ROXY CITY BOOK 6 ( (WHAT FOREVER ASKS) Chapter 5

CHAPTER FOUR

“When cupid strikes? It’s bull’s eyes.” Umiiling niyang kay Jershian habang nasa pagking lot sa labas ng opisina ni Judge Romero Fortes, ama ni Lourd. Kasalukuyang nasa loob si Lourd at kinakausap ang ama nito.

Ikinagulat nilang lahat lalo na siya nang tawagan siya ng kaibigan niya at sinabi nitong magpapakasal ito. At kay Geri pa. Parang biglang sumakit ang ulo niya sa kaiisip kung paanong nangyaring may relasyon sina Jershian at Geri at bigla ay magpapakasal pa. Tinanong niya ito. But Jershian was few of words.

“Ayaw mo ba sa kanya?” tanong nito, tukoy si Geri.

“May sinabi ba ako? Naisip ko lang. Hindi kaya magkaproblema ka sa lolo mo. Hindi s’ya katulad natin. I have nothing against Geri. Pero hindi s’ya ang tipo ng lolo mo na gugustuhin n’yang mapangasawa mo.” sagot niya. Don Emmanuel Lagdameo was known for being a demeanor man. At sigurado siyang hindi nito sasang-ayunan si Geri para sa kaibigan niya.

“Pinag-isipan ko na ‘yan. And I think I have to tell you the truth.” Tugon nito.

Taka niya itong tiningnan. “So, sinsabi mo na arte mo lang ang lahat kanina? Tama ang hinala ko na may kinalaman ito sa lolo mo?”

Tumango ito. “Nakita ko na ang pinsan ko. Kapatid ni Geri.”

“Whoa.” Ani Jeuan. Sinimulan nitong ikwento ang tungkol kay Geri at sa kapatid nito na pinsan pala ni Jershian. Hindi niya napigilang umiling nang umiling sa naririnig. Ibang klase ring magbiro ang tandhana. Hindi biro ang conflict na kinakaharap ng kaibigan niya.

“Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko pero-”

“Here comes the bride.” Aniya at mabilis na siniko ito. Nakita nila paparating na Nissan

x-trail.

Humimpil sa tabi ng kotse ang sasakyan at bumukas ang driver seat kasabay ng passenger seat. Bumungad kaagad ang seryosong si Amber. Napatitig kaagad siya sa maganda nitong mukha at tulad ng laging nangyayari ay nakaismid itong tumingin sa kanya.

“She’s ready.” She said. Maarte itong tumalikod at lumapit naman si Geri sa kanila. Kitang-kita niya kung paano tila nabighani si Jershian sa kagandahan ng ‘bride’ nito. He smiled. Mukhang tinamaan nang magaling ang kaibigan niya.

Isang masamang tingin ang ipinukol niya kay Geri habang palabas sila ng opisina ni Judge Fortes. Binigla sila ni Geri. Wala silang matanggap na maaaring dahilan ng pagpapakasal nito kay Jershian Sianco.

“You still have to super explain this, Geraldine. You better be.” Puno ng pagkakastigo niyang bulong kay Geri nang makalapit dito. Hindi na kasi ito nilubayan ni Jershian.

“Amber…” nakikiusap ang tinig niyang saad dito. Hindi pa ito nagpapaliwanag nang maayos sa kanila. Gusto nilang magtampo dito dahil wala itong sinabi na may namamagitan pala dito at kay Jershian. They know Geri and Jershian for considerable years. Pero nagawa nitong maglihim sa kanila.

Subalit sa tagong parte ng isip niya ay sarili naman niya ang gusto niyang pagsabihan. Nagagawa niyang mainis sa kaibigan gayong siya ay may hindi ipinaalam sa kanyang mga kaibigan. Wala rin siyang pinagsabihan tungkol sa kanila ni Hiro at sa arranged marriage. Pati na sa totoong pagkatao ng pamilya niya.

Nilapitan niya si Cassie na nakatingin din kay Geri. Kumapit ito sa braso niya. Apologetic ang tingin ni Geri sa kanila. Alam niyang may ibang dahilan kung bakit nangyari ang kasal. There was something going on between them. Hindi lang masabi ni Geri.

“We will talk.” Ani Cassie at tumango ito bago pa mahila ni Jershian.

“I wanna have a private lunch with my wife. Okay lang ba?” wika ni Jershian sa kanila. “What?” protesta niya. Gusto nilang makausap si Geri. “Naghihintay sila sa parking.” “Babawi ako next time, Amber. And thanks for coming and helping.” Naglalambing sa

sagot ni Jershian.

