CHAPTER FIVE
Kasabay ng pagtatatak ni Geri sa mga service report ay tumatatak din ang bawat oras na nawawala ang kapatid niya. Panglimang araw na at hindi na niyang alam ang gagawin upang hanapin ito.
“Hi, kumusta?” Bungad ni Elbert sa kanya. Umupo ito sa isang visitor’s chair na malapit sa kanya.
“Ano bang naging kasalanan ko at pinahihirapan ako nang ganito?” Iritado niyang tanong at malakas na nagtatak sa papel.
Hindi naiwasan ni Elbert ang mapangiwi sa reaksyon niya. Sa nakalipas na limang araw ay hindi siya pumapalya sa paglalakad-lakad na umaasang makikita kahit man lang ang van na iyon. Mabuti na lang at tinutulungan siya nina Cleo sa paghahanap habang naghihintay ng report ng inutusan ni Lourd.
“Stop worrying too much.” Hindi na matandaan ni Geri kung ilang beses nang sinabi ni Elbert iyon sa kanya. And his countless words to at least lessen her guilt and hurt were not enough. Kahit ang patung-patong na trabaho ay walang silbi upang makalimutan niya ang nangyari.
Nagsimula na siyang magtrabaho sa Wise&Pro. Si Elbert ang nag-asikaso sa kanya. He was the one who introduced and oriented her for the job nature. Ito na rin ang nagpakilala sa kanya sa mga technicians na pulos mga lalaki. Dadalawa lang ang babaing programmer at graphic artist. Kaya hindi na siya magtataka kung magulo at walang sistema ang opisina ng Wise&Pro.
“Dadating si Boss ngayon.” Tumayo si Elbert at may kinuhang isang folder sa unang pitak ng filing cabinet.
Hindi pa nakikilala ni Geri ang presidente ng Wise&Pro. May inaasikaso daw itong mahalagang bagay tungkol sa pamilya kaya ilang araw na hindi nakakadalaw sa opisina.
“Ito ang gustong maayos ni Boss kaya kumuha siya ng bookkeeper. Gusto niyang i- monitor ang monthly sales. Nasa program naman lahat ng mga pumasok na repairs. May service report naman lahat ng mga iyon. Gusto niya ng details tungkol sa bawat pumapasok na unit sa bawat araw. Sa mga clients naman, tutulungan mo si Lars sa paggawa ng billing. Ninety percent of our market in web hosting ay abroad kaya medyo madugo.” Paliwanag nito habang nakabuklat ang folder sa harap niya.
“Hindi lang pala ako magiging bookkeeper. Office manager din pala…secretary, cleaning officer…ano pa ba?” idinaan na lang niya sa biro ang bigat ng kalooban at sa nakahantad sa kanyang dami ng trabaho.
Napapangiting napakamot sa ulo sa Elbert. “Mas marami ang technician dito kaysa sa office staff. At pulos lalaki pa. Kung mayroon mang kayang gawin ang mga tao dito bukod sa pagkukumpuni ng mga computers at paggawa ng program ‘yon na siguro ang pagkakalat. Mayroon nang naging staff dito one year ago, pero hindi rin siya nagtagal dahil nag-asawa kaagad.”
Mahinang napatawa si Geri at bumalik sa pagsandal sa kanyang upuan. Pinasadahan niya ng tingin ang opisina na kahit saang bahagi ay may nakakalat na papel. Talagang trabaho ang gagawin niya kahit sa pagpapafile pa lang ng mga resibo.
“Maiwan muna kita. Bibisitahin ko lang ang main server.” Isang tango ang isinagot niya at lumakad na ito patungo sa glass door. Ngunit lumipas lang ang ilang segundo nang muling bumukas iyon at sumungaw si Elbert.
“Dumating na si Boss. Get ready-” mula sa siwang ng nakabukas na pinto sa ilalim ng kamay ni Elbert na nakahawak sa handle ay bigla lumitaw si EJ.
“Ate!” masayang tumakbo si EJ sa kanya. Mabilis niyang napansin na iba na ang suot
nito.
“Oh, God. EJ…” Tila gustong kumawala ng puso niya sa dibdib niya dahil sa mabilis ng tibok nito.
Hindi niya nagawang tugunan ang mahigpit nitong yakap nang makalapit sa kanya. Abala siya sa pagbawi ng katinuan at sa namumuo niyang luha. Kanina lamang ay halos mawalan na siya ng pag-asa na makikita pa ang kapatid pagkatapos ay biglang lilitaw ito ngayon.
