ROXY CITY BOOK 5 (LOVE OR NOTHING) Chapter 6

CHAPTER SIX

Alas otso ng umaga kinabukasan ay magkasamang dumating sa Wise&Pro sina Geri at EJ. Walang nagawa si Jershian nang ipagpilitan niya na sa bahay niya uuwi ang kapatid niya.

“Kuya!” tawag ni EJ at nang marinig iyon ng binata ay kaagad na iniwan ang pakikipag- usap at hinarap ito.

Geri wouldn’t deny the sincerity of closeness there between the two. Hindi maikakaila na magkadugo ang dalawa. They both have the same sharp eyes and its dignified appearance. Matalim kung galit, maaliwalas kung natutuwa at tiim at mapang-akit kung minsan. Tulad na lang kahapon nang titigan siya ni Jershian.

At ang nakikita niyang pagiging malapit ng mga ito ay hinangaan niya dahil nangyari lamang iyon sa loob ng limang araw. And it is really the blood that bonded and overrated between the two cousins.

She suddenly felt weary and distorted. Nakaramdam ng lungkot ang puso niya. Kung hindi sana sa nasusuklam niyang tiyahin ay hindi siya lalabas na masama sa mga Lagdameo.

“Hi, Geri.” Malapad ang ngiti ni Russell na bumati sa kanya. The guy has a boyish grin that lends interest on her.

“Hello.” Gumanti siya magalang na ngiti.

“Kung hindi ka busy mamaya, baka gusto mong…lumabas tayo. Dinner lang.” palipad hangin nito sa kanya.

Ngunit mabilis ding nawala ang ngisi nito nang marinig nila tikhim ni Jershian.

Napakamot agad ito sa ulo.

“Bumalik ka na sa trabaho mo. Baka makarating pa sa girlfriend mo ang ginagawa mo, biglang sumugod pa dito ‘yon.” Seryosong sabi ni Jershian habang katabi si EJ.

“Ate.” si EJ. “Ang sabi ni Kuya Jershian ay sa bahay na daw nila tayo titira. Iyon din ang sinabi ni lolo sa’kin noong nag-usap kami. Sayang hindi mo siya nakita.”

“Babalik naman siya, eh.” Salo ni Jershian.

“Okay. Kuya, laro lang ako.” lumayo si EJ lumapit sa isa sa mga computer display para sa mga kliyente. Maya-maya pa ay katabi na ito ni Russell at tinuturuan ito.

“Wala pang alam si EJ sa totoong relasyon ninyo.” Narinig ni Geri na wika ni Jershian.

Walang gana siyang tumalikod at nilakad ang daan patungo sa opisina. Balik na naman sila sa usapan.

“Kung talagang wala sa’yo ang kahit na anong kayamanan ni EJ ay hindi ka magdadalawang-isip na ibigay siya sa amin. Lolo would do anything neither to give up anything just to have his grandson. Mahihirapan lang tayo pareho kung hindi ka pa susunod sa gusto ko.” Tuloy-tuloy na saad ni Jershian habang nakasunod sa kanya.

Natigil ang akmang pagbukas niya sa glassdoor at hinarap ito. “Hindi naman mahirap maintindihan ang dahilan ko kung bakit, hindi ba?”

He sighed in boredom. “Alright. Pareho tayong may karapatan sa kanya. Pero hindi mo rin naiintindihan ang sitwasyon. I think we really need to talk.”

Itinuloy ni Geri ang pagpasok sa opisina. Sumunod ito sa kanya. “Hindi ako kasing sama ng iniisip mo, Geri.”

Nilingon niya ito.

“Matagal na kayong ipinahahanap ni Lolo. Dahil ‘yon ang kagustuhan ng buong pamilya. Matagal nang panahong nawalay si Uncle sa amin. He gave up his wealthy life and chose to live far with his woman-”

“Wife, Jershian. Wife and family.” Pagtatama niya. He paused and looked at her intensely. Siya man ay nakipagsukatan ng tingin.

