ROXY CITY BOOK 5 (LOVE OR NOTHING) Chapter 7

CHAPTER SEVEN

Nagdesisyon si Geri. Pinili niya na sabihin ang totoo kay EJ na hindi sila magkapareho ng ama at kailangan na nitong lumipat upang makasama na nito ang totoo nitong pamilya. Ngunit hindi pa niya magawang iwan ang kapatid. Humingi siya ng palugid upang sanayin ang sarili na hindi makasama ito kahit pumayag na rin siya na sa Lagdameo Mansion na tumira ang kapatid kasama ni Jershian.

Hindi naging madali para sa kanila ang pag-uusap. Noong araw ng kausapin niya ito ay umiyak ito nang umiyak. Wala daw itong pakialam kung magka-iba sila ng ama. Ang mahalaga ay magkasama sila. She felt so distressed looking at her brother being hurt and sad. Mas gugustuhin pa niyang siya na lang laging nasasaktan kaysa makita itong nahihirapan. Pero wala siyang magagawa. Galing ito sa isang mayamang pamilya at hindi siya. He was destined to be powerful years from now. At kailangan niyang ihanda ang sarili mula ngayon.

Kasalukuyang nasa harap ng monitor si Geri at nagba-browse sa internet. Nasa opisina siya ni Roxanne. Naghahanap niya ng trabaho na maaaring bumuhay sa kanya. Hindi na kasi siya bumalik sa Wise&Pro kahit na pinilit siya ni Elbert. Ayaw na niya ng kahit na anong koneksyon kay Jershian.

Tumunog ang intercom.

“Hello.” Saad niya nang maiangat ang telepono.

“Geri, may naghahanap sa’yo. Kailangan ka daw niyang makausap.” Anang boses ni Salud, operating manager ng Roxy City.

“Sino daw siya?” nagtataka niyang tanong.

“Ayaw sabihin, eh. Mukhang masungit, puntahan mo na.” sagot nito.

Mapahigpit ang hawak niya sa aparatu at nag-isip. May hinala na siya kung sino ang naghahanap. Mabilis na namuo ang galit. Ano naman ang kailangan ng tiyahin niya sa kanya?

The contrast of calmness and anger broke through her tension. It was as if she wants to burst and put the phone down. Ayaw niyang makaharap ang tiyahin. Hindi man siya tinuruan ang mama niya na magtanim ng galit at kalimutan na lang ang lahat ay naroroon pa rin ang pait.

“S-sige, kakausapin ko siya.” Napipilitan niyang tugon saka ibinaba ang intercom.

She didn’t move for seconds. Her thought was twisting with the circular unlikely motion of her stomach. Hindi siya dapat humarap nang ganito. Kailangan niyang ikalma ang sarili. Kailangan din niyang alamin ang pakay ng tiyahin.

Huminga siya ng malalim at tumayo. At habang pababa ay main club ay iniisip na niya kung paano pakikiharapan ang hindi inaasahang kamag-anak.

Isang makahulugang ngiti ang nakita niya mula sa Tita Naida niya nang makita siyang papalapit dito. Tumayo mula sa pagkakaupo sa isa sa mga aluminum rattan chair sa receiving area.

She looked dignified. Nakasuot ito ng cream slacks na tinernuhan ng halter blouse na may psychedelic print. He wears a short hair. Ang itim na clutch bag nito ay bumagay sa suot nito. Maganda ang tiyahin niya tulad na kanyang ina. Ito nga lamang ay mas maputi at mas matangkad.

“Akala ko ay hindi ka makikipag-usap sa akin. Kumusta ka na?” hilaw ang ngiting salubong nito sa kanya.

“Okay lang po.” Sagot niya. “Err…ano pong kailangan nating pag-usapan?”

Maarte itong tumawa nang mapansin ang pagkabalisa niya. “Huwag kang magmadali.

Hindi naman tayo naghahabol ng oras.”

Matipid siyang ngumiti. “Hindi naman po sa gano’n.”

She raised her hand to offer her a seat but she refused. “Hindi na kailangan dahil hindi naman ako magtatagal.”

“Ano po bang sa’tin?” pinili na lamang niyang magtanong. Pasimple siyang humugot nang hininga upang kumalma.

“Geri, magkapamilya tayo. Pero pamilya mo rin si EJ. Kung ano ang mayroon siya ay dapat ay-”

“Deretsuhin na ninyo po ako.” Walang ligoy niyang putol sa mga sasabihin nito.

