ROXY CITY BOOK 4 (STRANGERS AND LOVERS) Chapter 6

CHAPTER FIVE

Napangiti si Cleo nang makita ang saya sa mga mata ng kaibigan nilang si Thia habang pinakikinggan ang speech ng asawa nito na Seoff. Araw ng kasal ng mga ito at nasa reception na sila. Thia and Seoff looked really happy and so much in love. Solemn at intimate ang kasal kahit na parehong galing sa kilalang pamilya ang mga ito. Ngunit kumpleto naman ang presensya ng mga taong naging malapit sa dalawa.

Napalingon naman siya kina Cassie at Lourd na magkatabi sa bukod na mesa. They were another picture of love. Noon araw lang din nagkitang muli ang mga ito matapos ma-coma ni Cassie ang halos dalawang buwan. Lumayo si Cassie at matapos ang halos anim na buwan ay nagkausap na rin ang mga ito.

“Pa’no tayo n’yan?” narinig niyang tanong ni Geri sa tabi niya. “Anong pa’no?” balik niyang tanong.

Nakatingin ito sa bagong kasal. “Mrs. Munez na si Anastacia.” Tumingin naman ito kina Cassie. “Ayan. Si Cassandra taken na. Oh, pa’no na ‘yan? May ‘Xquizit pa ba?”

“Bakit? Wala na ba?” Si Amber na tumabi sa kanila. Mahina siyang tumawa. “Ewan ko dito kay Geri.”

“Relax, Geraldine. Para namang magpapapigil ang dalawang ‘yan sa mga lalaking ‘yan.” Ani Amber sabay tawa.

“Na parang makakatanggi ang mga kaibigan natin sakaling hilingin ng mga lalaking ‘yan na ‘wag nang magperform kasama natin.” Ani Geri.

“Lourd would never do that. Alam n’yang malulugi s’ya kung sakali. Baka nakakalimutan n’ya na si Cassie ang pinakamabenta sa grupo.” Aniya.

“Hindi rin.” Si Amber. Sabay silang napatingin ni Geri dito saka tumawa.

Amber never meant to insult. Wala namang maitatapon sa grupo nila. Maliban marahil sa kanya. At hindi magpapahuli si Amber kung kagandanhan din lamang ang pag-uusapan. Ito na nga marahil ang pinakamagandang chinita na nakilala niya. Hindi dahil kaibigan niya ito.

“Ikaw naman. Selos agad.” Si Geri. Lumakas ang tawa ni Amber. Napatawa na rin siya. “Hey, ano ‘yan?” biglang tanong ni Cassie mula sa pwesto nito.

“Wala!” sabay-sabay nilang tugon kasunod ng pagtawa. Ngumiti lang ito at hindi na nangulit pa. Cassie was so radiant. Hindi maitatago ang kaligayahan nito.

Maya-maya pa ay nasa gitna na sila ng bulwagan kasama ng bagong kasal. Nagkakasiyahan sila habang nagsasayaw. Iyon na ang huling parte ng party at maya-maya lang ay aalis na sina Thia para sa honeymoon ng mga ito. They planned to fly to Singapore. Mabilisan lamang iyon dahil kailangang bumalik kaagad ng mga ito para sa AMG anniversary celebration.

Gabi na nang matapos ang party. At masaya siya kahit na napagod siya. Masaya siya na naging parte siya ng pinakamahalagang araw sa buhay ng kaibigan niya. Naipanalangin niya na sana ay tuluy-tuloy na ang kaligayahan nito sa piling ni Seoff. Pati na rin kina Cassie at Lourd dahil nalampasan ng mga ito ang pagsubok na ibinigay sa mga ito.

Habang pauwi sila ay nagkabiruan pa sila kung sino naman daw ang susunod na isusuko ang puso dahil sa pag-ibig. Parehong naniniwala sina Geri at Amber na siya na ang susunod na mangangako ng wagas na pag-ibig. Tinawanan lamang niya iyon. Wala siyang makitang katotohonan sa sinabi ng mga ito. Wala siyang oras para doon tulad din ng wala naman siyang boyfriend. Nagkaroon siya ng dalawang nobyo pero pareho namang hindi nagtagal. Masyado siyang subsob at pagod sa trabaho para seryosohin ang pagiging girlfriend.

Idagdag pa ang kasalukuyang nagpapabigat sa kanya. Si Eeli. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya ito nakikita. Hindi pa rin ito umuuwi. Wala pa rin silang kontak dito.

Talagang kinakain na siya ng pag-aalala. Kaya wala na siyang nagawa kundi sabihin sa mga magulang niya ang nalaman tungkol dito.

Her mother went hysteric. Tumaas ang presyon nito at muling na-confine. Dalawang linggo ito sa ospital dahil sa nagkaroon ito ng mild stroke. Matagal bago ito nag-stable.

