ROXY CITY BOOK 5 (LOVE OR NOTHING) Chapter 8

CHAPTER EIGHT

Muli ay humahangang nakatitig si Jershian sa natutulog na si Geri. Hindi maitatangging sobrang pagod ito dahil mabilis pa sa alas-kwatrong nakatulog ito.

Noon niya lubusang napagmasdan ang dalaga. She was a bit tall that her slender legs showed it. Ngunit tama lang para sa isang babae. Her skin was fair and cream. At paminsan ay namumula. She was beautifully seductive indeed. Just like what an ‘Xquizit is.

Ngunit mistersyosa ito para sa kanya. She speaks very seldom kapag nakikipag-usap sa kanya. Sumasagot lang kung kinakailangan. Maingat sa bawat salita. Hindi tulad kapag nasa Roxy City ito at kasama ng mga kaibigan o kaya ay kapag nagtatanghal ito. She was a harmless biter he could say. But he was not sure if she really was no harm.

Noong una ay mariin ito sa pagtanggi na magpakasal sa kanya. Ngunit ilang araw lang at matapos mawala nang halos maghapon ay biglang susulpot sa bahay niya at sasabihing nagbago na ang isip nito.

Isang malaking kalokohan kung paniniwalaan niya ang mga drama nito. Ngunit kung nais nitong makipaglaro at kung mayroon man itong planong guluhin ang pamilya niya ay pagbibigyan niya ito. He would play her game. Then it is the damn that will crash in the end.

Umungol ito ngunit hindi nagising. Mukhang talagang nakatulog na ito. Nilakad niya ang magazine rack sa tabi ng computer area niya at kihuna ang wireless phone na nakapatong sa ibabaw ng mga babasahin. Idinayal niya ang numero sa mansion.

“Hello, Lyka. Tulog na ba si EJ?” bungad niyang tanong nang sumagot ang tumatayong yaya ng pinsan.

“Opo, sir.” Sagot nito.

“Sige. Double check him. At kung okay na siya ay magpahinga ka na rin. Dito na ako sa pad matutulog.” He instructed.

“Opo, sir…er sir?” “Mmm?”

“Kanina po kasi may nakita si Erning na itim na kotse malapit dito sa bahay. Nakaparada lang po tapos tumagal po ng isang oras. Nang lalapitan na po ni Erning ay biglang umalis. Nakita rin po ni EJ ang kotse at sabi niya ay parang pamilyar po sa kanya ang sasakyan.” Mahabang sabi nito.

“Anong oras ‘yon?” namumuo ang pag-aalala niyang tanong.

“Mga alas singko y medya po ng hapon. Pagka-alis n’yo.” sagot nito at tukoy ang kanyang papa.

“Sige. Just lock all the doors.” Hindi na lang niya ipinahalata dito ngunit bigla inatake ng kaba ang dibdib niya.

“Opo, sir.” Iyon lang at nawala na ito sa linya.

Eksklusibo ang subdivision kaya walang basta na lang nakakapasok malibang kakilala ng residente at naidentify na ng guard.

Hawak pa rin ang telepono ay muling tiningnan ni Jershian ang tulog na tulog na si Geri. There must be something unlikely going on. Hindi siya ignorante para hindi maramdaman iyon. At malakas ng hinala niya na may kinalaman si Geri sa kung anumang hindi magandang pangyayaring nagbabadya sa pamilya niya. Kung wala ay bakit biglang nagbago ang desisyon nito.

This vixen really awakened his curiosity. Kailangang gumawa siya ng paraan. It was her face that reveals so much mystery. Kung anumang dahilan nito upang gawin ang ginagawa nito

ngayon ay aalamin niya. Saka na niya iisipin kung ano hakbang ang dapat gawin. He would marry her, of course. Iyon ang simula ng laro nilang dalawa.

“Wake up, pretty face.” hindi siya sigurado kung tama ang narinig niya ngunit iyon ang gumising sa kanya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at ganoon na lamang ang gulantang niya nang mabungaran si Jershian na nakatungo sa kanya. She lifted up herself from the bed.

“Sorry, nakaidlip ako.” Wika niya at akmang tatayo nang mapasin na wala na siya sa sofa kundi nasa isa nang kama.

“Hindi ka nakaidlip. You slept the whole night tightly.” Sagot ni Jershian habang siya ay paikut-ikot ang mga mata sa paligid.

