ROXY CITY BOOK 6 ( (WHAT FOREVER ASKS) Chapter 6

CHAPTER FIVE

Halos all set na nang dumating si Jeuan sa location ng photoshop ng banda nila. Skiptloosemonk kasi ang napili ng Guidotti Corporation, pinakamalaking distributor ng mga sasakyan sa bansa, na mag-endorse ng pinakabagong modelo ng Ford na ini-release sa bansa. Isang rock festival rin ang gaganapin bilang bahagi ng advertising campaign ng naturang brand.

“Ayan na pala eh.” Narinig niyang sabi ni Mike nang makita siyang papalapit sa mga ito. Naroon na rin si Marlon at Jershian. Nakaupo na ang mga ito at nasa likod ang make-up artist at nilalagyan sila ng basic make-up.

“Himala, late ka.” Ani Jershian sa kanya. Umupo siya sa bakanteng silya sabay buga ng hangin. Hiningal siya dahil pagmamadali.

“Nakalimutan ko mag-alarm.” Tugon niya at lumapit ang isang stylist sa kanya. Nginitian niya ito. “Kailangan ba talaga ‘yan?”

“Opo. Para po tama sa timpla ng ilaw mamaya.” Nakangiti nitong tugon. Hindi siya sanay nang inaayusan. Actually, sila namang lahat. Kung minsan nga lang ay hindi maiwasan dahil kailangan.

Ngumiti na lang siya at sinimulan na nitong i-blower ang basa pa at may kalaguan niyang alon-along buhok.

“Si Lourd. Dumating ba?” tanong niya habang nakatingin sa salamin.

“Hindi. Pero si Kurasawa dumating. Andun sa kabilang tent.” Si Mike ang sumagot.

Kunot ang noo siyang lumingon dito.

“Kurasawa? As in si Hiro Kurasawa? ‘Yong mayabang na negosyante?” hindi nasisiyahan niyang pagsiguro kay Mike.

Si Hiroshi Guidotti Kurasawa ang CEO ng Guidotti Corporation at isa sa pinakabatang business tycoon ng kasalukuyang henerasyon. He was also the sought after bachelor in the country. Well, next to him of course, ayon sa isang lifestyle magazine.

Nakita na niya nang personal ang naturang tycoon. Exclusive member ito sa Roxy City at isang beses ay naroon at naipakilala sa kanila ni Lourd. Hiro was tipsy at that time he thought. Kaya hindi na marahil kayang pigilan ang sarili sa pagsasalita. Nag-comment ito tungkol sa music industry at sinabi nitong walang pera ang napili nilang gawing passion. Kaagad na nagpanting ang kanyang tainga sa narinig. Ganoon din si Lourd subalit pinairal na lang nila ang diplomacy at hindi na lang sineryoso ang sinabi nito. Tumino sa isip niya ang gabing iyon kaya hindi na siya interesado sa kahit na ano tungkol dito. Ni ayaw na nga niya itong makitang muli.

Nadagdagan pa ang pagkadismaya niya kay Hiro dahil kay Luah. Matagal na pa lang may pagtingin kay Hiro si Luah at nais daw nitong ipaglaban ang nararamdaman para sa binata. Hindi man nito alam kung may patutunguhan ang pag-ibig nito.

“Huy!” ani Marlon sabay hampas ng magazine sa braso niya. Napaigtad na lang siya sa gulat. “Marinig ka. S’ya kaya ang kumuha sa’tin.”

“S’ya mismo?”

“Oo.” Si Jershian. “Sabi ni Maggie, si Hiro daw mismo ang nagsabi na tayo ang kuhaning endorser.”

Si Maggie ay ang manager nila na pinsan ni Mike.

“Hindi kaya may masama s’yang balak sa’tin.” Saad niya. Nagtawanan ang mga ito. “Bakit naman?” Ani Jershian.

“Alam ko.” Sabad ni Mike. “Kasi mas gwapo tayo kaysa sa kanya. Kaya kailangan tayong ma-eliminate.”

Napatawa siya sa sinabi nito. “Tama.”

“Baka bading.” Si Marlon. Lalong lumakas ang tawanan.

“Tama na nga kayo. Baka mamaya pumasok dito ‘yon marinig tayo.” Tumatawang saway sa kanila ni Jershian.

“Hi, handsome men!” Masiglang ang tinig ni Maggie nang pumasok ito sa tent nila. “Kumusta?”