“Sabi ko naman sa’yo, makikita natin siya.” Lumipad ang tingin niya kay Elbert na nasa pintuan pa rin.
Noon umangat ang mga kamay niya at niyakap ito. At tila naramdaman ni EJ ang biglang panginginig ng katawan niya kaya binitawan siya nito.
“Okay ka lang, Ate?” nagtataka nitong tanong.
Pinaloob niya sa mga palad ang mukha nito. “Anong ginawa nila sa’yo? Saan ka nila dinala? Sinaktan ka ba nila? Ano…magsalita ka! May masakit ba sa’yo?”
EJ rolled his eyes seemed like bored. Ipinapakita noon na hindi na niya kailangang mag- alala dahil buhay pa naman ito.
“Iwan ko muna kayo.” Hindi na niya nilingon si Elbert nang umalis ito.
“Okay lang ako. Alam mo Ate, ang laki ‘nong bahay. Tapos may game room. At saka meron pa ‘yong play station na kagaya ng ibinigay sa’kin ni Papa dati. Tapos lagi kong kalaro si Kuya Jershian. Ang galing niya!” panay kwento nito habang nakatayo sa harap niya. In his eyes
is the excitement of an entertained child. Noon lang niya nakita ang saya sa mga mata nito magmula nang mamatay ang mga magulang nila.
“Jershian? Sinong Jershian?” pagtataka niya sa kabila ng pag-aalala.
“Ako.” A deep voice instantly planted on her senses from the door. Sabay silang napalingong magkapatid at nakita ang isang lalaki na pumasok. At hindi na siya kaagad nakahuma.
Parang gustong matunaw ni Geri nang mga oras na iyon. Tila hinuhudaran siya ni Jershian Sianco sa uri ng tingin nito.
Ngumiti ito. At sa pagngiti nito nang tila aliw na aliw na tumingin sa kapatid niya ay lumalantad ang mapuputi nitong ngipin. A clean haircut and a neat fair skin though dark, matched his goatee. He was a very modern looking tattooed guy. Kitang-kita ang mga tattoo nito sa dalawang braso na halos iyon na ang balat nito sa parteng iyon.
“EJ?” Anito sa kapatid niya. “Sa labas ka muna. May pag-uusapan lang kami ni Ate.”
Malambing ang tinig nito ngunit nang sumulyap nang bahagya ang mga mata nito sa kanya ay nakitaan niya iyon ng hindi maintindihang pahiwatig. Nag-iwas siya ng tingin dahil parang biglang napaso ang pakiramdam niya.
“Okay.” Tanging sagot ng bata at walang salitang lumabas ng opisina. Ngumiti pa ito sa kanya at hindi kababakasan na na-‘kidnap’ ito.
The unfamiliar shivering atmosphere glittered to Geri. Parang dumoble ang lamig gayong katamtaman lang naman ang lamig na nagmumula sa air-con.
Mula sa sumarang glassdoor ay lumipat ang tingin nito patungo sa kanya. His round sharp eyes was a well match to his hooked nose. Perpekto ang hugis ng labi nito. Hindi niya
maintindihan ang sarili kung bakit sa tinagal-tagal niyang pagkakilala kay Jershian ay ngayon lamang niya napapansin ang mga iyon. At talagang sa oras kung kailan kinakabahan siya.
Her breathing quickly changed on that simple stare. Parang pumapaloob sa kanyang pagkatao ang titig nito na parang hinuhubaran siya. Hindi niya naiwasang mapabuntong-hininga. Anong nangyayari sa kanya? Nawiwindang ang pagkatao niya sa simpleng tingin. And then he smiled but didn’t reach the eye.
“Sorry to scare you about EJ.” Sukat sa narinig ay biglang umahon ang galit kay Geri at marahas na tumayo.
“Wala kang karapatang basta na lang kukunin ang kapatid ko!” she almost screamed to
him.
His smile widened, “Relax. Wala namang nangyari. He’s safe. At kung mayroon mang taong pinakahuling hihiling ng kapahamakan ni EJ ay ako na ‘yon…o kami.”
“Anong ibig mong sabihin?” she asked.
He sighed. Sumandal ito sa pinakamalapit na mesa at ang mga kamay ay nasa bulsa ng pantalon nito.
