ROXY CITY SERIES 1 (MARRY A SONG) Chapter 5

“Kathryn!” pasigaw na tawag sa kanya ni Amber. Maingay sa loob ng club dahil bukod lakas ng tutog ay marami pang tao. Katatapos lang ng unang set ni Amber at kasalukuyang nagpapahinga sa Cat Bar. Katabi nito si Cleo.

“Ano?” sagot niya.

“Look who’s here.” Sabi nito ngunit hindi naman sa kanya nakatingin. Nasa entrance ang mga mata nito. Sinundan niya ang tinitingnan nito at mabilis na umahon ang inis sa kanya.

“I guess your ‘boss’ is with someone so pretty, huh?” narinig niya ang sinabi ni Amber.

Nakita niyang pumasok si Jared kasama si Juliet. Pumusweto ang mga ito malapit sa DJ booth. Noon din ay nakita niyang lumapit si Lourd sa mga ito. At tila kilala rin nito si Juliet.

She raised her brows. Hindi niya inasahan na magkasama ang dalawa. Hindi kaya’t mahigit pa sa professional ang mayroon ang mga ito? Nagkibit-balikat siya. Wala naman siyang dapat na pakialam ngunit bakit tila apektado siya?

“One sweet tight pussy, please.” Anang isang tinig kaya nilingon niya ito.

“Eeli?” ani Cleo sa babae. Gulat na gulat ang kaibigan niya. Sila naman ni Amber ay nagkatinginan habang sinisimulan niyang gawin ang mix na inorder ng babae.

“Anong ginagawa mo dito?” kunot na kunot ang noon a tanong ni Cleo.

“Makiki-party. Bakit? Bawal?” may asik na tugon ng babae.

Nakita niyang nagbuntong-hininga si Cleo. Halatang hindi nito nagustuhan ang pagdating ng kausap nito.

“Ahm, kapatid ko, si Eeli.” Tila napipilitang sabi ni Cleo nang tumingin ito sa kanila ni Amber.

“Hi.” Kulang ang ngiting sabi nito sa kanila. She smiled and served her prepared mixed drink. May katapangan ang inorder nito sabay lipad ng tingin niya kay Amber. Minsan nang naikwento ni Cleo sa kanila ang tungkol sa kapatid nito. At tama nga itong hindi nito kasundo iyon.

“Mga kaibigan ko sila. Eeli, narito ka sa trabaho ko kaya pwede ba ‘wag kang gagawa ng gulo.” Sabi ni Cleo sa kapatid.

She saw how Eeli snorted to her sister. Napa-angat ang kilay niya.

“Ate, pwede ba? Ang KJ mo.” sabi nito.

“Halika nga.” Ani Cleo at hinila palayo ang kapatid. Naiwan sila ni Amber saka lumapit si Cassie.

“Girls, may problema.” Nag-aalala nitong sabi. “Walang banda sa Stage. Hindi na naman dumating si Venice.”

“Ano? Adik talaga ‘yan babaing ‘yan. Siguro kasama na naman ‘yong hapon.” Naiinis niyang saad.

Si Venice ay ang vocalist ng in-house band sa Stageplay. Madalas na mapagalitan ito ni Roxanne dahil sa attitude problem nito. Kung hindi nga lamang naaawa si Roxanne kay Venice ay baka sinesante na nito ang singer.

“Salang ka, Kat.” Ani Cassie.

“Ano? Okay ka lang? Anong salang salang? Busy ako dito.” bulas niya.

“Come on, wala na tayong oras. Magset-up ka na ‘don. Tatawagin ko si Jacob para pumalit sa’yo.” Sabi ni Amber at iniwan na sila.

“Pambihira.”

“Let’s go, Kat. This is your night.” Si Cassie.

