ROXY CITY BOOK 5 (LOVE OR NOTHING) Chapter 4

CHAPTER FOUR

Nilingon ni Geri si EJ habang abalang nilalaro ang Rubik’s Cube. Umiling siya at muling ibinaling ang tingin sa labas ng binata ng taxi na sinasakyan nila. Ngali-ngali niyang kutusan ito dahil sa pagpupumilit nitong sumama sa kanya. Ngayon pa naman ang araw ng pagpunta niya sa opisina ng Wise&Pro Incorporated.

Tinawagan siya ni Elbert at sinabing nakita na ng may-ari ng kumpanya ang resume niya at gusto siyang makausap. Laking tuwa niya dahil sinabi ni Elbert na malaki ang posebilidad na matanggap siya. Formality na lang daw ang interview. At personal daw siyang inirekomenda ni Elbert.

It is an informal interview kaya casual lang suot niya. Isang navy floral tea dress na pinatungan lang niya ng short sleeve denim bolero. At isang cream peep toe platform ang suot niya sa paa.

Dapat sana ay iiwan muna niya si EJ sa bahay ni tita Len ngunit ayaw nito. At sa kamalas-malasan ay kailangan ding magdeliver ni tita Len ng mga ginawa nitong Leche Flan.

Sana lamang ay walang maging problema dahil kay EJ. Hindi naman siguro siya sisitahin kung makita doon ang kapatid niya. Sisiguraduhin naman niyang hindi ito magiging dahilan ng kahit na anong gulo.

“Ate.” pag-abala ni EJ sa pag-iisip niya. Hindi siya tumugon.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong nito habang abala pa rin sa pagpihit sa cube. “Sa magiging trabaho ko.” Tugon niya saka tumingin dito.

Bigla ay umangat ang mukha nito at tumingin sa kanya. Salubong ang kilay at tila nag- iisip kung ano ang ibig niyang sabihin.

“Bakit malayo yata ang trabaho mo sa bahay natin? Kailangan pa nating sumakay sa taxi.

Hindi ka na ba sa Roxy City nagtatrabaho?” sunud-sunod na tanong nito.

“Doon pa rin pero kailangan ko pa ring maghanap ng iba.” tangi niyang sabi sagot sa huli nitong tanong.

“Eh, anong sabi ni tita Rox? Pumayag-”

Isang pagod na buntong-hininga ang ginawa niya upang pigilan ang mga sasabihin nito. “EJ, ituloy mo na lang ang ginagawa mo.”

“Hahanapin na ba natin si lolo pagkagaling natin sa magiging trabaho mo?” muli na naman nitong tanong at hindi pinansin ang pagsaway niya.

Mabigat siyang nagbuntong-hininga. Hanggang ngayon pala ay hindi pa nito nakakalimutan ang tungkol sa napag-usapan nila noong nakaraang linggo. EJ still wanted to find his family. Nasa tinig nito ang deteminasyon na makita ang pamilya ng kanilang ama.

She must feel the same with EJ but some unrevealing truth wrapped a fear on her heart. Kung ito ay lubos na magiging masaya kapag nakita si Don Emmanuel, siya ay hindi marawi ang dapat maging damdamin. Dahil ang totoo ay hindi niya alam ang maaaring kahantungan ng buhay niya sa oras na makilala ng pamilya Lagdameo si EJ.

Panganay na anak ni Don Emmanuel Lagdameo ang papa nila na si Randel Lagdameo. Ayon sa kwento na rin ng mama niya na si Carissa, hindi tanggap ni Don Emman na mapangasawa ng anak ang mama nila. Ang sabi ay dahil galing sa mahirap na pamilya si Carissa samantalang tagapagmana ng Lagdameo businesses si Randel. Idagdag pa ang masamang reputasyon ng pamilyang mayroon si Carissa. Kaya ganoon na lamang ang pagtanggi nito sa kanyang ina.

Ngunit nanaig ang wagas na pagmamahalan ng dalawa kaya kahit na itakwil ni Don Emman si Randel bilang Lagdameo ay binalewala nito. Lumayo ang mga ito at namuhay na tahimik at nagbuo ng sariling pamilya.

