ROXY CITY BOOK 5 (LOVE OR NOTHING) Chapter 14

CHAPTER FOURTEEN

Kaagad na tumayo si Jershian nang matapos ang tugtugan. Inipon niya sa kanang kamay ang drumstick niya at kaagad na lumabas ng studio. He felt so tired. Kaninang umaga ay dumaan siya sa Wise&Pro upang bisitahin ang on-going project nila sa Kendel Industries. At nang tumanghali ay nagtungo naman siya sa LinkMusic upang mag-rehearse kasama ang Skiptloosemonk.

“Basag ang palo mo kanina, Pisan.” Narinig niyang sabi ni Mike. Nilingon niya ito ngunit hindi naman siya tumugon.

“Pa’nong basag? Baka tenga mo basag.” Pabiro niyang tugon saka binuksan ang Iphone.

Hinanap niya ang number ni Geri.

“Uy, si Jershinal Charl Rover pikon.” Sabad naman ni Marlon.

“Ayup!” natatawa niyang sabi. Tinawagan niya si Geri ngunit out of coverage area ito.

Nagtaka siya.

“Okay, yosi break.” Si Lourd na nasa harap pa ng consule. Lumapit si Jeuan sa kanya. “How’s Geri?”

“Okay lang.” sagot niya.

“Kumusta buhay may inaasawa este asawa pala.” Si Marlon. Nagkatawan sila. “Okay lang.” pareho niyang tugon.

“Yun o. May ayaw sabihin.” Ani Mike. Tiningnan niya ito nang masama sabay hagis dito ng throwpillow na nasa sofa ng studio.

“Ano namang sasabihin ko?” tanong niya sa mga ito.

“Do’n nga kayo. Gulo n’yo.” Ani Jeuan at pinagtutulak sina Mike at Marlon na kunwa;y galit. “Shew! Ang babaho n’yo.”

Natatawa niyang pinagmasdan ang mga kaibigan habang palabas kasama ni Lourd.

Nagbibiruan pa ang mga ito.

“How’s Geri?” Muling tanong ni Jeuan nang maiwan sila. He chuckled. “Ulit? Unli?”

“You know what I mean.” Saad nito. Napalis ang ngiti niya saka nagbuntong-hininga.

Jeuan was after a serious talk. “We’re doing fine.”

Ito naman ang tumawa. “Sige na. Pag-usapan na natin. Pinaalis ko na ‘yong dalawa para kumportable ka. Alam mo bang nag-aalala ang mga ‘yon sa’yo. Di lang halata. Bigla ka kasing nag-asawa.”

He smiled. “I know.”

“Hanggang ngayon ba duda ka pa rin kay Geri?” Naupo siya sa sofa. “Ayoko na sana. Kaso lang…”

“Ano bang palagay ni Elbert?” tanong nito na naupo sa tabi niya. Kinuha nito ang gitara ni Mike at tumipa-tipa.

“Ayaw maniwala ni Elbert na may balak na masama si Geri sa’kin. Gusto niyang malaman muna kung may plano ang tiyahin ni Geri. Ikaw? Sa tingin mo ba kayang gawin ‘yon ng asawa ko?”

“Bakit ba ako ang tinatanong mo? Ikaw ‘tong asawa. Dapat kahit pa’no alam mo kung anong lagay n’yo sa isa’t-isa. At isa pa, matagal na rin naman nating kilala si Geri. Kaibigan ng mga kaibigan natin s’ya. And we trust those friends. Kaya mapagkakatiwalaan din s’ya. Ikaw na rin ang nagsabi. Mahal na mahal n’ya si EJ.” Sabi nito.

“Pabalik na si Lolo. Napabilis ang conference n’ya do’n. At alam ko na kung bakit.”

Aniya.

Pumalatak ito. “Patay tayo d’yan. Anong plano mo?”

“Hindi ko pakakawalan si Geri. She will remain my wife.” Mabilis at walang gatol niyang tugon.

“Wow. With conviction.” Anito. Umiling siya. “It’s love or nothing.”

“Gambler ka talaga.” Pahayag nito saka ito tumugtog. Iyon ang latest single na ‘Delivered By Surprise.’ Siya ang sumulat ng lyrics noon. Si Jeuan naman ang naglapat ng musika.

“I can’t let her go now, Jeuan. Not now.” Aniya. “Mahal mo na?” dugtong nito.

“Bakit? Bawal ba?” agap niya.

“Hindi naman. Handa ka ba?” tila hamon ni Jeuan sa kanya.

