ROXY CITY BOOK 5 (LOVE OR NOTHING) Chapter 3

CHAPTER THREE

Hindi magawa ni Jershian na lubayan ng tingin si Geri. Nasa dance studio siya ng sikat na celebrity na Camille Curtis noong araw na iyon. Nakita niya itong mag-isa sa isa sa kwarto doon at sumasayaw. Curiosity troubled him. Kaya lumakad siya palapit sa kwartong kung nasaan si Geri upang tanungin kung bakit mag-isa gayong dapat ay kasama nito ang grupo nito.

Nagpunta siya sa naturang studio upang sunduin ang girlfriend niyang si Arnie. Isa itong ballerina at kasalukuyang nagri-rehearse sa ibang kwarto. Tatanggihan sana niya ang paglalambing nito na magpasundo ngunit nag-alala siyang baka awayin na naman siya nito. Arnie has an attitude. Ayaw nito ng hindi napagbibigyan. Palibhasa’y nag-iisang anak ng sikat na basketball legend na si Andrew Cortez.

Nakasuot ng isang tights si Geri at loose blouse. Alam niyang sa ilalim noon ay sports lang. At nahahantad ang cleavage nito sa tuwing gagalaw ito. It was a pleasure for his eyes. Hindi niya kayang itanggi ang galing nito sa pagsasayaw. Gamay na gamay nito ang hip hop routines. Puno ng angs at confidence ang bawat galaw nito. How he wished Arnie can give him that urge sa tuwing panonoorin ito. Ballet kasi ang porte ng girlfriend niya. Which bores him a lot. Hindi sa ayaw niya sa ballet. Hindi nga lamang iyon nagbibigay ng fun sa kanya tulad ng nakikita niya mula kay Geri nang mga oras na iyon.

Hindi niya napigilan na mapapalakpak nang makita ang isang dance maneuver na ginawa ni Geri. He seldom sees that move from a lady. At nagawa iyon ni Geri nang walang kahirap- hirap. Narinig ni Geri ang palakpak niya at marahas itong lumingon sa gawi niya. Humihingal pa itong tumingin sa kanya.

“Galing.” Buong paghanga niyang saad habang lumalapit dito. Kunot ang noo itong nakatingin sa kanya. Saka lumakad palapit sa player nito at in-off ang tugtog.

“Jershian.” Pag-acknowledge nito sa kanya. Inabot nito ang tuwalya ang ipinunas sa

sarili.

‘Damn, nagpunas lang ng pawis sexy na.’ naisip niya.

“Yeah, the drummer.” Imbes ay sabi niya. Sinundan niya iyon ng isang ngiti. Tumango ito. “Anong ginagawa mo dito?”

“Oh. Ah, my.girlfriend. Nasa kabilang kwarto s’ya nagpa-practice din.” naitugon niya.

But his deepest flirt ego refused his word. Parang gusto niyang pagsisihan ang sinabi niya. Muli itong tumango. “Eh, bakit ako ang pinapanood mo? Hindi ka ba pwede do’n?”

Bahagyang nagulat si Jershian sa sagot nito. He felt the ‘you’re not welcome here’ tone on that matter. Mukhang hindi maganda ang mood nito.

‘Patay ka sa’kin ngayon, Geri.’

“Napadaan ako ‘tapos nakita kita. Nagtaka ako kasi nag-iisa ka. At saka hindi naman dito ang lugar n’yo di’ba? I got curious so…” pilit ngumingiti niyang sagot.

Nagkibit ito ng balikat. “Sorry ha. Medyo masungit ba ‘ko?” Napatawa siya. “No. Hindi naman. Nagulat ka lang siguro.”

Kumibot ang ilong nito sabay ngiti. “Oo eh. Si Jershian, Skiptloosemonk. Alam mo na…sikat kayo eh. Nakakailang lang.”

Umangat ang kilay niya. “Sikat din naman kayo, ah.” “Pero mas sikat ka.” Agap nito.

“Di naman. Si Jeuan lang.” napapatawa niyang tugon. He must admit her statement were true. Ayaw lang niyang ipagyabang iyon. Hindi naman iyon ang dahilan nila kung bakit nabuo ang banda nila. Passion lang talaga nila ang pagtugtog.

“Patapos ka na ba?” aniya nang makitang nilapitan nito ang gamit nito.