“Bakit nandito ako?” mabilis siyang bumaba mula sa kama at nagtatakang hinarap ito. “Anong oras na ba? Matagal na ba akong nakatulog?”

Umiiling itong napapangiti. “It’s seven in the morning actually.”

She groaned in shame. Tinungo niya ang sarili. Hindi na niya suot ang denim jumpsuit at napalitan na iyon ang over-sized T-shirt.

“Oh, God! Ikaw ba ang…” she trailed off. Tila naintindihan naman ni Jershian ang gusto niyang sabihin at sasagutin marahil iyon nang bumukas ang pinto.

“Jershian…” tawag ng bumungad na ginang. Dala nito ang isang tray ng pagkain na sinalubong ng binata.

“Gising na pala ang bisita mo.” Wika nito at tumingin sa kanya. “Pasensya ka na at damit ni Jersihal ang naisuot ko sa’yo. Wala kasing gamit na pambabae dito.”

She grimaced shyly. “Ah…ganoon po ba?” tumungin siya kay Jershian at nakita ang pag- angat ng sulok ng labi nito.

“Kumain ka na. Maiwan ko muna kayo at maglilinis pa ako.”

“Thank you, Manang.” Pahabol ng binata bago nito maisara ang pinto. Nang maiwan sila ay umiwas ng tingin si Geri at nagkasya sa pagmamasid sa kwarto.

“Siguro naman ay nasagot na ang lahat ng mga tanong mo. Siya si manang Senya, house keeper dito. Dumating siya kagabi para dalhin ang mga washed clothes. Bumalik lang siya dahil sinabihan ko.” Wika nito.

“I’m sorry. Hindi ako dapat nakatulog dito. Sana ginising mo ako kagabi para…” natigil ang pagsasalita niya nang makita na lalong lumapad ang ngiti nito.

“Don’t be silly. You can sleep here anytime you want. Tutal naman ay magpapakasal din

tayo.”

Napatitig siya dito. She expected him to rephrase what he said but he didn’t. Sa halip ay lumapit ito sa side table at kinuha ang susi ng kotse nito.

“Aalis lang ako sandali. Dadating dito ang mga kaibigan mo. Sila na ang bahala sa’yo. Magkita tayo mamaya. We have an appointment with the judge.” Dere-deretsong sabi nito at tinungo ang pinto.

“Sandali!” pigil niya. “Darating sila? As in sina Amber? A-alam nila ang tungkol sa…gagawin natin? At saka anong judge?” kunot ang noo niyang tanong. Dapat ay makauwi na siya sa tinutuluyan niya upang makapagpalit na. Bukod sa nahihiya siya sa binata ay naiilang din siya dahil suot niya ang damit nito.

He sighed impatiently. “Nakalimutan mo na ba ang napag-usapan natin kagabi? You said you want to get married.”

Bumuka ang bibig ni Geri upang magsalita ngunit walang mahagilap ang isip niya. Her jaw just dropped and she trailed off.

“Wala kang excuse sa sinabi mo. Hindi ka lasing para sabihing hindi mo naaalala ang mga binitawang mong salita. Umuurong ka na ba?” patuloy ni Jershian nang makita ang pagkalito sa mukha niya.

“H-hindi naman sa ganoon.” She said. “Ang sinasabi ko lang…” “We’re getting married today, Geri.” He snapped.

“Ano?!” She almost exclaimed.

Jershian frowned. “Bakit ganyan ang reaksyon mo? Para kang hinatulan ng kamatayan.”

Nailapat ni Geri ang kaliwang kamay sa bibig na parang doon makakuha ng tamang maaaring sabihin. Totoong nagugulat siya sa mga nangyayari.

“See you later.” Naiinip na sabi ni Jershian tuluyan nang lumabas ng kwarto. “San-” hindi na niya napigilan ito dahil sumara na ang pinto.

Tila gustong manghina ni Geri pagkaalis ng binata. Dumudulas ang katawan na muli siyang naupo sa gilid ng kama. Hindi niya akalain na magiging ganito kabilis ang lahat. Parang bigla ay hindi siya makahinga dahil sa umahong kaba.

Isang pagkalalim ng hininga ang ginawa niya upang kalmahin ang sarili. Kung saan-saan na siya dinadala ng mga desisiyon niya. Pero ano namang ibang paraan ang maaari niyang gawin upang mabantayan ang kapatid niya? At isa pa, saan pa ba siya maaaring magpunta gayong nag- iisa na rin naman siya.

