ROXY CITY SERIES 1 (MARRY A SONG) Chapter 9

Nabuhayan ng loob si Jared nang makita ang pigura ni Kathryn at papalapit sa kanya. Kasama nito si Lourd. At kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.

“Kumusta?” kaagad na tanong ni Lourd na humihingal din tulad ni Kathryn.

“May malay naman s’ya. He’s fine. Tumaas kasi ang blood pressure n’ya kaya s’ya natumba. Nahirapan pa s’ya huminga.” Tugon niya na hindi napigil ang sarili na abutin si Kathryn at yakapin nito.

He felt it was what he needed. Na tanging ito lamang ang makakatanggal ng kaba at pag-aalalang nararamdaman niya. Mahigpit namang tinugon iyon ng dalaga. He kissed her head.

“Pwede ba s’yang makita?” tanong ni Lourd. Bahagyang lumayo si Kathryn sa kanya ngunit hindi niya ito binitawan. Tila hindi niya ito kayang pakawalan nang mga oras na iyon.

“Pwede naman kaso limitado. Sina Mommy at Daddy ang nasa loob. Galing na ‘ko do’n kanina.” Sagot niya.

“Pa’no ‘yan?” muling tanong ni Lourd. Nakuha niya kaagad ang ibig sabihin nito. Napatingin siya kay Kathryn na palipat-lipat ang mata sa kanilang magpinsan.

Jared sighed heavily. “I don’t know. Hindi pa talaga ako handa.”

“Jared.” Si Kathryn. “Anong…”

“Iwan ko muna kayo.” Ani Lourd at lumakad palayo sa kanila.

“Jared, pwede ko bang malaman ang pinag-uusapan n’yo? May kinalaman ba ‘to sa sinabi ni Lourd na senatorial candidacy?” panay tanong nito.

“Oo. Pinipilit kasi ako ni lolo na umakyat na ng posisyon since election na next year. Pinaghahanda na n’ya ako. Hindi ako pumayag dahil ayaw ko pa. Isa pa, hindi pa ako handa. Marami pa akong trabaho bilang counsilor. Ayokong magmadali. Kaya nagtalo kami. ‘Tapos…heto pa. Nagkasakit s’ya.” Paliwanag niya.

Hinaplos nito ang pisngi at napapikit siya. Muli niya itong niyakap. It felt really good being in her arms. Ang mabalutan ng init nito. Nawawala ang lahat ng sama ng loob niya. Si Kathryn ang tapang na kailangan niya. Hindi madali ang pinagdadaanan niya at ang pagdadaanan pa. Mahirap ang mga susunod na araw sa kanila.

Bumukas ang pinto ng kwarto ng lolo niya at sabay silang napalingon ng dalaga. Tumambad ang kanyang ina kasunod ang kanyang ama. Nakita niya kaagad ang pagtatanong mula sa mga mata ng kanyang ina nang mapansin si Kathryn sa tabi niya.

“Gusto kang makausap ng lolo mo pero sabi ko ‘wag na muna. He needs to rest.” Anito na panay din ang lingon kay Kathryn.

“Alright. Ahm, mommy, si Kathryn.” Aniya. “Daddy, si Kathryn.”

“Good evening po.” Pagbati ng dalaga at inilahad ang palad upang paggalang. Atubili iyong tinanggap ng kanyang ina habang ang kanyang ama ay tumango lamang.

“Your girlfriend?” kaagad na tanong ng kanyang ama at marahas ang naging paglingon ng kanyang ina sa asawa nito.

“This is no time for jokes, Joseph.” Tila hindi na natuwang sabi ng kanyang ina.

“What?” Anang kanyang ama. “Binata ang anak mo. He has a pretty girl beside him holding her hand. Anong pwede mong i-conclude do’n?”

Naramdaman ni Jared ang pagbawi ni Kathryn sa kamay nito ngunit hindi niya ito binitawan. Nilingon niya ito. Nasa mga mata nito pagkailang.

“Mom.” Tawag niya at lumingon naman ito. “She’s my girlfriend.”

Narinig niya ang mahinang pagsinghap ni Kathryn. Alam niyang nagulat ito sa sinabi niya. Wala pa naman kasi silang malinaw na usapan tungkol sa kanilang dalawa. Ngunit sapat na ang nararamdam nila upang sabihing may relasyon sila.