“Halika na, pabayaan na natin ang bagong kasal.” Mahina namang hinila siya ni Jeuan. “Ano ba?” angil niya dito sabay tingin kay Cassie. Nakangiti ito. “What?”

“I better go. May appointment pa si Lourd. Ihahatid pa n’ya ‘ko.” Sabi ni Cassie at mabilis na nakipag-beso sa kanila. Naguguluhan siyang tumingin dito.

“Sa’n?” tanong niya. Ayaw niyang maiwan kasam ni Jeuan. “Can I come?” “No.” agap nito. “May meeting din ako. Next time.”

Tumingin lang si Cassie kay Geri at mabilis na itong tumalikod. Tiningnan niya si Geri at akmang magsasalita nang ituloy naman ni Jeuan ang paghila sa kanya. Sabay talikod naman nina Geri.

“Bitaw nga.” Aniya sabay nagpumiglas siya sa hawak ni Jeuan. “Sa’n ka pupunta?” tanong nito.

“Uuwi na.” masungit niyang sagot. Naglakad siya palayo na inakalang nakasunod ito sa kanya. Ngunit nakakailang hakbang na siya nang mapansing nag-iisa siya. Luminga siya upang hanapin ito.

“Anong ginagawa mo?” puno ng pagtataka niyang tanong kay Jeuan. Hawak nito ang cellphone nito at naka-angat na tila may kinukuhanan. Bumalik siya at nilapitan ito.

“Wag kang magulo. I’m recording this day.” Hindi siya nililingon nitong tugon. Sinundan niya ng tingin ang kinukuhanan nito at nakita sa hindi kalayuan ay naroon sina Geri at Jershian. Nakatayo at magkalapit ang mga labi!

“OMG! This is not real.” Hindi makapaniwala niyang bulas.

Narinig niya ang pagtawa ni Jeuan. “Come on, Amber. Kasal na sila. Meaning, mag- asawa sila. Natural lang ang ginagawa nila.”

Umismid siya. “Palibhasa pervert ka. Tigilan mo nga ‘yan. Gagawan mo pa ng scandal ang kaibigan ko.”

“Hindi ‘no. I’m just recording the kiss the bride thing you know. Wala ‘yon sa ceremony kanina.” Anito at ibinaba na ang cellphone. Mukhang tapos na itong kumuha ng video. Tiningnan niya ang bagong kasal at nakitang naglakad na si Jershian.

“Ceremony your face. Wala nga tayo sa loob di’ba. Ceremony ba ‘yong wala pang limang minuto ang kasal.” Sabi niya at tinalikuran ito. Sinundan siya nito ngunit busy pa rin sa pagkalikot sa cellphone.

“Malinis ang intention ko. This is special. Look.” Saad nito at inilapit at cellphone nito sa

kanya.

“Ano ba? Ayoko nga. Bakit ko naman panonoorin ‘yan? Don’t you think it’s private?” aniya at inilayo ang sarili dito.

“Tingnan mo nga kasi.” Pamimilit nito at hinila na siya nito. Napapabuntong-hininga siyang tumingin sa screen.

Gusto niyang ipikit ang mga mata sa nakikita. Hindi niya maintindihan ang logic kung bakit kailangan pa nitong kuhanan ng video ang dalawa.

“First time kong ginawa ‘to. I just felt na dapat ma-irecord ang kiss na ‘yan. They seemed…” sabi nito na hindi itinuloy. Lumingon siya dito.

“Seemed what?”

“Seemed…in love.” tugon nito.

Hindi siya nakatugon. Seryoso kasi ang sagot nito. Tiningnan niya muli ang video. It was never malicious. Jershian was kissing Geri tenderly. Tila kay ingat ng pagkahawak nito sa leeg ng kaibigan niya at masuyong lumapat ang labi nito. The kiss was passionate. Kitang-kita iyon sa video at tila na-capture iyon ni Jeuan.

“Twelve twenty one.” Saad nito.

Kunot ang noo siyang tumingin dito. “What are you saying?”

“Twelve twenty one ang oras na ipinanganak si Jershian. Naka-tattoo ‘yon sa kanya. He said it was the most important time in his life. Look at the time of the video.” Anito.

Sinunod niya ito at pinagmasdan ang taas ng screen. Twelve twenty one nga ang oras ng

video.

“Any meaning?” aniya upang magpaliwanag ito.

“I think nahanap na ng kaibigan mo ang lalaking magpapabago sa buhay n’ya.” Sabi nito at itinago na ang cellphone. “Take it from me. They found each other.”

