CHAPTER TWO
“Hoh tsa kih, my princess.” Nakangiting bati sa kanya ng kanyang ina na si Esther.
Pababa siya noon nang hagdan at patungo sa back lanai.
“Morning.” Tugon niya. Nakita niya ang dala nitong isang tray ng nabalatan nang prutas.
Marahil patungo na ito sa dining area.
“Good morning.” Anang tinig ni Andrei. Nilingon niya. Pababa na rin ito. Bihis na ito at mukhang papasok na sa opisina. Lumapit ito sa kanyang ina at humalik sa pisngi. Saka tumingin sa kanya. Taunting. She knew that look.
“You enjoy too much last night.” Sabi nito sa kanya. “Hindi ka na nahintay ni Hiro.”
Ngumisi siya at lumapit sa kanyang ina. Saka kumuha ng isang piraso ng nabalatan nang apple at isinubo iyon.
“I Can’t leave. Masaya eh.” Aniya sa hindi man lang nabahalang tinig. She heard her brother snorted.
“Ah hiya…” tila pagsaway naman ng kanilang ina.
“Good morning!” anang tinig ng kanyang kuya Atom. Pababa ito at papalapit sa kanila.
Kaagad itong lumapit sa kanilang ina at humalik sa pisngi nito.
“Ang aga naman ng tensyon dito. Let’s eat na ‘Ma.” Sabi nito nang tila maramdaman ang tensyon kay Andrei.
Atom was the dissolver of the house. Isa itong music video director at nasa indie film industry. Isa rin itong tennis enthusiast. Wala itong hilig na pamahalaan ang mga businesses nila. Adventurous at outgoing ito tulad niya. Mas low profile pa kaysa sa kanya. Tulad niya ay nais din nitong makawala sa nakakasakal na norms loob ng pamamahay nila. Sa totoong mukha ng pamilya nila.
Sa kanilang magkakapatid ay ito ang laging kalmante. Hindi nito sineseryoso ang kuya Andrei nila tulad din ng hindi ito kayang kontrolin ni Andrei. Mas malapit din siya dito. At hindi lingid sa kaalaman nito ang tungkol sa kasunduang ipakasal siya kay Hiro.
“Yoga, little princess?” dagdag pa nito nang mapansing naka leggings siya.
“Yeah.” Sagot lang niya at tinalikuran na ang mga ito. Alam na ng mommy niya ang maaga siyang nagyo-yoga at mauuna na ang mga itong kumain.
“Pinag-tripan mo na naman si Siyo Beh. Hindi naman susunod ‘yan sa’yo eh.” Narinig pa niyang sabi ni Atom na malamang kay Andrei.
“Shut up, Siyo tih. Let’s just eat.” Ani Andrei sa. Pasimple siyang napangiti habang
tuluyang lumabas patungo sa lanai.
“Gua siaw diam di.”
Bumaba ang ulo ni Amber upang tingnan ang nagsalita at nakita ang nakabaligtad na bulto ni Hiro. Mula sa Crane, isang advanced pose sa yoga, nag-exhale siya. Saka mabagal na ikinilos ang mga paa palayo sa likod ng kanyang kilikili. Nagpalit siya ng posisyon sa squat saka nag-inhale exhale.
“Stop your Hokkien, Hiro. Hindi bagay sa’yo. And I don’t miss you.” Sagot niya sa tumayo at nilingon ito. Hiro had been practicing their dialect for years. Ngunit sadya yatang matigas itong magsalita dahil sa hapon ito kaya hindi magandang pakinggan.
“At least I tried.” Tugon nito at napatitig siya. Alam niyang may iba pang ibig ipakahulugan ang sinabi nito. But she snorted instead.
Wala naman siyang maipintas kay Hiro kung pisikal na anyo ang pag-uusapan. Being a half Japanese half Filipino, his features was almost perfect. Pwedeng-pwede nga itong maging
Asian actor. Matalino din ito. A Math wizard. Paboritong past time ang abacus. Magaling mag- calculate at mabilis ang analytical senses. Kaya nga ito bihasa sa Kanata, isang Japanese martial arts.
Matagumpay din ito pagdating sa negosyo. Kaya magkasundung-magkasundo ito at si Andrei. Matalik na magkaibigan tulad din ng mga magulang nila. Tuso pagdating sa negosyo si Andrei na namana sa kanilang ama. At segurista at madiskarte naman si Hiro. Both of them were like the predator of the business world. Na hanggang sa personal na buhay ng mga ito ay nadadala.