Hindi siya masisisi kung ayawan man niyang lumapit sa mga Lagdameo. Dahil nabubuhay pa din ang galit nito sa kanilang ama at malamang na hindi sila kilalanin nito bilang mga apo, lalung-lalo na siya dahil anak siya ng babaing naglayo dito sa panganay nito. Subalit sa ngayon ay hindi pa lubos na mauunawaan ni EJ ang lahat.

“Wala pa akong idea kung paano natin siya hahanapin.” Tangi niyang isinagot. “Parang ayaw mo naman siyang makita.” May pagmamaktol nitong tugon. “EJ…” himig naman niyang nagbabanta.

“Kasi, sa tuwing babanggitin ko si lolo parang naiinis ka. Halata ko naman na ayaw mo siyang hanapin. Bakit, Ate? Galit ka ba kay lolo?”

“Hindi.” Pagpipigil niyang sagot. “Ang sa’kin lang, hindi tayo kilala ni…lolo. At saka-” “Miss, narito na tayo.” Narinig nilang sabi ng driver.

“Ah, dito na ba?” she said while her eyes are swaying around the view outside.

Binuksan niya ang croissant bag niya at kumuha ng pambayad dito. Nang matapos ang bayaran nila ng driver ay hawak ang kamay ni EJ na bumaba sila ng sasakyan.

“Wow! Ang laki ng building!” eksaheradong sabi ni EJ at nanlalaki pa ang mata habang nakatingala.

Sa Tektile Tower ang opisina ng Wise&Pro. Nasa third floor din ang malaking technical warehouse nito.

Binitawan niya si EJ dahil kukunin niya ang cellphone niya upang tawagan si Elbert.

Sasabihin niya na narito na sila sa baba ng building.

Nakatatlo ang ring bago niya marinig ang tinig ng kaibigan. “Hello.” “Hi, Elbert. Nandito na kami sa baba ng building.” sabi niya.

“Sandali at bababa ako. Pumasok muna kayo. Doon muna kayo sa lobby-”

“EJ!” hindi na niya inintindi ang mga sasabihin ng kaibigan dahil biglang may humablot sa kapatid niya.

Hawak pa rin ang aparatu na hindi niya nai-off ay hinabol niya ang lalaking basta na lang binuhat si EJ.

“Ate!” takot na sigaw ni EJ. Tumakbo ang lalaking may dala dito sa isang L300 VAN at mabilis na isinakay doon si EJ.

“EJ! Hoy! Binatawan mo ang kapatid ko!” kinakabahan niyang habol sa mga ito. Pinilit niyang habulin ito hanggang makalabas ng premises ng building hanggang sa highway ngunit walang nangyari.

Ganoon na lang ang panghihina ng tuhod niya dahil hindi niya naabutan ang sasakyan at mabilis itong nakalayo sa lugar.

Nanginginig ang buong katawan niya habang tinititigan ang papaplayong van. Nakita pa niyang sumisigaw si EJ. Mabilis na nangilid ang luha niya sa mga pangyayari.

‘TNM 136’ kahit sa nanlalabong isip ay tinandaan niya ng plate number ng van. Parang gusto niyang mawalan ng malay dahil sa nakikitang posibilidad na hindi na niya makita ang kapatid.

Nanginginig man ang kamay ay hawak pa rin ang cellphone at sa kabilang kamay ang bag niya. Ibinalik niya ang aparatu sa tainga at umaasam na sana ay nasa linya pa si Elbert.

“H-hello.” Papaiyak niyang saad.

“Hey, anong nangyari?” nag-aalala nitong tanong.

“Si…EJ. Kinuha ng…lalaki.” pigok niyang sagot at tuluyan nang napaiyak.

Nanginginig pa rin ang buong katawan ni Geri nang abutan siya ni Elbert ng isang basong puno ng malamig na tubig. Halos wala sa tamang ulirat na tinanggap niya iyon at hindi niya alam kung paano niya nainom at muling ibinalik dito ang baso.

“Relax, Geri. Nai-report na naman natin ang nangyari.” Malumanay at nagbibigay pag- asang saad sa kanya ni Elbert.

Nang nangyari ang biglang pagdukot sa kapatid niya ay mabilis na nakababa si Elbert sa ground floor upang puntahan siya. Kaagad itong kumilos at nakatawag ng awtoridad upang sabihin ang nangyari dahil siya ay hindi makausap nang maayos. Panay ang iyak niya.

