ROXY CITY SERIES 1 (MARRY A SONG) Chapter 7

“Ehem…” ang tikhim na iyon ang tila gumising sa kanilang dalawa at nagmamadaling naglayo. Si Kathryn ay kaagad na tumalikod samantalang si Jared ay tumayo. Boses ni Lourd narinig niya.

‘Istorbo talaga si Lourd.’ Saad ng loob niya ngunit kaagad din naman niyang saway sa sarili.

“Bukas kasi ang pinto kaya pumasok na ‘ko. I didn’t-” may himig panunuksong saad ni Lourd. Nag-iinit ang mukhang nilingon niya ito. It is as if she wanted to melt right that moment.

“May pinag-uusapan lang kami.” Sagot ni Jared.

“You sound defensive. Hindi ko binibigyan ng kahulugan ang nakita kong-”

“Cut it, cousin.” Mabilis na tugon ni Jared at siya ay mataktikang inayos ang sarili.

“May sasabihin lang ako kay Kathryn.” Saad ni Lourd na palipat-lipat ang tingin sa kanila.

“Ano ‘yon?” tanong ni Jared na nakatayo pa rin at nasa balakang ang mga kamay.

Humarap sa kanya si Lourd. “Your song that we recorded for the site has just reached ten thousand freaking downloads. And….flood ang site ng request para sa video ng mga kanta mo. That’s why we’re going to shoot your first video!”

“Gano’n kabilis?” Hindi makapaniwala niyang tanong at napatayo. Nakalimutan niya bigla ang nangyari kani-kanina lang.

Panay ang tango ni Lourd. “Kaya nga wala akong choice kundi ipaubaya ka na sa handler ng Link. Kailangan mo nang umikot sa mga bars para sa mga gigs mo. May request na ring radio tour para sa’yo.”

“Oh my God! Hindi ako makapaniwala. Ang usapan natin hindi ganito. I-I…pa’no ang Cat Bar? I mean,…Lourd, alam mo na hindi ko kaya.” maluha-luha dahil sa saya niyang sabi. Kinakain na naman siya ng kaba at pag-aalinlangan.

“Shut up, Kathryn. Tama na ang pagtatago mo. This is your time. At hindi na ‘ko papayag sa gusto mo. If you want to continue on the label, susundin mo ako.” Agap ni Lourd. Tumingin siya kay Jared.

“Congrats.” Saad nito at sa tuwa ay nagtitili siya. Niyakap niya si Lourd.

“Oh.” Anang nagulat marahil na si Lourd.

Isang tikhim ang narinig niya kaya tila na-realize niya ang nagawa kaya bumitaw siya dito. Nakita niya sa Jared na nakatingin sa kanya na tila nagbabanta. Ano iyong nakita niya? Selos?

“Ipapalabas sa youtube ang video mo as one from LinkMusic’s account. At heto pa.” dagdag pa ni Lourd.

“Meron pa?” Na-excite na naman niyang tanong.

“Pumili ako ulit ng kanta galing sa demo mo at inihabol sa Popular Music Festival. I’m sorry I have to do it nang hindi mo alam kasi I really feel positive about it.” Sabi nito.

“And?” pigil ang hininga niyang tanong.

“Nakapasok siya as one of the thirteen finalists! In two months time, i-peperform mo siya on a bigger audience.”

Sa sobrang gulat at saya ay hindi niya napigilang tumili at nagtatalon. Hindi niya akalain na magiging ganoon kabilis ang paggganda ng musical career niya. Sigurado siyang ikatutuwa ng ama niya iyon.

“Hey, hey.” Nangingiting saway ni Jared sa kanya at ito naman ang niyakap niya.

“Ito na ang matagal kong hinihintay, Jared. Ito na siya. Sana magawa ko.” Mangiyak-ngiyak niyang sambit habang yakap-yakap ito. Naramdaman niya ang pagyakap din nito sa kanya.

“Oo naman. Kaya mo ‘yan. Ikaw pa.” Saad nito. Noon siya bumitaw dito at nilingon ang nakangiting si Lourd.

