ROXY CITY BOOK 4 (STRANGERS AND LOVERS) Chapter 8

CHAPTER SEVEN

Nakilala ni Cleo ang ibang kaibigan ni Darren dahil sa pagtigil niya bilang hostage. ‘Session Den’ pala ng mga ito ang pinagdalhan sa kanya. Halos araw-araw ay may pumupunta doon upang gumamit ng kung anu-anong uri ng drugs. Madalas may party. At madalas ay inuutusan siya ni Darren na gumawa ng mga chores at asikasuhin ang mga bisita. She became her slave for days. Mabuti na lang at hindi siya iniiwan ni Gavin at laging nakaalalay sa kanya. Kaya sa tuwing tatangkain ni Darren o kahit na sino sa mga kaibigan nito na lumapit sa kanya ay napipigilan dahil dito. Pinahiram din siya nito ng mga damit nito upang kahit paano ay may maisuot siya.

“Nakausap na ni Basty si Eeli.” Ani Gavin nang makalapit sa kanya. Kasalukuyan siyang nagliligpit ng mga baso at peripernalya nina Darren. Kaalis-alis lang nina Darren.

“Anong sabi?” nabuhayan ng loob niyang tanong. Ilang araw na rin kasing sinusubukan ni Basty na kausapin ang kapatid niya ngunit laging umiiwas si Eeli.

“Nalaman na n’ya na narito ka. She said sorry.” Anito.

“Yong lang?” may panghihinayang niyang tanong. Mukhang hindi naman ininda ni Eeli ang kalagayan. Hindi ba siya nito tutulungan?

Ilang araw na rin siyang hindi umuwi at malamang na hinahanap na siya sa Roxy at ng mga kaibigan niya. Hindi naman niya maipaalam sa mga ito ang kalagayan niya dahil panigurado siyang gagawa ng paraan ang mga ito upang mahanap siya at lalong malaking gulo. Mas gusto muna niyang makausap ang kapatid niya.

“Maybe she’s thinking. ‘Wag lang sanang kontakin n’ya si Darren nang hindi natin alam.

Delikado ‘yon.”

Tahimik siyang naupo sa sofa saka nagbuntong-hininga. Habang tumatagal ay pabigat nang pabigat ang kalooban niya. Ayaw na niyang manatili doon. Parang unti-unti siyang namamatay kapag nakikita ang mga ginagawa nina Darren. Natatakot siya sa klase ng buhay mayroon ang mga ito.

“Gavin.” Tawag niya sa binata. Lumapit ito sa kanya. “Ayoko na dito. Itakas mo na lang kaya ako.”

“You said you want to stay.” Anito. “Iuuwi na sana kita pero pinigil mo ‘ko. Now you want out.”

Kunot ang noo siyang napatingin dito. Ilang beses na niyang napupuna ang pag-iingles nito. Hindi sa kinukwestiyon niya ang pagkatao nito. Ngunit misteryo sa kanya na ganoon ang buhay nito ngunit tila may pinag-aralan naman ito. Ibang-iba ang mga kilos nito kaysa sa ibang naroon. Kahit kay Basty. O kahit pa kay Darren.

“Pa’no ka napunta sa lugar na’to? Hindi mo ba talaga kaibigan si Darren?” hindi na niya napigilang itanong. Hindi ito umimik.

“Sige na, please. Ikaw lang magpakakatiwalaan ko dito. Tapos hindi naman kita kilala.” May himig pakiusap niya.

“Hindi ko s’ya kaibigan.” Panimula nito. “Nakilala ko si Darren sa drag racing. Madalas kami ‘yong magkapustahan. Do’n ko rin nakilala ang kapatid mo. Si-net-up kami ni Darren no’n. S’ya ang dapat kalaban ko. Pero hindi s’ya dumating. Si Eeli ang pinalaban n’ya sa’kin. Tapos biglang na-raid na kami. Alam kong si Darren ang may pakana no’n.”

“Bakit n’ya gagawin ‘yon?”

“Para makaganti. Dalawang race ko na kasi s’ya natatalo. Binantaan n’ya ‘ko no’ng huling laban namin. Hindi daw s’ya papayag na gano’n gano’n na lang.

“Isang gabi, nasa casino kami. Nakita namin si Darren. May kausap s’yang dalawang lalaki. Sinundan namin. Balak ko sanang upakan. Kaso nadatnan namin binubugbog s’ya no’ng dalawang lalaki. Hindi sana namin tutulungan pero naawa si Basty. Narinig namin na binanggit ng isang lalaki ang pangalan ni Eeli. Ang sabi ni Darren hahanapin daw n’ya si Eeli at ihaharap kay ‘big boss.’ Hindi ko kilala ‘yong sinabi n’yang big boss. Nagtaka ako. Nag-alala rin ako sa kapatid mo. Kaya kapalit ng pagtulong namin sa kanya, kailangang isama n’ya kami sa grupo n’ya. Para malaman ko kung anong kinalaman ni Eeli at bakit kailangang makita s’ya ni Darren.