“Na ano? Na pwedeng magaya ako kay Uncle Randel na itatakwil ni Lolo?” aniya saka umiling. “I know, Lolo enough para maintindihan si Uncle Randel. In fact, hindi ako nagalit kay Uncle. Sinunod lang naman n’ya ang gusto n’ya. He found his own happiness. At si EJ ang proof na naging masaya si Uncle sa naging buhay n’ya. Buhay na malayo sa pagiging Lagdameo.”

“Masama pa rin ang loob mo sa lolo mo dahil sa dad mo.” sabi nito nang ibaba nito ang

gitara.

“Namatay si Dad na masama ang loob sa kanya. Simula nang ikasal ang parents ko wala nang ginawa si Dad kundi ang patunayan ang sarili n’ya kay Lolo. Na parang isang biyaya galing sa langit ang pagiging Lagdameo. Kailangang panindigan ni Dad ang pagiging asawa ni

Mommy. Pero kahit na anong effort ang ginawa no’n ni Dad, kulang pa rin. Dahil lagi s’yang ikinukumpara kay Uncle Randel.

“Hindi iilang beses na ipinaramdam ni Lolo sa kanya na hindi kailanman s’ya magiging kasing galing ni Uncle. Masakit ‘yon. Lalo na sa tulad ni Dad na puno ng dignidad ang pagkatao. Hindi naman bobo o tanga si Dad para hindi mapamahalaan ang kumpanya ng asawa n’ya.”

Binalot ng hinanakit si Jershian. Noon lamang niya muling inungkat ang tungkol sa totoong saloobi niya sa pamilya niya. Kung paano siya inilayo ng mga pangyayaring iyon sa kanyan lolo. Kung gaano kalungkot ang buhay niya sa kabila ng yaman na nakabalot sa kanya. Maaga siyang nawalan ng mga magulang kahit pa sabihing bente anyos na siya noon. At mahirap tanggapin. Walang kasing lungkot. Kaya ganoon lang ang pagpapahalaga niya sa mga kaibigan niya dahil dito niya nararamdaman ang pagmamahal na kailangan niya.

He was a spoiled. Kaya niyang bilhin at gawin lahat ng magustuhan niya. He was assured with wealth. Ngunit malaking bahagi ng pagkatao niya ang may kulang. He never felt being loved. Kaya marahil ilang relasyon ang dumaan lamang sa kanya. Dahil hindi niya lubos na naiintindihan ang pagmamahal. Kung paano magpahalaga sa isang tao. Kung paano umibig. Until he got married and became a husband. Saka niya unti-unting nabigyan ng sariling kahulugan ang salitang ‘mahal.’

“Alam mong umaaligid lang kami kung sakaling kailangan mo ng kaibigan. Pwedeng wala kami dito pero may number ka naman namin at saka naka-linya ka naman sakaling kailangan mo kaming tawagan.” Ani Jeuan at kunot ang noo siyang tumingin dito.

“Bakit ako pa ang tatawag eh ako na ang nangangailangan?” sabi niya.

“Wala akong load lagi di’ba. Hindi naman ako mahilig mag-cellphone eh.” Tugon nito at napatawa na siya.

“Sa lahat naman kasi ng gwapo at kamal-kamal ang pera eh ikaw ‘tong kuripot.” Saad niya dito.

Hindi naman nito sineryoso ang sinabi niya. “Hmmp, matuto lang ako ng kalandian kapag nagkataon.”

Malakas ang naging tawa niya. “Hindi ka pa malandi nang lagay na ‘yan?” “Hindi ah. May pinaglalaanan ang kalandian ko.”

“Don’t tell me naka-reserve si Jeuan kay Amber.” Nakangisi niyang sabi.

“Ulol.” Tila napikon ito dahil hinampas siya nito ng throw pillow. “Isumbong kita sa asawa mo n’yan eh.”

Natigilan siya nang maisip si Geri. “Anong oras na?” Tumingin naman ito sa relo nito. “Quarter to eight na.”

Napamura siya nang wala sa oras. Hindi na nila namalayan ang oras. Hinihintay na siya ni Geri. Sinabi kasi niya na sa mansyon siya magdi-dinner at hindi alam ni Geri na pupunta siyang studio.

“Sorry ka. Hindi pa tayo tapos. And’yan si Boss.” Sabi ni Jeuan. Nakakaloko pa ang ngiti

nito.

Tiningnan niya ito nang masama at akmang sasagisin din ng unan nang biglang dumatin sina Mike at Marlon kasama si Boss Lourd.