“Thank you.” Sabi niya dito. Nagkibit-balikat ito bilang tugon.

“Pwede ba akong mag-excuse?” tanong niya sa dalawa. Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Jared.

“Tatawagan ko lang ang Papa ko. Pwede?” excited na excited niyang saad. Tumango naman si Jared at tuwang-tuwa naman niyang inabot ang cellphone niya saka lumabas ng opisina. Hindi na siya makapaghintay na sabihin sa kanyang ama iyon.

“Kathryn! Cassie’s here!”

Mula sa kitchen ay lumabas si Kathryn na may dalang isang plato ng nachos chips. Nasa rooftop ng club sila noon at napagpasyahang tumambay. Doon ay mayroon silang sariling apartment na sadyang ipinagawa ni Roxanne para sa kanila.

“Hello, sexy!” masayang bati niya sa kaibigan at lumapit upang yakapin ito. Si Amber ay umupo sa steel na high back chair malapit sa stage. Inilapag nito ang isang pitsel ng root beer.

“How are you?” pangungumusta ni Cassie sa kanila.

“Of course! Okay kami.” Sagot niya. Magkakaharap na sila sa mesa.

“Wala ka yatang oplan linis ngayon sa unit ni konsehal.” pang-aasar nito sa kanya.

She laughed. Kasabay ng pag-iiba ng pakiramdam. Paano’y bigla na lang sumagi sa isip niya ang nangyaring paghalik ni Jared sa kanya.

Hindi niya pa lubos na naiintindihan ang totoong estado nila ni Jared. Matapos ang halik na iyon ay nag-iba na ang pakikitungo sa kanya ni Jared. He became extra sweet. Naglilinis pa rin siya sa unit nito at madalas nang naroon ito kahit lubhang abala ito sa trabaho nito. Madalas na rin silang magkausap. Tinatawagan siya nito at laging may text galing dito. They became closer eventually. At ayaw niyang pigilan ang sariling lalo pang mapalapit dito dahil tila iyon ang isinigaw ng kalooban niya. Nag-eenjoy siyang kasama ito.

“Gusto kong magbreak eh.”

“You know what, Cassie. Parang may naaamoy akong romance dito.” Si Amber. At kumilos pa itong animo’y may nangangamoy na kung ano. Umikot ang mga mata niya.

“Oh, yeah. Parang meron nga, ‘no?” tila sinasakyan pa ni Cassie si Amber.

“Romance nino? Kayo ni Euan?” Sagot niya upang ibalik ang biro kay Amber. She took a sip on her beer.

Umikot naman ang mga mata ni Amber. “Shut up. ‘Wag ka ngang panira ng mood.”

“Hey, dapat akin ang flowers at ako ang florist sa kasal n’yo ni Jared ha.” Kunwa’y banta ng kaibigan sa kanya.

“Kasal agad? Wala namang nangyayari may kasal? Hindi yata ako na-inform do’n.” Umiiling na sabi niya.

Magsasalita sana si Cassie nang biglang nag-ingay ang chime ng pinto. Sabay-sabay silang napalingon doon at nakita nila si Cleo na may bitbit na isang kahon ng Pizza Hut.

“Pizza delivery!” sigaw nito sabay angat ng kahon.

“Wow!” Amber exclaimed. Tumayo ito at mabilis na sinalubong si Cleo.

“Ano bang nangyari sa’yo?” bungad kaagad ni Cassie nang makalapit ang mga ito sa mesa. She really misses her friends. Palibhasa’y may kanya-kanya ring pinagkakaabalahan sa buhay kaya madalang naman silang magkasama nang ganoon.

“Busy kunwari.” Panimulang sabi ni Cleo. Umupo ito sa tapat ni Amber.

“I go get a slicer.” Saad ni Amber sabay takbo papasok ng kitchen. Maya-maya ay bumalik na si Amber na may dalang slicer.

“Here.” At sinimulan nitong hiwain ang pizza.

“I really miss this, guys. The four of us together, talking, laughing. Ano kaya kung mag-perform tayo together?” Ani Cleo. Hindi na kasi sila nakakapagtnaghal nang magkakasama. Sa kanya-kanyang schedule na lang sila nakakasayaw dahil pare-parehong abala.