Wala namang sinayang na oras si mayor Santiago nang malaman nito ang tungkol sa nangyari sa kapatid niya at nalaman nito na maaaring may kinalaman si Darren. Hindi maawat ang galit nito kaya ipinahanap din nito si Darren. Ngunit tulad din ni Eeli ay hindi na rin ito matagpuan. Minsan itong nakontak ni Liam ngunit sinabi nito na huwag na daw itong pakialaman sa gusto nito. Hanggang sa hindi na ito muling nagparamdam sa kahit na sino sa kanila.

Nang makarating sa kanyang apartment ay kaagad na kinabahaan si Cleo nang mapansin na unlocked ang kanyang main door. Hindi niya iniiwanang bukas iyon. She always make sure of that. Napansin din niya na tila naiba ang posisyon ng doormat niya at may dumi iyon. Mahina niyang itinulak ang pinto. Hindi siya kaagad pumasok. Pinagmasdan niya ang loob kahit madilim. A vision might move.

Hindi niya kayang itanggi ang kaba. Nasa isip niya na baka maulit na naman ang nangyaring pagsugod sa kanya ng grupo nina Darren ilang buwan na ang nakakaraan. Hindi naman siya sinaktan ng mga ito. Nagulat lamang siya nang naging bisita niya ito. May dalawang lalaki itong kasama. Ayaw sana niyang patuluyin noon ang mga ito ngunit naramdaman niya ang tensyon kay Darren na kung hindi niya ito pagbibigyan ay baka saktan siya nito. Hindi kasi nakaligtas sa kanya na tila balisa ang mga ito. Hanggang sa mula sa kung saan ay sumulpot si Gavin na may kasama rin. Kaagad nitong inakbayan si Darren at hinila sa hindi kalayuan. Nag- usap ang mga ito at ilang sandali pa ay tila galit na umalis si Darren kasunod ng mga kaibigan

nito. Naiwan si Gavin at ang kasama nito. Akma siyang kakausapin nito ngunit talikuran niya ito at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

Matagal na nanatili si Gavin sa labas ng bahay niya. Nakatayo ito doon kasama ng kaibigan nito. Palingun-lingon ito sa bahay niya habang siya ay patagong nakasilip sa bintana. Ayaw niya itong kausapin dahil tila kaibigan nito si Darren. Natakot siya dahil baka mapahamak siya. Hanggang sa nakita na lang niya itong umalis.

Tila wala namang tao sa loob ng bahay kaya kumilos na lang siya at inabot ang switch ng ilaw. Ngunit bago pa man siya makahakbang papasok ay may yumakap sa kanyang likuran. Nagulat siya ngunit bago pa ulit siya makakilos ay may tumakip na sa kanyang bibig. Nakaramdam siya ng pagkahilo dahilan upang lamunin ng dilim ang kanyang kamalayan.

Panay ang sulyap ni Gavin sa tulog na si Cleo at lilipat din ang mga mata kay Darren na may kausap sa cellphone. Nasa harap ito katabi ng driver habang nasa likuran siya at katabi naman ang dalaga. Nakagapos ang kamay nito habang naka-blind fold.

“Alright. Find me a place. Kailangan ko rin sana ng tao para maging look out. Sige.” Sabi ni Darren saka lumingon sa kanya.

“Sinong kausap mo?” inunahan niya ito ng tanong sabay muwestra sa gawi ni Cleo. “Ano bang gagawin mo sa kanya?”

“Si Dante.” Sagot nito sabay sulyap kay Cleo. “Ga’no pa ba katagal na matutulog ‘yan?” “Saglit na lang.” sagot niya. Naghintay siya ng sasabihin pa nito ngunit muli na itong

umayos ng upo. Hindi nito sinagot ang tanong. Pasimple siyang nagbuga ng hangin. Hindi niya alam ang plano nito. Ni hindi niya alam kung saan sila pupunta kasama si Cleo.

Tinawagan siya ni Darren at sinabing pupuntahan nito si Cleo. Gusto daw nitong kausapin ang dalaga dahil may duda daw itong itinatago nito si Eeli. He tried to stop him. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa plano nito. Kaya sinubukan niya itong pigilan. Sinabi na lang niya siya ang kakausap. Darren was convinced. Ngunit nagtagal siya dahil bigla naman siyang tinawagan ni Basty. May nalaman daw itong impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Eeli. Nagkita pa sila. Kaya nagulat na lang siya nang muli siyang tawagan ni Darren at sinabing hawak nito si Cleo.

