ROXY CITY SERIES 1 (MARRY A SONG) Chapter 4

Hindi napigilan ni Kathryn na mahawa sa malakas na tawanan nina Cassie at Cleo habang pinag-uusapan nila ang ginawa niyang pagsira sa kotse ni Jared. Nasa club sila noon at kasalukuyan siyang nasa bar.

“Sayang hindi ko nakita ang hitsura ni Jared. That was a BMW for Christ sake!” Tuwang saad ni Cassie.

“You’re one hell of a bitch, young lady.” Dugtong ni Cleo.

“Never in my wildest sense that I’ve done that. Ginawa ko lang ‘yon para iparating sa mokong na ‘yon na hindi ako basta-basta. But what happened backed fire on me. Honest.”

Hanggang sa magulat silang tatlo nang biglang lumapit sa kanila ang lalaking hindi niya nanaising makita. Kaagad na nag-iba ang tibok ng puso niya. Kung takot o galit ay hindi na niya sigurado. Paano’y hindi niya kayang salubungin ang galit sa mga mata nito.

Gwapo si Jared. Iyon ang hindi niya kayang itanggi sa sarili. Nakasuot ito ng white shirt na may nakatatak na ‘God sees no color’, a jeans at VANS skate shoes.

‘Mukhang artist ang isang ito ah. Hindi mukhang mayabang na politician.’ naisip kaagad ni Kathryn. Umupo ito sa tabi ni Cassie.

“Can we talk?” sabi nito na hindi pansin ang mga kaibigan niya.

Nakatingin lang silang tatlo dito. Si Cleo ay nagtaas pa ng kilay.

“Ahm, Sila ang mga kaibigan ko. Cleo and Cassie.” Pakilala niya sa mga ito.

“Actually, I want to talk to you. Alone.” Malayong tugon nito.

“Bakit?” singit ni Cassie. Hindi sumagot si Jared. Ibig ipahiwatig nito na gusto nitong kausaping mag-isa ang dalaga. Mukhang nakahalata ang dalawa at nauna nang tumayo si Cassie.

“Let’s go, Cleo. Mukhang gustong solohin ni Konsehal si Kathryn.” Nakataas ang kilay na sabi ni Cassie.

Tumayo si Cleo upang umalis kasama ni Cassie. Ngunit bago tuluyang makalayo ang dalawa ay nagsalita ang huli.

“Bawal ang war freak dito, councilor. Just take it cool.” pagbabanta nito.

“Thank you, girls.” Imbes na mainis ay nakatawa pang sumagot ito.

“Ganoon ba talaga kahalaga ang sasabihin mo at kailangan pa nilang umalis?” dudang tanong niya dito

“Akala mo palalampasin ko ang ginawa mo? Nagastusan ako ng halos isangdaan libong piso para sa kotse ko. At sisingilin ko ‘yon sa’yo.” Sabi nito.

Napangisi si Kathryn. “Hindi ko babayaran ‘yon. Kaya pwede ba umalis ka na at nagtatrabaho ako.”

Hindi ito tumugon ngunit hindi naman umalis. Kinuha niya ang cotton rug niya akmang pinunasan ang lugar malapit dito upang itaboy ito.

“If you don’t ask for a drink you don’t belong here. May bayad ang pagtambay sa bar ko. Tsupi.” May pang-iinis niyang saad dito.

“Member ako dito as if you don’t know.” Sabi nito.

“So what? Bar ko ‘to. See?” nagyayabang niyang tugon sabay turo paitaas.

Umangat ang mga mata nito na nakita ang pangalan ng bar.

‘The Cat Bar’

Bumalik ang tingin nito sa kanya. Hindi ito tumugon at may dinukot sa bulsa nito. Cellphone iyon at pumindot ito. Tila may tatawagan. Hinayaan niya ito.

“Hello? Attorney Perez. Hi, good evening.” Masiglang sabi nito sa kung sinumang kausap nito. “Well, I’m good, I’m good. Oh, thank you. Para anupa’t magkaibigan tayo? I just want to consult a case to you.”

Hindi napigilan ni Kathryn na pakinggan ang pakikipag-usap nito. Pasimple siyang kumikios sa bar ngunit alerto siya sa mga sinasabi nito.

