CHAPTER SIX
“What now?” tanong ni Amber kay Jeuan habang hindi ito nililingon. Nasa loob sila ng kotse at nakahimpil sila sa gilid ng kalsada.
“I don’t know.” Marahang sagot ni Jeuan.
Napabuntong-hininga siya sabay mariin napapikit. Gusto niyang sigawan ang binate ngunit sa anong dahilan? Kusa naman siyang nagpahila. Ngunit bakit nga ba? Alam naman niyang hindi sila dapat magkasama.
“Bumalik na lang tayo sa location. Hindi pa tapos ang shoot n’yo. I’m sure hinahanap ka na nila.” Sabi niya.
“Tapos na kami.” Mabilis ang tugon. She smirked. Muling namagitan ang katahimikan.
“Tell me, Amber.” Pagbasag ni Jeuan si katahimikan. Lumingon siya. “Are you really getting married?”
“Do I really have to tell you?” balik-tanong niya. “Yes.”
“At bakit naman?”
“Dahil alam kong hindi ka masaya.” Sagot ni Jeuan. She scoffed. “You’re imagining things.”
“Alright. Bakit hindi alam ng mga kaibigan mo ang tungkol sa pagpapakasal mo? As far as my memory is concerned, Austin Pier is your boyfriend. Ano ‘yon? Nag-break kayo because you’re getting married? That fast? And you?”
“Ano naman ako?” agap niya.
“Iritang-irita ka kapag nakikita ako. But when it comes to that Kurasawa? You’re blowing fire. Sign ‘yon ng unhappiness.”
She laughed exaggeratedly. “Wow. Ano ‘to? May kakayahan ka nang malaman kung anong nararamdaman ng lahat ng tao?”
Pagkasabi noon ay nagbuntong-hininga siya. “Tama na ‘to, okay? Bumalik na tayo.” “Sa’n mo gustong pumunta?” tanong nito nang i-start nito ang kotse. Tila hindi nito
inintindi ang sinabi niya.
“Sa photo shoot nga di’ba?” sagot niya na takang-taka. “Wag do’n.” agap nito.
Tiningnan niya ito, nilingon din siya ni Jeuan. His almost green eyes flashed a lightning stare. That look would launch a war. At alam niyang hindi siya mananalo kung magmamatigas pa siya. Sumandal na ang siya at nagbuga muli ng hangin.
“Bahala ka na kung sa’n mo gusto.” She said seemed like defeated. She heard him laughed. “Do the compass. North or south?”
“I want to see the sun sets.” Nakaiwas ang tingin niyang sagot. “Sunset it is.” Anito at pinatakbo na ang kotse.
Sa isang beach resort sa Batangas dinala ni Jeuan si Amber. Pag-aari iyon ng kaibigan niyang si Jed Ongpauco. Katatapos lamang i-renovate ang lugar at ini-launch lamang noong nakaraan buwan.
“This is nice.” Ani Amber habang inililibot ang paningin sa paligid. “Tara.” Sabi niya at nauna nang maglakad ngunit pinigil siya ni Amber. “Magtatagal ba tayo dito?”
Nagkibit siya ng balikat. “It’s up to you. Pwedeng dito na tayo tumira. Isang tawag ko lang kay Jed.”
Umikot na namang ang mga mata nito. Like the usual Amber. “Yeah right.”
“Sabi mo gusto mong makita ang sunset. Anong oras pa lang? Mag-aalas singko pa lang ng hapon. We have to wait.”
“Fine.” Sagot lang nito at nauna nang pumasok sa lobby ng hotel. Saka siya sumunod.
Lumapit sila sa reception desk na yari sa kawayan. Si Amber ang nagpatunog ng bell.
Mula sa kung saan ay biglang sumulpot si Aling Tessie, ang tagapangisawa sa resort.
Kasunod ang isang dalagita. Sa pagkakatanda niya ay anak ni Aling Tessie ang dalagita. “Welcome to Villa Carmen resort!” malapad ang ngiting bati sa kanila ni Aling Tessie.
“Sir Jeuan?”
“Ako nga po. Kumusta po?” sagot niya sabay sulyap kay Amber.