“Darren-”

“Nababagalan ako sa’yo, Gavin.” Putol nito sa kanya. “Halos kalahating taon na nating hinahanap si Eeli. Ipinangako mo sa’kin si Eeli kaya pumayag ako na sumama ka sa’min. Pero nakakainip ang diskarte n’yo. Kaya kumilos na ‘ko.”

Ikinuyom ni Gavin ang mga kamao upang pigilan ang sarili. Gusto niya itong sakalin hanggang mawalan na lang ng buhay. He hated his demeaning attitude. Kung alam lang nitong ayaw niyang makasama sa mga lakad nito. That he was not his pet. Gusto lamang niyang protektahan ang magkapatid mula dito.

“Hindi mo mapapalabas si Eeli kahit hawak mo na si Cleo. Hindi sila close kaya wala siyang pakialam sa kapatid n’ya.” Sabi niya upang sirain ang momentum nito. Mabilis ang takbo nila at alam niyang lalabas sila ng Maynila. Hindi lamang niya alam kung saan. Mabuti na lang at naabutan niya ang mga ito bago makaalis. Kung hindi ay mahihirapan siyang subaybayan ang mga ito.

“Tingnan natin.” Tanging sagot nito.

He again breathed out. Malapit na siyang mapikon dito. Kailangan nilang maibalik si Cleo bago pa ito magkamalay. Hindi na dapat ito madamay. Mas malaking gulo kung sakali.

Masasayang ang ilang buwan nilang pagbabantay ni Basty dito. Bakit ba kasi hindi pa nila mahanap si Eeli? Nasaan na ba kasi ito?

“Ako nang bahala kay Cleo.” Aniya ngunit hindi tumugon si Darren. That made him a bit concern. Out of control na si Darren. He needed to do something.

Naramdaman niya ang pagkilos ni Cleo. Saka ito umungol. Sabay silang napalingon ni Darren. Inihanda niya ang sarili sakaling maghisterya ito.

Umangat ang ulo ni Cleo tanda na tila nakikiramdam ito. Iniangat nito ang nakagapos na kamay ngunit kaagad niyang pinigilan. Mabilis naman nitong binawi ito. Alam niyang natakot ito.

“Sino kayo? Anong kailangan n’yo sa’kin?” mahinahon ngunit may panginginig na tanong nito. Pumipihit ang ulo nito upang marahil pakinggan ang paligid.

Walang tumugon sa kanila. Nagkatinginan sila ni Darren. Lumingon ito kay Cleo saka muling humarap sa unahan. Nakita naman niyang iniikot ni Cleo ang pulsuhan marahil upang kalasin ang tali nito. Tiningnan niya ito. Naka-blind fold at kalahati ng mukha nito ang natakpan ng itim na panyo. She tried to stay calm. Hinangaan niya ang dalaga. She had a presence of mind. Kailangan niya iyon upang matulungan ito.

“Saan n’yo ko dadalhin?” muli nitong tanong. Hindi nila ulit tinugon iyon. Kilala sila ng dalaga at malamang na mabosesan sila nito kung magsasalita sila.

Tumahimik muli ang loob ng sasakyan hanggang matapos ang ilang sandali ay nagulat sila ng biglang sinipa ni Cleo ang harapang upuan. Umabot ang sipa nito sa ulunan ng driver dahilan upang ma-distract ito at bahagyang gumewang ang takbo nito. Hindi na niya nagawang pag-isipan kung paano nito nagawa iyon.

“Dammit!” ani Darren. Mabuti na lang ang mabilis na nakabawi ang driver.

“Sagutin n’yo ‘ko kung ayaw n’yong magkagulo tayo dito.” Pagsasalita nito kahit na walang nakikita. “Alam kong may kailangan kayo sa’kin at hindi n’yo makukuha ‘yon kung walang magsasalita sa inyo!”

“Tang’na naman! Tumahimik ka pwede?” galit na tugon ni Darren. Gulat siyang napalingon dito.

“D-Darren?” pangingilala ni Cleo. “Shit.” Pabulong niyang sambit.

“Oo. Ako nga.” Sabi pa ni Darren kaya lalo siyang napamura. Pinalalaki ni Darren ang gulo. “Tumahimik ka d’yan kung ayaw mong makatikim sa’kin.”

“Ano ba talagang kailangan mo sa’kin ha?” muli nitong tanong.

Tumawa si Darren. “Relax ka lang. Ikaw ang collateral hanggang ibalik sa’kin ni Eeli ang atraso n’ya.”

“Anong atraso n’ya sa’yo?”

Nanatiling tahimik si Gavin. Gusto niyang sakalin si Darren.

“Hindi ko alam kung nasaan ang kapatid ko.” Tugon naman ni Cleo. “Hindi rin s’ya magpapakita kahit ikulong n’yo ‘ko.”