“Paalis na ulit papuntang Nevada si Lolo at kinukulit na niya ako tungkol kay EJ. Kailangan daw na makita na niya ang apo niya bago siya umalis.” Saad nito habang nakatingin sa kanya.
Lalong naguluhan si Geri sa mga sinabi nito. Kung anumang banyagang damdamin ang pinupukaw ng lalaking ito sa kanya ay ganoon din ang pagkalito ng isip niya.
“Does Don Emmanuel Lagdameo ring a bell on you?” Biglang seryoso nitong tanong.
Bumilang ng ilang lipat ng oras bago tuluyang pumasok sa isip ni Geri ang sinabi nito. At hindi niya alam ang mararamdaman sa pagkarinig sa pangalang iyon.
Unti-unting bumaba ang tingin ni Geri at kinakabahang nag-isip. Kung gayon ay ang lolo nila ang nagpadukot sa sariling nitong apo? Na walang silbi ang ilang araw niyang pag-aalala sa kapatid niya dahil sa panahon na nawawala ito ay nasa pamilya pala ito ng ama nila? Parang gustong manakit ni Geri. It has been an emotional torture for her. Parang siyang napaglaruan. Ngunit anong kinalaman ni Jershian sa mga Lagdameo?
“It’s a good thing that EJ got my grandfather’s name. Tinupad ni Uncle Randel ang pangako niya noon na na isusunod niya ang pangalan ni lolo ng magiging unang anak niyang lalaki.” Saad ni Jershian sa pananahimik niya.
“H-hindi ko alam ang sasabihin…” gulat at nanghihina niya saad. Wala sa loob na muli siyang naupo. It would be the nicest thing could happen to EJ now. Nawala man ang mga magulang nila, magiging maayos na ang lahat dahil nakita na nila ang pamilya ng Papa nila. Pero may isang bahagi ng puso at pagkatao niya ang nagtatanong. Paano na siya ngayon?
“Si lolo-” Aniya at umaasang wala itong alam sa buong katotohanan. Ngunit nanunuya ang naging tugon nito.
“Lolo?” ulit nito sabay tingin sa kanya. Hindi siya tumugon. “By the way, ako nga pala si Jershinal Charl Rover Sianco. Naitawag na sa’kin ni Elbert na nag-umpisa ka na ng trabaho. I’m sorry for being not around for days. Alam mo na naman siguro ang dahilan.”
“Kilala kita. Hindi mo na kailangang sabihin ang buo mong angkan. Anong balak ninyo sa kapatid ko?” lakas-loob niyang tanong. Kung anuman ang dapat pag-usapan tungkol sa kapatid niya na pilit inililigoy nito ay haharapin na niya.
He must have glimpsed the anger from her eyes but she refused to extend that look.
Huminga ito nang malalim at pinagkislop ang mga braso sa dibdib nito.
“Alam mo na ang sagot sa tanong.” Sagot nito habang tiim na nakatingin sa kanya.
“Anong kinalaman mo sa mga Lagdameo?” hindi niya pinansin ang katotohonan sa pagkatao niyang sinabi nito. At hindi niya gustong magmukhang atribida pero nagtataka lang siya kung bakit ito masyadong nakikialam kay EJ.
“Anak ako ng pangalawang anak na babae ni Don Emman. But my mother, Collete, married to a Sianco. Isa akong tunay na Lagdameo. Not like you. Gusto mo lang makihati sa kung anumang makukuha ni EJ bilang Lagdameo. Pero inunahan na kita dahil kahit ang pagtatrabaho mo bilang bookkeeper sa Wise&Pro ay kasama sa mga plano ko.” Mabilis nitong sagot.
“Hindi totoo ‘yan! Hindi ako interesado sa kahit na anong kayamanang naghihintay sa kapatid ko. Kapatid ko si EJ. Wala akong pakialam kung s’ya man ang pinakamayan sa mundo. At aalagaan at bubuhayin ko s’ya.”
“Paano mo gagawin? Wala kang pera. We both know that. You’re broke. Unless, tulungan ka ng mga kaibigan mo. Iyan ay kung hindi nila malalaman ang totoo tungkol sa’yo at ang koneksyon ko kay EJ. Let’s see kung sino ang kakampihan nila.” Tugon nito.
