ROXY CITY BOOK 4 (STRANGERS AND LOVERS) Chapter 3

CHAPTER TWO

“Pasok!” Galit na saad ni Cleo kay Eeli. Nasa labas sila ng presinto at alas-diyes na ng umaga at sa kabutihang palad o mas tamang sabihin na sa swerteng pagkakataon ay nakalabas na ito.

Magkasunod lamang silang dumating ni ‘Uncle.’ Kaagad nitong kinausap ang mga pulis. Matapos ang isang oras na negosasyon ay lumapit ito sa kanya. Ayos na daw at maaari nang magpiyansa ang kapatid niya. Subali’t madaling- araw na kaya kinailangang ma-detain ni Eeli. Hinintay pa nilang mag-umaga upang ma-process ang release ng kapatid niya.

Hindi na siya umuwi. Sinamahan na lang niya ang kapatid sa presinto. Mabuti na lang at hindi naman sila iniwan ni Adam. Nakita pa niya ang ibang naka-detain din. Iyon daw ang mga kasama nina Eeli na nangarera din. Hindi na siya nag-abalang kausapin ang mga ito. Wala siyang pakialam sa ibang naroon. Mas kailangan niyang mailabas ang kapatid niya.

Wala siyang kaalam-alam na ilang buwan na pala itong pumupunta sa mga iligal na drag racing. Lalong wala siyang kaalam-alam na marunog pala itong mag-drive at nangangarera pa. Sumakit ang ulo niya sa pag-amin ni Adam. Ang kapatid niya, isang mechanic help sa illegal drag racer?

Kasama ang kababata nilang si Darren Santiago ay lumalaban ang mga ito. She never liked Darren. Matanda siya dito ng isang taon at kapareho ng kapatid niya ay puno din ng kalokohan ang buhay nito. Anak ito ni Mayor Levi Santiago, ang kasalukuyang mayor ng bayan nila sa Bulacan. Malapit ang pamilya nila sa mga ito dahil kaibigan ng kanyang mga magulang ang magulang nito. At sa kasamaang palad ay narito rin pala ito sa Maynila at panay ang pasarap sa buhay. Idinamay pa ang kapatid niya.

Hindi na niya pinagkaabalahang alamin kung anong kalakaran mayroon si Darren. Ang mahalaga para sa kanya ay mailayo si Eeli dito. Ayaw niyang makarating pa sa mga magulang nila ang nangyari dahil malamang sa atakihin na ang kanyang ina kung sakali.

“Oo, heto na. Asar.” Pikon nitong sabi sabay pasok sa kotse. Sumunod siya at pumasok sa driver’s seat. Padarang niyang isinara ang pinto ngunit hindi niya pinaandar iyon. Seryoso niyang hinarap ang kapatid.

“Wag na wag mo ‘kong pipigilang magalit sa’yo, Leticia. At wag na wag mo ring sasabihin sa’king ‘wag akong makikialam dahil ako ang naglabas sa’yo sa kulungang pinasok mo.” panenermon niya dito. She really had enough. Too much actually.

Nakakaloko itong tumawa. “Wow. Salamat…sa pera mo.”

Mariin siyang napapikit sabay buntong-hininga. “Isa pang sagot na hindi maganda.

Sasampalin na kita.”

“Whoa! Kaya mo? Hindi ‘no. Ikaw kaya ang ‘perfect’ example of hardworking mother

fuc-”

“Eeli, pwede ba!” Sa galit ay nahampas niya ang manibela at tumunog ang busina. “Iyang bibig mo ha. Magpasalamat ka at kapatid kita at mahal ko ang mga magulang natin. Tama na ang kalokohan mo. Hindi ka na makikipagkita kay Darren at ito na rin ang huli na pupunta ako sa ganitong lugar para sa’yo.”

“Eh ‘di wag mo ‘kong puntahan. Sira-ulo lang naman kasi ‘yang si Adam. Ikaw pa ang pinuntahan. ‘Tonto ng pu-”

“At kanino naman s’ya hihingi ng tulong? Kay Pnoy? Ilang buwan ko bang ginagawa sa’yo ‘to at ilang buwan na rin akong umaayos sa gusot mo?”

“Hiningi ko ba ‘yon?!” sigaw nito.

“Hindi. Ginagawa mo lang naman ‘to para ipakita sa’min na nag-e-exist ka.” Tiningnan siya nito nang masama. “Ano?”

She snorted. “Akala mo hindi ko alam? Na kaya mo ‘to ginagawa ay para magpapansin. For all we know, Eeli. You make messes to get a stare. Para ano? Sa parents natin? Para mamoroblema sila at maging kahihiyan ka? In that way, sira na rin silang kagaya mo. Hah! Nice one.”

