sa kanya. Her eyes narrowed to acquaint the face. Pero hindi niya masipat dahil may kadiliman sa parteng iyon. Bumaba siya sa kotse.
“Adam? Anong ginagawa mo dito?” Nakikilala ngunit naniniguro niyang saad. May hinala na siya kung bakit bigla siyang pinuntahan nito.
Barkada ni Eeli si Adam. Madalas na ito ang kasama sa mga gimik ng kapatid niya at madalas din niya itong mapagsabihan kahit mas matanda ito sa kanya.
“Wag kang magagalit ha. Kasi…eh…si Eeli kasi nasa…” Sagot nito.
“Ano ba yan?” Tila biglang napagod nang maintindihan niya ang sasabihin nito.
Mukhang problema na naman ang dala ng kapatid niya.
“Nasa’n s’ya?” naiirita na niyang tanong. Nakita niya ang pag-asim ng mukha nito tanda na nag-aalangan itong sabihin sa kanya ang kinaroroonan ng kapatid.
“Huhulaan ko. Nasa Metrowalk na naman kayo at lasing na ang kapatid ko kaya ipapakuha mo na s’ya.” Aniya nang nakaismid.
“Wala s’ya don.” Sagot nito. Kumunot ang noo niya. Inisip ang nais sabihin nito. “Naku naman!” tuluyan na siyang nainis. “Ano na namang ‘to, Adam?”
“Nasa presinto ang kapatid mo.”
“Ano?!” halos mabingi ito sa lakas ng boses niya. Kitang-kita niya ang pagngiwi nito at pag-atras tanda na natakot ito sa kanya. Palibhasa’y may kasalanan.
“Halika! Samahan mo ‘ko!” Aniya at muling sumakay sa kotse. Sumunod naman ito at sumakay na rin. “Kahit kailan, Adam, sakit kayo ng ulo. Ano bang nangyari?”
“Nangarera kasi si Eeli sa Macapagal.” Pag-amin nito. Tumatakbo na sila noon at kulang na lang ay mag-beating the red light siya makarating lang kaagad sa kinaroonan ng pasaway niyang kapatid. Mukhang walang lugar ang pahinga sa kanya.
“Anak ng tinapa. Karera? Karera naman ngayon? Ano na sa susunod? Na-salvage ka na pati ang kapatid ko?” Iritadong-iritado niyang saad. Sukdulan ng ang kalokohan ng kapatid niya. Mapapalampas niya ang mga gimik nito ngunit ang mapresinto ito ay sobra na.
“Pasensya na. Nagkahulihan kasi eh.” Ani Adam.
Hindi na siya nagsalita pa. Wala na rin silbi ang mga sasabihin niya dito. Nangyari na. Pagod na rin siya para manermon dito gayon hindi naman ito ang kapatid niya. Nahiling lamang niya na hindi napahamak ang kapatid niya.
Mula sa bag niya ay kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-dial. “Hello, Amber?” Aniya nang sagutin ang tawag niya.
“C-Cleo?” paos ang tinig nito. Halatang tulog na ito. Napapahiya siyang nagbuntong-
hiniga.
“I’m sorry. Kailangan ko lang ng tulong. Nasa presinto ang kapatid ko.” Hindi na niya nag-atubili.
“What?!” gulat na gulat ito. “Is she alright?”
“She’s fine. Amber, hindi ko alam ang gagawin eh.” Aniya dito sabay tingin nang masama kay Adam. Apologetic itong nag-iwas ng tingin.
“Relax. Tatawagan ko si Uncle. He will take care of everything. Sa’n bang presinto ‘yan?
Do you have cash?” tugon nito.
Ang tinutukoy nitong ‘Uncle’ ay ang on-call attorney ng pamilya nito. Hindi ito kamag- anak ng mga Chua ngunit Uncle na ang nakasanayang itawag ni Amber dito dahil hindi pormal ang naturang abogado. Kahit nga sila ay hindi naniwalang abogado ito nang makilala nito ito dahil sa wala sa hitsura nito.
“Meron.” Tugon niya. Lumalabas talaga ang ugaling mayaman nito kapag sa mga ganoong pagkakataon. Kahit na anong gawin nitong pagpapa-low profile. Kayamanan pa rin nito ang kakapitan nito kapag nagkagipitan. Na kung minsan pati sila ay nakikinabang. Lalo na siya.
Wala pa man ay nagpapasalamat na siya sa kaibigan. Hindi na rin matatawaran ang pagkakaibigan nila. Subok na rin naman ng panahon ang tibay noon.
“Itetext ko sa’yo kung saan. Thanks.” Tugon niya. “Don’t mind it. Susunod na lang ako.” Tugon nito.
“Wag na. Tulog ka na ulit. Ako na’ng bahala. Thanks again.” Aniya saka inilagay ang cellphone sa dashboard. Sigurado siyang mamimilit pa ito. Mabuti na lang at mayroon siyang kaibigang maaasahan tulad nina Amber.
“Ito na ang huli, Adam. Ito na ang huli.” Sa sobrang inis ay nasabi niya iyon sa katabi.
Wala naman siyang narinig na tugon mula.