“Sa una pa lamang ay hindi na sang-ayon si Lolo sa pakikipag-relasyon ni Uncle sa nanay mo. Not just because she is not from our kind of family but for more sensible reason. Galing sa hindi magandang pamilya ang nanay mo. Her father is an ex-convict. Her mother is a prostitute who died-”

Mabilis na umangat ang kamay ni Geri upang pigilin ito. “Alam ko na ‘yan. Hindi naman kailangang ulit-ulitin. Mabuting tao ang nanay ko, namin ni EJ.”

“Pero hindi iyan ang pinaniniwalaan ni Lolo. At alam niya ang tungkol sa’yo. Mahigpit ang bilin niya sa akin na ilayo sa’yo si EJ.” Sagot ni Jershian.

Nakatungong imuling si Geri, “Wala akong magagawa kung iyan ang paniniwala niya.

Pero hindi ko iiwan ang kapatid ko.”

“I will double the money stated in the contract. Just stay away from him.” Pamimilit ng

binata.

Mariing napapikit si Geri at nagbuntong-hininga. “Hindi matatapos ang usapang ito.

Ipaglalaban ko siya.”

“Wala kang pera.”

She nodded, “Kahit na.”

“Shit.” He uttered. “Hindi mo ba nakukuha ang sinasabi ko? Sa oras na bumalik si Lolo at nalaman niya ito ay siya na mismo ang magpapatapon sa’yo.”

Bahagayang kinabahan si Geri. Totoo ang sinabi ni Jershian. Makapangyarihan si Don Emman.

“Mahal ko si EJ. Siya na lang natitirang ala-ala ng mga magulang ko.” Nangingiyak niyang sabi.

“Isakripisyo mo ang pagmamahal na ‘yan.” Saogt nito.

“Anong dapat kong gawin para hindi mo ilayo sa’kin ang kapatid ko?” marahil desperado na siya para sabihin iyon pero wala na siyang magagawa.

“You are that willing to do anything? Are you willing to fight a manipulative man like Don Emman?” naghahamon ang tingi nito.

Huminga siya nang malalim. Wala nang urungan kung sakali. “Oo, gagawin ko.” His prominent face slowly shed a smile. “You are really wiser than I thought.”

“Walang nakakatawa sa sinabi ko.” Hindi ngumingiting saway niya dito. Tumawa lamang ito sabay iling.

“Be my wife, Geri.” He said straight.

Manghang napatingin si Geri kay Jershian. Not only because on what he just said but for the wonderful sound when he said her name. Ito ang unang pagkakataon na binanggit nito ang pangalan niya nang ganoon. Tila kibig sa lalamunan na tumutuloy pababa hanggang sa puso niya ang tinig

“A-nong…sinabi m-mo?” tanong niya sabay hugot ng hininga. “You need a license to stay in a Lagdameo’s life.” Tugon nito. “Linawin mo ang sinasabi mo.” naiinis niyang sabi dito.

“Hindi ka kilala ni lolo. Meaning hindi ka pa niya nakikita kahit kailan. At ang tanging paraan para manatili kang malapit kay EJ ay kung hindi alam ni lolo kung sino ka. Kung maipapakilala kitang asawa ko, pwede kang tumira sa mansyon. Hindi ka mapapalayo sa kapatid mo.” Anito.

“Ganyan ka ba talaga? Ganyan ba kayong mayayaman? Alam mo, akala ko talaga iba ka eh.” Galit na niyang sabi sa pagkakataong iyon.

“Binibigyan kita ng option. At sinabi ko na sa’yong hindi ako masamang tao. Lagdameo si EJ. Kinukuha ko lang s’ya dahil sa’min s’ya nararapat. Inilatag ko na sa’yo ang totoo na hindi na kayo pwedeng magsama ng kapatid mo. Dahil hindi ka isang Lagdameo.” Agap nito.

Hindi kaagad nakaimik si Geri sa narinig. It was not a physical pain she felt. It was the punch on her heart. Ngunit hindi niya ipinahalata dito ang naramdaman niya.

“Alam ko naman ang katotohanang iyon pero kapatid ko s’ya. Hindi mo na rin mababago ‘yan.” Pilit na kinakaya ang pag-uusap na iyon niyang tugon.