Tiningnan siya nito saka umirap sa kanya. “Tumigil ka nga. As if kaya mo ‘kong pigilan.”

“As if kaya mong wala ako.” Agap niya. “Kung hindi ko pa alam ay pera ko naman ang panustos mo sa mga gimik mo.”

Hindi ito tumugon.

Pareho silang tahimik nang mga sumunod na sandali. Kinalma na muna niya ang sarili.

Hindi siya makakapag-drive nang maayos kung galit siya. Ayaw niyang maaksidente sila.

Pagod na pagod na siya at wala pang tulog. Maya-maya lang ay tatawagan na siya ng mga kaibigan dahil sigurado siyang nakarating na kina Geri at Thia ang nangyari. Wala maitatago si Amber. Malamang na hysteric na itong nagkekwento sa mga kaibigan niya.

“Ako nang mag-drive. Alam kong pagod ka na. Para naman kahit pa’no bumalik ang nagastos mo sa’kin. Matulog ka.” Sabi nito kalaunan.

Cleo must be insane. Nawala lang galit sa tinig nito at nagsalita na parang concern ay parang natunaw na rin ang galit niya. Parang gusto niyang umiyak. Sa kabila ang pagsisigawan nila at mahal pa rin niya ito.

“Bakit mo ba ‘to ginagawa, ha, Eeli?” bumibigay na ang emosyon niyang saad. Marahil dahil sa pagod ay nanginig na ang tinig niya. “Ayusin mo naman ang buhay mo. ‘Wag mo nang bigyan ng problema sina Papa.”

Hindi kaaagad ito kumibo. Nakatingin lamang ito sa labas na animo’y nakatanaw. Alam niyang tinamaan ito sa mga sinasabi niya. Hindi siya nawawalan ng dahilan para maniwala dito. Mabuting tao ang mga magulang nila at mabuti silang pinalaki ng mga ito kaya hindi siya naniniwalang masama ang kapatid niya.

“Ewan ko.”

That’s it. Inulit naman nito ang palaging sagot sa tuwing tinatamaan ito. Hanggang sa buksan nito ang pinto ng kotse at lumabas. Sinundan nito ito ng tingin at lumipat sa driver’s seat. Binuksan nito ang pinto niya.

“Tabi d’yan. Matulog ka na. Iuuwi na kita.” Masungit nitong sabi. Muli siyang nainis.

Nanlilisik na mga mata niya ang lumipad dito.

“At sa’n ka naman pupunta?” galit niya tanong sabay labas ng kotse. Heto na naman sila.

Balik na naman sa pag-aaway.

“Wala.” Sagot nito at tinabig siya. Akmang papasok ito sa kotse nang pigilan niya.

Hinawakan niya ang braso nito.

“Sa’n ka na naman pupunta sabi eh!” inis na inis na siya dito. “Ate, ano ba?” nagpumigilas ito at naitulak siya nito.

“May problema ba?” anang isang tinig at sabay silang napalingon ni Eeli. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa lalaki. “Eeli.”

Nagtatakang ibinalik niya kay Eeli ang tingin niya. Seryoso itong nakatingin sa lalaki. “Wag kang makialam.” Anito saka sumakay sa kotse.

“Eeli!” nagmamadali siyang lumapit dito saka muling binuksan ang pinto. Hindi na niya alintana kung naroon pa rin ang lalaki. “Nag-uusap pa tayo.”

“Ate, please naman. Kung gusto mong ituloy ang gyera na natin, eh, pwede bang sa bahay na lang?” ubos na ri nang pasensya nitong agap sa kanya.

“Na parang uuwi ka nga.” Angil niya. “Excuse me.” Singit ng lalaki.

“Wag kang makialam!” Sabay pa silang magkapatid sa sinaway ito. Nagkatinginan sila. “Sino ba ‘to? Boyfriend mo?” galit niyang baling kay Eeli.

“Hindi.” Galit din nitong tugon. “Kalaban ko ‘yan kagabi.”

“Oh.” Nakaangat ang kilay siyang tumingin sa lalaki. Matipuno ito. Kaagad niyang pansin. Lumapit siya dito.

“Ate, halika na. Pambihira naman. Waste of time lang kung kakausapin mo ‘yan. Hindi ko ‘yan kilala.” Ani Eeli ngunit hindi niya ito pinansin.

“Totoo ba ang sinabi ng kapatid ko?” pataray niyang tanong dito.