“Gutom!” sabay-sabay nilang sagot dito.

“Okay.” Ani Maggie sabay lapag ng ilang paper bag. “Heto na. Marami ‘yan.”

“Yun! Lafang.” Maarteng sabi ni Marlon at halos sugurin na ang dala nitong pagkain. “Mga ateng, kain!”

Kumalat ang tawanan sa loob ng tent. Hindi talaga mauubusan ng kakulitan ang mga kabanda niya. Lalo na sina Mike at Marlon.

“Guys, please rush na ha. Mag-uumpisa na ang shoot. Manonood si Mr. Hiroshi.” Ani Maggie at muli nang lumabas ng tent. Lihim siyang umismid. Mukhang sisirain ni Hiro ang mood niya.

Hindi na nga nagkamali si Maggie dahil walang pang limang minuto ay tinawag na sila ng coordinator at pinalabas na sila ng tent. Sa isang malaking parking lot ang shoot at tumambad sa kanila ang magagarang modelo ng Ford.

“Whoa. This is understated luxury, Man.” Humahangang sabi ni Jershian habang hinahaplos ang isang itim na sports car.

“Kailangan kaya ako magkakaroon nito? Sana bago ko mahanap si Hek.” Sabi ni Mike na nakasandal sa isang asul na Ford Mustang V8 GT model.

“Sinong Hek?” taka niyang tanong.

Tumawa ito at si Marlon.

“Kumag ‘yan eh.” Ani Marlon. “Si hek ay si Happy Ending Ko. Alam mo naman ‘yang pinsan ko, mataba din ang utak. Sensya na.”

Tawanan ulit.

“Corny mo! Lintek.” asar na sabi ni Jershian.

“Bakit? Ano, kayo lang meron? Dapat ako naman pagkatapos ni Jeuan, ‘no.” Ani Mike. “What the…? Ano na namang kinalaman ko d’yan?” saad niya.

“Whoo! Kunwari ka pa. Eh di’ba kayo na ni Amber.”

Umangat ang kilay niya. “Hindi ‘no. Sinong may sabi? Pakshet ka. Makarating pa kay Amber ‘yan ipatumba ka no’n.”

“Weh? Deny pa. Nakita ko kaya kayo.” Hindi naniniwala sa kanya nitong tugon.

Bigla siyang kinabahan at tumingin dito. Hindi kaya’t nakita nito ang ginawa niya sa dalaga noon isang araw? Ang nangyaring halik nila?

“Sa’n? Pumasok sila sa motel? Gano’n?” kunwa’y interesadong sabi ni Marlon.

“Yon naman pala. Hindi pala ako ang dapat main course dito eh.” Ani Jershian. “Kunwari ka pang kinukumsta ako tungkol kay Geri. Ikaw naman pala ang may itinatago.”

“Damn. Wala nga. You’re crazy, man.” Saad niya.

“He’s right.” Anang isang tinig at natigilan sila. Sabay-sabay silang napalingon. Nakita nila si Hiro na nakatayo sa may likuran ni Marlon.

“Hi, Sir. Good morning po.” Ani Mike na unang makabawi sa kanila. Sila naman ni Jershian ay nakatinginan.

“Good morning.” Sagot sabay tapon ng tingin sa kanya. He didn’t like that stare.

Mayabang ang dating para sa kanya.

“Mr. Roswell is right. Hindi sila ni Amber.” Sabi nito at umikot ang tingin sa kanila.

Nagkatanginan silang apat. Hindi nila gusto ang pagsabad nito sa usapan. “She’s getting married.” Dagdad pa nito.

He snorted inwardly. “We already know that. Kaibigan namin s’ya.”

Muling pumukol ang tingin nito sa kanya. Naroon na naman ang unwelcomed stare nito. “Does she told you who’s her future other half?”

“Sino po? Kayo po?” Ani Mike na may hint ng pang-aasar. Hindi ito tumugon kundi ngumiti lang.

“You’re lucky.” Si Jershian sabay sulyap sa kanya. Inis siyang nag-iwas ng tingin. Parang sumakit ang ulo niya sa sinabi ni Jershian. Parang gusto niyang manakit.

“Sir.” Anang lalaking lumapit kay Hiro. “Madame is here. But-” “Hiro!” pasigaw ng tinig ng babae na pamilyar sa kanya.

“Oh, my fiancé is here.” Kalmante namang sabi ni Hiro.