“Teka. Hindi naman ako kasama d’yan sa performance n’yo. Rocker ako di’ba?” saad ni Kathryn.

“Gusto mong i-try? Sayaw ka naman minsan.” Cassie drilled with amusement.

“Magandang ideya ‘yan.” Aniya sabay tawa. She was never a good dancer. Kaya nga naging bartender siya kaysa dance artist sa Roxy. Kakanta na lang siya maghapon kaysa sumayaw.

“And I thought that this is our agenda, but what are these gorgeous guys doing here?” Wala sa kanila ang atensyon ni Amber. Nakatingin ito sa labas at tila bumilang na ng segundo itong naroroon.

Sabay-sabay nilang sinundan ang tingin ni Amber. Bumungad sa kanila sina Jared at Lourd. Both wearing their style casually, attractive and handsome on their own ways.

Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Kathryn. Jared was simply casual in his maroon shirt and faded jeans. It seemed like Levis. He was very gorgeous though ragged. Malayong-malayo sa madalas nitong suot na barong at mga casual close to corporate attire.

She wondered what brought them to the club. At bakit magkasama ang mga ito.

“Hi.” Kaagad na bati ni Jared nang makapasok ang mga ito at lumapit sa kanila.

“Bakit naliligaw kayo dito?” Takang tanong niya at magulat na lang siya nang bigla siyang halikan ni Jared. She was stunned for a second. Daig pa niya ang dinikitan ng isang blokeng yelo. Hindi niya lubos na inakala na gagawin iyon ng binata.

“I miss you.” Bulong nito sa kanya. Wala siyang naitugon kundi titig lamang. At titig na titig din ito sa kanya. Then he smiled.

Nakarinig niya ng mahinang singhap at may sipol pa. Kasunod noon ay isang tikhim na alam niyang si Cleo.

“Meeting namin ‘to ah. Bakit nag-i-envade kayo?” Biro ni Cleo.

Pumuwesto si Jared sa likod niya hawak ang isang kamay niya. Nais niyang bawiin ang kamay ngunit nahihiya siyang mapansin iyon ng mga kaibigan niya. Bukod pa sa katotohanang gusto din niya ang ginagawa nito. Samantalang si Lourd ay nakita niyang umupo sa stool sa likuran ni Cassie. Nakatingin ito sa kanila at palipat-lipat sa kanila ni Jared. Seryoso ang ekspresyon nito.

“Don’t worry girls, hindi naman kami magtatagal. May sasabihin lang si Lourd. May pupuntahan din kami.” natatawang sagot ni Jared.

“Saan kayo pupunta?” Lalong kumunot ang noo niya sabay tingala dito.

“May tournament kami sa billiards. May practice kami nina Lourd.” Tugon nito habang nilalaro ng kamay nito ang kamay niya. She really liked what Jared was doing. Marahan ang paghawak nito sa kamaya. It was as if caressing her tenderly.

Alam nilang member si Lourd ng isang samahan ng mga billiard enthusiasts at noon lang niya nalaman na kasama pala doon si Jared.

Lumipad ang tingin ni Kathryn sa pinsan nito na noon ay nasa likuran lamang ni Cassie. Umangat lang ang kilay nito.

“Workaholic kasi masyado si Jared kaya paglalaruin ko muna. Bago man lang s’ya sumabak sa senatorial candidacy n’ya.” Ani Lourd at mabilis na kumunot ang noo niya.

“O-okay.” Sagot ni Kathryn. Ngunit sa kabila noon ay napaisip siya sa sinabi ni Lourd.

“Now.” Si Lourd muli. “Kaya ako talaga dumaan dito ay para iannounce sa inyo. Mapi-feature ang Roxy City sa MuNt Magazine.”

“MuNt, as in the music magazine?” Cleo snapped.

“Yes.” Ani Lourd. “Ang totoo n’yan, nag-usap na kami ni Roxanne via skype. She was very excited but as we all know, hindi s’ya makakarating. So…”

“So?” Amber supplied with anticipation.

