CHAPTER THREE
Natigilan si Jeuan nang makita si Amber sa labas ng Starbucks at mag-isang nagkakape. Kahihiwalay pa lang nilang magkakabanda dahil galing sila sa isang gig sa Laguna. Dapat ay uuwi na siya ngunit naisip niyang magpahinga sandali. At hindi niya inaasahang makikita si Amber. Hindi siya nagulat na gising pa ito nang ganoong oras. Ipinagtaka lamang niyang mag- isa ito at tila malalim ang iniisip dahil tila nagbilang na ng sandali na naroon ang dalaga. Ni hindi pa yata nito nagagalaw ang inorder nitong inumin.
“Unwinding alone?” pag-agaw niya sa atensyon ni Amber. Inaasahan na niya ang gulat nitong paglingon kasunod ng pag-ismid nang makita siya.
“Kanina unwinding. Ngayon unwanted acquaintance.” Mataray nitong tugon sa kanya sabay inom ng kape na tila noon lamang naalalang galawin. Nginitian lang niya ang isinagot nito. Naupo siya sa katapat na upuan kahit na alam niyang ikinagagalit ni Amber iyon.
“Hindi ko rin naman gustong makita kita dito. I was just having my lone time.” Sabi niya. She snorted. “Yon naman pala eh. Shew! Do’n ka pwede?”
Muli siyang tumawa. “Sa’n ka galing? Mag-isa ka ah.”
Hatalang pikon si Amber dahil umikot ang mga nito sa tila pagkayamot. “None of your stupid businesses, Bummer.”
“Ouch.” Aniya sabay hawak sa dibdib niya. “Masakit ‘yon ah. Know what? Hindi ka rin marunong mag-break sa katarayan mo.”
“Yeah. At hindi ka rin natutututong tigilan ako. Lubayan mo ‘ko nang matahimik na ‘ko.” Puno ng inis nitong sabi.
“Hey, hey, hey. Lakasan mo kaya aircon ng katawan mo. You’re always hot on me.” Kung hindi lang siya nagagandahan sa kaharap niya ay marahil nagkapisikalan na sila.
“Geez. Ako na lang lilipat kung gusto mo dito.” Sabi ni Amber at akmang tatayo nang pigilan niya.
“Wait-”
“Get off me, you-” Galit nitong bawi sa braso nitong hinawakan niya.
“Grabe ka naman. Wala akong nakakahawang sakit. I’m clean. Kahit i-try mo pa ‘ko.” Iritado na niyang saad.
Nagbuga ito ng hangin ngunit hindi na itinuloy ang paglayo. Padabog na umayos ng upo si Amber. Siya naman sumandal at pinagmasdan ito.
He would never deny Amber’s stunning beauty. Mata pa lang kasi ay tila makakatunaw na. A looker indeed. Lahat naman yata ng miyembro ng ‘Xquizit. Isa yata iyon sa naging requirements ng mommy niya nang buuin nito ang grupo. But Amber was a stand out for him. Marahil dahil sa Asian features nito. Makikita kasi sa histura nito ang pagka-Filipina at Chinese. Her eyes were rightfully small yet with long lashes. Bilugan ang hugis ng mukha at matangos ang ilong. At ang kutis? Mala-porselana.
Isa sa mga hinahangaang karakter sa society si Amber. Mayaman na, maganda at matalino pa. She was a science wizard. Humakot ng parangal sa halos lahat ng quiz bee na sinalihan nito noong high school. Nagtapos sa WIA nang valedictorian. Magna cumlaude sa kursong BS Chemistry sa UP. Then she switch to fashion. Nag-aral nang ilang buwan sa New York ng short course for designing. Now, heir of Sih Chua Empire and a great dance artist.
Lihim siyang napatawa sa kanyang sarili. Para silang aso’t pusa kung mag-away at mag- asaran ngunit alam naman niya ang maraming bagay tungkol kay Amber. Well, he can’t help it. Nagsimula ang curiosity niya nang sampalin siya nito may sampung taon na ang nakakaraan. Noon lamang siya nakakita ng hindi maipaliwang na emosyon sa mga mata ng isang galit na
babae. She was young and raw. But her stares were serene and dignified. Tila kay lalim nito kahit puno ito ng kaartehan sa katawan.