“Ganyan ba ang tingin mo sa mga kaibigan natin? Isa pa, hindi kailangan ni EJ ang marangyang buhay. Pinalaki kami sa simple at tahimik na pamumuhay.” She said and looked straight at him from her seat.
Umangat ang mga kilay nito sa sinabi niya. “What? Ipagkakait mo kay EJ ang lahat ng dapat ay sa kanya? You must be out of your mind.”
She released a harsh breath out of frustration. Bakit ba naman sa kamalas-malasan ay ngayon pa ito mangyayari kung kailan magulo ang utak niya?
“Ano ba talagang gusto mong mangyari?” she asked wearily.
“Kukuhanin na ko si EJ.” Kung nakakamatay lang gulat ay baka nawalan na ng malay si Geri ng mga oras na iyon. His voice was clear and his meaning was sure.
“Paano kung hindi ako pumayag?” pilit na mahinahon niyang tanong.
He snorted. “Na parang may magagawa ka. Magpasalamat ka at kasalukuyang nasa Nevada si Lolo. Kaya hindi na niya kailangang pati ikaw ay harapin niya. Naipangako ko sa kanya na ipapakilala ko siya kay EJ bago ang flight niya. Wala na akong oras noon kaya nagkasya na lang akong makiusap sa mga barkada ko. Wala nang panahon sa pagpapakilala. At isa pa, ayaw kang makita ng lolo ko.”
“Ano ba talagang gusto mong palabasin?” pikon na pikon na niyang tanong.
“Three months ago, someone named Naida went to my grandfather’s office. Siya ang nagbalita sa amin na namatay si Uncle Randel kasama ang asawa n’ya sa isang sunog. Siya rin ang nagsabi kung saan kayo nakatira.” Pag-uumpisa ni Jershian nang maupo ito sa swivel chair nito. Siya ay hindi pa rin kumilos sa kinauupuan dahil sa oras na tumayo siya malalaman nito ang panginginig ng tuhod niya.
“Si Tita Naida? Pero…anong gagawin niya sa bahay ninyo? Anong kasinungalingan ang sinabi niya?” she asked abruptly. Malamang kung tama ang hinala niya ay isang paninira ang ginawa ng tiyahin niya kaya ganoon na lamang kababa ang tingin nito sa kanya ngayon.
“Sinabi niya ang lahat ng plano mo. Na ngayon wala na ang mga magulang ninyo, lalo na si Uncle Randel ay sa’yo mauuwi ang custody ni EJ.”
“Kapatid ko si EJ kaya sa’kin s’ya naiwan. Ilang beses ko ba dapat sasabihin sa’yo ‘yan?” She snapped.
Iwinasiwas nito ang kaliwang kamay. “Kalimutan na natin ang tungkol sa kanya. I am not as stupid as you expected. Kung nagawa niyang mapaniwala si lolo na mahal niya si EJ, hindi
ako. Hindi na rin ako nagtaka nang tinanggap niya ang ibinigay na pera ni lolo.” He shook his head and said, “It really runs on your blood.”
“Bakit ganoon na lang ang kagustuhan ninyong ilayo sa’kin ang kapatid ko? May karapatan ako.” nagmamatigas pa rin ang tinig niya kahit na nilalamon na iyon ng panlulumo. Gustuhin man niyang magalit sa tiyahin niya wala na rin siyang magagawa.
“Same as the Lagdameo.” He snapped. Kumilos ito at dinukwang ang drawer ng mesa nito. His eyes never left hers as he lift up a folder from the drawer.
Lumapit ito at inilapag ang folder sa harap niya. “It’s a contract in case you ask. Sinasabi d’yan sa pumapayag kang ipagkaloob si EJ sa amin bilang natitira niyang pamilya. That you are not capable of making a living for him for the reason that you are not financially stable. Huwag kang mag-alala dahil may karampatang halaga ang pagpirma mo sa kontrata. Sapat na iyan para makapagsimula nang mag-isa.”
Pakiramdam ni Geri ay binuhusan siya ng malamig na tubig na nanoot sa kanyang buong katawan. Halos bumaon ang kuko niya kahit na pudpod iyon sa mga palad niya dahil sa sobrang diin ng pagkakakuyom noon.
“Hindi ko ipinagbibili ang kapatid ko!”
