CHAPTER SIX
Tiningnan lang ni Cleo ang inilapag na tray ni Basty ngunit nag-iwas din siya ng tingin. Hindi niya alam kung saan lugar siya dinala ng mga ito. Ang alam lamang niya ay isang bahay ang pinagdalhan sa kanya at naroon na si Basty.
Hindi na siya binitiwan ni Gavin nang makababa ng sasakyan. Hanggang sa sabihin ni Darren na dalhin siya sa kwarto ay si Gavin ang kasama niya. Isang oras lang ang itinagal nina Darren at nagpaalam na ito. Sinabihan pa ni Darren ang isa nitong kasama na maiwan ngunit mariing tumanggi si Gavin. Ito na daw ang bahala sa kanya tutal naman daw ay naroon na si Basty. Nakita niya ang protesta kay Darren ngunit sa bandang huli ay umalis na lang ito.
“Kumain ka.” Anito ngunit hindi niya pinansin ito. Tiningnan lamang niya ito nang masama. Nakita niyang lumipad ang tingin nito kay Gavin na nakatayo hindi kalayuan sa kanila. Nakalupagi siya sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama.
“Iuwi n’yo na ako.” Imbes ay sabi niya na kay Gavin nakatingin.
“Kumain ka muna.” Ani Gavin. Ngunit gusto niyang magmatigas kaya bahagya niyang sinipa ang tray palayo sa kanya at umakyat sa kama. Inipon niya ang sarili sa headboard.
“Tigas naman ng ulo nito.” Narinig niyang pabulong na sabi ni Basty habang kumakamot sa ulo. Pinulot nito ang tray at inilapag iyon sa isang upuan.
“Malabong makauwi ka.” Ani Basty.
Hindi na tumugon si Cleo na parang walang narinig. Kunwa’y hindi apektado sa sinabi nito. Pinigil din niya ang pamumuo ng luha. Hangga’t maaari ay ayaw niyang ipakita sa mga itong nakakakot siya. Kahit na sa loob niya ay nauubusan na siya ng pag-asang makatakas sa mga ito.
Halos panawan muli ng ulirat si Cleo nang magising na lang siya na may piring na ang mga mata. Nakagapos at hindi alam kung nasaan at kung saan siya dadalhin ng mga ito kumuha sa kanya. She never thought even in her wildest dream that she would be abducted. Na bigla na lang siyang kukuhanin ng kung sino. That was so unreal for her. Ang buong akala niya ay sa pelikula lamang mayroong ng mga ganoon.
Ngunit bahagyang nabasawan kahit naroon pa rin ang kaba niya nang mahimigan niya si Darren. Kaagad niyang napagtanto na ang dahilan nito kung bakit siya ki-nid-nap nito. Si Eeli lamang naman ang maaaring mag-link kung bakit nangyari ang mga bagay na iyon sa kanya. At hindi nga siya nagkamali. Ang kapatid nga niya ang gusto nito mula sa kanya.
“Kung gusto mo talagang tumakas kumain ka para may lakas ka.” Sabi pa ni Basty. Noon siya napalingon. Tama ba ang narinig niya? Pag-asa ba iyon? Patatakasin ba siya ng mga ito?
“H-hindi ko talaga alam kung nasaan si Eeli.” Aniya.
“Alam ko.” Si Gavin. Nakita niyang nagbuga ito ng hangin at tumingin kay Basty. Bahagyang kumilos ang ulo nito at kasunod noon ay may inilabas si Basty mula sa bulsa ng loose pants nito. Isa iyong nakatuping envelope. Inilapag nito iyon sa kama.
“A-ano ‘to?” tanong niya habang dahan-dahang kumikilos upang kuhanin iyon. Panay ang tingin niya sa mga ito.
“Kapatid mo.” sabi ni Gavin at lumapit sa kanya.
“Huh?” napuno siya ng antisipasyon kaya mabilis niyang kinuha ang envelope at tiningnan ang nasa loob noon.