Muli siyang tumayo at tinungo ang banyo. Hindi na niya napagtuunan ng pansin ang dinalang pagkain ni Manang Senya.

Inasahan na ni Geri ang katakut-takot na tanong ng mga kaibigan niya nang dumating ang mga ito sa unit ni Jershian. Amber even went on rage.

“Ano ‘to, ha, Geraldine? Anong kalokohan itong itinawag ni Cassie at may kailangan kaming attend-nan na kasal?” galit na tanong ni Amber.

Hindi kaagad nakatugon si Geri. Hindi kasi niya alam kung anong sasabihin. Binigla siya ni Jershian. Wala pa siyang napagsasabihan ng tungkol sa natuklasan niyang pagkatao ni Jershian at ang kinalaman nito kay EJ. Kahit si Roxanne at hindi pa niya nasabihan.

“This is ridiculous, Geri. Wala kaming kaalam-alam ng may something pala kayo ni Jershian. At hindi rin namin nasagap na nagligawan kayo.” Si Thia na hawak ang lumalaki nang tiyan.

Nahilamos niya ang sariling mukha. Paano ba niyang uumpisahan sa mga ito ang lahat?

Sasabihin ba niya?

“Girls-”

“This better be good.” Si Kathryn naman na halatang hindi nasisiyahan. “Natapunan mo lang ng vodka si Jershian no’ng isang linggo pakakasalan mo na? Bakit nagpalandi ka do’n?”

Napangiwi siya.

“May nangyari na sa inyo?” Sa Cassie na katabi ni Cleo.

“Cassandra.” Saway niya ngunit nagkibit lang ito ng balikat. “Ang OA n’yo.”

“OA?” Si Amber. “You call us OA? Wow ha, best way to surprise you’re friends. At isa pa, ako ang dapat may moment of getting married unexpectedly, tapos umeksena ka?”

“Ikakasal ka rin? Seryoso? Kanino?” tanong ni Cleo. Kahit siya ay nagtatanong ding nakatingin dito. Tila may hindi rin ito sinasabi sa kanila.

Tumirik ang mga mata nito. “This is not my story so please, back off. Si Geri ang bida dito. I have my own time.”

“Ganern?” nakasimangot na saad ni Kathryn. “Drama queen ka din? Mo-moment ka rin pagkatapos nito?”

“Of course. Ang lagay eh, kayo lang.” sagot nito.

“Hmmp, pupusta ako. Si Jeuan ang happy ending n’yan.” Ani Cassie saka nagkatawanan ang lahat.”

“Girls, pwede ba? Ang ingay n’yo.” Himutok niya. Tiningnan siya nang masama ni Cleo. “Magpaliwanag ka nga.” Si Thia at akmang lalapit ito nang bumukas ang pinto at kaagad

na sumungaw si Jershian. Kasunod nito si Lourd pati sina Mike at Marlon. Huli nang pumasok si Jeuan.

“Oh crap. Sinundan tayo ang masamang hangin.” Ani Amber patungkol kay Jeuan. Hindi naman ito pinansin ni Jeuan.

“Hi, girls. Ready?” Ani Jershian na nakangiti pa.

Mabilis na lumapit dito si Kathryn dito at hinampas ang braso nito. “Pangahas ka. Anong ginawa mo sa kaibigan namin? Malandi ka talaga. Ginalaw mo, ‘no?”

“Yes! She’s pregnant.” Singit ni Marlon na napa-deretso na kaagad sa mini kitchen. May hawak na itong plato.

Nagulat ang lahat pati na siya.

“Ang kapal ng mukha mo.” Si Cassie. “You raped her.”

Akmang susugod ito kay Jershian nang pigilan ito ni Lourd. Niyakap nito si Cassie. “Honey, don’t over react.” Ani Lourd habang yakap ito.

“Umamin na kasi, Pisan.” Sabad ni Mike. Lumingon siya dito. “Hindi naman namin kayo pipigilan.”

“Oo nga!” pagsingit na naman ni Marlon. Noon ay naghahalungkat na ito sa refrigerator. “Shut up.” Si Jershian. Lumakad ito sa gitna ng lahat saka tumingin sa kanya. “Halika.”