“Yeah. No, no, hindi naman. Something just happened the other day. May sumira lang kasi sa kotse ko eh.” Anito at pagkarinig noon ay marahas siyang napatingin dito. Bumalot ang kaba sa kanya.

“U-huh. So pwede namang kasuhan ‘yon? Oo, kilala ko.” Sabi pa nito at tumingin sa kanya. “Actually, attorney, kinausap ko naman s’ya pero s’ya pa ang matapang eh. Maybe she wanted a court settlement. Sa tingin mo?”

Marahas siyang nabuga ng hangin at marahas din niyang pinalo ang bar sa harap nito. Sadyang sinusubukan siya nito.

“Ano ba talagang gusto mo? Mag-sorry ako?” aniya at wala siyang pakialam kahit na may kausap pa ito. “Sino bang nauna? You almost hit me. Baka akala mo madali ang ginawa mo.”

“I’ll call you back, attorney.” Sabi nito sa kausap na sa kanya nakatingin. Ibinaba nito ang cellphone at humarap sa kanya.

“I started it, fine. That’s why I wanted this to end.” Saad nito.

She snorted. “Eh ‘di tigilan mo na ‘ko. Hindi naman ako naniniwala na wala kang pera pampagawa sa kotse mo. Barya lang ‘yon sa’yo de Veyra. Nasira ko kotse mo? Okay. I’m sorry. Quits?”

“Correction. Sinira mo.” agap nito.

“Sige. Sinira ko na. Pantay na karapatan lang naman ang gusto kong mangyari. Binastos mo ‘ko kaya sinira ko ang kotse mo. Anong problema mo ngayon?” inis niyang saad.

“Hindi ko sinasadyang bastusin ka. Hindi ako nagsisinungaling no’ng sinabi kong hindi maganda ang mood ko. You can even ask Lourd what’s the real reason.” Sagot nito.

Natigilan si Kathryn. Wala na ang galit sa tinig nito. Wala na rin ang panghahamak. Hindi na nakikipagtalo. She saw how his looks softened. Inis siyang nag-iwas ng tingin.

“Let’s talk about what you did.” Anito at muli siyang luminogn. “It was immature, Kathryn. Intentional ang ginawa mo. It means, you planned it and you executed it. ‘Yon ang difference ng ginawa natin sa isa’t-isa.”

“Anong gusto mong mangyari ngayon? Idedemanda mo ‘ko? Sige.” tanong niya.

He chuckled. “Hindi naman ako gano’n kababaw. Pero kung mapilit ka gagawin ko ‘yon.”

Umismid siya. “Sa korte na lang tayo mag-usap.”

“Let’s have a deal instead.” Sabi nito at salubong ang kilay siyang tumingin dito.

“Deal naman ngayon. Pambihira.”

“But you have to learn your lesson.” Pamimilit nito.

“Alam mo, Jared, wala namang pinupuntahan ang pinag-uusapan natin.” Pikon na pikon niyang saad.

“Hey, hey, hey. Mukhang nagkakainitan na naman kayo.” Anang tinig ng papalapit na si Lourd. Palipat-lipat sa kanila ang tingin nitong tumabi kay Jared.

“Baliw yata ‘yang pinsan mo.” himutok niya at inabala ang sarili sa pagsisilbi ng mga mixed drinks.

“Isang malupit na bar trick nga, Madam.” Ani Lourd sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. “Whoa. Bad mood. Ano ba ‘yan? Hindi pa kayo ganyan na kayo mag-away.”

“Mahirap ‘yan kausap eh.” Ani Jared.

“At ikaw hindi?” agap niya.

“Hep.” Awat ni Lourd. “Okay, ganito. Nabastos ka n’ya sabi mo, di’ba?”

Hindi siya tumugon.

“Ikaw?” Anito kay Jared. “Binastos n’ya ang kotse mo. Tama? At nagastusan ka. So, lumalabas…mas may kasalanan ka.”

“Ako? Ako talaga?” hindi makapaniwala niyang sabi dito. Hindi niya akalain na kakampihan ni Lourd ang ginawang pangbabastos sa kanya ni Jared. Ang buong akala niya ay naiintindihan siya nito.

“Wait. Kathryn-”

“Fine!” galit na siya. “Babayaran ko kung magkano mang nagastos mo. At kung gusto mo akong idemanda, sige.”