Subalit walang bigat sa kanya ang lahat ng magagandang katangian mayroon si Hiro. He could be perfect but the unfortunate thing about it was that she was not in love with him. Kahit kailan ay wala siyang naramdamang pagtatangi para dito. Maaari pa sigurong kaibigan o kapatid sa turing ngunit hindi ang mahalin ito. Kaya ganoon na lang ang pag-iwas niya dito.
“Nice try but…” saad niya habang naka-extend sa harap niya ang braso habang kipkip ng kabilang braso dahil nag-is-stretching siya. “…It didn’t work.”
“Dahil hindi mo ‘ko binibigyan ng pagkakataon.” Sabi nito at humakbang palapit sa
kanya.
Nagbuga siya ng hangin sabay lakad palayo upang kuhanin ng towel niya. Mahigit isang oras din ang itinagal ng ginawa niya. Maaaring na-relax ang katawan niya ngunit ang utak naman niya ay parang sasabog na.
“Nagsasayang tayo ng oras kapag nangyari ‘yon. Nothing good will come out for doing that. Isa pa, si Papa lang naman ang nangako sa Daddy mo. Hindi ako.” Deretso niyang sabi dito. “I have given you enough time, Amber. I let you play to enjoy. I even let you to have boyfriend you can’t even count. Dahil alam kong wala kang seserosohin sa kanila. These
families of ours know how to keep words. Alam kong alam na alam mo ‘yan. At alam mo ang magiging kapalit kung hindi ka tutupad.” Mariin ang tinig ni Hiro.
Nagtiim ang bagang niya. “Stupid family ties. I want out, you know that, huh?”
Umangat ang gilid ng labi ni Hiro. Muli siyang suminghal. Bakit niya kailangang mapaligiran ng mga taong katulad ni Hiro at ng kuya Andrei niya?
“That won’t happen.”
“Mangyayari ‘yon.” Puno ng diin niyang agap niya.
“Palalalain mo lang ang sitwasyon. Matagal nang tapos ang usapan. Kailangang na lang ay ang pagtupad mo.”
Tumingala si Amber at pumikit. Nahiling niya na sana sa pagmulat niya ay wala na ito sa harap niya.
“Dreaming of something unreal won’t help, Amber.” Anito at nagbaba siya ng ulo. At sa pagmulat niyang iyon ay nagulat siya dahil gahibla na lang ang layo nito sa kanya. Naitulak niya ito. Umahon ang kaba at galit sa kanya.
“You’re the one who’s dreaming here, Hiro. Hindi ako magpapakasal sa’yo. Alam mo kung bakit?” sabi niya.
Hindi ito tumugon tanda ang paghihintay sa susunod niyang sasabihin. Humakbang siya palapit dito.
“Dahil ayoko nang sumunod sa idinidikta ng ‘House.’ Alam ko namang for security lang ang dahilan kung bakit ginawa ‘yon ni Papa. Gusto ko naman ng ibang buhay, Hiro. I’m tired of watching people suffer and die for my comfort. Tama na. I want my freedom. I want a changed life.” Hindi na napigilan ni Amber ang sarili.
“I change your life on my snap. Tigilan mo na ang kaartehan mo kung ayaw mong may mabuwis pa ng buhay ng dahil sa’yo.”
“Anong sinabi mo?” naniningkit ang mga matang tanong niya dito.
“People will continue to die. Sila ang pumipili sa landas na tinatahak nila. It is not the House’s fault if they choose to ruin their lives. It was all business. It just happened that we are on the less credited side.”
“Pero bakit ako ang parang pinahihirapan n’yo?” galit na niyang tanong.
“Yan ba ang paniniwala mo? All these years, you thought na kaya ko lang gustong magpakasal tayo ay dahil ‘yon ang ipinangako ng Papa mo sa House? Kaya inisip mo na pinahihirapan ka?” anito.
“Hindi nga ba?” she hissed.
Hindi ito nagsalita. Tinitigan lang siya nito. Ganoon din ang ginawa niya. Nais niyang iparating dito na buo ang loob niyang panindigan ang gusto niya. At walang makakapilit sa kanya.
“I must go.” Tanging sinabi nito at tinalikuran na siya. Para itong kidlat na nawala na lang sa harap niya dahil sa bilis nitong maglakad.
She exhaled hard. Akala niya ay tinanggal ng yoga niya ang bigat ng lahat ng katawan niya ngunit parang lalo lamang iyong nadagdagan dahil sa pagdating ni Hiro. Hindi siya nito naiintindihan. How could something like her life would so heartbreaking? Sana lang ay hindi na siya naging isang Sih Chua.