“Naku! Ay mabuti naman. Napadalaw kayo.” Nakangiti nitong sagot. “Patri, maghanda ka ng maiinom ni sir Jeuan at saka ni…”
Tiningnan ni Aling Tessie si Amber sa tabi niya at muling bumalik sa kanya. Ngumiti siya sabay akbay kay Amber. Naramdaman niya ang tila paninigas ni Amber.
“She’s Amber, Manang. Barkada ko.” Sabi niya.
Patangu-tango si Aling Tessie. “Ah…barkada. Magkabarkada kayo? Hindi mag…” Tumango siya kasunod ang isang tawa. Alam na niya ang iniisip nito. “Yes, Manang.
She’s a friend. Pwede ba kaming tumambay muna dito. Just a few hours.”
Kumamot ito sa ulo. “Naku naman, itong bata ire. Ala’y pwedeng pwede. Kukuha ba kayo ng kwarto at ipapahanda ko?”
“No!” biglang sagot ni Amber kaya sabay silang napalingon ni Aling Tessie. “I…mean…sa beach lang naman tayo di’ba?”
“Ikaw. But if you…”
“Hindi ‘no!” putol nito sabay hampas sa balikat niya sabay iwas ng tingin na tila biglang nailang.
“Ah…eh mukhang naasiwa si Ma’am Amber.” Ani Aling Tessie. “Ay s’ya do’n na kayo sa beach kung gusto n’yo. Ipapasunod ko ang inumin n’yo. Patri!”
Pareho silang nagulat ni Amber nang bigla na naman itong sumigaw. Saka siya napatawa.
Mahilig talagang sumigaw si Aling Tessie dahil sa anak nitong si Patricia. “Ganyan talaga si Manang.” Aniya kay Amber. “Don’t mind her.” Ngunit biglang lumayo sa kanya. “Let go of me.”
Sinundan niya ng tingin ang paglayo nito. Napabuntong-hininga siya. Nagsungit na naman si Amber kanya.
“Nagalit yata ang gelpren mo, Sir Jeuan.” Ani Aling Tessie. “Badmood ‘ata.” He chuckled. “Kaya ko nga dinala dito. Para ma-relax.”
Tumawa ito. “Ay, samahan mong maglakad sa dalampasigan. Ala’y masarap ang hangin dahil papahapon na.”
“Sige po.” Aniya at lumakad upang sundan ang dalaga.
Nang marating niya ang dagat ay kaagad niyang nakita si Amber na tinanggal ang suot nitong wedge at inilapag iyon sa buhangin. Saka ito naglakad kung saan naabot ito ng tubig. May kataasan pa ang araw ngunit hindi na ganoon kasakit sa balat. Tinanggal niya ang suot niyang canvas shoes at inilapag malapit sa wedge ni Amber. Sinundan niya ito.
Amber walked so gracefully. Mabagal ang bawat hakbang nito habang nakatungo. Tila pinapanood nito kung paano mabasa ng tubig-dagat ang paa. It was a beautiful sight even at her back. Pinapawid ng hangin ang hanggang balikat nitong itim na buhok. Ganoon din ang suot nitong lavender dress. She looked so solemn and sweet.
Hanggang sa bigla itong tumigil at humarap sa kanya. Only to leaned and glazedthe water by her fingertips. Napangiti siya. Mukhang nag-eenjoy si Amber. Tama ang naging desisyon niya. Tamang naisip niyang ilayo muna sandali ang dalaga ang siyudad at sa mga taong kakilala nila.
“Hindi ka ba naiinitan?” tanong niya dito habang papalapit.
Ngumiti ito ngunit hindi siya nililingon. It warmed his heart. Alam niyang hindi siya ang nginitian nito ngunit parang tumusok ang epekto sa kanya.
“No. It’s good pa nga eh.” Sagot at nilaro-laro ang paa sa tubig. “The water is cold. It’s soothing.”
“You want to swim?”
Tumingin ito sa kanya. Umangat ang isa nitong kilay. Mukhang magsusungit na naman ito. But her lips widened. Bahagya itong ngumiti.
“With my clothes on? No way.” Saad nito.
“Eh ‘di tanggalin mo ang damit mo.” pagbibiro niya.
“Ano ka?” bulas nito sabay saboy sa kanya ng tubig. Tumawa ito. “Hey!” aniya habang isinangga ang kamay sa kanyang sarili. “Pervert ka kasi.” Nakalabi nitong sabi.
“Of course not. Normal namang walang damit kapag naliligo.” Pagtatanggol niya sa
sarili.