Ilang hakbang mula sa kanila ay papalapit si Amber sa kanila. She was sexy wearing and elegant a blue green halter dress. Hindi nabawasan ang ganda nito kahit wala ang ngiti na dapat kalakip ng suot nito.

“Bakit mo ba ‘ko pinapunta dito? I’m busy.” Panay salit nito habang palapit. At nang makita sila nito ay bigla itong natigilan. Dumako ang tingin nito sa kanya.

“H-hi, guys.” Alam niyang nabigla ito. “K-Kumusta?”

Tumango lang sina Jershian bilang tugon. Ramdam na niya ang pagkairita sa mga kaibigan niya. At dahil iyon kay Hiro.

“Sila ang bagong endorser ng latest collection ng Ford na ila-launch ko dito sa Pilipinas. Skiptloosemonk. Friends mo sila di’ba?” sabi ni Hiro na kumapit pa sa baywang ni Amber at humarap sa kanila.

He wanted to crash his face with fist. Para siyang kinain ng inis at galit nang makitang lumapat ang kamay nito kay Amber.

“Y-yeah. Ano naman ngayon?” tugon ni Amber. Naroon pa rin ang pagtataray nito. “Gusto kong ipakita sa’yo ang campaign. I want your approval.” Ani Hiro.

“There’s nothing to approve yet. Hindi pa nga sila nakukuhanan kasama ng mga kotse mo. I got to go. Bye, guys.” Pagkasabi noon ay mabilis na itong tumalikod. Natural na sundan ito ni Hiro. Naiwan silang naguguluhan.

“May tsismis ako tungkol d’yan sa Kurasawa na ‘yan eh.” Sabi ni Mike. “Tsismoso ka talaga.” Ani Marlon.

“Hindi ‘no. Nabasa ko lang sa isang article.” “What was that?” interesado siyang malaman.

“Member ng triad si Hiro Kurasawa. Actually, namana daw n’ya ang pagiging gangster sa parents n’ya. Sa triad daw galing ang lahat ng kayamanan nila. Heto pa…matalik na magkaibigan daw ang Kurasawa at Sih Chua. Kaya possible din daw na triad din daw sina Amber.” Mahabang kwento nito.

“That absurd.” Ayaw maniwala niyang sabi.

“Reliable na writer ‘yong gumawa no’n. Si David Pascual. Naging teacher ko kaya ‘yon sa UST.” Buong kumpyansang sabi ni Mike.

“Ikaw ang makakapagsabi kung totoo, dude. Naging classmate mo si Andrei di’ba?” Ani Jershian sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat. “Wala akong alam d’yan. Hindi naman kami naging close ni Andrei.”

“Okay, let’s start!”

“Start na daw.” Siniko siya ni Jershian. Lumapit na sa kanila ang photographer.

Pinapwesto sila at nagsimula na silang kuhanan.

“Halata kang nagseselos kanina.” Bulong sa kanya ni Jershian. “Badtrip kasi ‘yang Hiro na ‘yan eh. Akala mo kung sino.” Sagot niya. “You like her don’t you?” tanong nito bigla.

Napalingon siya dito sabay natigilan. Ganoon ba siya ka-obvious pagdating kay Amber? “Oo nga. Halata ka na, Pisan.” Si Mike.

“Okay, Jeuan. Smile a little bit. Mukha ka kasing galit.” Anang photographer sa kanya.

Narinig niya ang paghagikhik nina Mike. Tiningnan niya ito nang masama. “Kurasawa, ten points. Roswell….zero.” sabi pa ni Marlon.

“Kumag.” Mapikon-pikon niyang sagot dito. At akmang aabutin niya ito nang biglang magsunud-sunod ang flash.

Nanatili lang si Amber sa tent habang hindi pa tapos ang photo shoot. Gusto na sana niyang umalis ngunit ayaw pumayag ni Hiro. Pinaghintay siya nito hanggang magtanghalian. Sabay daw sila nitong kakain.

Hindi niya maintindihan ang gustong mangyari ni Hiro. Kung bakit kailangan pa siyang papuntahin doon gayong wala naman siyang kinalaman sa trabaho nito. At itinaon pa na sina Jeuan ang modelo nito sa next project nito. She really wondered why.