Nanginig ang mga kamay niya nang makita ang ilang larawan ni Eeli. Mga stolen shots iyon at may kalayuan ngunit hindi maipagkakailang ang kapatid niya iyon. Nakilala pa niya ang
hooded jacket na suot nito. Sa kanya iyon ngunit dahil urdan ang style ni Eeli kaya madalas na ito ang gumagamit.
“Saan mo s’ya nakita?” basag ang tinig niyang tanong. Hindi na niya nakaya ang emosyon. Dala ng pag-aalala para sa sarili at sa kapatid niya pati na kalagayan nila ay namuo na ang luha niya.
“Sa Quezon.”
“Quezon?” gulat niyang bulas. Wala silang kamag-anak doon. “Nakarating s’ya do’n sa pagtatago n’ya? May kasama ba s’ya?”
“Sa isang retirement community or facility ko s’ya natagpuan. ‘Yong parang lugar para sa mga retired pensioner gano’n. ‘Yong parang wala nang mga kamag-anak dito. Nagulat nga ako, eh. Hindi ko alam may gano’n pala dito sa Pilipinas.” Paliwanag ni Basty.
Lalo siyang naguluhan. Dahil sa kagustuhan ni Eeli na makalayo ay napunta ito sa ganoong lugar. Anong nagtulak dito para manatili ito doon?
“Anong ginagawa n’ya do’n?” tanong niya.
“Anong course ng kapatid mo?” balik-tanong ni Basty.
“Nursing.” sagot niya sabay tingin sa tahimik na si Gavin. Nakaupo ito sa kama at panay rin ang tingin sa mga pictures.
“Ah, kaya. Parang nag-aalaga s’ya do’n eh. Parang physical therapist.” Narinig niyang sabi ni Basty ngunit hindi na niya nagawang pansinin iyon dahil napako na ang mga mata niya kay Gavin.
He looked at the pictures with indescribable eyes. O ayaw lamang niyang patotohanan ang nakikita niya. Tenderness. No. it was beyond that. Matagal kung titigan ni Gavin ang bawat larawan. At sa tuwing tila may makikita ito sa larawan ay nagtitiim ang bagang nito.
She laid down her head. Bakit ganoon? Parang may gusto si Gavin sa kapatid niya. Iyon ang nakita niya dito. Ngunit bakit ganoon muli? Parang may kurot sa kanya. Parang may sumakit sa kanya nang makita ang concern nito sa kapatid niya? Ano naman iyong bigla niyang naramdaman? Galit? Inggit? Selos?
“Ano? Selos?” mahina niyang bulas sa sarili.
“Anong sabi mo?” biglang tanong ni Gavin. Mabilis siyang lumingon dito. Nakatingin na ito sa kanya.
Umiling lang siya bilang tugon saka kumilos paurong. Muli siyang sumandal sa headboard. Kailangan niyang mahimasmasan. Kung anu-ano na ang naiisip niya dahil sa mga pangyayari.
“Kumain ka na kaya. Namumutla ka na.” sabi nito.
“Labas muna ‘ko. Tingnan ko baka dumating na sina Darren.” Singit ni Basty at lumabas
na ito.
“Wala akong gana.” Tugon niya kalaunan matapos ang ilang sandaling katahimikan.
Inayos ni Gavin ang mga larawan saka tumingin sa kanya. Tila kay bigat ng naging buntong-hininga nto. “I’m sorry. Hindi ko alam na gagawin ni Darren ‘to. Sorry rin kung natatagalan kami na mahanap ang kapatid mo.”
Nanatili siyang tahimik. Nagpatuloy ito.
“Bukas makakauwi ka na. Ako na’ng bahala kay Darren.” Sabi nito.
“Patatakasin mo ba ‘ko? ‘Yon ba sinasabi mo? Baka magalit si Darren n’yan sa’yo.”
Aniya.