Nag-angat ng mukha ang tiyahin niya. Naglalaro sa mga mata nito ang pigil na galit at sa hindi niyang maintindihan ay isang masamang intensyon.

“Sige. Kailangan ko ng pera. At bilang nag-iisa mo na lang pamilya siguro naman ay dapat din akong makinabang sa tinatamasa mo ngayon. Dahil mukhang nakuha mo ang simpatiya ng isa sa mga apo ni Don Emman. Mukhang nagagamit mo ang ganda mo.” She smirked.

Kumilos ang mga mata ni Geri sa likuran dahil nag-alala siya na marinig ni Salud ang pinag-uusapan nila.

“Tita, mali ang iniisip mo. Ibinigay ko na sa kanila si EJ.” Pigil ang panginginig niyang

saad.

“Ano?” Lumapit ito sa kanya. “Kapatid mo siya. Dapat lang ay makinabang ka sa kayamanan ng mga Lagdameo. At isa pa, anak na rin ang turing sa’yo ni Randel, hindi ba? Ginto na naging bato pa.”

Mariing napapikit si Geri. “Hindi ba’t kayo ang nanira sa akin sa kanila at nagsabing habol ko lang ang pera nila?”

“Oo.” She hissed. “Kaya nga ako naririto eh. Nagkamali ako ng ginawa. Naubos ko na ang perang ibinigay sa akin ng matanda. Kaya kailangan mong gumawa ng paraan.”

“Bakit ako?” galit na rin niyang bulong. “Kung wala na kayong pera para sa pagsusugal ninyo ay wala na ako roon. Wala tayong karapatang ubusin ang pera ng iba. Bakit hindi ninyo subukang magtrabaho-”

“Sinusumbatan mo ba ako, huh?” nagngitngit nitong sagot. Kung wala lang siguro sa malapit si Salud ay baka sumigaw na ito. Matalim na ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

“Tita, wala akong magagawa. Wala rin akong pera.” Mahinahon niyang sabi.

“Baka nakakalimutan mo, Geri. Kayo ng nanay mo ang sumira sa buhay ko. Kung hindi inakit ng malandi mong ina ang asawa ko ay hindi niya ako iiwan.” mariin ang tinig nito.

“Hindi totoo ‘yan. Pinagsamantalahan ng asawa n’yo si mama. Ng tatay ko.” Puno rin ng galit niyang agap dito.

Umangat ang gilid ng labi nito at bahagyang lumayo sa kanya. “Tanga ang ama mo, Geri. Manggagamit pa. Alam kong pinakasalan lang niya ako para mapalapit sa nanay mo. At ako, nagamit lang at pinagsawaan. Kaya kailangan mong pagbayaran ang kasalanan ng nanay mo. Sisirain ko ang buhay mo kapag hindi mo ako binigyan ng pera.”

“Wala akong ibibigay sa inyo.” Pagpupumilit niya. Manaka-naka din siyang napapatingin sa labas dahil anumang oras ay darating na sina Jershian at EJ. Nakiusap siya kay Jershian na makita ang kapatid niya at pumayag naman ito.

“Meron. Gamitin mo ang kapatid mo. Sa yaman ng mga Lagdameo, barya lang kukunin

mo.”

Nagbuntong-hininga siya upang mapanatili ang kalma sa sarili. “Umalis na kayo. Wala kayong makukuha sa akin. At hindi ako papayag na gamitin n’yo sa kung anumang masamang balak ninyo. Maghanap kayo ng sarili ninyong pera.”

“Sinusubukan mo ba ako, mahal kong pamangkin?” nakataas ang noo nitong tanong. “Hindi po. Ayoko lang sa gusto n’yong gawin.” She said.

“Huwag mo akong subukan, Geraldine. Naumpisahan ko na sirain ka sa kanila. Kung ako sa’yo, susundin mo ‘ko. Dahil kung hindi, pati si EJ ay idadamay ko.”

She glared with anger. Hindi siya makakapayag na sirain nito ang kinabukasan ng kapatid niya. She gave up enough for him and she was not hesitant give up all to secure his welfare.

“Hindi ako makakapayag na gawan n’yo ng masama ang kapatid ko!” nanginginig ang kalamnan ni Geri galit.

“Iyon na naman pala. Kumilos ka na kung ayaw mong ako ang kumilos. Kaunting pera lang naman ang kailangan ko, eh.” saad nito at iniikot ang paningin sa buong club.