Jershian sighed heavily. Umangat ang kamay nito at itinukod ang mga siko sa mesa saka hinilamos ang sariling mukha. Nakita niya ang tattoo nito.

‘1221.’ tila time piece iyon. Nasa parteng forearm nito iyon. Sa gitna ng tensyon niyang nararamdaman ay nagawa pa niyang pag-isipan ang ibig sabihin ng tattoo na iyon.

“I’m sorry, Jershian. Hindi ko kayang sundin ang gusto mo.” Aniya saka niya tinalikuran ito at lumabas.

Magkasabay na nararamdaman ni Jershian ang ngitngit at paghanga ng mga oras na iyon. He saw how Geraldine Laura gracefully moved as she stood up and walk out from his office. Hindi na niya ito pinigilan dahil kitang-kita na niya ang pagpipigil nito ng inis at galit. Nakikita na niya ang suklam sa mga mata nito.

Noong minsang dumalaw siya sa opisina ng lolo niya ay nadatanan niya ang isang babae na kausap ng lolo niya. Naroon din si Maita na umiiyak. Nalaman niya na ito ang kapatid ang

asawa ng Uncle Randel niya at sinabing namatay ito kasama ng asawa. Then she said that his Uncle has a child named Emmanuel Joaquin.

He didn’t like the woman on first sight. Alam niyang may pagpapanggap ang pagsasabi nito sa kanila ng balita. Dahil kung totoo sa loob nito ang sadya ay hindi nito tatanggapin ang salaping ibinigay ng lolo niya.

Noon din ay sinabihan siya ng lolo niya na puntahan at kuhanin ang pinsan. Ngunit nagbanta ang babae na hindi magiging madali ang pagbawi nila sa bata dahil nasa pangangalaga ito ng half sister nito. Iyon na nga ay si Geri. Idinagdag pa ng babae na may plano ang dalaga na hanapin ang mga Lagdameo upang makinabang sa kayamanan ng kapatid. His grandfather went on rage.

“She will never win over me!” umuugong na saad noon ng Don. “Gawin mo ang lahat upang mabawi ang pinsan mo, Jershinal! Prove your worth to me.”

He was not against the idea of finding his cousin. Hindi lang siya sang-ayon sa paraan ng lolo niya. That he will find EJ just to please him.

What is there to prove? Hindi naman siya naging sakit ng ulo kung tutuusin. Hindi lang niya ugaling sundin ang lahat ng gusto nito. Mas nais niyang hanapin ang tagumpay sa sariling paraan. Kaya ang resulta ay ang pagtatalo nilang maglolo.

At sa kaso ni EJ ay kinailangan niyang gumawa ng plano. Nagkataon naman na kilala pala ni Elbert ang magkapatid dahil naging kaibigan si Geri ng head technician niya.

The kidnapping was unplanned. Dapat ay kakausapin muna niya si Geri ngunit biglang nagbago ang araw ng pag-alis ng lolo niya papuntang Amerika. At ayaw nito na makita ang anak ni Carissa.

He never thought that this Geri would be an ache. Kahit paano ay umasa siyang madali niya itong mapapayag dahil sa magkakilala na naman sila. Ngunit hindi ito madaling kausapin kung si EJ ang pag-uusapan. Wala itong plano na lumayo sa pinsan niya. May sapat naman itong dahilan. Kapatid nito ang pinsan niya at ito na lang ang natitira nitong pamilya. Gusto na niyang paniwalaan sa tuwing sinasabi nito na mahal nito ang bata. He saw how her eyes glittered with tears every time he would talk insults. Lalo kapag tungkol sa nanay nito.

But she could be also a good actress. Hindi niya ito lubos na kilala. At hindi rin birong kayamanan ang naghihintay kay EJ. He was the heir of Lagdameo Empire. Idagdag pang wala naman siyang interes na hawakan iyon. He doesn’t need too much. He only wanted what he needs.

Isang katok ang gumising sa pag-iisip ni Jershian. Nakita niya si Elbert sa glass wall at isinesenyas kung maaari itong pumasok.