Parehong hindi umimik ang mga magulang niya. Nakita niyang ngumiti kay Kathryn ang kanyang ama samantalang nakatitig sa kanya ang kanyang ina.

“We need to talk.” Sabi nito kalaunan at nagbuntong-hininga. “Uuwi na muna kami ng daddy mo.”

Pagkasabi noon ay tumalikod na ito at hindi man lang nagpaalam kay Kathryn.

“Nice meeting you, hija.” Sabi ng kanyang ama kay Kathryn. Tinapik nito ang kanyang balikat.

“Don’t mind your mother. Stressed lang ‘yon. Ako na ang bahala sa kanya.” Sabi pa nito saka sumunod sa kanyang ina.

“Hindi yata ako dapat nagpunta dito.” Narinig niyang sabi ng dalaga kaya nilingon niya ito.

“Why? Masaya nga ako na narito ka eh. Gumaan ang pakiramdam ko.” Aniya.

Nagbuntong-hininga ito. He saw sadness in her eyes. Nasaktan siya. Siya ang dahilan ng lungkot na iyon. He held her face and looked at her intensely.

“Naniniwala ka sa sinabi ko kanina?” tanong niya dito.

Lumabi ito. “Din-clare mong girlfriend mo ‘ko pero hindi ka naman umaamin sa’kin. Pwede ba ‘yon? Hindi ko alam kung anong nararamdaman mo. Tama ang mommy mo. This is no time for jokes, Jared. ‘Wag mo sanang paglaruan ang nararamdaman ko.”

He smiled. Nagniningning ang mga mata dahil sa namumuong luha. Hinalikan niya ang noo nito.

“Hinding hindi ko gagawin ‘yon. I said that because that’s what I feel. I want you to be my girl, Katharina.” Walang pag-aatubili niyang saad sa dalaga.

Ilang araw na niyang pinag-iisipan ang gumugulo sa kanya. At matapos nilang magpang-abot ni Lourd at makita si Kathryn at isa lang ang nalaman niya, gusto niya ang dalaga at hindi na niyang pigilan iyon. That was why he made his move. Ikinagulat man iyon ng dalaga.

“J-Jared…” hindi mahuwang sambit ni Kathryn. Napangiti siya. Inabot na lang niya ito at hinalikan. Hindi ito tumanggi bagkus tumugon tanda na iisa lamang ang nararamdaman nila.

Araw ng biyernes at pumasok si Kathryn sa Roxy. Maaga siyang dumating upang ayusin ang mga bagong stock ng alak sa Cat Bar.

Mag-aalas dose na nang dumating si Jared. Magkakasama sila nina Amber kasama si Lourd nang lumapit ito.

“Hi.” Bati nito. Dagli itong nakalapit sa kanya at hinapit siya. And he kissed her on her lips.

Parang kidlat na dumaan sa kanya ang kakaibang sensasyon. Mabilis ang paghalik nito at ganoon din ang naramdaman niya ngunit tila ginising noon ang lahat sa pagkatao niya. Inisip na lang niya na marahil epekto na iyon ng alak dahil nakakailan na rin siyang shot ng mixed drink.

“Bakit ngayon ka lang dumating? Kanina ka pa hinihintay ni Kathryn.” Nagbibirong saad ni Cleo. Tumawa si Jared at naupo sa tabing stool niya.

“Naipit ako sa bahay.” Sagot nito.

“Hindi mo tuloy napanood kung gaano kagaling si Kathryn.” Ani Lourd. Nilingon niya ito at iniangat nito sa harap niya ang hawak baso ng alak nito. Ngumiti siya.

“One of these days, mapapanood ko rin s’ya. Malay n’yo I will have my own private viewing.” Sagot nito at nag-oohh sina Amber, Cassie at Cleo. Umiling naman si Lourd.

“Ikaw na pinsan. Ikaw na talaga.” Sabi ni Lourd. Inubos nito ang laman ng baso nito at tumayo. “Maiwan ko muna kayo. Bisitahin ko lang ang VIP.”