She saw his brows frowned. Nakaramdam siya ng kaba. Noon lamang niya napansin ang kakaibang hitsura nito. Not that he looked like a monster. Gwapo nga ito sa tingin niya. Kuyangming-kayumangi ang kulay. Matangkad. Lean ang pangangatawan. At nang mapagmasdan niya ito ay napansin iya ang pilat sa may kilay nito. Hanggang talukap iyon ng mata nito. His hair was shaved. Na lalong nag-emphasized sa oval shaped nitong mukha.

‘Derek Ramsey, wanna be?’ takbo ng isip niya. Galit na version nga lang.

“Alin do’n? Na racer ako o ‘yong hindi n’ya ako kilala?” salubong ang mga kilay nitong

tanong.

She blew a nasal breath. “Pilosopo. Nasabihan ka na naming na ‘wag makialam.”

“Concern lang naman.” Tugon nito.

Hindi na siya sumagot at tinalikuran na lang ito. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang pumihit siya pabalik at muling lumapit. Dala ng pagod at galit ay dito niya naibuntong ang frustration sa kapatid niya.

Pinagduduro niya ito. “Wala akong pakialam kung sino at wala rin akong pakialam kung kaibigan ka man ng kapatid ko. Eto lang mister-”

“Gavin. Gavin ang pangalan ko.” Tila hindi naman apektado ito sa ginawa niya. “At hindi ko kaibigan ang kapatid mo. Kagabi ko lang s’ya nakilala sa race. Sasabihin ko lang naman na ‘wag n’yo sanang hayaan ang kapatid n’yo na pagala-gala na parang walang magulang. Look at where you find her. Pasalamat kayo at mababait ang mga pulis na nakahuli sa’min. Kundi baka bilasa na ‘yang kapatid n’yo.”

Napasinghap si Cleo sa kapangahasan nito. Uminit lalo ang ulo niya. Kung sa pagiging bastos nito o sa pagkapahiya niya dahil may katotohanan ang sinabi nito ay hindi niya alam. Idinamay pa nito ang mga magulang. How rude? Nangingkit ang mga matang tiningnan ito.

“Bastos.” Nagngingitngit niyang saad saka tinalikuran ito. Parang nagsisikip ang dibdib niya sa galit. Wala siyang pakialam kung sino man ito o kung magalit man ito sa kanya. Masyado nang nahila ang pasensya niya nagdaang magdamag. Idagdag pa wala siyang tulog at baka hindi na siya makapunta sa ospital para kay Cassie.

“Pasok sa kotse. At akong magda-drive.” Sabi niya kay Eeli at wala itong nagawa kundi lumipat sa passenger’s seat.

Padabog siyang pumasok ng kotse at galit na ini-start iyon. “Kinausap mo pa kasi.”

“Shut up!” pasigaw niyang agap dito. Bigla itong natahimik. Tiningnan niya sa paraang nagbabanta dito. Nag-iwas ito ng tingin.

Pinaanadar niya ang kotse at sa pag-ikot niya ay nakita niyang naroon pa rin ang lalaki at nakatingin pa rin sa kanila. Tumigil siya sa tapat nito saka galit na tiningala ito.

“Pakisabi rin sa magulang mo na ‘wag kang hayaang pakalat-kalat, Mr. Pakialamero.”

Aniya.

His face remained blank. Ngunit tila nag-apoy ang mga mata nito. Subalit tila hindi naman na-offend ito sa sinabi niya.

“I’m an orphan, Miss. Kaya walang magulang na sasaway sa’kin.” Sabi nito saka tumalikod. He even looked at him as if disgusted.

‘Ang yabang!’ hindi na niya naisatinig iyon. Pinanood na lang niya ang paglayo nito.

Saka binigyan ng huling tingin ang kapatid at pinasibad ang kotse.

Bagot na itinapon ni Gavin ang baraha sa gitna nang makitang pangit na kombinasyon mabubuo niya. Nasa casino siya sa Royal Festival Casino sa Malate. Nasa lower ground siya, a roped-off area kung saan naglalaro ang mga VIP patrons ng casino. Kasama niyang nagpunta doon si Basty. Nasa kabilang mesa ito at kasalukuyang naglalaro.

They crashed the casino in full formal suit. Lumakad sila doon na animo ay sila ang mag- ari ng lugar na iyon. They were always armed with knowledge and winning tactics that cannot be beaten. Matagal na siyang labas-pasok sa mga casino. Teenager pa lamang siya. Mariin tinututulan ng tiyo Samual niya ang paglalaro niya ngunit wala naman itong nagawa.