Araw ng huwebes at nasa Roxy City ang ‘Xquizit. Naroon din ang crew ng EZT. Isang interview ang gaganapin para sa teaser ng show. Kukuhanan din sila ng ilang eksena habang nasa superclub.

Katatapos lang na ayusan sila at siya ang unang isinalang upang kuhanan ng ilang eksena nagru-routine sa stage. At kamalas-malasan ay inaapoy siya ng lagnat. Marahil dahil sa sakit ng katawan niya. Maaga ang call time ng EZT kaya hindi na siya nakapagpaalam kay Jershian. Gabing-gabi na kasi ito nakarating galing sa gig nito sa Tarlac. Hindi na niya nabanggit ang tungkol sa lakad niya. Nagkasya na lang siya sa pag-iwan ng note para dito. Tinext din niya ito nang dumating siya sa Roxy.

Gusto sana niyang lumiban sa interview. Masamang-masama ang pakiramdam niya. Ilang araw na rin niyang dinamdam ang bugbog niyang katawan. Subalit nakakumpromiso na sila sa estasyon at baka pagalitan din siya ni Roxanne. Kaya kahit na nanghihina ay pinilit niya magtrabaho.

Tumagal ng kalahating araw ang shoot pati na ang interview. Noon nila napagtanto ng madugo pala ang isang pag-produce ng isang reality show.

“You okay?” Tanong sa kanya ni Thia. Napakaganda nito sa suot nitong chiffon maxi

dress.

“Okay lang. Medyo may sinat lang.” tugon niya at hindi na siya nakaiwas ng ilapat nito ang palad sa noo niya.

“Sinat? Super init mo eh.” Bigla naman itong nag-alala.

“Anastacia, lumayo ka na lang kaya sa’kin. Mahawa pa kayo ni baby.” Sabi niya dito. “You should rest.” Sabi nito at tila sesermunan pa siya nito nang bigla itong tawagin para

sa interview nito.

Nang maiwan ay nanatili lang siya ibabaw ng stage kung saan gumawa ng makeshift na runway. Nasa dulo siya ng runway nang magpasya siyang lumapagi. Nahihilo siya at nilalamig pa. Hindi sapat ang iniinom niyang pain reliever.

Parang gustomg maawa ni Geri sa sarili habang pinapanood ang lahat na abala. Walang nakakaalam kahit ang mga kaibigan niya kung ano ang kanyang pinagdadaan. Kung ano ang totoong dahilan kung bakit siya nilagnat. Ni hindi alam ng mga ito kung anong hapdi ang iniinda ng kanyang katawan. Magarbo ang buong set at lahat sila ay naggagandahan ngunit sa likod noon ay ang pagluha niya dahil sa kasakiman ng kanyang tiyahin.

Noong araw na dapat ay pupunta siya sa mga kaibigan niya ay kinuha siya ng tita Naida niya. Dinala siya nito kasama ang asawa nito at isa pang lalaki sa isang marumi at madilim na lugar. Doon siya pinagtatanong ng mga ito tungkol sa mga Lagdameo. Pinipilit pa rin siya ng tiyahin niya na tulungan ito upang makakuha pera. Na mariin naman niyang tinatanggihan. Hanggang sa umabot sa punto na sinaktan na siya nito.

Bugbog ang tagong parte ng katawan ni Geri. Walang mababakas ng karahasan sa kanyang mukha ngunit ang kanyang likod at tigiliran ay may pasa dahil sa bugbog ng mismong tiyahin niya. Naroong tinakot siya nito na tutuluyang baldahin kung hindi pa siya makikisama sa mga ito. Pinagbantaan siya nito na tutuluyan siya pati na si EJ kung wala pa rin siyang gagawin.

Pinanghihinaan na ng loob si Geri. Hindi na niya alam kung paano itatago sa lahat ang ginagawa sa kanya ng tita Naida niya. Lumalala na ang mga ginagawa nito sa kanya. Hindi na biro ang pagbabanta nito. At hindi na niya kayang dalhin iyon nang mag-isa. Paano pa ba niya puprotektahan si EJ? Hanggang saan at hanggang kailan niya mahaharang ang tiyahin niya? Paano kung bigla na lang nitong kuhanin ang kapatid niya?

“Geri, on cue ka na ulit.” Napalingon si Geri nang marinig ang isang crew. Nanghihina man ay pilit siyang ngumiti at tumango.