“Agad? Agad?” nagtatakang sabi ni Cassie ngunit hindi naman pinansin ni Lourd ito. Naiwan silang nagtatawanan at ipinagpatuloy ang kwentuhan.

Ngumiti nang malapad si Amber. “A private viewing?”

Halos matapon niya ang iniinom nang biglang nagsigawan sina Cleo at Cassie. Bigla din tuloy siyang nailang.

“May pag-uusapan lang kami.” Tila hindi naman apektadong sagot ni Jared at tumayo ito. Napatingala siya dito habang inalalapag ang baso niya.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Let’s talk.” Sabi nito at wala na siyang nagawa kundi tumayo na rin at hinila na siya ni Jared palayo. Ngumiti na lang siya kina Amber na panay ang nanunudyong ngiti sa kanya.

Hawak-kamay silang naglakad sa gitna ng mga patry goers ng bar. At marahil dahil sa epekto ng alak ay nahilo siya kaya napahigpit ang hawak niya sa binata.

Nakaramdam ng kaunting ginhawa si Kathryn nang marating ang rooftop ng bar dahil sa pagsalubong ng mahinahong hangin.

“Anong gagawin natin dito?” tanong habang umuupo sa silya. Nagsalin naman ito ang lemonade sa isa sa mga baso.

“Mag-uusap.” Tugon nito.

“Hindi ba tayo pwedeng mag-usap sa baba?” napapantastikuhan niyang tanong.

He smiled that took her breath away. Iginagulat niya iyon. Bakit parang napakagaan ng aura nito ngayon? Parang walang pinagdadaanang problema. Marahil dahil nakalabas na ng hospital ang lolo nito. Napanood niya sa TV na maayos na ang kalusugan ng senador kahit paano.

“This is more private.” Sagot nito at naglagay ng yelo sa dalawang baso saka sinalinan ng lemonade.

“At kailangang walang ibang tao?” tanong niya. She loves staring at him. Wala na siyang pakialam kung mapansin nito na tinitigan niya ito. Talaga nga yatang umeepekto na sa kanya ang alak na nainom niya. Kinuha niya ang isang baso at uminom. Baka sakaling mag-iba ang pakiramdam niya.

“You look cute in that face.” Saad nito. Siya ay hindi alam kung paano sasagutin ang sinabi nito. Nilapitan tuloy siyang tumalikod dito at lumapit sa batong hamba ng rooftop dahil sa pagkailang.

“Galing ako sa bahay. I had dinner with the family. Alam mo ba kung anong pinag-usapan namin?” sagot at tanong nito. She turned around.

“Ano?” may ilang sandaling hindi ito nagsalita. Bigla siyang kinabahan. Ano kaya ang sinabi ng ina nito tungkol sa kanya?

“Ano nga?” muli niyang tanong. But the truth was her heart started to beat irregularly.

“Ikaw. Everything na pwede nilang malaman tungkol sa’yo.” tugon nito.

“A-anong tungkol sa’kin?” puno ng interes niyang tanong.

He sighed. “Anything. Kung paano at saan tayo nagkakilala. Gaano na tayo katagal. What’s so special about you that I like? Those stuffs.”

“Iyon lang? Wala na silang ibang sinabi sa’yo?” panay tanong niya.

“Iyon lang naman.” sabi nito.

“Anong isinagot mo sa mga tanong nila?” naisip niyang itanong. Muli itong tumawa at tumingin sa kanya nang kakaiba. Kumunot ang noo niya.

“That you’re everything.” Sagot nito. Hindi niya naiwasang mapangiti. Ramdam niya ang panginginit ng pisngi kaya siya nag-iwas ng tingin.

“Magaling ka ring magsinungaling ‘no?” she was half amazed half annoyed with the way he looked at her. Hindi niya maintindihan ito kung patungo ito sa pakikipag-flirt sa kanya.

“Naririnig mo ba ‘yong music?” tanong nito. Bahagya niyang ikinilos ang ulo upang pakinggan ang sinasabi nito. Isang pamilyar na kanta ang mahina niyang naririnig mula sa loob ng bar.

“Medyo. Bakit?” tugon niya.

“Sayaw tayo.” Sabi nito. His smile was filled with amusement.

Natilihan si Kathryn. The fact that Jared like to dance with her made her sweetly shiver.