“Too early to tell.” She said.

“No. He’s just early enough to save forever.” Agap nito saka ngumiti. Natigilan siya sa ngiting iyon.

Nagkibit siya ng balikat upang mawaglit sa kanya ang naramdaman. Hindi siya dapat nagpapadala sa damdamin niya. Kailangan niyang panatilihin ang distansya niya kay Jeuan.

“Bahala ka nga d’yan.” Saad niya at dapat ay aalis na siya nang pigilan nito. “Coffee tayo.”

Umiling siya. “I don’t think so.”

He chuckled. “Come on. Let’s celebrate this day.”

Umangat ang isang kilay niya. “Hindi naman tayo ang ikinasal.”

Tumawa ito. “I know. Pero ito ang unang araw na tumagal na ang pag-uusap natin hindi mo pa ‘ko wino-walk out-tan.”

Hindi niya napigilang mapatawa. The laugh was sincere. Hindi talaga niya inaasahan ang sinabi nito.

“Patawa ka. Wala lang ako sa mood.” Sabi niya sabay mahinang tawa.

Napalihis ang tingin niya at natigil ang pagtawa niya nang mapansin ang isang itim na kotse. Nakahimpil iyon sa kabilang side ng kalye. Tinted iyon ngunit kahit hindi niya nakikita kung sino mang nasa loob ay malakas ang hinala niyang siya ang pinapanoon noon. Nakaramdam siya ng kaba subalit mas tumino sa kanya ang galit.

“So? Coffee?” Ani Jeuan. Nilingon niya ito. He was smiling boyishly to her. Nainis siya. Hindi dahil hindi maganda ang ngiti nito kundi dahil sa epekto ng ngiting iyon sa kanya. Muli niyang nilingon ang kotse.

“S-some other time na lang. May gagawin pa ‘ko.” Sabi niya.

Tila nanlumo ito. “So, galit ka pa rin sa’kin. Was it still that day? Iyon pa rin ba hanggang ngayon? Ilang beses na ‘kong himingi ng sorry. I tried-”

“Oo. Alam ko ang sinasabi mo.” agap niya at muling tiningnan ang kotse. Naroon pa rin ito. Lalo lumakas ang duda niya.

“That means we’re okay. Coffee?” sabi nito nang ibalik niya ang tingin dito.

Gustong pumayag na kalooban niya. Totoong gusto niyang makasama pa ng matagal si Jeuan at makakwentuhan. Gusto niya itong laging makita, ang marinig ang boses, tawa o galit nito. She was secretly having a crush on him. Ilang taon na. But she practiced the art of denial. Hindi niya maaaring isiwalat ang damdamin niya para dito.

“I-I have to go.” Aniya kahit na kinakalaban siya ng puso niya. Tinalikuran niya ito. Kailangan niyang makalayo kay Jeuan. Hindi siya matahimik sa naroong kotse malapit sa kanila. Alam niyang siya ang pinapanood niyon.

“Amber, wait.” Pinigil siya ni Jeuan at mabilis na hinagip ang braso. He pulled her back to him. At sa lakas ng hila nito at sa pagkabigla niya at napasubsob siya dito. And the unexpected happened. Hindi sinasadyang nagkalapit ang mga labi nila.

Biglang tumigil ang ikot ng mundo ni Amber. She was stunned and shocked. Parang may kung anong malamig na bagay ang humilagpos sa kanya dahilan upang tila manigas siya. Her heart pumped like a raging bull. Mabilis at malakas ang tibok.

They both didn’t move. Pareho nilang iginagulat ang nangyari. Jeuan’s stare was like glued to her. Gusto niyang lumayo ngunit ayaw kumilos ng kahit na anong parte ng katawan niya. Ni hindi niya maiiwas ang mga mata sa pagtitig dito. He was such a beautiful scene to stare.

Pinilit niyang paganahin ang reflexes niya. Iniangat niya ang kamay niya upang itulak ito ngunit mas naging mabilis si Jeuan. At hindi niya inasahan ang ginawa nito. He grabbed her nape fast and his lips went down to her lips. It rapidly went home to a kiss.

‘Shit! No!’

Hindi dapat nangyari iyon. Ilang taon niyang iniwasan na mangyari iyon. Walang dapat nangyaring halik. Hindi siya dapat lumapit nang ganoon kay Jeuan. Nasayang ang laaht ng pag- iwas niya. Ang lahat ng pagtataboy niya dito.

‘Move, Amber. Move!’ mahigpit na utos ng isip niya kaya pilit niyang ginising ang sarili.