“Look. I want to be alone.” Maya-maya ay saad nito saka tumayo. “I have to go.”
Hindi na nito hinintay ang sagot niya at tuluy-tuloy nang lumakad palabas nang may sabihin siya. Natigilan ito.
“Anong pakialam mo kung magpapakasal na ‘ko. I will not invite you, anyway.” Mataray nitong tugon.
He smiled lazily. “Who’s the lucky guy?”
Hindi ito nakatugon kaagad. Tila nabigla ito sa tanong niya. Nakatitig lamang ito sa kanya. Marahil nag-isip kung sasagutin ang tanong o magtataray na naman.
“H-hindi mo s’ya kilala.”
Tumango ito. “Nagkita kami ni Andrei kahapon accidentally. Wala naman s’yang nabanggit.”
Umikot na naman ang mga mata nito. She was again on me her mean self. Sana lang ay magkaroon sila ng mas maayos na pag-uusap. Para naman mas makilala nito ang totoong siya. Ang tunay na Jeuan.
“I told you, Jeuan-”
“Wow. I like it when you say my name. So sexy.” Naibulas niya.
Totoo ang sinabi niyang iyon. Dahil sa mababa ang speaking voice nito na nagdagdagan pa ng tila hinihila na dahil marahil sa pagod ay tila naghahalina ang tinig nito. It was sexy. Like her.
“Stop it, you-” mapikon-pikon nitong saad ngunit hindi na itinuloy ng iba pang sasabihin. Muli itong tumalikod at mukhang seryoso na iwan siya. Bigla siyang naalarma. May kung anong humila sa kanya patayo at hinabol ito.
“Alright. I’m sorry.” Humihingal niyang sabi nang abutan ito. Kunot ang noo itong lumingon sa kanya.
“What?” He knew that look.
“I’m sorry if I offended you. Gusto ko lang naman na magkwentuhan tayo.” Sagot niya.
She laughed mockingly. Nainis na siya. Sadya yata talagang wala itong balak na maging mabait sa kanya.
“Alam mong hindi mangyayari ‘yon.”
His brows arched. “Bakit? Dahil hanggang ngayon galit ka pa rin sa’kin dahil nasira ko ang netbook mo? Oh, damn. That was what? Some forty years ago?”
Umiling ito. “Hindi mo alam ang sinasabi mo.”
“You really plan doing this forever don’t you!” sigaw niya nang muli itong lumakad palayo. “Ganito na lang tayo? Parang mga gago na laging magkaaway? Why don’t-”
“Shut up!” biglang sigaw nito at hinarap siya. “Gusto mo talagang malaman kung bakit?” “Oo!” ganti niyang sigaw.
“Fine!” halos maputol ugat nito sa leeg sa lakas ng sigaw nito. “Ayoko sa’yo. Ayoko sa porma mo. Ayoko sa boses mo. Ayoko sa hairstyle mo. Ayoko sa kotse mo. Ayoko. That’s it! Ayoko sa’yo. Gets?”
Siya ay panay ang tingin sa sarili habang panay ang salita nito. He even had a glimpsed on his sports car. At nagawa pang hawakan ang sarili niyang buhok.
“I don’t get it.” He said innocently.
“Get-tin mo kung gano’n.” sabi nito.
“Oh, crap.” Aniya saka malakas na nagbuntong-hininga. “Hindi kita titigilan.” “What?!” bulas nito ngunit hindi niya ito pinansin. Lumapit siya dito.
“Let’s go. I will take you home.”
“Ayoko nga.” Tanggi nito at hinatak ang braso nito. Ngunit hindi niya ito pinansin.
Hinigpitan niya ang kamay nito at hinila patungo sa kotse niya.
“Ano ba! May sarili akong kotse. Let go of me.” Panay protesta nito. Pilit ito kumakawala sa kanya.
“You’re making a scene. Tumigil ka nga.”
“Bitawan mo kasi ako!” sigaw nito. Galit na talaga ito.
“Fine!” aniya sabay hila dito saka niyakap ito. Gilalas ito. “How ‘bout this? Like it?”