“Fine.” Halos hindi iyon lumabas sa labi niya. Ang totoo ay ayaw niyang magperform dahil sa umaahong kaba. Marunong siyang kumanta at tumugtog ngunit hindi sa harap ng ibang tao. Lalo na kung maraming tao. Ngunit kung hindi naman niya gagawin iyon ay malalagay sa alanganin ang Roxy. Napilitan tuloy siyang sumunod kay Cassie patungo sa Stageplay.

Tumigil ang maingay na tugtog at pumunta sa stage si Amber. May hawak itong mic na pawang magsasalita.

“How you doin’ tonight?” sabi nito sa mic. Nagsigawan ang naroroon bilang tugon. Everyone seems enjoying the night.

“Sorry if I’m going to interrupt your ‘night siesta’ but there’s something I wanna say.” Tumawa ito ng sumigaw ulit ang audience bilang iparating sa rito na okay lang.

“Well, tonight is special.” Panimula nito. Nakatingin lang si Kathryn sa stage habang nakaupo sa couch sa may platform ng bar. She has a glass of scotch on her hand. Talagang kinakabahan siya.

“Before we perform, I would like to say hi to my friend over there.” Sabi nito sabay turo sa gawi niya. Sumunod ang tingin ng mga tao pati na ang spotlight. Nasilaw si Kathryn. Itinakip niya ang kamay sa mata.

“Our beautiful friend Kathryn, just ot something for us tonight.” Patuloy nito at ‘nag-ooh’ ang mga tao. Nangiti si Kathryn sabay iling saka unti-unting napawi ang ngiti nang maisip ang sinabi ni Amber.

‘This is it, Katharina. Patulan mo na ‘to. Ito naman talaga ang gusto mo kaysa magtimpla ng alak.’ Anang isip niya.

“Do you like that?” tanong ni Amber at inilayo ang mic at itapat sa audience.

“Yes!” tila nagkaisa ang lahat sa sagot ng mga ito.

Napatawa si Kathryn. Now she’s really on the hot seat. Mukhang napasubo na siya.

Lumapit sa kanya si Cassie.

“Tawag ka ni Lourd.” Sabi nito sa kanya. Nagtataka man ay sumama pa rin siya dito. Tumaas sila sa isang spiral staircase sa gilid ng stage papaunta sa pawang animo’y top floor ng bar. Nakita niya si Lourd.

“Anong gagamitin mo?” tanong nito na hawak ang dalawang gitara. Atubili siyang kunin ang mga iyon. Isa lang ang ibig sabihin noon. Magtatanghal na talaga siya? Here and now?

“I-ito na lang.” Umaahon ang kaba niyang tugon. It was now or never.

“As you wish, my lady.” Ani Lourd at napalingon siya kay Jared. “Tutulungan ka ni Jared. I can’t play. Kailangan ako sa taas.”

“Let’s go.” Yaya sa kanya ni Cassie nang makuha niya ang gitara.

Sa stage ay naroon pa rin Amber. Nakita niyang hindi pa lubos na nakakapagligpit ang bandang dapat ay tutugtog. Lumapit si Jared sa mga iyon at kinausap. Nagtaka siya at nagulat. Si Jared? Marunong tumugtog?

“So, people, I’m presenting you a very talented young lady, our dear friend, Kathryn! And of course, this you gotta’ see, Counsilor Jared de Veyra!” at isinigaw nito ang kanyang pangalan.

People started to shout. Noon siya lalong kinabahan kaya napabuga siya ng hangin. Lumapit siya sa kay Jared na kasalukuyang isinusukbit ang electric guitar sa leeg nito.

“Excuse me.” Aniya at nilingon siya ng binata.

“Yeah?” saad nito. Hindi siya kaagad nakatugon.

“May sasabihin ka ba? Naghihintay ang mga tao.”

Napakurap siya. “Ah, oo. Hindi ko ‘to kayang gawin mag-isa eh.”

Umangat ang kilay nito saka nilingon ang mga kasama. Nagkibit-balikat lang ang mga ito at muling tumingin si Jared sa kanya.