Itinulak niya ito.

Kaagad siya nag-iwas ng tingin nang sa wakas ay nabitiwan siya nito. Her breathing was on a rush. Taas-baba ang balikat niya sa paghinga. Nanginig ang buo niyang katawan. And her knees trembled.

“Amber-”

“Please, don’t come closer.” Pigil niya sa akma nitong paglapit. Alam niyang ikinagulat din nito ang nangyari.

“Amber…”

Hindi na niya pinansin ang pagbanggit nito sa pangalan niya. Lalo lamang nagdagdagan ang naiipong sakit sa kanya. Kailangan niya itong iwasan. Hindi na dapat pa masundan ito. Lalo lamang siyang ipagkakalulo ng puso niya.

Panay ang tawag ni Jeuan sa kanya subalit nagbi-bingihan siya. Wala na siyang pakialam sa kung anumang iisipin nito. Ang mahalaga ay makalayo siya dito. Sumasakit na ang dibdib niya. Namuo na rin ang luha niya. Isang katotohanan ang biglang sumiwalat sa halik nilang iyon. Hindi niya kayang paglabanan ang damdamin niya para kay Jeuan. Kahit na anong gawin niyang iwas ay kusang lumalapit ang puso niya. Na parang hinahanap ang binata.

Nanginginig ang kamay niyang hinagilap ang cellphone niya nang makapasok sa kotse niya. Nakaalis na ang mga kaibigan niya at sasakyan na lang nila ni Jeuan ang naroon. Kailangan niyang makausap ang kapatid niya.

“Siyo beh, why?” kaagad na tanong ni Andrei nang sagutin nito ang tawag.

“Am I under surveillance?” galit niyang balik-tanong sabay pindot sa start button ng sasakyan niya.

“What do you mean?” hindi nito sinagot ang tanong.

She sighed. “I would never miss twenty five, Ah hiya. Pinasusundan ba ‘ko ni Hiro?”

Narinig niya ang pagbuntong-hininga rin nito. “I don’t know. Hindi pa kami nagkikita simula kahapon. But Hiro will never do that. Hindi rin s’ya gagamit ng snitch. I think it’s the House.”

She snorted. “Ano ‘to? Pati sila makikialam sa kasal na ‘to? You know me. Hindi n’yo ako mapipilit. Hindi ako magpapakasal.”

“Tatawagan ko si Hiro. Sasabihin ko ang nangyari. Keep safe.” Tugon nito.

Tumatakbo na siya noon. Gustuhin man niyang lingunin ang lugar dahil alam niyang naroon pa si Jeuan ay hindi naman niya magawa. Kailangan niyang alamin kung anong ibig sabihin ng nakita niya.

“No, Ah hiya. Akong kakausap sa kanya.” Sabi niya.

“Look, my dear sister. Duda ako na si Hiro ang nagpapasubaybay sa’yo. Think about the situation now. Do you really think Hiro will do such thing? Ilang taon ka na n’yang hinihintay. And he waited for you with trust. Alam kong alam mo ‘yan. Kilala natin s’ya pareho. It’s the House. Nangtataka ng sila kung bakit hindi pa kayo kasal. ‘Wag mong kakalimutang sa House nangako si Papa tungkol sa inyo ni Hiro.” Pamimilit nito sa kanya.

She breathed out harshly. “Wala talagang mahalaga sa’yo kundi ‘yang reputasyon mo.

Alam mo, malala ka pa kay Papa. Masyado kang takot maghirap.”

“Alam mong hindi totoo ‘yan. I’m not afraid to anyone or anything. Kayo lang ang inaalala ko. At ang mga taong pinahahalagahan mo.”

“Gua deh di, Andrei! I really do!” sigaw niya sabay hampas sa manibela nang

mapagtanto ang ibig sabihin nito. She hated her brother. She hated her life.

“Don’t hate me, Amber. I’m just your brother. Hindi ako ang kalaban mo. Sundin mo ‘ko at magpakasal ka lang kay Hiro. I promised I will give you and Mama a changed life. Just this one.” Sagot nito sa mahinahong paraan. She never meant to shout at him. Hindi na lang niya kayang pigilan ang galit na nararamdaman.

“I can’t take this anymore, Ah hiya.” noon nagsimula siyang mapaluha. Muli kasing sumagi sa isip niya si Jeuan.

“Hold on, Amber. Trust me. Ako nang kakausap kay Hiro.” Sabi nito at nawala na ito sa linya. Siya naman ay tuluyang napaiyak.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.