“Ah, oo. Nag-unwind lang naman ako, actually. Naghanap ako ng trabaho ngayon kaso ‘olats’ kaya nag-‘pagpag’ muna ako. Ayoko iuwi sa bahay eh.”

“Trabaho?” nagtataka niyang tanong. Isa ito sa back up vocal sa LinkMusic. Bakit kailangan nito ng trabaho?

Tumango ito. Dala na nito ang bag nito. “Hindi ba nasabi sa’yo ni Boss Lourd?

Magkakaroon ng reality show para sa bagong members ng ‘Xquizit.”

“Lahat kayo papalitan?” tanong niya muli. Kumilos ito dala ang player at lumakad palabas ng kwarto. Sumabay siya dito.

“Hindi naman. Kaso lang tatlo na sa’min ang posibleng umalis. Kaya…naniniguro lang.”

anito.

Napatango siya. “Sa bagay. Mahirap na kapag nabawasan ‘no?”

Nasa hallway na sila patungo sa lobby nang harapin siya nito. Nasa balikat nito ang towel nito at panay pa rin ang punas sa pawis nito.

“Ah…wait.” Aniya nang hindi napigil ang sarili. Inabot niya ang towel mula dito at ipinunas iyon sa may likod ng tainga nito. Hindi kasi nito nakikita ang may pawis pa iyon. Humagod iyon hanggang leeg nito.

‘Shit! Gumalaw!’ bigla siyang naalarma. Hindi niya maintindihan kung bakit at paanong nangyari iyon. Walang malisya para sa kanya ang ginawa niya. Ngunit bakit ganoon ang naramdaman niya? Dahil ba maganda ito?

‘Damn!’

“A-Ah…ako na.” tila natigilan at nagulat na sabi ni Geri sabay bawi mula sa kanya ng towel. Bigla niyang naramdaman ang tensyon nito.

“Sorry.” Saad niya ngunit tila hindi naman totoo iyon sa kanya. Parang gusto niyang kuhanin muli ang towel mula dito at pupunasan niya ang buong katawan nito. Naked.

‘This is madness! May girlfriend ka, Jershinal!’

“Jershian, sweetie?” anang isang tinig at ganoon na lang ang ngiwi niya. Sabay silang lumingon ni Geri at nakita si Arnie na salubong ang kilay na nakatingin sa kanila. He then can sense a fight.

“Sweetie!” Pinasigla niya ang tinig niya sabay lapit dito. “Hi.” Hinalikan niya ang pisngi nito.

“Sino s’ya?” hindi nasisiyahan nitong tanong. Lumingon siya kay Geri. “Bakit pinupunasan mo s’ya? Are you cheating on me?”

He scoffed. Sabay tingala. “Sweetie, no. Kung magloloko man ako sa’yo definitely hindi dito. Hindi sa mahuhuli mo ‘ko.”

“What?” maarte nitong sabi.

“S’ya si Geri. Isa sa ‘Xquizit.” Sabi niya sabay turo kay Geri. “Geri, Si Arnie.” Pakilala naman niya sa huli.

“As in the dance troupe?” naka-angat ang kilay nitong saad sabay lipad ang tingin sa dalaga. “Really?”

“Yeah.” Aniya saka hinawakan ito sa braso. Kilala niya si Arnie sa pagiging selosa. At may dahilan ito upang pagselosan si Geri. Mas maganda ito kaysa sa girlfriend niya. He would admit that. Pero siyempre hindi niya sasabihin iyon.

“Let’s go, sweetie. Gutom na ‘ko.” Sabi niya na akmang iiiwas ito. “Geri.”

Tumango lang ito sabay ngiti. Alam niyang naintindihan siya nito. Base na rin sa klase ng ngiti nito sa kanya.

“Don’t worry, Arnie. Wala pang nangyayari sa’min.” pahabol pang sabi ni Geri at marahas na suminghap si Arnie sabay lingon dito.

Nakangisi ito at kumaway sa kanila. Bumitaw si Arnie sa kanya. Ginantihan niya ang ngiti si Geri upang itago ang naramdamang inis. Parang gusto pa nitong mag-ayaw sila ni Arnie.

“Sinasabi ko na nga ba. Niloloko mo ‘ko.” Galit na saad ni Arnie sa kanya. He snorted. “Of course not.”

Muli niyang hinarap si Geri. “Aalis na kami, Geri. Behave, okay?” Muli niyang hinawakan si Arnie at hinila palayo kay Geri.