He considered himself as a professional gambler. Sila ni Basty. Mula sa simpleng kara-y- crus na nilalaro nila noong kabataan niya hanggang Hai-alai ay alam niyang laruin. Karamihan

nga lang ay iligal. But what can he do? Mas exciting gawin ang mga bawal at mali. He was a thrill seeker. Kahit pa nga si Kamatayan ay hinahamon niya. Sadya lang mailap ito.

“All in.” aniya sabay tulak sa lahat ng chip na nasa kanya. Wala siyang planong i-bet lahat iyon ngunit nababagot na siya. Wala na siya sa mood maglaro. Uubusin na lang niya ang natitirang pangtaya niya.

Kanina pa siyang nanalo ng round. Nakita niyang pikon at problemado na ang mga kalaban niya kaya pagbibigyan na lang niya ang mga ito. These stupid rich people could have his money. Marami siya noon. Milyon pa kung tutuusin.

Kumilos ang dealer at kanya-kanya silang lantad sa mga cards nila. His was flap. Nakita niyang full house ang katabi niya. Napangisi siya.

“Yeah!” sigaw ng matandang kalaban niya. Mataba ito at paubos na ang buhok nito. He presumed he was in his fifties. But the hell he cares. Nababagot siya dito at sa iba niyang kalaro.

Nagbuga siya ng hangin at wala mang pasubaling tumayo at naglakad palayo. Nilapitan niya sa Basty sa naglalaro ng roulette.

“Tara.” Sabi niya. Tumingin ito sa kanya.

“Teka lang.” tugon na tila nagsisiyahan pa sa paglalaro. Kumibot ang labi niya saka inakbayan ito.

“Tara na. Kain lang tayo.” Aniya at hinila ito. Wala na itong nagawa. Nagtapunan pa ang mga chips nito. Nagtaka ang mga kalaro nito ngunit hindi niya iyon pinansin. Nagpatuloy lang sila ni Batsy sa paglalakad.

“Nananalo na ‘ko eh.” Himutok nito ngunit nakangiti. Tumawa siya sabay mahinang tinapik ang sikmura nito.

“Agh!” anito na animo’y nasaktan.

“Ayos ka rin ‘no. Di mo naman pera ‘yon.” Sabi niya. Nakalabas na sila ng casino.

Lumapit sa kanila ang isang valet.

“Sandali lang po, sir.” Anito upang kahanin ang sports car niya.

He wondered what rich people would say. Isang katulad niyang walang matinong trabaho at hindi nakatapos ng pag-aaral ay may sports car. Nagagawang magtapon ng pera na parang hindi nauubos. Walang kapaguran kung magwaldas sa walang katuturang bagay.

“Roxy tayo.” Sabi ni Basty.

Nagkibit-balikat siya. Noon naman dumating ang kotse niya. Bumaba ang valet at iniabot sa kanya ang susi. Ngumiti siya at mula sa kanyang bulsa at inabot niya dito ang limang libong piso. Natuwa ito.

“S-Salamat po…sir. Er-” atubili itong tanggapin ang pera.

“Take it. Sayang naman.” Agap niya at panabay na silang sumakay sa kotse. Narinig pa niya ang pagsipol ni Basty.

“Daming dulas talaga.” Panay iling na pahayag nito sa tabi niya. Sinulyapan lang niya ito. Akmang bubuhayin na niya ang ignition nang may mapansin sila ni Basty.

“Si Darren ‘yan ah.” Ani Basty. Kumunot ang noo niya kasabay ng pag-ahon ng inis. Malaki ang kasalanan nito sa kanya dahil sa hindi nito pagsupot sa laban nila. Tumiklop ito at iniharap sa kanya ay isang dalagita. Daig pa niya ang sinuntok nang paulit-ulit. Pagbabayaran nito ang kagaguhang ginawa nito sa kanya.

Tahimik nila itong pinanood. May kausap itong dalawang lalaki. Pawang naka-formal suit ang mga ito. Sa tingin niya ay tauhan ng casino ang mga kausap nito.

Panay naman ang salita ni Darren na parang nagpapaliwanag. Hindi nila naririnig ang usapan dahil malayu-layo ang mga ito. Tila nagagalit pa si Darren. Nakita pa nilang bahagya

itong itinulak ng kausap nito. Saka ito marahas na lumakad palayo. Sinundan ito ng dalawang lalaki.

Nagkatinginan sila ni Bastay. He felt something was going on. Matagal na silang pumupunta sa casino na iyon ngunit noon lamang nila nakita si Darren.

“Sundan natin.” Aniya saka pinasibad ang sasakyan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.