Tumango siya at pumasok ito. “Nakita ko si Geri na umalis. Mukhang bad mood. Anong nangyari?”

“She’s tough.” Maikli niyang sagot.

“Sinabi ko naman sa’yo. Hindi ako naniniwalang masama siyang tao.” Sagot nito. Hinila nito ang isang armless na upuan at pabaligtad na umupo doon.

“Pero hindi iyan ang sinabi ng tiyahin niya. She is after my cousin’s money.” Pagsalungat

niya.

Nagkibit-balikat ito sa sinabi niya. “Sa puntong iyan, wala akong masasabi. Hindi ko personal na kilala ang tiyahin niya. Pero…ano? May kasunduan na ba kayo?”

Umiling siya. “Wala pa. But I proposed marriage.”

“Ano!?” gulat na sabi nito. At hindi makapaniwalang tumawa. “Wala ka sa tamang hulog, Boss. Bakit mo naman siya aalukin ng kasal? Huwag mong sabihing…nabihag ka kaagad ng ganda niya. Kung sabagay, hindi na masama kung siya ang maging Mrs. Jershinal Charl Rover Sianco.”

Siya naman ang napatawa sa sinabi nto. Ang totoo ay hindi niya alam kung bakit bigla na lang lumabas mula sa bibig niya iyon. Wala sa plano niya iyon. The truth was he wanted to pursue her offering large amount of money. But the enticed was a failure. At sa huling sinabi nito na kung sakaling si Geri ang magiging si Mrs. Sianco under his name, he felt something unfamiliar.

“Nagbaka-sakali lang. Pero hindi nangyari. Aside from that, my reason is lolo. Ayaw pa rin niyang lubayan ang Wise&Pro. Lagi pa rin niyang sinasabi na hindi ko pa kayang pamahalaan itong mag-isa. Baka raw maulit ang nangyari. Would you believe that? Hindi ko naman talaga mag-isang itinaguyod ang kumpanya. Katulong ko kayo, hindi ba?” saad niya at sumandal sa upuan.

Elbert shrugged his shoulder then shook his head.

“Baka kailangan mo lang ng kaunting tulak pa. Baka hindi pa siya nasisiyahan sa nakikitang progress ng kumpanya. At idagdag ko, malaking gulo kung si Geri ang ihaharap mo sa lolo mo bilang asawa mo. Lalo siyang magagalit. Ngayon pa na mukhang nagustuhan na niya si Arnie para mapangasawa mo.”

Napasimangot siya nang marinig ang pangalan ng ex-girlfriend niya. “Iyon nga gusto kong mangyari, ang magalit siya. Hindi ako kagaya ng iba na susunod na lang sa lahat ng sasabihin niya. If he thinks I’m a failure to his standards, I will give him failure.”

“You are being unfair to Geri. Kung iyan ang dahilan mo, nagiging makasarili ka.” Seryosong sagot nito.

He rapidly went to a dilemma. Bahagya siyang tinamaan sa sinabi nito. Maiipit sa kanilang maglolo si Geri kung sakali. At sigurado siyang gagawa ito ng paraan upang mawala sa landas ng pamilya ang taong kinasusuklaman nito. He felt responsible for her all of a sudden.

“Sir Elbert.” Narinig nila ang radio ng laging dala ng kaibigan. Kinuha nito ang radio sa tagiliran at sumagot.

“Bakit, Dave?” Saad nito habang nakatapat sa bibig ang aparatu.

“Dumating na po ang supplies ng cell ng battery.” Sagot naman ng nasa kabilang linya. “Sige.” Sagot nito sabay tumayo. “Alis muna ako.”

Inihatid niya ang kaibigan ng tanaw at bago ito tuluyang umalis ay may sinabi pa ito sa

kanya.

“Pag-isipan mo ang sitwasyon. Subukan mong kilalaning mabuti si Geri. Maiintidihan mo kung bakit hindi ako naniniwalang habol niya ang kayamanan ninyo.” Nakangiti nitong saad tuluyan na siyang iniwan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.