Iniabot ni Lourd ang ponytail ni Cassie na tila nahulog saka muling nagsalita.

“May photo shoot na gagawin at kasama kayo do’n, Xquizit. Dahil kayo ang popular artists na mayroon ang Roxy City. You will be at centerfold. Kasama rin si Kathryn sa shoot. Iyon na rin ang magiging launching n’ya as artist ng Link.” Sabi ni Lourd.

“Wow, that’s exciting!” Amber gazed an amusement.

“Gusto n’yo ba?” tanong niya habang hindi naiwasang makaramdam ng kaba.

“It’s fine with me.” Madaling sagot ni Amber. Tumingin ito kay Cleo.

“Okay.” Cleo immediately answered swaying her stare to Cassie. Napakurap naman si Cassie na tila malalim ang iniisip.

“Ano, Cassie?” Si Lourd na ang nagtanong dito.

“I…m on it.” Tugon naman ni Cassie.

Lourd smiled and nod his head. “Okay.”

“I’m so excited for this.” Nakangiting sabi ni Amber.

“Do you think we can fit as cover girls?” tanong ni Cleo.

“Why not?” Amber made a face and raised her hands in the air. At kibit-balikat na sumadal sa upuan.

“The magazine is a well service. Walang dapat ipag-alala.” Ani Lourd at tumingin sa kanya. Ngumiti ito at ganoon din siya.

She was very grateful to Lourd. Sa simula pa lang ay naniwala na ito sa kanya tulad ng kanyang ama. Hindi ito sumuko sa kanya dahil sa tiwala nito.

“Just make sure, Lourd, that the girls are taking care of. Lalo na si-”

“Kathryn.” Si Amber na ang tumapos sa dapat umano’y sasabihin ni Jared. Napalingon siya kay Jared. Hindi ito nakatingin sa kanya kundi kay Lourd. Seryoso ang mga mata nito. Muli niyang nilingon si Lourd at nakita niyang nakatitig din ito kay Jared. She got confused.

“Pwede na kami sigurong umalis.” Ani Jared at yumukod ito upang halikan siya sa labi.

Muli ay nakaramdam ng hindi maipaliwanag na tuwa ang puso niya sa ginawa nito. Hawak pa rin nito ang kamay niya na pinisil pa nito. Hinayaan na lamang niya ito kahit na alam niyang panay tanong at kantyaw ang aabutin niya mula sa mga kaibigan niya.

“I’ll see you girls on the photo shoot. Tatawagan ko na lang kayo.” Anang tinig niya Lourd na kung hindi pa niya narinig ay hindi siya lalayo sa binata. Bakit ba kasi sadyang hindi yata naiilang si Jared na halikan siya kahit na may ibang taong naroroon.

Sinundan nila ng tingin ang paglabas ng dalawa at nang mawala ang mga ito sa paningin nila ay napalingon siya kay Cassie. Nakatingin din ito sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang emosyong nasasalamin mula dito.

“Sure ka ba kay konsi?” tanong ni Cleo sa kanya.

“Ano? B-bakit?” tanong niya.

Nagkibit-balikat ito. “Hindi s’ya simpleng tao. Nasa politics. Apo ni Senator Emilio. Eh di’ba kilalang masungit na senador ‘yon?” tugon ni Cleo. Narinig niya ang pagtawa ni Amber.

“Damn. Parang tinatakot si Kat, Cleo.” Ani Amber.

“Don’t jump into any conclusion, girls. H-hindi ko pa rin talaga alam kung ano ba meron sa-”

“Ano? Nag-kiss na kayo sa harap namin. Wala pa rin ‘yon?” agap ni Amber.

“I don’t know.” Naisagot na lang niya.

“Gusto mo ba s’ya?” tanong ni Cleo.

Naumid siya sandali at nagbuntong-hininga. Jared was extra sweet. Ngunit hindi pa niya magawang linawin iyon sa binata.

“O-oo.” Pag-amin niya at ganoon na lang ang pag-angat ng mga kilay ng mga kaibigan niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.