“Hija.” Pagtawag nito kay Salud. “Magpapaalam na ako, salamat.” “Sige po.” Nakangiting nitong tugon.

“Maganda ang lugar ninyo.” Nagawa pa nitong sabihin. “Salamat po.” Inosenteng sagot ni Salud.

“Aalis na ako.” Nakapaskil ang pekeng ngiti nang muling tumingin sa kanya ang tiyahin. She cannot hide the determination she saw in her eyes and gestures. Isa na namang problema ang kinakaharap niya.

“Pag-isipan mo ang sinabi ko, hija. Magkikita pa tayo. At babantayan kita huwag kang mag-alala.” sabi nito na sadayang ipinarinig kay Salud saka lumabas.

Nanghihina ang mga tuhod na napaupo si Geri sa aluminum chair. Inubos ng pakikipag- usap sa tiyahin ang buong lakas niya.

Sabihin mang makapangyarihan ang mga Lagdameo at kaya nitong protektuhan ang kapatid niya ay hindi pa rin siya nakakasiguro sa kaligtasan nito. Hindi niya alam kung ano ang talagang balak ni tita Naida at kung anong kayang nitong gawin.

Sapat na ang galit na namahay sa puso nito upang seryusohin niya ang mga sinabi nito. Puno ng inggit at galit sa kapatid ang tiyahin niya. Noon pa mang mga bata ang magkapatid na Naida at Carissa ay naninibugho na ito sa huli.

Tumayo si Geri at lumapit kay Salud. “Salud, er…aalis muna ako. Kapag dumating sina Jershian, pakisabi may pinuntahan lang akong mahalaga.”

“Sige, no problem.” Tugon nito.

“Salamat.” Lumakad siya at bumalik sa opisina. In-off niya ang computer at kinuha ang bag sa gilid ng mesa niya.

Kailangan niyang lumabas muna. Magulong-magulo ang utak niya. Kailangan niyang mag-isip ng paraan upang maprotektuhan ang kapatid niya pati na rin ang mga Lagdameo. Walang kinalaman ang mga ito sa kung anumang gulong mayroon sa pamilya niya. Pero hindi rin niya kayang pigilan basta ang Tita Naida niya.

Papalbas na siya nang makita niya na papasok naman sina Jershian at EJ. Masaya pang nagkukulitan ang dalawa.

Mabilis siyang nagkubli sa gilid ng Cat bar. Hindi pa niya kayang harapin ang mga ito.

Baka mapabunghalit pa siya ng iyak kung sakali.

Pasimple siyang kumubli at sa likod ng club dumaan upang makalabas. Lumingon sa kanan at kaliwa. Pinag-isipan kung saan direksyon tutungo. Nilakad niya ang main road at

pinagmasdan ang pagilid. Wala siyang pakialam kahit mataas na ang sikat ng araw dahil alas- diyes y medya na ng umaga. Namumuo na rin ang pawis na noo niya.

Papalakad na siya sa hindi siguradong direksyon nang may nakitang siyang jeep na paparating. Agad niya iyong pinara. Sumakay siya sa harap sa tabi ng driver.

“Manong, sa pinakamalapit na chapel o simbahan.” Tumango ang driver at muling pinasibad ang jeep.

“The number you dial is out of coverage area, please try your call later.” Operator ang kasunod matapos ang ring na narinig ni Jershian.

“Damn, where the hell are you, Geri?” inis na sabi ni Jershian habang pabalik-balik sa loob ng sala sa bachelor’s pad niya. Sumaglit siya roon galing sa mansion sa Corinthian. Inihatid muna niya ang pinsan upang makapagpahinga na ito dahil napagod ito sa maghapong paghihintay sa kapatid. Kukuhanin lang niya ang ipinangakong video game dito.

Ilang ulit na niyang tinatawagan si Geri ngunit walang sumasagot. Kanina nang dumating sila ni EJ sa Roxy City ay nagulat sila nang sabihin ni Salud na umalis ito. Pinagtakhan niya iyon dahil alam nitong dadating sila ni EJ. Inisip niyang maaaring naghahanap ito ng trabaho ngunit usapan na nila na tutulungan niya itong makahanap ng kumpanya. In fact, he already found one. Dapat ay sasabihin niya dito kanina ngunit bigla nga ay umalis ito.

Hindi niya maintindihan ngunit bigla siyang nilusob ng pag-aalala niya nang malamang biglang umalis si Geri nang walang paalam. Nabanggit din ni Salud na may kausap si Geri na babae bago ito nagmamadaling umalis. Tinanong niya ito kung sino ang babae ngunit hindi naman nito masagot dahil hindi daw nagpakilala ang babae sa kanya.