“Hindi iyan ang nakarating sa’min. A gold-digger’s blood always flows down to its seed. Hindi nagtagumpay ang nanay mo na angkinin ang pera ni Uncle kaya ikaw ang magtutuloy sa pamamagitan ni EJ, tama ba ako?” puno ng panunuya ang tinig nito. But when she looked at his eyes, she saw a drop of anger and something like pain.
“Jershian Sianco, baka nakakalimutan mo na isang ring de Claro si EJ. At anak siya ng sinasabi mong masamang tao.” Ganti niya upang ipagtanggol ang sariling ina.
Isang mayabang na ngiti ang isinagot nito. “That gave you passes to chase?”
Pagod na nagbuga ng hangin si Geri. Walang silbi kung paulit-ulit man niyang igiit na hindi siya maghahabol sa pera ng mga ito. Totoong sa ina lamang sila magkapatid ni EJ ngunit hindi iyon naging hadlang upang mahalin niya ito nang lubos. And Jershian was sure that she was a materialistic bitch.
“Hindi ko pa rin pipirmahan ang kontrata.” She insisted.
Hindi nasisiyahang tumango si Jershian at lumapit sa harap ng mesa niya. Kinuha nito ang mga papel at sa gulat niya ay pinagpupunit nito iyon.
“So, you are wiser than I thought. Mas malaking pera ang gusto mo.” Pigil ang galit nito habang ang mga pilas ng papel ay sunud-sunod na nahuhulog sa sahig.
“Sumusobra ka na.” pagbabanta niya. Gusto na niyang umiyak dahil sa mga pang- iinsulto nito ngunit hindi niya ipapakita na mahina siya.
To her amazement, Jershian laughed. Balewala dito ang tensyon namamagitan sa kanila. His sharp eyes that have shown eager like ready to capture a prey suddenly soften. Muli itong umupo sa upuan nito. Sumandal ito at nakatawa pa ring tumingin sa kanya.
“The truth really hurts.” Anito at sa sasabog na damdamin ay mabilis siyang tumayo at nakalapit dito.
“Nagkamali ako ng pagkakakilala sa’yo, Jershian! Itinuring pa naman kitang kaibigan.” she exclaimed. Halos yumugyog ang mesa ng binata sa lakas ng hampas ng mga kamay niya.
“Magpasalamat ka at pinalaki ako ng mga magulang ko nang may paggalang sa ibang tao. Pero kung itutuloy mo ang pang-iinsulto sa’kin ay makikita mo ang hinahanap mo.” Umaalon ang dibdib sa rahas ng paghinga niya.
But he doesn’t move a bit. Nanatili itong nakasandal sa upuan at nakatitig sa kanya. Geri instantly felt awkward. Tila nasisiyahan pa ito sa nakikitang galit sa kanya. Wala itong pakialam
sa nararamdaman niya. He was too proud of himself that she felt so weak in front of him. It was like overpowering.
“Ate.” mula sa glassdoor ay nalingon niya si EJ na hawak ang handle at kunot ang noong nakatingin sa kanila. Si Jershian ang unang nakabawi sa pagkagulat at ito ang lumapit kay EJ.
“Anong problema, huh?” he asked sweetly to him while he carried him. Samantalang si Geri ay natulos sa kinatatayuan habang nakatingin sa dalawa.
“Nagugutom na ako.” sagot nito saka tumingin sa kanya. “Ate, kain tayo.”
Geri inhaled some breath like needing it badly. Mabagal ang mga hakbang na lumapit siya sa mga ito.
“S-sige.” Pagpayag niya. And again, she looked at those sharp eyes that magnify her unrecognizably. “Okay lang po ba, sir?”
Kung hindi lang siguro nito buhat-buhat si EJ at baka nakatikim na siya ng maanghang na salita mula dito.
Sa halip, “Alright.”
Ibinaba nito ang bata ngunit hawak pa rin ang kamay. “Sa Sianco’s na kayo kumain. Sa second floor. Sabihin ninyo na taga Wise&Pro kayo. Ako na ang bahala.”
“Halika na, Ate.” excited na sabi ni EJ at nauna nang lumabas.
Akmang susundan niya ang kapatid nang biglang hagilapin nito ang braso niya. His lips gently brushed into her temple. Kumalat ang nakakapitlag na sensasyon sa kanyang katawan. And she hated it but why does she liked it?
“Hindi pa tayo tapos mag-usap.” Patuloy nito saka bumitaw sa kanya. And she settled herself to walk out in trembling knees.