Kaagad na na-engganyo si Amber nang marinig ang up beat music na sumalubong sa kanila nina Geri nang pumasok sila sa isang club sa Mandaluyong. Isa iyong underground tunnel
na inayos upang maging club para naghu-host ng mga rave parties at underground events. Doon din ginaganap ang mga dance showdown ng mga magagaling na dance troupe. And money was always involved.
They once did a showdown in that club. Iyon ay iyong nangailangan si Geri ng pera upang pambayad sa hospital nang magka-dengue ang kapatid nito. She offered the help but her friend refused. Hanggang sa nakarating sa kanila na sumali si Geri sa isang showdown. Nagmatigas ito nang subukan nilang pigilan. At dahil sa kaibigan nila ito, sinamahan na lang nila ito.
Urban ang tema ng lugar. Walang table and chairs na nakapaligid. Walang ring dance floor. Napapaligiran lang ng mga barrels at bricks na nagsisilbi nang upuan ng mga guest.
Hindi basta-basta nakakapasok sa naturang club. Mahigpit ang seguridad doon dahil bukod sa pagiging club nito ay kanluan din iyon ng underground fight ng mga martial artists. Doon nangyayari ang mga pustahan na parang isang sabungan. Iyon nga lang ay sayawan ang show doon. At dahil ‘maimpluwensya’ siya ay nagawa nilang makapasok doon.
“Astig talaga ng club na ‘to.” Ani Geri habang palingun-lingon sila. Marami nang partygoers ang naroon at may ilan nang nagsasayaw sa semento na nagsisilbi na rin dance floor.
“May fight mamaya. Gusto n’yong pumusta?” sabi niya.
“Talaga?” Si Cleo na cool na cool sa wild curl nito. Mabuti na lang at pinayagan ito ni
Gavin.
They were in their usual party outfits. Though they never wear heals. Istorbo iyon sa pagsasayaw nila. Lagi silang nakasuot ng dance shoes o sneakers. But they were all up with smokey eye make-up.
“Do’n tayo.” Ani Cleo at umakyat sila sa kahoy na nagsisilbing bleacher. May make shift arena ang club. Iyon ang nagsisilbing ring sa mga showdown.
“Oo nga pala, Amber. Bakit nag-break kayo ni Austin?” tanong sa kanya ni Geri nang makaayos sila ng upo.
“Boring.” Tipid niyang tugon.
Naging boyfriend niya si Austin Pier sa loob ng anim na buwan. Isa itong architect at pag-aari ang isang malaking construction company. Nagkakilala sila mismo sa Roxy City. Exclusive member ito at batchmate ni Lourd sa college. Ipinakilala ni Lourd si Austin sa kanya sa pamimilit na rin daw ni Austin.
Maayos naman itong nanligaw sa kanya. At nang wala naman siyang nakitang problema dito ay sinagot na rin niya. Ngunit dahil sa negosyante ito at iba ang professional life nila ay nagsimula ang conflict sa relasyon nila. Madalang silang magkita o mag-usap. Nahirapan na rin siyang sakyan ang ugali nito at ganoon din ito sa kanya. Kaya nagpasya na lang silang maghiwalay bilang magnobyo. Maybe they could be friends as days would come.
“Sabi ko sa’yo, Geri eh. Si Jeuan talaga ang soulmate n’yan. See? Walang tumagal na relasyon sa kanila.” Sabi ni Cleo.
“Really? Eh di’ba in a relationship si Jeuan?” “Wala na kaya.” mabilis na tugon ni Cleo. “Weh?” Si Geri.
Siya ay tahimik lang. Ayaw niyang magkomento pa dahil lalo lamang siyang bibiruin ng mga ito. Hindi niya maintindihan ang mga kaibigan kung bakit pakiramdam ng mga ito ay may gusto siya kay Jeuan sa kabila ng nakikita ng mga ito na pag-iiringan nila ng binata.
He did not like Llev Jeuan Roswell from day one. Bukod sa hindi maganda ang pagkakakilala nila noon, hindi rin niya trip ang mga kilos at mga interes nito. He was a happy go lucky. Bukod sa pagiging bokalista ng Skiptloosemonk ay wala na siyang alam na ibang pinagkakaabalahan ni Jeuan. Madalas na makarating sa kanya na laman ito ng mga party at events. Laging kasama ng mga kaibigan at kung kani-kanino nakikipag-inuman. He was a smoker. A motorcycle racer. In short, walang matinong kinabukasang pinaghahandaan. Masyado lulong sa kung anong mayroon ito sa kasalukuyan. Walang iniisip kundi sarili. Hindi tulad ng mga kaibigan nito na may ibang pinagkakaabalahan at ginagamit ang pinag-aralan. Tulad ng mga kasamahaan nito sa banda na sina Jershian na may sariling negosyo, sina Mike at Marlon ay ganoon din. Pati na si Lourd.