“Ako na’ng bahala.” Tanging sagot nito.
Sandali siyang nag-isip. Pagkuwa’y, “Hindi. Mananatili ako dito.”
“Ano?” gulat at kunot ang noo na tanong ni Gavin. “Hibang ka ba? Mamaya n’yan kung ano pang maisip ni Darren.”
“Anong balak n’yo ngayong nakita n’yo na ang kapatid ko?” tanong niya. “Wala pa. Hindi dapat makarating kay Darren na nakita na si Eeli.”
She sighed heavily. Tama ito. “Kaya n’yo bang kausapin si Eeli para sa’kin?”
Muli ay kumunot ang noo nito. “Kung ano man ‘yan, tumigil ka na. Wag mo nang isali ang sarili mo dito.”
Suminghal siya. “Hindi pa ba ako kasali sa lagay na ‘to. No’ng pinuntahan mo ‘ko at sinabi mo ang tungkol sa utang ng kapatid ko, isinali mo na ‘ko. At ngayon kaharap mo ‘ko kasi kinidnap n’yo ‘ko.”
“Hindi ko alam na kikidnapin ka nila.” Agap nito. “Gano’n din ‘yon. Kaibigan ka n’ya kaya kasabwat ka.”
Bumuga ng hangin si Gavin. “Kaya ba sinampal mo ‘ko kanina? Hindi ko kaibigan si Darren. Kahit ang kapatid mo hindi ko kaibigan.”
“At ano? Napadaan ka lang? Pwede ba? Tactics n’yo siguro ‘to ‘no? Kakaibiganin-” “Tumutulong lang ako.”
“Yeah right.” Inis niyang sabi sabay ahon mula sa kama. Hindi siya naniniwalang wala itong kinalaman kay Darren.
“Wala kang ibang choice kundi magtiwala sa’min. Si Darren ang kontrabida dito. Hindi sa nagpapakabayani ako. Gusto ko lang tumulong.”
“Bakit?” tanong niya matapos marahas na humarap dito.
“Dahil naniniwala akong hindi naman ginusto ni Eeli na malagay sa sitwasyon n’ya.” Sagot nito sabay tingin sa kanya. “May problema ang kapatid mo. Hindi mo ba alam ‘yon? Hindi n’ya gagawin ang mga bagay na ayaw n’yo kung gusto n’ya ang nangyayari sa buhay n’ya.”
Hindi nakaimik si Cleo. Tahasan ang pang-iinsulto nito sa kanya. Hindi naman lingid sa kanya na may pinagdadaanan ang kapatid niya. Ginagawa naman nila ang lahat. Sinusubukan naman niyang maging kapatid dito. Ngunit si Eeli mismo ang nagtutulak sa kanila palayo.
“At naiintindihan mo s’ya gano’n ba? Akala ko ba hindi kayo magkaibigan?” sabi niya. “Hindi kailangang maging magkaibigan para magkaintindihan. Dapat ang mga magulang
mo ang kasama ng kapatid mo imbes na ikaw. Mahirap lumaking walang magulang.” Tugon nito.
“Wala kang alam tungkol sa pamilya ko. ‘Wag kang magsalita na parang kilalang-kilala mo kami!”
“Nagsasabi lang ako ng totoo.” Agap na naman nito. Totoong nairita na siya.
“Anong totoo? Eto ang totoo o. Kinidnap n’yo ‘ko kasi may atraso ang kapatid ko. At kung hindi kayo babayaran ng kapatid ko, eh, papatayin n’yo. Come on. Wag mong ilihis ang totoong issue dito. Puro kayo masasamang tao. Ikaw na rin nagsabi. Involve kayo sa drugs. Baka nga member pa kayo ng sindikato eh. At ito namang kapatid ko, eh, akala matatakasan kayo. Kaya nagtatago. Kaya ako, heto. Collateral.” Aniya saka naupo nang makaramdam ng pagkahapo.