Nakalahad ang kamay nito at sinasabing lumapit siya dito. Naguguluhan siyang sumunod.

Ginagap ni Jershian ang nanlalamig niyang kamay. Napatitig siya dito kahit na kinakain na siya ng ilang dahil alam niyang nakatuon sa kanya ang tingin ng lahat.

Umikot naman ang mga mata ni Jershian. Saka ito nagbuntong-hininga. Napaisip siya kung anong sasabihin nito.

“I’m sorry, guys, kung hindi namin agad nasabi.” Panimula ni Jershian.

Umahon ang kaba niya. Sasabihin ba nito ang tungkol kay EJ? Wala siyang balak ilihim iyon ngunit sa bilis ng mga pangyayari ay hindi pa siya handang ikwento iyon. Kahit pa sa mga kaibigan niya.

“Ako ang nagdesisyon na ilihim muna sa inyo ang tungkol sa’min. Why? Because you will react like this.” Sabi nito.

“Tama ka.” Si Jeuan. “Ganyan kasama ang tingin sa’tin ng mga ‘yan eh.”

“Hindi naman lahat.” Si Thia na nakaupo na. Tinabihan ito ni Cleo at Kathryn. Naringgan niya ng malakas ng ismid si Amber.

“We are dating for a year now.”

“A year!?” sabay-sabay na saad ng mga kaibigan niya. Lahat ay gulat na gulat. Napangiwi siya. Hindi niya alam ang plano ni Jershian. At gusto niya itong sawayin sa ikinikilos

nito. Ngunit nag-aalangan naman siya. At isa pa, parang wrong timing kung ngayon niya sasabinhin ang totoong koneksyon nila ni Jershian.

“I’m really sorry. Pero matagal ko nang gusto si Geri.” Sabi ni Jershian. Gulat siyang napalingon dito. Hindi ito nakatingin sa kanya ngunit kitang-kita niya ang tila bigla nitong pagseryoso.

Nag-arko ang mga kilay niya. Ano itong pakana ni Jershian?

“Desisyon kong i-private ang panliligaw kay Geri dahil ayokong maka-impluwensya ng kahit na sino sa inyo sa magiging desisyon niya. Ipinakilala ko ang sarili ko sa kanya nang ako lang. Ayokong sa inyo manggagaling ang info tungkol sa’kin. Hindi sa wala akong tiwala sa inyo. Lalo na sa’yo Kat na parang bara sa lalamunan ang tingin mo sa pakikipagrelasyon ko.

“I know. We are all friends here. Pero sa ating lahat kami lang ni Geri ang hindi malapit sa isa’t-isa. At s’ya lang ang hindi nakakakilala sa totoong ako. I am introduced to her as what everybody was seen in me. I’m a flirt. Yes. But now it should be ‘was.’ Seryoso ako kay Geri kaya pinili kong wala munang pumagitan sa’min.”

Tila tumigil ang takbo ng oras para kay Geri. Hindi niya alam kung paano i-aabsorb ang mga naririnig niya mula aky Jershian. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang ganoong paliwanag.

“What about Arnie?” ani Jeuan.

Humigpit ang kamay ni Jershian sa kanya. Tiningnan niya ang mga kaibigan niya at alam niyang hindi lubos na niniwala ang mga ito sinasabi ni Jershian.

“That was a front.” Si Jershian pa rin ang nagsasalita. “Para hindi n’yo mahalata na kami na. Maraming aayaw sa’kin para kay Geri. Baka nga paghiwalayin n’yo pa kami eh. I want to

prove myself to her. Wala na si Arnie. Because I’m going marry, Geri. And please, don’t over react. ‘Wag na rin sana kayo kumonrta. Nothing will stop us. I love her.”

Mangha si Geri nang muling tumingin kay Jershian. And he was looking back at her.

Napatitig siya dito.

Umangat ang kamay nito patungo sa pisngi niya. He caressed her chick so tenderly. Parang may malamig na sensasyong kumalat sa kanya. Tila sa hawak na iyon nagmula ang sensiridad sa mga sinabi nito.

“Alam ko. My world will stand against me for loving her. Alam kong alam n’yo ‘yan. But life is a gamble. And it is love or nothing for me. I’m nothing without love. At si Geri ang love na ‘yon. And I don’t want to be left with nothing. So I chose her. I chose love.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.