“Ingat. Hintayin ko text mo, Jershian.” Tila lalo pang nang-inis na saad ni Geri. “What!” sigaw ni Arnie. Inakbayan niya ito.

“Let’s go. Sira-ulo lang ‘yan.” Aniya na pilit nilalayo si Arnie. Hindi niya maintindihan kung bakit ginawa iyon ni Geri. Maybe it was her way of getting his attention. At pagbibigyan niya ito.

‘Bilang na ang mga araw mo, Geri. You want flirt? I will give you hell flirt.’ Anang isip niya habang inilalayo si Arnie.

Asar na asar si Jershian nang lumulan siya ng kotse niya. Inihatid niya si Arnie sa unit nito at hindi na siya tinigilan nito. Inaway na siya nito simula nang lisanin nila ang dance studio.

“Damn it.” Sambit niya habang tinitingnan ang sarili sa view mirror. Sinisipat niya kung may sugat siya. Arnie has been hysteric dahil naniwala talaga ito na may namamagitan sa kanila ni Geri. Pilit siyang nagpaliwanag ngunit sadyang ayaw nitong makinig kaya umabot sa pisikal ang galit nito. Naabot nito ang mukha niya at nakalmot siya nito.

Nakita niya ang dalawang guhit ng kalmot sa gilid ng leeg niya. Mahapdi iyon. Muli siyang sumandal sa upuan saka nagbuntong-hininga. Lubhang sinagad ni Arnie ang pasensya niya. Umasa siya na mapapaamo ito. And he would reward himself with a great sex but it did not happened. That gave him more frustration. Ilang araw siyang busy dahil sa engagements ng banda at wala doon si Arnie para sa kanya. Ang buong akala niya ay makakatulog siya sa unit nito ngunit hindi.

Dalawang buwan na niyang girlfriend si Arnie Cortez. Nakilala niya ito nang mag-guest sila sa isang variety show. They had a fun talk and the next he knew, he got her number. Nagpalitan sila ang mga text nang ilang araw at pagkatapos ay isang date. And that first date went to a private conversation on bed. Then the next morning? It was official. Boyfriend na siya ni Arnie.

Arnie was his twenty something-th girlfriend. Hindi na niya alam kung pang-ilan eksakto. Madalas kasi na saglit lang ang relasyon niya. Pinakamatagal na ang kalahating taon. At sa bawat relasyong iyon ay ang mga babae ang nakikipaghiwalay. Hindi naman niya gawaing makipag-break. Hinihintay niyang ang mga ito ang magdesisyon kung ayaw na ng mga ito. Gusto niyang maging gentleman kahit paano. Ayaw niyang saktan ang mga ito. At kung nasasaktan man niya ang mga ito ay hindi naman niya sinasadya. Hindi lang niya marahil nararamdaman sa kahit na sino sa mga ito ang totoong pag-ibig. Hindi niya alam kung kailan darating iyon. Ayaw niyang hintayin. He has the time of his life para hanapin ang babaing magpapasuko sa pagkabinata niya.

Tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at tiningnan. Arnie’s name registered. “Hello.”

“I’m breaking up with you.” Ani Arnie. Alam niyang umiiyak ito dahil panay ang singhot

nito.

‘There.’

“Sweetie-”

“No, Jershian! Stop it. Tama sila. Hindi ka marunong magmahal.” Agap nito.

“What?” kunwa’y nasaktan niyang saad. Ngunit ang totoo ay alam na niya ang sunod na mangyayari.

“Ayoko na.” puno ang galit nitong sabi. “Arnie-”

“It’s Arnie now, huh?” sabi nito.

Suminghal siya. “Nakipag-break ka sa’kin. What do you want me to do? Hindi ka nakikinig sa paliwanag ko.”

“We’re over.” Sabi nito kasunod ay busy tone.

Inilayo niya ang cellphone sa tainga niya at pinagmasdan iyon. She wanted to shout but he can’t. He wanted to get mad but he was not. Gusto niyang maramdaman na nasasaktan siya ngunit hindi. Ano bang magandang reaksyon?

Sinubukan niyang tawagan si Arnie. Busy. He tried again. Busy ulit.

“That’s it. We’re over.” Sabi niya at patamad na inilapag sa katabing upuan ang cellphone niya. Single na siya muli. He had to face it. Hindi si Arnie ang babaing nakalaan para sa kanya.