“Anong gagawin ko?” gulung-gulo niyang tanong. Kasalukuyan silang na showroom ng Wise&Pro. Naroroon din si Rusell.

“Let’s just hope na walang masamang mangyari sa kapatid mo.” Sabi ni Russell na nakaupo sa tabi niya.

Narinig nila ang pagtunog ng cellphone. Tumayo si Elbert. Dito pala ang tumutunog. Naramdaman naman niya ang paglapat ng kamay sa kanyang balikat. Tiningnan niya iyon at nakita si Russell na nakangiti sa kanya. His smile was telling her to stay calm because everything will be alright. Ngunit hindi yata niya kayang sundin ito ngayon.

“Alright, ako nang bahala…sige.” Naririnig nilang pakikipag-usap ni Elbert sa cellphone.

Nang matapos ang pakikipag-usap nito ay muli itong lumapit sa kanila.

“Hindi na makakarating si...Boss” Sabi ni Elbert tukoy ang president ng Wise&Pro.

Tumingin siya kay Elbert na noon ay nakatingin naman kay Russell. She caught a kind of talk on the way they eye with each other. Alam niyang may sariling usapan ang tinginang iyon.

She wanted to ask but her mind is too tired and weary to speak up. Kahit noong makita niya ang dalawa sa parking lot ng club ay napansin na niya ang paminsan-minsang pag-uusap sa mata ng mga ito. Parang mayroong hindi sinasabi sa kanya.

“Mabuti na rin na hindi natuloy ang interview. Hindi rin naman makakausap nang maayos si Geri kung sakali.” Ani Russell.

Elbert sighed then looked at her. “Don’t worry. Ligtas ang kapatid mo. Maniwala ka sa’kin.” Seryosong saad nito.

His words were strong. Parang siguradung-sigurado ito sa sinasabi nito. It was as if he well known the real situation. Na parang alam nito kung nasaan ang kapatid niya. Ngunit kung totoo man ang nararamdaman niya ay pinagtakhan din niya iyon. How would Elbert know?

“Hindi ko yata kayang paniwalaan ang mga sinasabi mo.” Hindi niya naiwasang haluaan ng sarcasm ang sagot niya. Paanong hindi siya magkakaganoon kung kaligtasan na ng nag-iisa niyang kapatid ang pinag-uusapan.

“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo.” Batid na batid ni Geri ang nakasamang pang- unawa sa tinig ni Elbert.

“Pasensya ka na.” sagot niya at ngumiti naman ito. “Relax, Geri.” Si Russell.

Tuliro pa ring nasapo niya ang sariling mukha. Parang gusto na naman niyang umiyak. Nawalang lahat ibang bagay na nasa isip nang dahil sa nangyari. Kung alam lang sana niya na mangyayari ito ay nakipagmatigasan na lang sana kay EJ na hindi ito isama.

Nanatili nang ilang sandali pang tahimik ang lahat. Gustuhin man niyang sundan upang alamin kung saan dinala ng mga lalaking dumukot kay EJ ang kinaroroonan nito ay wala rin namang magagawa iyon. Tulad nga ng sinabi ng mga pulis sa kanila kanina ay kailangan pa

nilang imbestigahan at alamin kung kanino nakapangalan ang van na ginamit. Umaasa na lamang siya na mahanap ang kapatid sa lalong madaling panahon.

“Geri.” Tiningala niya si Elbert. “Ihahatid na muna kita.”

“S-sige.” Halos bulong niya at kinailangan pa siyang alalayan ni Russell sa pagtayo dahil ramdam na ramdam pa niya ang panginginig ng tuhod niya.

Hanggang sa makalabas sila ng Wise&Pro ay tahimik pa rin siya. Mabuti na lang nakaalalay si Elbert sa kanya.

“Hindi kaya ang Tita Naida mo ang kumuha sa kapatid mo?” napalingon si Geri kay Roxanne nang marinig iyon. Kasalukuyan siyang nasa club. Tinawagan kaagad niya ito pati na ang mga kaibigan upang sabihin ang nangyari.

Umangat ang likod niya sa pagkakasandal sa bar counter. Huminga siya nang malalim. Alas-kwatro pa lamang ng hapon kaya sarado pa ang bahaging iyon ng bar. Ang ibaba naman ay nagsisilbing restaurant mula umaga hangang dinnertime. Saka pa lamang magiging lower bar at lounge ito kapag binuksan na ang club.