Sinubukan niyang gumalaw ngunit nahilo siya. Napatuon tuloy ang kamay niya sa stage. Nanginginig na siya sa lamig. The infection must be rising up to her weakening body. Gusto na

niyang umuwi. Ngunit paano siya magpapaalam? Paniguradong magtataka ang mga kaibigan niya.

“Hi, Jershian!” Narinig niya ang tinig ni Cleo at mabilis siyang lumingon.

Nasa entrada malapit sa dance floor ay naroon si Jershian at mukhang palapit sa kanya. Nakaramdam ng relief ang puso niya. Mabilis ang mga hakbang nito at naroon na naman ang signature arched eyebrows nito.

“Kumusta? Kaya mo pa?” bungad nito nang nasa harap nito.

“Hi.” Aniya at kusa nang kumilos ang mga bisig niya at niyakap ito. Mabilis naman ang naging tugon nio at mula sa stage ay binuhat siya nito.

Tila kandilang biglang natunaw si Geri sa matipunong bisig ni Jershian. Mahigpit ang naging yakap niya sa batok nito at isinubsob niya ang mukha sa gilid ng mukha nito. Hindi niya alam kung gusto lamang niya ng lambing nito o sadyang nanghihina na siya. But Jershian’s presence ment a lot for her. Dumating ito sa oras na kailangan niya ito. Kung kailan gusto niyang may kumalinga sa kanya.

“You’re shaking. Mabuti na lang at tinawagan ako ni Cassie.” Sabi nito ngunit hindi na niya kayang sumagot. Namuo na kasi ang luha niya.

Marahil hindi sapat ang pagpapanggap niya upang hindi mahalata nina Cassie ang dinadamdam niya. Hindi lang magawa ng mga ito na pauwiin siya dahil siya rin naman ang tatanggi.

Naramdaman ni Geri na naglakad si Jershian. Hindi na siya kumalas sa asawa dahil pakiramdam niya ay ito ang lakas na kailangan niya. Narinig pa niyang nakipag-usap ito ngunit hindi na niya maintindihan ang sinasabi nito. Lumalakas na rin ang pag-iyak niya. Kasunod noon ay binalot na siya ng comforter.

“Shhh, ‘wag ka nang umiyak. Uuwi na tayo.” Ani Jershian sa kanya na lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya.

“J-Jershian.” Halos pabulong na lang niyang tawag dito.

“Yes, love.” buo naman ang lambing na tawag nito. Noon ay naramdaman niyang inilapag siya nito. Nasa parking lot na pala sila at naisakay na siya nito sa dala nitong sasakyan.

“What’s wrong?” tanong nito sa kanyang panay ang punas sa luha niya. She was crying like a baby to him. “Ano ba kasing ginawa mo at nagkasakit ka nang ganyan?”

Gustuhin man ni Geri na tumugon ngunit hirap siyang magsalita dahil sa pagluha at panghihina. Lumapat ang labi nito sa kanya. His kiss was gentle. Ngunit naroon ang pagbibigay seguridad sa kanya.

“Tama na, please. Tahan na. It pains me looking at you like that.” Buong pagsusumamo nitong sabi sa kanya. Tila hindi rin nito alam kung paano siya aaluin. “Please, love. Tell me anything you want. Anything you need. Gusto mo ba pumunta tayo sa doctor?”

Pinilit niyang umiling.

“Then what is it? Come on, tell me.” Anito saka inabot ang kamay niya at pinaghahalikan iyon. “Tinatakot mo ‘ko sa ginagawa mo, Geri. Bakit ka ba talaga umiiyak?”

“N-Na…miss k-ko…lang p-parents k-ko.” Hirap na hirap at panay hikbi niyang sagot.

She really misses them especially her mother whenever she was sick.

Nagbuntong-hininga ito saka siya muling hinalikan. “I’m here now. Ako na’ng mag- aalaga sa’yo, okay? Don’t worry, love. I will never leave you.”

Kahit na umiiyak pa rin ay nagawa ni Geri ang ngumiti. Napakasarap pakinggan kung maririnig ang ganoon kataga lalo na kung nagmula sa taong mahal na mahal niya. Muli siyang niyakap nito na tinugon niya nang mahigpit na yakap din. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

Gustung-gusto na niyang sabihin dito ang nangyari ngunit ayaw ng puso niya. Dahil sa kabila ng sayang nararamdaman niya sa tuwing kasama si Jershian ay isang katotohanang hindi niya maaaring takasan na siya lamang ang nagmamahal sa kanilang dalawa.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.