“Kaya nga andito ako di’ba?” Tugon nito. Nakahinga siya nang maluwag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagawa ng ngiti nito na buhayin ang kumpyansa sa sa kanya. Napangiti siya.

“Salamat. Let’s hit Himala, just a pitch higher.”

“Okay.” Sabi nito at pumuwesto na ang mga ito. Siya naman ay nanginginig ang kamay na pumagitna ng stage dala ang acoustic guitar. Hamarap siya sa mic.

“H-hi guys.” Panimula niya bati. Nagsigawan naman ang mga tao bilang tugon.

“Goodluck…to me.” Natatawa niyang sabi upang mabasawan ang kabang nararamdaman. Nagpalakpakan naman ang lahat. Nakita pa niya si Amber at Cassie sa gilid at nakangiti ang mga ito. Amber winked at her. Tahimik niya itong pinasalamatan gayong gusto niya itong kastiguhin sa ginawa ng mga ito.

Muli siyang nagbuga ng hangin at nilingon si Jared. Nakahanda na ito. Then she strated to strum her guitar.

“Pangarap ko’y makita kang naglalaro sa buwan…Inalay mo sa akin ang gabing walang hangganan…Hindi mahanap sa lupa ang pag-asa…Nakikiusap na lang…”

Napalingon siya kay Jared pagdating sa chorus. Narinig niya ang tinig nito at sinabayan siya. They sang the last lyrics together. At hindi niya napigilang mapangiti habang nakatingin dito. She felt good singing with him. Lalo siyang ginanahan.

Jared sang the next verses. At hindi niya napigilang humanga sa ganda ng tinig nito. Namalayan na lang niya ang sariling binibigyan ito ng mga second voice.

They continue performing in duet. She mingled with the band so easy. Kathryn did the chorus again and people started to sing along with her.

They reached a pitch higher. At magkahinang ang mga mata nilang inawit ang natitirang verses. At aaminin niyang nagugustuhan niya ang pag-awit kasama nito. With the guitar and Jared. Tila nagkaroon ng positibong kahulugan ang awit. At tila ganoon ang binata sa kanya. Nakangiti ito habang binibitiwan ang titik ng kanta.

Kathryn felt her sweat slipped from her neck down to her chest. She never felt so good so far. Hindi niya pinagsisisihang pumayag siya sa suhestyon ng mga kaibigan. Nahiling niya na sana ay ito na ang umpisa ng katuparan ng pangarap niya.

She sang the bridge with Jared beside her. Lumapit pa ito sa kanya habang sinasabayan siya sa pag-awit.

“Di mahanap sa lupa ang pag-asa…Nakikiusap na lang…”

“Isang himala…” Sabay nilang binanggit ang huling titik at parehong napatawa pagkatapos. Sikip sa buong bar ang naging ingay ng mga taong naroon. Everyone was clapping and clamoring.

“Thank you!” Kathryn bowed with the band for gratitude.

“You’re so good!” Amber exclaimed as they walked back off the stage. Pagdating sa gilid ay nagyakapan sila at nagtitili pa si Cassie.

Walang masabi si Kathryn. She was so happy. Parang nawala ang takot niyang humarap sa maraming tao. Nakalimutan niyang pinapanood siya ng mga naroon. Parang natupad na ang pangarap niya. Hindi man niya maituloy ito ay at least ay nagawa kahit isang beses.

“Thanks.” Nakatawang saad ni Kathryn. Lumampas ang kanyang tingin sa likod nito. Doon ay nakatayo si Jared at papalapit sa kanya. Hawak pa nito ang gitara nito.

“That was great. Nag-enjoy ako. Sana hindi ito ang huli. See you tomorrow, Siren.” Saad nito at wala na siyang naitugon dahil mabilis na itong lumayo. Napapantastikuhang tinanaw ni Kathryn ang paglayo nito. Saka naradaman ang pag-init ng pisngi. Alam niyang namumula iyon. It was all because of Jared.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.