Hindi na siya mapakali simula nang makita si Jeuan. Lalo pa siyang naguluhan dahil naroon din si Hiro. Binigla pa siya ni Hiro dahil sa pagsasabi nito sa buong Skiptloosemonk ng tungkol sa kasal. Hangga’t maari ay ayaw niyang malaman ng mga ito kung sino ang ipinagkasundo sa kanya. Kung maaari pa nga ay wala makaalam noon kahit na sino. Dahil hindi niya kayang ipaliwanag kung paano at bakit nagkaroon na siya ng mapapangasawa.

Inip na inip na siya. Hindi na siya tumagal ng minuto sa kinauupuan niya. Gusto na niyang umalis.

“Ma’am, gusto n’yo po ng juice?” tanong sa kanya ng assistant ni Hiro. Ito ang pinagbantay sa kanya.

“No, thanks.” Sagot niya. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa loob ng tent. “Baka po gusto n’yong panoorin ang shoot. Ando’n po si Sir Hiro.” Saad nito. “No, thanks.” Ulit niyang sagot.

“Ma’am-”

“Tiam la, okay?” pagalit niyang saway sa lalaki at sinabihang manahimik ito. Napansin

niyang natigilan ito at nakatitig sa kanya. Marahil hindi nito naintindihan ang sinabi niya.

“I-I’m sorry. A-ang ibig kong sabihin-”

“Alam ko po ang ibig n’yong sabihin. Ako po ang nagtuturo ng Hokkien kay sir Hiro.” Putol nito sa kanya. Halatang hindi ito natuwa sa nasabi niya. Napapahiya siyang nag-iwas.

“I better go.” Aniya at nilapitan ang bag niya. “Sabihin mo na lang sa boss mo na umalis na ‘ko. Late na kasi ako sa meeting ko.”

“Pero Ma’am. Hindi pwede. Bilin na Sir na paghintayin kayo dito kung ayaw n’yong manood ng shoot.” Pigil nito sa kanya.

Nairita na siya.

“Basta. Aalis ako at hindi mo ‘ko pipigilan.” Sabi niya at lumakad palabas ng tent. Akma siyang hahawakan ng lalaki nang pigilan niya.

“Hep! Stay there. Don’t dare touch me. Sasaktan talaga kita. Kung talagang kilala mo ang boss mo ay dapat kilala mo rin ako at alam mo ang kaya kong gawin sa’yo.” May pagbabanta niyang sabi dito.

“Ginagawa ko lang po ang trabaho ko.”

She snorted. “Alam ko. Pero pasensya na. Hindi ako magpapapigil sa’yo.” “Ma’am!”

Lakad-takbo siya patungo sa pinagparadahan niya sa kotse niya. Aalis na siya talaga.

Wala siyang pakialam kung magalit man si Hiro sa kanya. “Amber.”

“Geez! Talaga bang hindi mo ‘ko titigilan?” angil niya sa kung sinumang nasa likod niya. “Relax.”

“J-Jeuan?” naibulas niya. Akala niya ay nasundan siya ng assistant ni Hiro. “Nagmamadali ka. Nag-away ba kayo ni Hiro?”

Tumikhim siya. Naroon na naman kasi ang kakaibang kaba niya sa tuwing makakaharap si Jeuan. Her feelings were mixed. Aaminin niyang gumaan ang pakiramdam niya nang makita ito ngunit may kaba dahil baka makita sila ni Hiro at pagdudahan nito si Jeuan. Naiinis din siya dahil hindi pa siya lubayan na lang ng binata. Lalo lamang gugulo ang sitwasyon. At ayaw niyang madamay pa si Jeuan.

“H-hindi.” Sagot niya sabay talikod. There she was again. Iniwasan na naman niya si Jeuan dahil iyon ang kailangan.

“Amber.” Huli na upang umiwas dahil naramdaman na niya ang kamay nito sa braso niya. Natigil ang akma niyang pagpasok sa kotse.

“Let’s talk.” His voice was so inviting. She felt vulnerable all of a sudden. Parang gusto niyang magtago sa dibdib nito.

“I can’t-”

“Come on.” At nagulat na lang siya nang hilahin siya ni Jeuan. “Ano ba, Jeuan? Where are you taking me?” Nataranta na siya.

“Hindi ko alam. Don’t say anything or ask anything. And don’t try to stop me. Aalis tayo dito at mag-uusap tayo.” Hindi na niya kayang pigilan si Jeuan.

“Sakay.”

“Pero-” Hindi na siya nakaprotesta dahil hinawakan na ni Jeuan ang ulo niya at pilit ipinasok sa kotse.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.