“Pinilit kong ipakwento kay Darren ang narinig namin. Do’n ko na nalaman ang tungkol sa utang ng kapatid mo. Runner pala ni Darren ang kapatid mo. S’ya daw ang kumukuha ng mga bayad sa drugs. Pero itinakas nga daw ni Eeli ang pera. Cleo, sindikato ang pinag-uusapan natin dito. At malamang na may alam o may hawak ang kapatid mo kaya gano’n si Darren.”

Sandaling nag-isip si Cleo. Mukhang siya na dapat ang kumausap kay Eeli. Masyado nang matagal ang pagtatago nito. Apektado na ang buhay niya.

“Dalhin n’yo ‘ko sa kanya.” Aniya ngunit umiling si Gavin.

“Mailap ang kapatid mo. Tingin ko hindi mangyayari ‘yon. Ipinasabi lang n’ya sa’yo na sorry.” Tugon nito. Parang bumigat ang katawan ni Cleo kaya sumandal siya sa sofa. Ano bang gagawin niya?

“Kailangan kong makausap si Papa.” Saad niya sabay tingin kay Gavin. Ngunit tinitigan siya nito.

“Anong sasabihin mo?”

“Ang totoo!” may iritasyo na niyang tugon saka tumayo. Naiinis na siya dito. Tila pinipigilan siya nito at parang ito pa ang may gustong manatili siya sa lugar na iyon.

“Tapatin mo nga ako-”

“Inalok ako ni Darren ng one hundred thousand para patayin ka.” Agap nito. Tigagal si Cleo. Nanginig ang tuhod niya sa narinig kaya muli siyang napaupo.

“B-ba…kit?” halos hindi iyon lumabas mula sa kanya.

“Kinausap n’ya ako kanina. He said it was a joke nang hindi ako sumagot pero alam kong banta na ‘yon.” Anito. Sinuklay nito ang sariling buhok. She felt his tension. Nahihirapan na rin ito sa sitwasyo niya.

“Anong ibig mong sabihin?” She asked in a small voice.

“Alam kong pinagdududahan na kami ni Darren. Sa una pa lang naman eh.” Sagot nito. Kumilos ito palapit sa kanya. At hindi na niya nakakilos nang hawakan nito ang kamay niya. “Seryoso na ‘to. Hindi ko na masubaybayan ang mga galaw niya. Alam kong may plano na s’ya. Kaya dapat maunahan ni Basty sina Darren kay Eeli. Kailangang si Eeli ang umuwi sa inyo para humingi ng tulong. Hindi kita kayang iwan dito. Naiintindihan mo ba ‘ko?”

Tumango siya. Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kanya. Saka kumilos ang mga kamay niya at tinugon ang hawak nito. She felt good holding him. Naaalis noon ang kaba niya. It was like her shield against her danger. Laban kay Darren.

“Hindi kita papayagang kumontak sa inyo. Malalaman ni Darren ‘yon. Hindi rin kayo pwedeng mag-usap magkapatid. Binabantayan na ni Darren ang bawat kilos natin. Ang plano, kukumibinsihin ni Basty si Eeli na umuwi sa inyo. Nahihirapan lang si Basty sa ngayon. Ayaw ni Eeli kahit na sinabi na n’yang hawak ka ni Darren.”

Binawi niya ang kamay mula dito. “Walang pakialam si Eeli kaya gano’n ‘yon. Hindi kami magkasundo. Kaya madali para sa kanya na pabayaan ako.”

“Hey.” Anito at muli nitong kinuha ang kamay niya. “Wag ka ngang ganyan. Naguguluhan lang siguro ‘yon. Di’ba sabi ko sa’yo na may pinagdadaanan ang kapatid mo. Nag- iisip na ‘yon for sure.”

“Hindi mo naiintindihan-”

“Naiintindihan ko.” Agap nito saka siya tinitigan. Nakaramdam siya ng ilang. Ngunit hindi naman niya magawang mag-iwas ng tingin. He looked at her so tender. Hanggang sa umangat ang kamay nito at haplusin ang pisngi niya. Hindi niya nagawang iwasan iyon.

“Bakit mo ginagawa ‘to?” Umiling ito. “Hindi ko alam.”

“Hindi pwede ‘yon.” Aniya. Nag-uumpisa nang mag-iba ang tibok ng puso niya. Hindi niya maitanggi ang kakaibang pakiramdam. “Kailangang ipaliwanag mo.”