“Talaga? Pa’no mo nalaman? Sinabi n’ya sa’yo?” Ani Darren.

Hindi na tumugon si Cleo. Tiningnan niya ito. Tahimik itong nakaupo. She was still composed but he can feel her fear. Alam niyang pinipilit lamang nitong kumalma ngunit alam niyang tuliro ito at nag-iisip kung paano makakatakas sa kanila. Iyon din naman ang nasa isip niya. Kailangan niyang maiuwi si Cleo. Ngunit hindi siya makatiyempo kay Darren.

Tumunog ang cellphone ni Darren. Mukhang si Dante ulit ang kausap nito base na rin sa mga sinasabi nito. Pinilit niya tandaan ang bawat salita ni Darren. Kailangan niyang makabuo ng plano.

Natapos ang pag-uusap. Gusto niyang magtanong ngunit nag-aalala siyang makilala ni Cleo ang boses niya. Ayaw niyang mauna ang galit ni Cleo kapag nalaman nitong may kinalaman siya. Dapat niyang makuha ang tiwala nito.

“Kumusta ka na, Cristina?” tanong ni Darren. Nilingon niya si Cleo. Nakita niyang bahagyang gumalaw ang ulo nito.

“Iuwi mo na ‘ko, Darren. Tigilan mo na rin sana ang mga pinaggagagawa mo.” tugon ng dalaga. Ngunit tumawa si Darren.

“Ulol. ‘Wag mo ‘kong tuturuan ng gagawin ko. Kung si Papa nga ‘di ako mapakialaman, ikaw pa kaya.” Ani Darren. Gigil na nagbuntong-hininga si Gavin. Naiinis siya sa uri ng pakikipag-usap nito kay Cleo. Hindi kakikitaan ng respeto. Lalo na’t babae ito at kakilala pa nito ang dalaga.

“Ano ba talagang kasalanan ng kapatid ko sa’yo?” kunwa’y walang alam na tanong ni

Cleo.

“Pera. Itinakbo ng bobo mong kapatid ang pera ko.”

“Wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang kapatid ko, Darren. Ikaw ang bobo!” galit na ganti ni Cleo.

“Anong sabi mo?” Si Darren. Marahas ang naging paglingon nito. Nanlilisik ang mga mata nito at namumula. Darren must be high on drugs again. Kaya marahil ganoon na naman ang kilos nito.

“Hoy, Cristina! Gusto mong pasabugin ko ang bungo mo ha!” Ani Darren at ganoon na lang ang gulat niya nang biglang iniumang ni Darren kay Cleo ang baril. Mabilis siyang dumulog upang pinigilan ang kamay nito.

“Huwag.” Tanging nasabi niya. Alam niyang hindi nakikita ni Cleo ang mga kilos nila.

At sa estado ni Darren ay delikado at baka magpadalus-dalos ito. “Tang’nang babaing ‘yan eh.” Ani Darren.

“Totoo ang sinasabi ko-” hindi na niya pinatapos ito at tinakpan na lang niya ang bibig nito ng kamay niya. Tiningnan niya si Darren na parang sinasabing tumigil na.

Darren continued bursting explicit words towards Cleo. Panay ang ngiwi niya ngunit pinigil na lang niya ang sarili na patulan ito. At marahil nainis si Cleo sa mga sinasabi nito kaya nagpumiglas ito sa pagkakayakap niya. Magsasalita dapat ulit ito nang muli niyang tinakpan ang bibig nito habang nagpupumiglas.

“Ano ba? Pakawalan n’yo nga ako!” tuluyan ang nag-panic si Cleo. Malikot na ito dahilan upang lalong mainis si Darren. Panay na rin ang sigaw nito at galit nag alit na pinapatahimik si Cleo. Nag-away na ang mga ito.

“Dammit! Papatayin ko na ‘yan!” sigaw ni Darren at muling itinutok ang baril kay Cleo. “Darren, ano ba?” galit na rin niyang sigaw at tinabig ang kamay nito. Nabitiwan nito ang

baril. Maang itong tumingin sa kanya. “Kung gusto mo talagang mapalabas si Eeli. Kailangan buhay s’ya.”

“Eh, ang arte, Gavin! Todasin ko talaga ‘yan!” Ani Darren. Mariin siyang napapikit. “G-Gavin?”

‘Nalintikan na.’ napapikit siya habang nasa isip niya iyon. Nagbuntong-hininga siya sabay hila sa blind fold ni Cleo. Wala nang dahilan upang magtago kay Cleo.

“Anong ginawa mo?” naghihisterya na si Darren.

Hindi na siya nakatugon kay Darren dahil sinalubong na niya ang nag-aakusang tingin sa kanya ni Cleo. Kasunod noon ay lumapat na lang sa pisngi niya ang palad nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.