He was also laughing at himself. Hindi siya sanay sa biruan tulad ng mga kaibigan niya. He even treated himself as lousy joker. Hindi siya confident sa sense of humor niya. Ngunit pagdating kay Amber kay kusang lumalabas sa labi niya ang biro niya. Hindi naman niya inaasahan na masisiyahan ito sa kanyang mga sinasabi. Iyon lang kasi ang alam niyang paraan upang pangitiin ito.
“Iba ang naliligo sa nagsi-swimming.” Anito sabay talikod. Pinagmasdan nito ang nagsisimula nang lumubog nang araw.
“It’s starting to set.” Sabi nito.
Tiningnan din niya ang tanawin. Nilapitan niya ito at tinabihan. Sabay nilang pinanood ang araw. Nag-iiba ang kulay nito. Kumikinang ang dagat dahil sa sinag nito. Lumalakas na rin ang alon. At inaabot na ang binti nila.
“Gusto mo ba ang sunset?” naitanong niya. “Yes and no.”
Nilingon niya ito. What a stunning face to stare? Kay gandang pagmasdan ng profile nito. Lahat yata ng features ng mukha nito ay perpekto para sa mukha nito. Ilang taon na ba niyang pinagmasdan mula sa malayo ang magandang mukha nito? Seemed like forever. Subalit kahit kailan ay hindi niya pinagsawaang tingnan ito.
“Bakit ‘yes and no’?” tanong niya habang titig na titig dito.
“Yes kasi ang ganda niyang panoorin. Such beautiful scenery. No kasi may naalala ako.” “Ano ‘yon?” napuno ng interes niyang muling tanong.
“I was watching the sunset when Ah hiya called me and said that Papa is gone. It was my graduation party. Hindi naka-attend si Papa kasi nasa hospital na s’ya. Comatose.” Pagkekwento nito.
Natigilan si Jeuan at lalong napatitig kay Amber. Her voice was sad and her eyes were sadder. Napalingon siya sa araw. Parang nalungkot din siya nang tingnan iyon sa hindi maintindihang dahilan. Iyon kaya ang pakiramdam ni Amber sa tuwing pagmamasdan ang papalubog na araw? He really felt it.
“But you keep staring at it. Why? Nalulungkot ka lang naman.” Saad niya.
“I want to remind myself. It was also the day when I read the oath.” Sagot nito. Malayo pa rin ang tingin nito.
“What oath?”
Hindi ito sumagot. He waited but she said nothing. Nagbuntong-hininga siya. Gustuhin man niyang kulitin ito ngunit alam niyang hindi ito magsasabi sa kanya.
“Sabihin mo, Amber. Arrange marriage ba ang nangyari sa inyo ni Hiro?”
Nilingon siya nito. “It seemed like you’re not asking. It sounded more like an opinion to me. Sa’n mo nakuha ang idea na ‘yan?”
“Sa’yo.”
Her lips twitched. “Sa’kin?”
“Matigas ang ulo mo. Hindi mo gagawin ang isang bagay kung hindi ka masaya. At ang pagpapakasal ang bagay na hindi mo ikasasaya. That gave me the idea I think.”
Hindi na ito tumugon bagkus nagbuntong-hininga. “Tama ako?”
Nagkibit-balikat ito. “Oo. Ipinagkasundo kami ni Hiro. Matagal na. Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. It was my father who made that promise.”
“At pumayag ka?”
“May magagawa ba ako kung twelve years old pa lang ako? At ang sariling ko pang tatay ang gumawa no’n?” agap nito.
“Walang makakapilit sa’yo kung ayaw mo. Even the promise of a dead man.” Aniya at isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya.
“I’m sorry…” saad niya.
“Ipinaglalaban ko pa ang tungkol sa bagay na ‘yan.” Sabi nito saka tumalikod at naglakad. Sinundan niya ito.
“Anong stand ni Andrei about sa arrangement?” tanong niya. “Of course he wanted to fulfill the promise.” Sagot nito. “Kahit na alam n’yang ayaw mo kay Hiro?”
She sighed. “Hindi ko sinabi sa’yo na hindi ko s’ya gusto.”
He chuckled. “Come on. Hindi ka sasama sa’kin kung gusto mo s’ya.”
“Really?” naka-angat ang kilay itong humarap sa kanya. Tila hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.