Huminga ito nang malalim. “Ayokong magaya sa’kin si Eeli. Walang direksyon ang buhay. Walang kwenta ang pagkatao. Ayoko ring masaktan ka. ‘Yon siguro.”

“I’m sure hindi mo ikikwento kung bakit walang kwenta ang pagkatao mo.” Ngumiti ito. “Hindi sa ngayon.”

Umikot ang mga mata niya. “At sasabihin mo na may dahilan kung bakit nagkaganyan ang buhay mo. Walang matinong trabaho. Walang pangarap. Pulos kalokohan. Walang kinabukasan.”

“It’s my choice.”

Natigilan siya at napatitig dito. “At ito ang choice mo?”

“Choice kong mag-stay para sa’yo. Choice kong makisama sa gagong si Darren para lagi kitang nakikita. Choice kong protektahan ka. Aaminin ko hindi ako kasing tino ng ibang lalaki. Pero ito ang sasabihin ko sa’yo, makakapatay ako kapag may mangyaring masama sa’yo.

Protective instinct man o hindi. Ako ang maliligtas sa’yo mula kay Darren.” Buo ang tinig nitong sagot.

She was about to say something but her a heartbeat stopped her. Lumakas kasi ang tibok. Hindi tuloy niya napigilang suminghap. Hindi siya manhid upang hindi maintindihan ang sinabi nito. She got alarmed.

“H-Hindi ko hiniling na gawin lahat ‘yan. Kasabwat ka pa rin nila.” pagsusungit niya upang maitago ang epekto nito sa kanya. Muli ay umiling ito. Nag-iwas siya ng tingin saka tumayo. Tila biglang may kung anong bumalot sa buong kwarto.

“Cleo.” Anito at alam niyang nasa likod niya ito. She shut her eyes this time. His voice was telling more than her name. Alam niyang nararamdaman din ito ang nararamdaman niya.

“Please, Gavin.” Puno ng paglaban niyang saway dito nang abutin nito ang braso niya at hinarap siya dito. She cannot contain the urgency. Baka hindi niya mapigilan ang sarili.

“Say it again.” Halos pabulong nitong sambit habang hinihila siya palapit dito. Nakatungo ito nang abutin naman nito ang batok niya. His eyes were closed but his breathing was hotly fanning her face.

“Gavin.”

His hands brushed her hair backward. Saka lumapat ang labi nito sa noo niya. Napabuga siya nang hangin. His lips were hot and it ignited her heat. Saka bumaba sa pisngi niya. It tickled her. Dahilan upang tila mahirapan siyang huminga. Napahawak siya sa mga braso nito. Ang mga kamay nito ay naglalakbay sa kanyang mukha. Naroon haplusin nito ang batok at leeg niya. His fingers were playing with her ears. At kahit hindi nagliliyad ang kamay nito ay pakiramdaman niya ay nasusunog siya kakaibang init.

He then wrapped her waist. Hindi na niya magawang pumalag. She can’t help it. Tila iyon din naman ang gusto niya. Ang mapalapit pa ang katawan nito sa katawan niya. Like a magnet that found a match.

Mabilis na bumaba ang labi nito sa kanya. At walang dahilan upang hindi niya tugunin iyon. Parang mabilis na alon na bumulusok ang mainit niyon at pumaloob hanggang sa dibdib niya. She got excited. Siya na ang kusang kumapit sa batok nito habang tinutugon ang kasing alab ang halik nito.

“Bakit kapag binabanggit mo ang pangalan ko parang naaakit ako? You were so inviting, Cleo.” Anas nito sa pagitan ng halik.

He kissed her temple, her chick, her chin. Kasabay ng paglalakbay ng labi nito ay siya ring maggala ng kamay nito sa kanyang katawan. He pressed her clothed breast with his caressing hands. Halos lumiyad na siya sa tindi na sensasyon idinudulot nito.

“Gavin…” she whispered.

“Damn…” may pangggigil nito saad sabay bahagyang tulak sa kanya patungo sa sofa. Napahiga siya doon. He ended up on her top. Muli siya nitong siniil ng halik. Marahas na ang kanilang paghinga.

May pagmamadali nitong iniangat ang suot niyang t-shirt nito. Nahantad ang kanyang panloob. He massaged her breast. She started to moan on pleasure. Hinila niya ito upang kainin ng halik ang kanyang pag-ungol. She was getting wild. Something must stop her. Baka kung saan pa mapunta ang tagpo nilang iyon.

“Oh my, Cleo…” panay ang bulong nito sa kanya. Siya naman ay inabot ang pantalon nito at nag-umpisang tanggalin ang belt nito. He obliged. He even took his shirt. At nahantad sa kanya ang nasa dibdib nito.