“That’s not what I wanted.” Ani Jared. Napalingon siya dito.

“Hindi. Babayaran ko ‘yon.” Pamimilit niya.

“Okay, fine.” Anito at napipikon na ring tumayo. “You want to pay for it? Sige. Pero hindi sa paraang gusto mo. Serve for me. Wala na akong cleaner sa unit ko. Kung gusto mo talagang bayaran ako, maging cleaner ka sa’kin. Mag-report ka sa’kin bukas. My house badly needs a hand. Tapos na ang usapang na ‘to.”

“Aba’t talagang…” gulat at gulung-gulo siya habang pinapanood ang paglayo nito.

“Pumayag ka na. Kaysa naman magdemandahan kayo.” Si Lourd.

“Alam mo? Kasalanan mo ‘to eh.” Iglap niyang sabi dito at padabog na lumabas ng bar. Tuluyan na siyang nawalan ng gana sa pagtatrabaho. Kung bakit ba kasi nakilala pa niya si Jared de Veyra na sadya yatang ipinanganak upang galitin siya.

“Bakit ngayon ka lang?” salubong ang kilay na sabi sa kanya ni Jared nang pagbuksan siya nito. Umikot ang mga mata niya sa inis.

“Traffic.” Walang gana niyang sagot. Niluwagan nito ang bukas ng pinto at pinapasok siya.

Mabilis na kumalat ang paningin niya sa buong kabahayan. The place was a bit plain. Lantad na lantad ang masculine vibe. Simple at corporate ang kulay ng bahay. Tulad din ng mga gamit na tila pulos abuhin at silver.

Lumipad ang tingin niya kay Jared at palihim na napalunok sa nakitang ganda ng pangangatawan nito. He was only wearing a gray sando. Nakapa-panjamas ito ngunit hindi iyon nakabawas sa umaapaw nitong appeal. She found him very private yet sexy with his untidy look. Mukha kasing hindi pa ito naliligo. And his biceps? Hindi man iyon kalakihan ngunit toned naman. Lalo pang nahalata ang hugis noon dahil sa paghawak nito sa binabasang papel.

Nais niyang kutusan ang sarili. Hindi niya mapigil na hanggaan ito sa kabila ng inis niya dito. She can still feel an attraction. Ayaw niyang makita ito ngunit hindi naman niya mapigil ang sariling titigan ito.

Tumikhim siya upang gisingin ang sarili at upang kuhanin na rin ang pansin nito. Lumingon ito sa kanya.

“Anong gagawin ko?” pasungit niyang tanong.

“Maglilinis.” Tugon nito.

She rolled her eyes. “Wala akong gamit. Bahay mo ‘to.”

He sighed. “Sa kaliwa sa gilid ng cr may storage. Naroon na lahat ng kailangan mo.”

Kumibot paingod ang labi niya at umiikot ang mga mata siyang kumilos patungo sa sinabi nito. Kinuha niya ang walis tambo at duster. Nakakita din siya sa glass cleaner at kinuha iyon. Saka bumalik sa sala. Ngunit natigilan siya nang pagbalik niya ay may kausap nang babae si Jared. Nakasuot ito ng three-piece corporate suit. Abuhin iyon. At maganda ang babae.

“Mauna ka na sa cityhall. Iwan mo na lang ‘yang report.” Ani Jared sa babae na kaagad niyang inakalang sekretarya nito. Imposible naman kasing girlfriend nito iyon. He would never talk to her like that if it was not corporate.

Tahimik siyang kumilos at nakarating siya sa may divider at doon nagsimulang maglinis. Pasimple siyang nakikinig sa usapan ng dalawa.

“Paano ‘yong dialogue mo sa porok uno? Hinintayin ka nila. Nakausap ko ‘yong kapitan nila ayaw talaga nilang umalis eh.” Sabi ng babae. Malamig at malambing ang boses nito.

“Ibigay mo sa’kin ang number ni kapitan. Kakausapin ko. Give this to Jeffrey. Tell him to stop sending that to me. Hindi ako interesado sa proposal n’ya. Ayokong nakikialam si lolo sa trabaho ko. Magkakadahilan lang ‘yon para kontrolin ako.” Saad ni Jared habang iniaabot ang isang hindi kalakihang kahon. Kulay puti iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay tila Apple gadget iyon.