“Medyo may tama na ‘ko. ‘Wag na lang.” pagdadahilan niya. Ngunit naarlama siya nang lumakad ito papalapit sa kanya.

“Let’s give it a try. Sige na.” He then said and she was stunned.

Inilahad ni Jared ang kamay. She looked at his hand then turned to him. At hindi na niya namalayan na inabot niya ang kamay nito.

Pinagsaklob ni Jared ang kanilang mga palad. Isang kamay niya ay inilagay sa balikat ng binata samantalang kusa nang dumako ang isang kamay nito sa kanyang baywang.

“I-I think your holding me too tight.” sabi ni Kathryn nang bigla siyang hapitin ng binata. Hanggang leeg lang siya nito kaya nalanghap niya ang cologne nito.

“I’m not. Naninigas ka lang.” bulong nito sa tainga niya. At napapikit siya.

Nagsimula silang gumalaw. The Feeling of her own body flow the energy in it, muscles playing and stretching. It was similar to wonderful feeling of security and calmness. Hindi mapigilan ni Kathryn na mapangiti dahil si Jared ay pilit na sumasabay sa kanyang galaw. Wala itong alam sa pagsasayaw. Ramdam niya iyon. Pero ngayon ay kayakap niya ito. Feeling his every warmth.

Bumitaw ang isang kamay ni Kathryn to make a full turn pero masyadong nagmadali ang binata at sa pangalawang ikot ay natapakan siya nito.

“Ouch!” naiangat niya ang isang paa ngunit dahil sa pagkabigla ay hindi niya naalalayan ang panimbang.

“I got you.” mabilis ang naging kilos ni Jared and she fall in his arms instead on the floor. Napayakap na siya ng tuluyan sa binata. Nanatili sila sa ganoong posisyon. Feeling each other’s heartbeat. Nakalimutan na niya ang sakit ng paa.

“Hindi kaya mamatay ang kuko ko sa ginawa mo?” she joked while still embracing him. Wala siyang narinig na sagot mula rito kundi isang mahinang tawa.

The feeling of sweet sensation that taste like the most expensive cuisine registered in every vein of her. Hindi niya akalain na mararamdaman niya iyon sa piling ni Jared.

“Kat.” Parang musika sa pandinig niya ang pagtawag nito and still holding her tight.

“Hmm?”

“Whatever happens, ‘wag kang bibitaw.” pabulong na sagot nito. And she felt tiny kisses on her shoulder.

“Ano?” gulat niyang tanong at akmang lalayo dito ngunit pinigil nito.

“I love holding you like this.”

Natawa na lang si Kathyn sa sinabi nito kasabay ng kilig na nararamdaman.

“Ako din. I love…” she trailed.

“Ano?” He softly demanded.

“Ito.” Pabulong niyang saad. “Bitaw na tayo.”

“Ayoko.” bulong nito.

“Bakit?” pabulong din niyang tanong.

“Hindi ko alam. Basta gusto kong lang ganito tayo.” Parang batang isinubsob ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya, draining her scent. Tila iniangat ng mga paru-paro si Kathryn sa alapaap. Tila ayaw na niyang matapos ang sandaling iyon.

Nanatili nga sila ang ganoong posisyon. Magkayakap at parehong mahinang sumasabay sa tyempo ng kanta.

“You are the strength. That keeps me walking. You are the hope that keeps me trusting. You are the light to my soul…you’re everything.” Hindi na namalayan ni Kathryn na inaawit na pala niya ang tugtog na sinasabayan nila. And it felt like magic.

“And how can I stand here with you…And not be moved by you…” si Jared naman ang umawit. Napangiti siyang muli.

“Alam kong mas malalim ang meaning ng song pero…I feel it like more of a love song.” Sabi nito.

“Yeah.” Tangi niyang nasabi at naramdaman niya at dahan-dahan nitong pagkilos. He grabbed her face too close to him.

At nangyari na lang ang inaasahan ni Kathryn at alam niyang hindi niya pagsisisihan. Bumaba ang mukha nito patungo sa kanya at naglapat ang kanilang mga labi. Nanginig ang kanyang kalamnan. She was more than moved by him. Hanggang malugod niyang tinanggap ang halik na iyon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.