“Gabriel Vincent.” Anas niya nang mabasa ang tattoo nito. Tila sulat kamay na nakaukit ang pangalang iyon. Sakop naoon ang buong itaas ng dibdib nito. May dalawang kamay na tila sumasalo sa katagang iyon. Hindi niya napigilang haplusin iyon. Maganda ang design at magaling pagkaka-tattoo noon. Nagkaroon siya ng layang damhin ang matipuno nitong katawan. Her fingers were travelling on his chest down to his abs to his navel.

“Buo kong pangalan ‘to. Inilagay ko sa dibdib ko para hindi ko makalimutan kung sino ako.” Sabi nito na titig na titig sa kanya. At habang nakatitig din siya dito ay nasalamin niya ang lungkot at galit sa mga mata nito. Kahit ang tinig nito. Tila may hatid na pagdadamdam.

Ano ang ibig sabihin nito? Bakig tila napakalungkot ng buhay nito?

Muli siya nitong hinalikan. It was gentle and so much caressing this time. At hindi niya napigil ang sariling tugunin ng mas mainit ang halik nito. Tila iyon ang naisip niyang paraan para maibsan ang kung anumang sakit na mayroon ito.

Gavin managed to unhook her brassiere and exposed her tightened breast. Kasunod noon ay ang kanyang singhap dahil tumungo doon ang labi ni Gavin. He sucked one and the other he caressed with his careful hands.

“Oh…Gavin…” puno ng antisipasyon at passion niyang saad. Kahit siya ay abala rin sa pagnanam sa kagandahan nito. His toned body was like a torch for her desire.

Bumaba pa ang kamay niya hanggang sa umabot ilalim ng puson nito at nanatili doon ang mga kamay niya. He was hard. Hard enough to take her sanity to clouds. Lalong bumilis ang tubok ng puso niya. She was not sure if she can take it. Ganoon din ang ginawa ng binata. His hands went down to her femininity. He softly rubbed it. She moaned and gasped for air. Hindi niya kayang ipaliwanag ang nakakaliyong sensasyon na ibinibigay ni Gavin sa kanya. Na kung tutuusin ay hindi dapat nagaganap sa pagitan nila.

“Cleooo…” his voice were like begging. At tila hindi siya lamang ang makakatugon sa pangangailangan nito. He went down closer to her then she drove his way to her. He thrust like a bullet.

“Oh…” naibulas niya dahil. Niyakap niya ito. Nanginginig ang kanyang buong katawan. But his sway of dance waved her to calmness and the sensation exploded as they continue to move with desire.

Kutusan man ni Gavin ang sarili ay huli na. Hindi na niya napigilan ang sarili at nagpadala sa pagnanasang sumaklob sa kanya. He was avoiding the feeling for days. Ngunit kanina nang mapalapit siya kay Cleo ay parang mitsa iyon upang tumindi ang nararamdaman niya. Gusto niyang magsisi ngunit wala siyang maisip na dahilan. He wanted it so she did.

Dahan-dahan siyang kumilos at bumangon. Saka ito pinagmasdan habang nakaupo siya sa sofa. Pikit na pikit ito. Alam niyang napagod ito. They went two rounds straight. Gusto niyang matawa sa sarili. Para siyang teenager kanina na sabik na sabik sa isang babae. Na kung tutuusin hindi na niya mabilang kung ilang babae ang dumaan sa mga kamay niya. Kung ilan na ba napaligaya niya. Mabilisan man o dahan-dahan. Ngunit kay Cleo ay siya ang napaligaya nito. Kung hindi nga lang siya nag-aalala dito ay malamang inangkin niya muli ito. He was hard again. Tinitigan lamang niya ito.

Napalingon siya nang mag-ring ang cellphone niya. Kumilos siya at lalapitan sana ito nang kumilos si Cleo. Muli siya naupo at mabilis na hinalikan ito.

“Matulog ka pa, sweetheart. It’s my phone.” Sabi niya. Ngumiti lamang ito at marahil dala ng antok ay muli itong pumikit. Marahan na muli ang paghinga nito. Saka niya inabot ang aparatu.

“Hello.”

“P’re, good news, bad news.” Anang tinig ni Basty. “Ano?” tanong niya na bahagyang kinabahan.

“Umuwi na si Eeli. Sa tingin ko nagko-confess na ‘yon sa oras na ‘to. Pero, P’re, nasundan ako nina Darren. Alam na nilang alam natin kung nasaan si Eeli. Galit na si Darren. Mag-ingat ka. Delikado si Cleo.” Sabi nito at nawala na ito sa linya. Maya-maya ay nakatanggap siya ng text mula dito.

‘Tagawan mo si Tiyo Samuel. Kailangan n ntin ng 2long. Kauspn mo n dad mo.’ anang text nito. Nag-isip siya. Saka nilingon si Cleo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.