Her breathing was shocked just like her eyes. Nakatitig ito sa kanya kahit na gulat na gulat. He seized her like a cloth. Napakaliit ng baywang nito kaya naging madali para sa kanyang ipinaloob ito sa braso niya.
“Let go of me.” She hissed. Kulang mapapikit siya nang humaplos sa mukha niya ang hininga nito. Her breath smelled like coffee and mint. At hindi niya kayang itanggi ang naramdamang kakaibang init. But he felt her shaking.
Nagpumiglas ito ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya. Inigalay niya ang isa nitong kamay sa likod nito habang nasa didbib niya ang isa at hawak pa rin niya. They were so close almost locked.
“Ano bang problema mo?” galit nitong tanong ngunit ramdam niya ang pangangatal ng tinig nito.
“I’m taking you home di’ba?” sagot niya. “Pero kung magmamatigas ka hindi kita
iuuwi.”
“Ano?” gulat na gulat ito. “Ang sama mo talaga. Bitaw sabi eh.”
He smiled. Saka niya ito binitawan. “Then be nice kung gusto mong makauwing buo.” Kuyom ang mga palad itong tumitig sa kanya. Hindi ikinakaila ang inis at galit sa kanya.
But nevertheless, she was still beautiful. Kahit na parang puyat na ito. At hindi na napakag- retouch.
“Take me home.” Anito at lumapit sa kotse niya. Ito na ang nagbukas ng pinto at padarang na isinara iyon nang makapasok ito. Hindi niya napigilang mapatawa siya. Alam niyang natakot ito sa kanya kahit paano. Naramdaman niya ang pagkailang sa mga mata nito.
Sumakay na rin siya sa kotse. Nakita niyang nakasimangot ito kahit na nakaiwas ito ng
tingin.
“Come on, Amber. Smile. Bago ka man lang magkapasal sa kanya.” Aniya saka ito nilingon. Ganoon din ang ginawa nito.
He waited. He waited for her lips to at least widen by a smile. Ilang taon na niya itong kilala. Ilang beses na silang nagkita at ilang beses na ring nag-away. Ngunit hindi pa siya nito nginitian ni minsan. He saw her smile but never to his.
Ngunit nag-iwas lang ito ng tingin. Wala na itong sinabi. Nanlulumo siyang napasandal. “Hay, Amber…” umiiling niyang bulong saka mabigat ang loob na ini-start at pinasibad
iyon.
“Thanks for the ride.” Saad ni Amber nang ihimpil ni Jeuan ang kotse nito sa harap ang mansyon nila.
Hindi inaasahan ang pagkikita nila ni Jeuan. Nang maghiwa-hiwalay silang magkakaibigan galing sa club ay dumaan siya sa coffee shop upang magkape. At makaisip na rin. Iyon lamang ang alam niyang oras at pagkakataong mailabas ang totoo niyang saloobin. Ang maging malungkot. Maaaring sabihin ng mundo na tila wala siyang probema. Ano ba nga ba naman ang mahihiling ng isang tulad niya? She has everything every woman could want and have. Bukod pa sa makapangyarihan ang pamilya niya at kilala.
She tried her very wit to keep her distance with Jeuan. Nagulat siya nang makita ito. Kaagad ay disoriented ang puso niya. Her excitement wanted to let go. Ngunit pilit niyang itinago iyon. Kaagad niyang iniangat ang panangga niya sa tuwing makakaharap ito. Her meanness. Ginagawa niya iyon upang una, makalimutan niya ang lihim na pagtingin dito at pangalawa ay upang ma-turn off ito sa kanya. Ayaw niyang maging malapit dito dahil mahihirapan siyang pigilan ang nararamdaman para dito. Mas gugustuhin pa niyang maging masama sa tingin nito kaysa naman masaktan lang siya. Hiding what she truly feels for him was already a torture. Huwag na sanang madagdagan pa.
“Don’t bother to get your car. Ako nang magpapadala dito.” Sabi nito at napatigil ang akma niyang pagbaba.
“Thanks.” Saad niya at muli siyang kumilos ngunit bigla siya nitong pinigilan. Muli nitong inabot ang kamay niya.
Napapikit si Amber nang muling dumaloy ang kakaibang sensasyon sa paghawak na iyon. Ang sensasyong iyon ay may kasamang saya. She felt her heart smiled on that touch. Parang malamig na kamay ang humaplos sa puso niya.