“Babayaran ko ang utang ni Eeli. At pagkatapos pabayaan n’yo na kami. Sasamahan n’yo ‘ko sa kapatid ko.” Dagdag pa niya. Alam niyang hindi birong halaga ang babayaran niya. Ngunit kaya niyang ilabas iyon. Maaari niyang lapitan ang mga kaibigan niya.
“Kung ‘yan ang solusyon, eh, di sana ikaw na ang siningil ni Darren.” Sabi nito.
She looked at him disappointed. “Pera ang puno’t dulo nito. Babayaran ko na nga,
di’ba?”
“Eh kung sabihin ko sa’yo na higit sa pera ang involve dito.” “Ano?”
“Kumain ka na.” malayo nitong sabi saka tumayo.
“Ano-” Akma niyang pipigilan ito nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Darren. Natigilan sila pareho ni Gavin. Kaagad itong ngumisi nang makita siya.
“Iwan mo muna kami, Gavin.” Sabi nito na nagpakaba sa kanya. Ayaw niyang makasama si Darren nang mag-isa. Hindi siya kumportable dito. Natatakot siya.
Nakita niyang hindi kumilos si Gavin. Nabuhayan siya. Mukhang hindi nito susundin si Darren. Lumapit si Darren dito.
“Hindi mo ‘ko narinig?”
“Hindi. ‘Wag mo nang ulitin. Hindi rin naman ako susunod.” Malamig na tugon ni Gavin. Kumunot ang noo no Darren. Tila hindi nito nagustuhan ang inasal ni Gavin. Nagtitigan ang mga ito. Mas matangkad nang bahagya si Gavin kay Darren at mas malaki ang pangangatawan. Nakaramdam ng takot si Cleo. Baka magbuno ang mga ito. Iyon ba ang ibig sabihin ni Gavin na hindi magkaibigan ang mga ito?
Hanggang tila si Darren na rin ang sumuko ang tiim ang bagang na humarap sa kanya. “Still no trace of Eeli. I’m sorry, Cristina. You have to stay.” Sabi nito. Kumamot ang
galit at inis sa kanya. Tiningnan niya ito nang masama.
“Ah, ‘wag ka namang ganyan. Hindi naman ako masamang tao. Si Eeli naman ang may kasalanan kung bakit narito ka eh. ‘Wag ka magalit sa’kin.” Sabi nito.
“Babayaran ko ang utang niya.” Aniya sabay tingin kay Gavin. Nakita niya ang dismaya nito nang lingunin niya ito.
“Dalawang milyon.” Sabi nito at nagulantang siya. Hindi ganoong halaga ang sinabi ni Gavin sa kanya.
“D-dalawang milyon?” bulas niya sabay tingin kay Gavin. “P-pa…pa’nong..?” “Pa…pa…pa’no? Pa’no kamo?” panggagaya nito sa kanya habang tumatawa. “Dalawang
milyon ang gusto kong ibayad n’ya. Ilang buwan na eh. Malaki na interes no’n. Actually, seventy thousand lang ang itinakbo ni Eeli pero...ang laki ng perwisyo eh.”
“Wala akong gano’n kalaking halaga.” Tila gustong manghina niyang sagot. “Uh…sayang naman.” Tila nang-iinis pa si Darren. “Pero…”
Lumapit ito sa kanya. Naalarma siya. Nahiling niya na sana’y wala itong itinatagong kung ano sa katawan nito bigla na lang gamitin sa kanya.
“Pwede naman nating bawasan. Tutal ikaw naman na magbabayad…simula na natin.
Dito!”
Napahiyaw siya nang bigla nitong hilahin ang suot niyang dress dahilan upang masira ang harap noon. Mabilis niyang tinakpan ang sarili ngunit nahantad na ang strapless bra niya.
“Damn it, Darren!” Si Gavin na kaagad dumulog sa kanya. Itinulak nito si Darren at kaagad siyang niyakap nito.
