“Mind if I help?” narinig ni Kathryn ang tinig ni Jared. Gulat siyang napalingon dahil ang alam niya ay maaga itong umalis patungo sa opisina nito.
“A-ah. Akala ko nasa conference ka. ‘Yon ang text mo sa’kin kanina.” Ilang na ilang niyang sagot. Ni hindi niya magawang tumingin nang deretso dito.
She heard him chuckled. “May kukunin lang ako.”
Ekseherado siyang tumawa saka tumalikod upang kunwa’y hinarap ang pagsi-spray sa halaman sa bintana. Pilit niyang inabala ang sarili. Saka niya naramdaman ang paglapit nito.
“Hindi ka ba puyat? You have a blast last night.” Pahayag nito at dahan-dahan niyang nilingon ito. He looked at her with such tenderness.
“H-hindi naman. Sanay naman ako sa puyatan.” She said in a small voice. Mas gugustuhin pa siguro niyang masungit ito kaysa sa ganitong hindi siya halos makahinga sa kaba.
“Nag-aalala lang ako sa’yo.” Halos pabulong nitong sagot. She gaped and he smiled. Her breath then tightened.
Kumilos ito at umupo sa one-seater sofa. Nag-iwas siya ng tingin ngunit ramdam niya ang bawat kilos nito.
“A-akala ko may kukunin ka lang.” Aniya.
“Maya-maya na.” tugon nito at biglang tumayo. Nakita niyang lumapit ito sa piano. Naupo ito doon saka tumingin sa kanya.
“Ang sabi sa’kin ni Lourd ayaw mong subukang mag-record ng album kahit magaling ka. Okay na sa’yong ibang artist ang kumakanta ng mga sinusulat mo. Bakit?”
Napangiti siya. Umalis siya sa harap ng bintana at naupo. “Hindi ako kumportable kasi na mag-perform sa harap ng maraming tao. Kinakabahan ako kaya madalas nawawala ako sa focus.”
“Iyon lang ang dahilan mo?” tanong nito.
“S-Siguro.” Nagbuntong-hiningang sagot niya. “Minsan na akong sumubok na mag-audition. Sixteen ako no’n. Hindi ko natandaan ang lyrics kaya pumalya ako. Ayun, di na ‘ko nakapasok, pinagtawanan pa ‘ko. Sabi ko sa sarili, ayoko nang mapahiya nang gano’n.”
“Lahat naman yata ng successful na artist dumadaan sa gano’n. It’s a test for you.Para mas lalo kang gumaling.” Sagot nito.
She never answered. Tumayo siya muli at ipinagpatuloy ang pagspray sa halaman. Hanggang sa matigilan siya nang marinig ang pagtugtog nito. Natitigilan siyang lumingon dito.
“I came home in the middle of the night…my mother says what you gonna do with your life…oh mother dear, you’re still number one, oh girls they wanna have fun, oh girls they… the phone rings in the middle of the night…my father says when you gonna live your life right…well daddy dear, we’re not the fortunate one…oh girls they…”
Jared’s voice lingered in the room. Malumanay at malamig ang tinig nito. He really made that party and upbeat song soft. At mula sa tinig nito ay nakaramdam ng kakaibang sinseridad si Kathryn. Tila sa kanya inaawit ni Jared ang kantang iyon.
“Some boys take a beautiful girl only they hide away from the rest of the world…But not me I wanna be the one in the sun…girls they wanna have fun…oh girls they…”
Dahan-dahan siyang lumapit sa binata at tumabi dito sa piano. Pinagpatuloy nito ang pagtugtog. She felt his voice was bringing her somewhere. Hanggang sa matapos ang pagtugtog nito ay nakangiti siya.
“I’m sorry sa nagawa ko no’ng first meeting natin. I was not like that. Malakas lang talaga ang hangover ko.”
“Okay na ‘yon. I’m sorry din sa kotse mo. Sobrang abala pa tuloy sa’yo.” Tugon niya at siya naman ang tumipa sa piano.
“That’s fine. That fight brought us closer naman eh. Like…this close.” Saad nito. She knew he turned to her. Her body became alert. Pinipigilan niya ang sariling tumingin din dito ngunit tila naman hinihila siya ng kung ano.
Dahan-dahan ang ginawa niyang paglingon upang maiiwas kahit kaunti ang kanyang sarili. And their eyes met. Then it was like magnified. Tahimik na nagbilang sa isip si Kathryn upang umiwas ng tingin ngunit parang nahihirapan siya. Ayaw kumilos ng kanyang katawan upang lumayo sa binata. Baka mangyari na naman na halikan na naman siya nito.
She saw his eyes went down to her lips. Sinundan niya iyon ng tingin. She did the same. She knew she was trembling. But that trembling was magnificent for her. Ngunit alam niyang kailangan niyang umiwas. Hindi tama ang nararamdaman niya na dala ng nangyayari. Ngunit hindi na niya magawang lumayo dahil dito na ang lumalapit sa kanya. She cannot do anything.
Napapikit siya ngunit muli ring nagmulat. She got hypnotized by his eyes. His hot breath gently brushed to her face that brought her in shiver. He is getting closer and closer. Alam na alam niyang hahalikan siya nito. She wondered why but she cannot stop it. Dahil tila iyon ang hinihiling ang tagong sulok ng puso niya. Kung paano nangyari iyon ay hindi niya alam.
His lips almost touched hers. At mariin siyang napapikit habang halos gasinghap na lang ang layo nito sa kanya. His hands moved and softly rubbed her face. She felt her skin was burning. Saka lumapat ang labi nito sa kanya. At wala na siyang nagawa kundi tugunin ang halik na iyon.