Lahat ng mga boyfriends ng mga kaibigan niya ay deserve na mahalin at pahalagahan. Hindi maitatanggi at matatawaran ang pagmamahal ng mga ito sa mga kaibigan niya. Sila na nga lang ni Geri ang wala pang matinong boyfriend. Ang dahilan ni Geri ay tutok ito kapatid na si EJ. Abala ito sa pagdiskarte sa buhay dahil wala nang magulang ang mga ito. At hinahangaan nila ang kaibigan dahil doon. Mahal na mahal nito si EJ.
Iba ang dahilan niya. Walang tumagal na relasyon sa kanya dahil ayaw niyang maging malalim ang nararamdaman niya para sa mga ito. Ayaw niyang mahirapan sa oras kailangan na niyang tapusin ang lahat. Hindi niya iindahin ang kapakanan ng mga ito dahil alam niyang wala itong alam masyado tungkol sa kanya. Hindi manganganib ang buhay ng mga ito. That was the hurtful truth of her life. Wala siyang karapatang magmahal nang wagas at totoo. Wala ring karapatan ang kahit sino na mahalin siya nang totoo. Dahil katapusan iyon ng buhay ng kung sino mang maglalakas ng loob.
“Anong nanyari kay Luah?” narinig niyang tanong ni Geri kay Cleo.
“Ewan ko. Naikwento sa’kin ni Cas kahapon. Nasabi daw ni Lourd sa kanya. Ay s’ya nga pala, Amber. Pinasasabi pala ni Lourd ‘yon sa’yo.” Ani Cleo.
“What? Why?” maarte niyang tanong habang nakaismid. Tumawa ang mga ito.
“Remember ‘yong ginagawa mo last time sa party ni Rox? Eksena galore ka at sinabi mong magpapakasal ka.” Si Cleo pa rin. “Inisip ni Lourd na nagselos ka kay Luah. Pero don’t worry na. Single na ulit si Jeuan. Safe pa rin ang place mo.”
“Are you mocking me, Cristina Leonor? Seriously? Ako? Nagselos?” nakatirik ang mga mata niyang sabi. “Duh, I have taste, girls. So please.”
She must be really good in acting. Maaari na siyang bigyan ng award sa pagpapanggap. Ngunit matigas din ang ulo ng mga kaibigan niya dahil pilit pa rin ang mga ito sa pagbibiro tungkol sa kanila ni Jeuan kahit na halos umusok ng ang ilong niya kapag binabanggit ang kahit na ano tungkol dito.
“So, please.” Panggagaya sa kanya ni Geri. “Arte mo ‘te. Kung makaano ka d’yan para namang ang panget no’ng tao. Hello! Si Llev Jeuan Roswell kaya ‘yon. Pangalan pa lang palong- palo na. Anak ni Roxanne Guinto-Roswell at ni Dymitri Roswell. Oozing with sparks of appeal. Green eyes at toned ang body. Kinalolokahan ng mga girls. At heto pa…”
“Ang dami mo namang sinabi-”
“Hindi pa ‘ko tapos.” Agap ni Geri. “Mayaman s’ya. Take note, Amber. Mayaman s’ya.
Katulad mo. Kayang-kaya ka nga n’yang buhayin eh.”
Malakas ng naging tawa ni Cleo. “May gusto ka kay Jeuan, Geri, ‘no?” “Wala.” Tugon nito. “Crush lang.”
Panay ang iling niya. Tama naman lahat ng description nito tungkol kay Jeuan. But she missed the counter part of his character. Walang halaga sa kanya kung gwapo at mayaman ito. Wala nga ba? O itinatanggi lang niya?
“You really don’t like him?” biglang tanong sa kanya ni Cleo.
Nilingon niya si Cleo pati na si Geri. Nasa gitna siya ng dalawa kaya tila naipit siya nang titigan siya ng mga ito.
“W-wala.” Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang mautal.
‘Stupid heart. Nagpapahalata ka masyado.’
“Okay.” Sabay pang sabi ng mga ito saka nagkibit-balikat. Magsasalit pa sana siya ngunit bigla naagaw ang atensyon niya nang magsimula ang isang dance showdown. Nag-ingay na ang lahat.