“Magpapahatid ka ba? Wala pa kasi ang kotse mo.” sabi nito sa binata.

“Oo, kay Gab. Pasunurin mo dito.” Tugon ni Jared.

“Sige, sir.” Sagot ng babae at tumingin sa kanya. “Sino s’ya? Bagong cleaner? Nasaan na si ate Norma?”

Lumipad din ang mata ni Jared sa kanya. “Si Kathryn. Umalis na si Norma. Umuwi ng probinsya.”

“Hi.” She said politely. Isang matipid na ngiti ang itinugon nito at palipad na humagod ang tingin nito sa kanya.

She must be scanning her look. Nakasuot siya ng itim na skinny jeans at asul na oversized blouse. Off-shoulder iyon kaya nakahantad ang isang balikat niya. She was wearing a leather boots on her feet.

“Hindi s’ya mukhang cleaner.” Komento nito. She glimpsed sharpness on her tone.

She smiled. “Hindi kasi nag-issue ng uniform si boss Jared. At saka temporary lang naman eh.”

“She’s right.” Ani Jared. “Umalis ka na, Juliet. Susunod na lang ako.”

Tumango ito at bago pa kumilos paalis ay nagbigay pa ng huling tingin sa kanya. She smiled again. Tipid naman ang tugon nito.

“Masyadong seryoso ang assistant mo, boss.” Sabi niya nang maiwan silang dalawa at habang pinupunasan ang divider nito. Si Jared ay inaayos ang mga papel nito sa center table.

“She has to be. Hindi biro ang trabaho namin.” Sagot nito.

She smirked. “Wala namang madaling trabaho.”

Hindi na niya ito narinig na tumugon at nang lingunin niya ito ay abala na ito sa pagbabasa. Hindi na siya nangulit at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. Hanggang sa nakita niya itong pumasok sa kwarto nito.

Iniikot niya ang mga mata. Nakita niya ang isang piano. Kaagad niya nilapitan iyon at ininspeksyon. It was a grand. Napaisip siya kung ginagamit ba iyon ng binata o display lang iyon. Marunong kayang tumugtog si Jared?

Nagkibit-balikat siya at naupo sa harap ng piano. Iniangat niya ang takip noon at hinimas iyon. She felt different right away. Saka kusa nang gumalaw ang daliri niya at mag-umpisang tumugtog.

Unti-unting binalot ng tunog ng piano at ng kanyang tinig ang buong paligid. Tulad ng madalas ay nakakalimutan niya ang lahat kapag tumugtog na siya. She always finds herself in love with the music. Na tila nadagdagan ang lakas niya sa tuwing nasa harap ng kahit na anong instrumento at tumugtog na.

Patuloy ang tipa niya at ganoon din ang kanyang pag-awit. She was engrossed by the sound. Tuluyan na siyang nadala sa pagtugtog. Tila ayaw tumigil ng kanyang mga daliri at nais tapusin ang kanta. Kung hindi pa niya narinig ang palakpak ay hindi siya mapaipahinto.

“Oh, bakit tumigil ka?” anang nakangiting si Jared.

Napapahiya niyang tinakpan muli ang piano. Kaagad siyang kinabahan at binalot ng pagkailang. Wala siyang kamalay-malay na pinapanood pala siya nito.

“M-maglilinis pala ako. Sorry.” Aniya saka tumayo.

“Tama si Lourd. Magaling ka nga. Now I know why he is crazy about you.” Saad pa nito. Kunot ang noo niya itong nilingon.

“Crazy?”

“Yeah.”

She snorted. “Ikaw ang crazy. Kung anu-anong pinapagawa mo sa’kin para lang makaganti ka.”

Tumawa ito. “You need to learn your lesson.”

Tiningnan niya ito nang masama ngunit hindi na siya sumagot. Inabala na lang niya ang sarili sa paglilinis upang makaalis na.

“I could marry you, you know that? That’s how good you are.” Sabi nito at gulat siyang napatingin dito. He was smiling to her. Napatitig siya dito. Hanggang sa lumakad ito palabas at tulala pa rin siya. Nakatitig lang sa nakasarang pintong nilabasan nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.