“That’s life.” Aniya sa sarili. Ini-start niya ang kotse niya. Muling tumunog ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya kasabay ng kakaibang kaba.

“Elbert.”

“Jershinal Charl Rover Lagdameo Sianco. Kumusta, boss?” sagot niya kasunod ng isang

tawa.

Napagaya siya sa tawa nito. “Ang haba naman ng pangalan ko.”

“Sisihin mo ang nanay mo.” sabi nito sa gitna ng pagtawa. “May balita ako sa’yo.” “Sige nga.” Aniya

Si Elbert Escobar ay ang kanyang reliable head technician cum assistant cum researcher slash investigator niya. Anim na taon na niya itong kasama sa business venture niya na Wise&Pro Incorporated.

Taong 2009 nang mag-umpisa ang kumpanya niya. The company sells brand new units of desktop and laptops but also repair and refurbishes used units just like the brand new but on affordable prize. Magagaling at matatalino ang mga technicians ng Wise&Pro kaya hindi naglaon ay sumikat ito dahil sa mga rekomendasyon ng mga nagiging kliytene nito. Even the supplies of the software and hardware are directly imported from the plant of all the leading brands of computers. Now, the company has its three selling station. Isa sa Makati at dalawa sa Mandaluyong.

Ngunit noong nakaraang taon ay naramdaman niya ang paghina ng repair kaya nag-isip siya ng dagdag venture upang tulungan ang orihinal niyang kumpanya. Pinasok niya ang web designing at hosting.

Sinimulan niya ang negosyo dahil alam niyang hindi habang panahon ay sikat ang Skiptloosemonk. Ayaw niyang gawin bread and butter ang banda dahil unang-una ay passion niya ang music. At ginagawa niya iyon hindi dahil sa pera. Mahal niya ang pagtugtog. Iyon lang kaya kailangan niya ang negosyo.

“Nakita ko na ang pinsan mo. At may plano na rin ako para makuha s’ya.” Sabi ni Elbert.

Natigilan siya. Saka inalala ang napag-usapan nila. Sa dami ng ginagawa niya ay nakalimutan na niya ang tungkol sa pinatrabaho niya dito.

“Talaga? Kumpleto ba ang details mo?” sabi niya.

“Yep. I-viber ko sa’yo ang pictures ng kapatid n’ya. Saka ‘yong ilang details tungkol sa kanya.” Tugon nito.

“Okay. I’ll wait.” Aniya at nawala na ito sa linya. Hindi na niya binitawan ang cellphone niya. Pinatakbo na niya ang sasakyan. He was about some meters driving when the phone alerted.

Inihimpil niya ang sasakyan at tiningnan ang mga ipinadala ni Elbert. Kasunod ang panlalaki ng mga mata niya.

‘Geraldine Laura de Claro.’

Tila nanikip ang dibdib ni Jershian nang makita ang pictures. Nagulat siya. Natuwa. Nagtaka at natawa. What a small world? Wala siyang kaalam-alam na nasa tabi lang pala niya ang hinahanap niya. Ang ipinangako niya sa kanyang lolo.

Nanginginig ang kamay na nag-pipindot siya sa kanyang phone. “Hello, boss?” Ani Elbert sa kabilang linya.

“Ituloy mo ang plano mo. I think I know the girl.” Saad niya.

“Alam ko. Isa s’ya sa ‘Xquizit di’ba? Hindi ka na mahihirapan n’yan. Naumpisahan ko na ang plano, actually. Hinihintay ko na lang na kagatin n’ya.” Tugo nito.

Napangiti siya. “Thanks, Elbert. Maaasahan ka talaga. By the way, pauwi si Lolo next week. Sana’y magawa na natin para surprise ko sa kanya.”

“Sure, boss. Bonus ko, ah.” Anito sabay biro.

He laughed. “Sira ka talaga. Sige. Ikaw pa. Malakas ka sa’kin.”

Malakas ang naging tawa nito. “Yan si Jershinal Charl Rover.”

Natatawa siyang napapangiwi. Sadyang trip na trip nito ang pagbuo sa pangalan niya. “Tigilan mo nga ako.”

Tumatawa lang itong hanggang sa mawala ito sa linya. He sighed in relief. May maganda pa ring nangyari sa kanya sa kabila ng bagong status niya. He was now single and very much ready to mingle. At mukhang kilala na niya kung sino ang imi-mingle niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.