“Paano naman ninyo nasabi na si Tita Naida ang kumuha kay EJ? Matagal nang walang balita sa kanya.” Sabi ni Cassie.

“Eh, sino pa ba ang may masamang motibo sa inyong magkapatid? Siya lang naman ang may galit sa pamilya mo.” Si Amber nasa kanyang likuran.

Napaisip si Geri. Si Naida ay ang nakakatandang kapatid ng kanyang ina. Hindi nila ito kasundo dahil galit ito sa kanila. Her Aunt harasseed her by dragging her mother’s name as a vamp of higher class. Ganoon katindi ang hidwaan ng magkapatid na nag-ugat lamang sa makasariling pag-ibig. Kaya hindi tulad ng maraming magkapatid, hindi kasundo ng kanyang ina

ang kapatid nito. Walang bagay na hindi sinalungat si Naida pagdating sa lahat na may kinalaman sa kanyang ina. At lalong nadagdagan ang galit at inggit nito nang mapangasawa ng kapatid nito si Randel na kitang-kita kung gaano nito minahal si Carissa.

Lumaki sa hirap ang magkapatid na Naida at Carissa de Claro. Nagtatrabaho bilang GRO ang nanay nila noon sa isang club sa Pasig. Ang ama ng mga ito ay walang matinong trabaho. Labas-pasok sa kulungang dahil laging nasasangkot sa kung anu-anong kaso tulad ng pagsusugal at paggamit ng bawal na gamot. Carissa, being exposed to a dragging to hell environment wished to prosper and looked after a better life. Ngunit dala na rin ng kahirapan kaya hirap itong hanapin ang mas magandang buhay. Naroong naging dancer ito habang sa umaga ay sinisikap nitong mag-aral. Samantalang si Naida ay hindi kakikitaan ng kagustuhang maging maayos ang buhay. Kung sinu-sinong lalaki ang dinadala nito sa bahay ng mga ito. Lahat naman ay hindi matino. May mga pagkakataon pang nananakit ang nakakarelasyon nito.

Hanggang sa makilala ni Carrisa si Randel na bumago sa buhay nilang lahat. Nang magnobyo pa lang sina Carissa at Randel ay tumululong na si Randel sa pamilya de Claro. Ito na ang nagpa-aral kay Carissa. Suportado nito si Naida. Mariin pinipigilan ni Carrisa ang ginagawa ng nobyo ngunit si Randel ang mapilit. Paraan daw nito iyon upang mapatunayan na mahal nito si Carissa.

Ngunit naputol ang pagtulong ni Randel nang magpakasal ito kay Carissa. Noon na rin kasi nagpakalayu-layo ang mga ito kasama si Geri. Apat na taong gulang noon si Geri.

Dinamdam iyon ni Naida. Nagalit ito kay Carisaa at pinagsalitaan ng masasakit. Sinabi nitong makasarili si Carissa. Na wala itong ibang hangad kundi ang maiangat ang sarili. Na mang-aagaw si Carissa. Na kinukuha madalas ni Carissa ang lahat dito. Na mariin namang

itinanggi ni Carrisa. Nais lamang nitong makapagsimula nang maayos kasama ng asawa nito. Gusto lamang nito ang tahimik na buhay kasama si Geri at si Randel.

Naabala ang pag-iisip ni Geri nang bumukas ang pinto. Noon naman pumasok at lumapit sa kanila si Lourd. Lumapit ito kay Cassie saka tumingin sa kanya.

“What happened to EJ? Anong sinabi ng mga pulis?” kaagad na tanong nito sa kanya. “Kailangan pa raw imbestigahan.” She said. Tumango ito habang tila nag-iisip.

“We cannot just sit here and do nothing. Tatawagan ko ang Papa para matulungan tayo.

Maraming connections ang Papa.” Maya-maya’y suhestiyon nito.

Lumipad ang tingin niya kay Roxanne at bahagya itong tumango. Kaagad na muling namuo ang luha niya.

“Huwag kang mag-alala. Makikita din natin siya.” Agad na sabi ni Amber nang makita ang nagbabadya niyang pagluha.

“S-sana.” Sagot niya habang si Roxanne ay lumapit sa kanya upang yakapin. “We will.” Bulong nito habang hinahagod nito nang marahan ang likod niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.