“Wag kang makialam!” ganting sigaw ni Darren at kahit yakap na siya ni Gavin ay inabot pa rin siya nito. Nahagip nito ang buhok niya. Muli siyang napasigaw dahil sa sakit.
“Tang’na! Darren, ano ba!?” galit na galit na si Gavin. Lumayo ito sa kanya at hinarap si Darren. Kaagad siyang umakyat sa kama at kumabila. Nanginginig ang buo niyang katawan.
Marahil dahil sa gulat at sa takot na biglang sumaklob sa kanya. Hindi niya inaasahan na ginawa ni Darren. Noon siya napaiyak.
Hindi na pinigilan ni Gavin ang sarili. Sinuntok niya si Darren at hindi pa man nakakabawi ito sa ginawa niya ay kinuwelyuhan niya ito. Punung-puno na siya dito.
“Talagang hayup ka rin, eh, ‘no?” nanggigigil niyang sabi. “Ang usapan natin babantayan natin si Cleo. Sinabihan mo ‘ko na dumiskarte para makita si Eeli tapos, ano, ha!? Kikidnapin mo nang hindi ko alam! Kanina pa ‘ko nagtitimpi sa’yo! Alam mo ba ‘yon?”
Binigyan niya ito ng upper cut. Alam niyang nasaktan ito. Ngunit kaagad ding nakabawi at naundayan siya ng isang suntok. Tumama iyon sa kaliwang labi niya. Sinipa niya ito at natumba. Akma niyang sisipain muli ito nang biglang sumulpot si Basty.
“P’re, tama na!” pigil nito at niyakap siya. Si Darren naman ay dinaluhan ng mga kasama nito. Susugod pa sana ito ngunit pinigil na rin ito ng mga kasama nila.
“Hayup ka! Traydor! Gago!” panay salita ni Darren sa kanya at dinuduru-duro pa siya.
Duguan ang labi nito at panay talsik ng dugo sa tuwing magsasalita ito.
“Sinong traydor sa’ting dalawa? Ikaw ‘tong tumira nang hindi alam ng grupo. Ngayon problema pa natin si Cleo. Eh kung magsumbong ‘yan!” ganting sigaw niya dito.
Natigil ang pagpupumiglas nito at napalingon sa dalaga. Nasa isang sulok ito at umiiyak.
Mabilis siyang kumalas kay Basty at nilapitan ito.
“You okay?” puno ng pag-aalala niyang tanong ngunit hindi ito tumugon. Nakatungo ito at panay ang pagluha. Yakap-yakap nito ang sarili. Inalis niya ang suot niyang jacket at ibinalot dito. Sirang-sira ang dress nito. Ni hindi nito malaman kung paano tatakpan ang sarili. Lalo siyang nakaramdam ng galit kay Darren.
“Hindi mo pwedeng iuwi ‘yan. Kailangan munang magpakita ng kapatid n’ya.” Ani Darren. Tila napagtanto nito ang mga sinabi niya. Mahinahon na ang boses nito.
Hindi niya ito nilingon. Lalong umiyak si Cleo. Noon niya ito niyakap. Hindi niya matagalang umiiyak ito. Parang nahihirapan siyang huminga.
“Sino ba kasing nagsabi sa’yo na kidnapin mo ‘yan?” Si Basty. Hindi na rin nito napigil ang sarili. “Hindi ka rin kasi nag-iisip.”
“Eh, and’yan na. I-detain natin muna ‘yan nang ilang araw. Pag-iisipan ko muna ang gagawin sa kanya.” Sabi nito saka mabilis na lumabas nang kwarto kasunod ang mga kasamahan nito.
Nagkatinginan sila ni Basty saka tinungo si Cleo. Umiiyak pa rin ito.
“Tahan na. Akong bahala sa’yo. Hindi kita pababayaan.” Alo niya dito. Hindi na niya napigilang halikan ang pisngi nito. Iyon ang naisip niyang paraan para pakalmahin ito.