“Let’s talk first.” Sabi nito.
‘Pigilan mo, Amber. Pigilan mo.’
“I’m tired.” Aniya at sinubukang bawiin ang kamay ngunit ayaw nito. Inipon niya ang lahat ng inis at galit at hinarap ito.
“Ano ba? Hindi porke nagpahatid ako sa’yo eh, pwede mo nang gawin ang gusto mo.” aniya sa galit na tinig saka binawi ang kamay niya.
Kung iba lang sana ang circumstances sa pagitan nila. Kung sana lang sa ibang panahon o katauhan silan nagkakilala. Kung sana ay hindi siya si Lin Ambrose Sih Chua. Kung sana ay ordinaryo lang ang pamilya niya. Kung sana…
Ngunit hindi. Kaya kailangan niyang panindigan ang naging desisyon. Hanggang kamatayan na niya marahil bitbit ang totoong damdamin niya.
“Paulit-ulit tayo. Kanina okay na tayo then you’re like twisted again. Amber…” “Go home. Ayokong magkaproblema sa fiancé ko.” Agap niya.
“Hindi ako naniniwala sa sinabi mo. You’re not getting married.”
She sighed heavily. “Jeuan naman. Umaga na. Magpahinga na tayo. And about that wedding? It’s true, okay? I’m engaged. Actually, ilang taon na. Happy?”
“Ikaw? Masaya ka ba?”
Sandali siyang tumigil. She was making her count. Hindi na niya dapat patulan upang lubayan na siya nito. Nahihirapan na siyang pigilan ang nararamdaman niya. She was getting weaker as their closeness stayed longer.
“Alright.” Sabi niya saka hinarap ito. Ngunit ganoon na lang panlulumo niya dahil muli lang niyang nasilayan ang kagwapuhan nito. It made double think. Paano pa niya susungitan ito? Tumatagal na ang pag-uusap nila.
“Magsalita ka na.”
Tumango ito. “May gusto sana ako itanong sa’yo, actually.”
“Ano?”
“You seemed sad kanina nang makita kita sa coffee shop. Kaya kita nilapitan. I mean, for someone who’s getting married? That’s weird. Why?”
She snorted. Bakit ba tila gusto pa nitong kalkalin ang damdamin niya? “I don’t get it.” aniya sa naiiritang himig.
“Why are you sad? May problema ba? You seemed disturbed. Anything you want to say?” panay nitong tanong.
Hindi niya napaigilan mapatawa. It was not to offend him. Ngunit ito ang huling taong kakausapin niya tungkol sa problema niya.
“Wala. At kung meron man, siguro naman eh sa mga kaibigan ko ako magsasabi ‘no. I will not waste my time talking to you.” Tugon niya.
“Then why the hell we’re still together?” tanong nito. “Because you won’t let me go!” galit niyang sagot.
Nagbuntong-hininga ito. “I insist. I demand to know.”
She groaned. “Jesus, Jeuan! What do you want to happen ba, ha?” “I want you to tell me the truth.”
“What truth?” she almost exclaimed.
Hindi ito tumugon. Alam niyang may nais itong sabihin at may nais din ito sabihin niya dito. Hindi lang niya alam kung ano. Nanatili itong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung siya ang hinihintay nito o kung ito ang dapat hintayin niya.
“Oh, damn. This conversation is going nowhere. I’m really getting out.” Aniya kalaunan at binuksan ang pinto.
“Goodnight.” Halos pagod na ring sabi nito. She tried her best not to look back and when out of his car. Ipagkakalulo lang siya ng puso niya.
“Careful going home.” Sabi niya nang naka-iwas nang tingin. Saka tuluyang bumaba ng kkotse nito.
Tahimik niyang tinungo ang elestronic gate at itinapat ang kanyang mga mata sa scanner.
Nang ma-verify iton ng system ay unti-unti bumukas ang gate.
Muli niyang nilingon ang kotse ni Jeuan. Nanatili itong nakahimpil ngunit hindi na niya iyon pinansin bagkus tuluyan na siyang pumasok sa loob. At nahiling na lang niya na sana ay iyon na huling magkakasarilinan sila ni Jeuan nang ganoon.