Noon siya napatawa. “You’ll still deny it?”
Hindi ito tumugon bagkus nag-iwas ng tingin saka mabilis na naglakad. Umiiling naman niya itong sinundan.
Narating nila ang mabatong bahagi ng dagat. There were resting places under little trees.
Umakyat sa may kataasang bato si Amber.
“Baka nakakalimutan mong nakapaa ka lang.” sabi niya dito. Ganoon din naman siya. Ramdam niya na medyon masakit ang paglakad kaya nag-alala siya para dito. Alam niyang hindi ito sanay.
“I know, right.” Tugon nito.
Nang marating nito ang dulo ng isang rocky hill na may tumutubong ilang damo ay saka pa lang ito umupo.
“Got tired?” Pinagmamasdan itong tanong niya.
“No.” sagot nito saka nagbuga ng hangin. “Dito na natin hintayin ang sunset.”
He was facing backward towards the sun. Naniningkit ang mga matang nilingon niya ang malayong bahagi ng dagat kung saan naroon ang araw. Saka muling ibalik ang tingin dito. He smiled. Then he sat beside her.
“This place is really nice.” Panay ang inhale exhale nito habang sinasabi iyon.
“Kaya nga dito kita dinala. Alam kong magugustuhan mo dito. Actually, nakarating si Kat dito.” Sagot niya.
“Ahh.” Iyon lang at nanahimik na itong muli. Pinagmasdan nito ang paligid. Ganoon na rin ang ginawa niya. Gusto pa sana niyang magtanong ngunit ramdam na ramdam niyang tipid si Amber sa mga sasabihin sa kanya.
“Ayokong magpakasal kay Hiro.” Saad nito matapos ang ilang sandaling katahimikan.
Nilingon niya ito. He saw her eyes were misty. Malungkot rin ang tinig nito. “Hindi mo s’ya mahal?”
Tumango ito saka tumungo. “Pero gusto n’yang magpakasal kami. Gusto n’yang sundin ang kasunduan. Kung sana gano’n lang kadali ‘yon. I will not be this miserable.”
“Then don’t do it.” He insisted. “Tell right in his face that you don’t want to marry him.” Lihim niyang pinag-aralan ang sarili habang sinasambit ang mga salitang binitawan niya.
He was surprised. Siya mismo ay nagugulat sa inaakto niya. Pinipilit niya si Amber na huwag magpakasal gayong hindi pa naman niya alam kung buong kwento. Ni hindi niya itinanong kung may relasyon ba dalawa.
“Pa’no ko gagawin ‘yon?” Puno ng pagkalito nitong tanong.
He winced. “Alam mo, pinakikinggan kita ngayon, parang hindi ikaw si Amber. Where’s the feisty Amber that I know? Hindi mo ba gustong ipaglaban ang kaligayahan mo?”
“It’s an oath, Jeuan. Meaning something will happen if I don’t comply. At ayokong lumala pa ang sitwasyon dahil lang sa ayaw ko. Ayoko na. I want a changed life.”
“What do you mean?” nalalabuan niyang tanong. But she never answered him. Instead she turned her back at him.
“Pwede ba akong sumandal sa’yo?” nakatalikod na nitong tanong. “Pwede.” Naguguluhan man ay sumagot pa rin siya.
Sumandal nga ito sa kanyang tagiliran. Then she rested her head his shoulder. Napapikit siya. The warmth was soothing. Naamoy niya ang halimuyak ng buhok nito. She smelled fresh even with a pinch of sun scent. At parang gusto niya itong abutin at yakapin. Abot hanggang langit ang pagpipigil niya sa sarili. Hanggang sa maramdaman niya ang tila pagyuyog nito. Napamulat siya. Saka niya itinungo nang bahagya ang kanyang ulo upang tingnan ito.
“Amber, umiiyak ka.” Aniya nang marinig ang mahina nitong paghikbi. He moved his hands to reach for her but her words stopped him.
“I hate it when people see me cry. Please, ‘wag ka munang gumalaw. Hihiramin ko lang ang balikat mo.” Sabi nito nang hindi umaalis sa pagkasandal sa kanya.
Nais niyang magprotesta dahil gusto niya itong yakapin. He wanted gave her comfort.
Nararamdaman niya ang sakit sa pagluha nito. Ngunit naisip niyang hayaan na lang muna ito.