Sino ang babaing iyon? May hinala na siya kung sino pero hindi rin siya sigurado. At sa pagkakaalam niya ay wala nang kamag-anak sina Geri doon kundi ang Tita Naida nito. Hindi kaya ito ang kausap ni Geri. Pero bakit? Anong kailangan ng tiyahin nito kay Geri?

Nasa ganoong pag-iisip si Jershian nang marinig niya ang doorbell. Pagod niyang tinungo ang pinto at ganoon na lang ang gulat at galak niya nang makita ang bisita.

“Thank, God! Akala ko kung napano ka na.” Nahihimasmasan niyang saad sabay mahigpit na niyakap si Geri.

Si Geri ay hindi makakurap sa gulat. Hindi niya magawang kumilos upang bumitaw sa mahigpit na yakap ni Jershian. She never expected that reaction from him. Ang buong akala pa nga niya ay magagalit ito kaagad sa oras na makita siya.

Ngunit pagkatapos ng gulat ay unti-unting nakaramdam ang estrangherong init si Geri. His arms weren’t hard. Not at all. Pumaloob ang tahimik na lambing na hindi niya alam kung saan nagmumula. Ang mga braso nito na nakaipon sa katawan niya ay tila proteksyon mula sa kung anumang banta sa kalooban niya. She felt so dependent to him that moment.

Dahil sa pagod at gulo ng isipan ay hindi sinasadyang tumugon ng yakap si Geri. She moved her arms and reached his back. Tila nais kumuha ng lakas ang yakap na iyon mula dito.

“Saan ka ba nanggaling?” Narinig niyang tanong nito at kasunod ang pagbitiw sa kanya. “Maghapon kang hinintay ni EJ.”

Nang maalala ang kapatid ay natutop ni Geri ang sariling noo. She cringed her head and laid it down.

“Pasensya na.”

Umiling si Jershian. “Come in. Paano mo nga pala nalaman itong pad?”

“Itinanong ko kay Sir Lourd.” Sagot niya habang pumapasok sa loob. “Ang totoo ay nagbaka sakali lang ako. Iniisip ko na baka nasa Corinthian ka.”

“Sumaglit lang ang ako dito. Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Saan ka nagpunta at bigla kang nawala?” tila may inis nitong tanong.

Nagbuntong-hininga si Geri at umatras. Humanap ng masasandalan o maupuan man lang. Patang-pata na ang kanyang katawan at isipan. Nang maramdaman ang mga binti niya at mabilis niyang ibinagsak ang katawan sa sofa.

“May pinuntahan lang ako.” Maiksi at umiiwas niyang sagot.

He snorted and shook his head. “Makakatulong ‘yan para mawala ang pag-aalala ng mga naghintay sa’yo. Very nice.”

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Sa halip ay sumandal sa upuan. Wala na siyang ideya kung paano pa niya nakakayang manatiling gising sa lahat ng nangyayari. Gustung-gusto na niyang umiyak sa harap nito. Nang sa ganoon ay mabawasan ang kahit katiting ng bigat ng kalooban niya.

“Jershian…tinatanggap ko na ang alok mo.” Sa halip ay wika niya at hinintay ang reaksyon nito.

“Ano?” lukot ang mukhang tanong ng binata. “You know what…ang weird mo. Linawin mo nga ang sinasabi mo.”

“Handa na akong magpakasal sa’yo.” diretsong at hindi humihinga niyang saad.

His face flattened for a while. Nakatitig lang ito sa kanya. Ang mga mata nitong laging puno ng emosyon ay gumagalugad sa ibig ipakahulugan ng sinabi niya.

“Bakit biglang nagbago ang isip mo?” maya-maya’y tanong na naman nito.

She sighed as if it is a habit. “Hindi…ko kayang mawalay kay EJ. Gusto ko siyang mabantayan…maprotektahan.”

“It was just-” He said.

“Gawin mo na ang gusto mo, basta ang gusto ko ay lagi kong makita ang kapatid ko.”

Aniya.

“Are you sure? Hindi ito biro.” naniniguro nitong tanong.

“Alam ko.” Tangi niyang sagot at ipinikit ang mga mata. Daig pa ni Geri ang nakainom ang sleeping pills. Tuluyan nang nilanom ng pagod ang malay niya at hindi na niya pinansin ang nakatitig na si Jershian.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.